"Baby, may problema ba?" nag-aalala nitong tanong nang makita niya akong nagmamadaling pumunta sa banyo. Ngumiti ako at umiling sa kaniya. Ayaw kong mag-alala siya sa akin lalo pa at palagi siyang puyat dahil sa pagbabantay sa akin. Kagigising ko pa lang pero ang sama na ng pakiramdam ko. Naawa tuloy ako sa kaniya dahil alam kong puyat ito kagabi. Maaga kasi siyang umuwi dahil sa pag-aalala sa akin at halos hindi makatulog dahil binabantayan ako. Halos nasa sa akin na ang lahat ng oras niya. Minsan nga ay naririnig ko siyang may kausap sa cellphone at niyayaya siyang mag-inuman pero lagi niyang tinatanggihan. "Okay lang ako, matulog ka muna," mahinahon kong sabi habang naglalakad patungo sa kaniya. "Sabay na tayo." Aya niya sa akin at tumayo siya sa pagkakahiga upang alalayan akong magl