Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay sa-isa kong niligpit ang mga gamit ko. Lahat ng mga damit ko ay nilagay ko sa maleta at nakapagdesisyon ng magpaalam na aalis na. Hindi ko pa tapos ang pagliligpit nang biglang bumukas ang pintoan. Nanlaki ang mga mata ni Red dahil nakita niyang nasa maleta ang mga gamit ko. Nagtataka niya akong nilapitan at kinuha ang mga damit ko upang ibalik sa closet. Nag-agawan kami ng mga gamit ko pero mas malakas siya sa akin. "Pag-usapan natin 'to, Tiny," nagsusumamo niyang wika sa akin. Napasabunot siya sa kniyang buhok at parang hindi alam ang gagawin. Naiiyak ko siyang hinarap at nanghihinang umupo sa gilid ng kama. "Aalis na ako rito Red at salamat sa lahat ng mga naitulong mo sa akin," seryoso kong sabi at inulit ko ulit ang pagliligpit ng iba kong mga dam