"Hindi ko alam kung kaya ko ba ng wala ka pero susubukan kong lumayo sa iyo para bigyan ka ng panahon. Kung ito ang kailangan kong gawin ay pipilitin kong kalimutan ka kahit na hindi 'to sa akin madali. Kahit ang sakit sa akin na magpaalam at bumitaw ay wala na akong ibang magagawa. Kung wala na talaga akong puwang sa puso mo ay iiwasan kong hindi na tayo magkatagpo pa dahil kahit ipaglalaban pa kita ay balewala na ang lahat sa 'yo dahil alam kong may iba ka na. Ang hirap lang dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa atin ito." Gusto kong itama ang mga sinabi niyang may mahal na akong iba pero pinigilan ko ang sarili ko dahil mas gugustuhin ko pang isipin niya ng ganoon na lang. "At ngayon ay nakapagpasya na ako na hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Malaya ka na... tayong dalawa," mad