Chapter 13

1221 Words

Kahit natatabunan siya ng mga taong nakaupo sa kan'yang harapan ay hindi pa rin nakalampas sa akin ang kakaibang mga titig niya. Kaya pala kanina ko pa nararamdamang may nagmamasid sa akin dahil nandito pala siya. Taimtim at seryoso siyang makatitig sa akin na para ba'ng may gusto itong sabihin sa akin. Tumayo siya ng hindi inaalis ang mga tingin sa akin. Kinabahan ako bigla pero may pakiramdam akong hindi ko dapat siya balewalain. Pakiramdam ko ay may importante siyang sasabihin sa akin. "Comfort room lang ako," paalam ko sa kaniya upang sundan ang kanina pa nagmamasid sa akin. "Samahan na kita." Mabilis akong umiling at pinigilan siyang tumayo. "Ako na, mabilis lang ako," katwiran ko at labis na kinakabahan. Nakitaan ko siya ng pagtataka pero sa huli ay pumayag din siyang maiwan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD