Hinintay lang namin ang oras nang uwian at papasok na sana ako sa opisina ni Red para magpaalam sa kaniya tungkol sa plano kong pagsama sa mga katrabaho ko. Ngunit bigla na itong lumabas at nagyayang umuwi kaya napamaang na lang ako. Nahihiya rin kasi akong tumanggi ulit dahil ilang beses na nila akong niyaya pero ni minsan ay hindi ko sila napaunlakan. Isa si Tanya sa naging tunay kong kaibigan sa kompanyang ito. At masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga mabubuting.mga kaibigan na kagaya niya na hindi ko noon naranasan. "Let's go?" Aya sa akin ni Red habang masayang nakangiti sa akin. Nag-aalangan ko siyang sinagot dahil nahihiya akong magpaalam pero pinanlakihan ako ng mga mata ni Tanya upang magsalita ako. "Red, hindi sana ako sasama ngayon sa 'yo na umuwi sa bahay." Salubong ang