Chapter Two

3270 Words
"Mama, wake up na po." Napadaing ako at napahawak sa tiyan kong medyo masakit pa. Kinusot ko ang mga mata ko saka pinilit na idilat ang mga 'yon. "Yehey! Gising ka na, Mama!" Napakunot ang noo ko at tumingin sa batang babae na nakaupo sa kama katabi ko. Muli akong napadaing saka bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "S-sino ka?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa batang babae. Napalunok ako at bahagyang napaatras sa batang babae, humigpit ang kapit ko sa comforter na nakabalot sa katawan ko. Bakit niya ako tinatawag na Mama? Nagkaanak ba ako ng hindi ko alam? Pero imposible naman 'yon, virgin pa ako sa pagkakaalala ko. May kamukha ang batang 'to, hindi ko lang maalala kung sino, pero sa totoo lang sobrang cute niya. Maputi siya, bilugan ang mga mata, maliit at matangos ang ilong at mukhang natural na mapula ang mga labi, itim na itim din ang makinis na buhok nito pati ang mga mata nito. "Hello Mama, anak mo po ako. Dapat alam mo ang pangalan ko," nakangusong sabi niya. I bit my lower lip and stopped myself from pinching her chubby cheeks. Her looks alone is a ray of sunshine, she's too cute to be true. Baka mamaya manggigil ako at iuwi siya sa amin. Bakit niya kaya ipinagpipilitan na Mama niya ako? Nakakakaba siya, baka naman may kamukha ako tapos iyon ang totoo niyang Mama, o baka naman may saltik lang talaga ang batang 'to? "Ahm..." Hindi ko alam ang sasabihin, wala akong maalala na may anak na ako. Napasinghap ako, baka naman ilang taon na ang nakalipas at nagka-amnesia pala ako? Baka naman anak ko talaga ang cute na batang 'to? "Oh, I remember now. You have amnesia nga po pala sabi ni Papa, sorry Mama," sabi niya saka niyakap ako. Napabuntong hininga ako at kahit naguguluhan ako sa nangyayari, niyakap ko na lang din siya. Sa mga ganitong sitwasyon, dapat sumakay muna ako sa mga nangyayari saka ako tatakas. Hindi ko yata matatagalan ang lugar na 'to, sumasakit ang ulo ko sa nangyayari. "Mama, ang name ko po ay Arkia. I'm Arkia Vei Zaviere, 5 years old," sabi niya at ipinakita pa ang limang daliri niya. Natigilan ako, Arkia Vei Zaviere? Zaviere? Kaano-ano niya naman kaya si Mayor Arken? Natigilan ako at napahawak sa tiyan ko, speaking of Mayor Arken, nanaginip lang ba ako nang makita ko siya sa may eskinita at sinuntok niya ang tiyan ko? Natatawang napailing na lang ako, malamang panaginip lang 'yon. Mabait si Mayor Arken, hindi niya gagawin 'yon. "Mama, are you okay?" Natigilan ako at napatingin sa cute na bata na nasa harapan ko ngayon. Napasinghap ako at tumingin sa paligid. Nasa malaki at magandang kwarto kaming dalawa, halatang mamahalin ang mga gamit dito at talagang nakakasilaw. Napakurap na lang ako at napakamot sa batok ko. Ano ba'ng nangyayari sa 'kin? Muli akong natawa at napasabunot sa sarili kong buhok, siguro nananaginip pa rin ako ngayon. "Mama, siguro po nababaliw na po kayo. Okay lang po, love pa rin po kita kahit mabaliw ka," sabi ni Arkia habang nakatitig sa 'kin. Hindi ko alam kung mai-insulto ba ako matatawa sa sinabi niya. Ang cute niya kasi eh. "Ahm, Arkia, kaano-ano mo si Mayor Arken?" tanong ko. Napakunot naman ang noo niya. "Siya po ang Papa ko, hindi niyo po alam? Ay oo nga pala, may amnesia ka nga po pala." Napasinghap ako sa sinabi niya. Totoo pala ang tsismis na may anak na si Mayor Arken, kaya pala kamukhang kamukha niya ang batang 'to. "Mama, sobra po akong sad ng ilang years kasi po akala ko ayaw niyo po sa 'kin dahil hindi mo po ako pinupuntahan, pero super duper happy na po ako ngayon!" masiglang sabi niya saka muli akong niyakap. Napabuntong hininga na lang ako at tinugon ang yakap niya. Kawawang bata naman 'to, mukhang nangungulila talaga siya sa pagmamahal ng isang ina. Pagbibigyan ko na lang siya ngayon, kunwari anak ko talaga siya. Natigilan kami sa pagyayakapan nang biglang bumukas ang pinto. Napakurap ako nang makitang si Mayor Arken 'yon, agad siyang pumasok sa silid saka lumapit sa 'min. Napalunok ako at tumikhim. Mas lalo akong nagsumiksik sa headboard ng kama at ibinalot ang sarili ko sa comforter. Naramdamdaman ko ang panginginig ng kalamnan ko. Kung gano'n totoo nga ang nakita ko sa eskinita, totoong masamang tao si mayor. "Papa!" tuwang tuwa na bati ni Arkia kay mayor. Tumango lang si Mayor Arken saka umupo rin sa kama. "Why are you disturbing your mother? She's tired," he said and then looked at me. Napalunok ako sa sinabi niya kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ko dahil sa kaba. Mas lalong umulan ng pagtataka sa isipan ko. Bakit niya sinasabi kay Arkia na ako ang Mama nito? Bakit siya nagsisinungaling sa anak niya? Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mukha ni Mayor Arken, kung gwapo siya sa malayuan, mas gwapo siya ng sampung beses ngayong magkaharap na kami. Itim ang mga mata nito katulad ng kay Arkia, makapal ang kilay niya na bumagay sa matangos niyang ilong, nahiya rin ang labi ko sa ganda ng labi niya, manipis ang upper lip niya at medyo makapal ang lower lip, hindi siya maputi tulad ni Arkia pero hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan niya, idagdag pa ang balbas nito na hindi naman makapal, stubble beard style. Hindi ko akalain na maa-attract ako sa balbas ng lalaki. Bumagay naman kay Mayor Arken pero ano kaya ang hitsura niya kung aahitin niya 'yon? "Excited na po kasi ako na ma-meet si Mama," sabi ni Arkia saka kumapit sa braso ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko habang nakatingin sa kanilang mag-ama. Naguguluhan na talaga ako sa nangyayari. Bakit ako nandito kina Mayor Arken? Bakit ako tinatawag na Mama ni Arkia? "Mama, are you hungry na po ba? You didn't eat all day. Natulog lang po kayo," nakangusong sabi niya. Tipid na ngumiti na lang ako saka umiling. "H-hindi ako gutom," pagsisinungaling ko. Natigilan silang dalawa nang kumalam ang sikmura ko. Napapikit na lang ako ng mariin at napahawak sa tiyan ko. "Papa, gutom na po si Mama. Kawawa naman ang Mama ko," nakasimangot na sabi ni Arkia. "Let's eat then," sabi ni Mayor Arken saka tipid na ngumiti. "Papa, hindi ka po ba happy na makita si Mama? Hindi mo na po ba siya love?" nakangusong tanong ni Arkia. Natigilan ako nang ilapit ni Mayor Arken ang kamay sa pisngi ko saka marahang hinaplos iyon. Hindi ko alam kung bakit pero nagtayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko. Yung dating kilig na nararamdaman ko sa kanya naging kilabot na. Agad na nanginig ang mga kamay ko kasabay ng pagtayo ng mga balahibo sa batok ko. Merong kakaiba sa mga mata niya na ngayon ko lang napansin. Nakakatayo ng mga balahibo. "Of course not, I love your mother so much," he said in a cold tone while looking directly at me. I almost hugged myself, his voice sent chills down to my spine. "Let's eat," sabi na lang ni Mayor Arken saka agad na tumayo. Hinawakan naman ni Arkia ang kamay ko at hinila ako patayo. Napakamot na lang ako sa batok ko at nagpatianod sa kanya. Sa totoo lang ay kinakabahan ako sa mag-amang 'to, iba ang pakiramdam ko sa nangyayari, gusto ko man sumigaw at tumakbo palayo, natatakot ako na baka kung ano pa ang gawin ni mayor. Ngayon ko lang na-realize na ibang damit na pala ang suot ko, simpleng itim na t-shirt at jogging pants na medyo malaki sa 'kin. Kanino naman kaya 'to? Napaawang ang labi ko nang lumabas kami ng kwartong 'yon. Ngayon lang yata ako nakapasok sa ganitong kaganda at ganitong kalaki na bahay. Halos masilaw ako sa mga painting at mamahaling gamit sa paligid, nakakatakot namang mag-gala rito, baka may mabasag pa ako, paniguradong mahal ang babayaran ko kapag nagkataon. Napasinghap ako nang mapatingin sa chandelier na nasa mataas na kisame. Halos mapanganga ako habang nakatingin do'n. "Aray." Napatigil ako sa paglalakad nang mapabunggo ako sa kung saan. Napasinghap ako nang mapansing bumangga pala ako sa likod ni Mayor Arken, grabe, ang tangkad niya pala talaga, o baka naman sadyang maliit lang ako? "S-sorry," I murmured softly. He didn't say anything. I bit my lower lip when I accidentally inhaled his scent. Grabe, ang bango pala talaga ni Mayor Arken, ano kaya ang perfume niya? Mukhang mahal pa sa buhay ko 'yon. Napailing na lang ako, hindi ko dapat nagagawang hangaan ang amoy niya at lahat ng tungkol sa pagkatao niya. Masama siyang tao, maskara niya lang ang ipinapakita niya sa mga tao. Napakurap ako nang sa wakas ay nakarating din kami dining room. Halos malaglag ang panga ko sa haba ng mesa at sa dami ng mga pagkaing nakahain. Natakam ako bigla, ramdam na ramdam ko na ang gutom ko eh. "Mama, sit here," sabi ni Arkia at pinaupo ako sa tabi niya. Pasimple akong tumingin kay mayor na umupo sa tabi ni Arkia, bale napanggigitnaan namin si Arkia ngayon. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari pero go with the flow na lang muna ako ngayon, wala ng napasok na maayos sa isip ko dahil sa gutom eh. Halos maglaway ako dahil sa mga pagkain na nakahain, mukhang mapapadami ang kain ko ah. "Papa, happy po ako dahil sumabay ka po sa akin kumain for the first time." Napasinghap ako sa sinabi ni Arkia. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob pero tiningnan ko nanng masama si mayor. Anong klaseng tatay siya? Buti na lang mabait na bata ang anak niya at mukhang hindi nagtatanim ng sama ng loob. "Magpray muna po tayo," sabi ni Arkia at pinigilan ako nang akmang kukuha na ako ng pagkain. Pahiya ako ro'n ah. "Lord, salamat po sa food na blessing Niyo sa amin ngayon, salamat din po dahil kasama ko na si Mama at sumabay po si Papa sa amin kumain. Sana po hindi na po magutom ang mga tao sa lansangan, at sana rin po magkaroon na sila ng house para po hindi sila nauulanan kapag naulan at sana po hindi sila magkasakit..." Napangiti ako habang nakatingin kay Arkia na taimtim na nagdadasal. Tatay niya ba talaga si mayor? Magkaibang magkaiba sila eh. "...super salamat po sa blessings na ibinibigay Niyo po sa amin. I love you so much po. Amen." Napatingin ako kay mayor na nakatingin din pala sa anak niya. Natigilan ako nang mapansin kong lumambot ang ekspresyon niya kahit papa'no. Mukhang mahal naman pala niya ang anak niya. "Mama, ano pong gusto mo? Steak po o seafood?" tanong ni Arkia. Napangiti na lang ako dahil hindi pa ako nakakasagot pero nilalagyan na niya ng pagkain ang plato ko, hinayaan ko na lang siya. Hindi naman ako pihikan sa pagkain e. Napatingin ako kay mayor na tahimik na kumakain. Tahimik pala talaga si mayor. Natigilan ako nang maalala ko ang nasaksihan ko sa eskinita, bakit niya kaya nagawa ang gano'ng bagay? Kumusta na kaya yung duguang lalaki? Talaga bang pinapatay niya 'yon? Sana hindi, ilang gabi akong hindi makakatulog nang ayos kung talagang patay na ang taong 'yon na nasa eskinita. Nasaksihan ko ang pagkamatay niya ngunit wala akong nagawa. Tahimik na kumain na lang ako habang panay ang kwento ni Arkia, hindi lang talaga ako makapagconcentrate dahil naiilang ako sa presensya ni mayor. Natapos na kami kumain, hindi ako makapaniwala sa dami ng nakain ko. Gaano ba ako katagal nawalan ng malay at gano'n na lang ang gutom ko? "Mama, siguro po magiging happy na palagi si Papa kasi bumalik ka na," nakangiting sabi ni Arkia. Alanganing ngumiti na lang ako. "Arkia, a-ang totoo niyan hindi talaga ako ang--" "Arkia, go to your room and take a shower. I'll just talk to your Mom," he said in an authoritative voice. "Okay po, mag-usap lang po kayo." Hinabol ko na lang ng tingin si Arkia nang umalis siya ng dining room, pupunta na siguro siya sa silid niya. Grabe, ang masunuring bata naman niya. Napalunok na lang ako nang mapagtanto kong kami na lang ang naiwan ni mayor. Panay lang ang tingin ko sa ibang direksyon. Kinakabahan ako na ewan, parang may kung ano na naman sa tiyan ko. Pero malamang hindi na kilig ang nararamdaman ko ngayon kundi takot. "M-mayor, ano po bang nangyayari? Nasaan po ako ngayon?" nauutal na tanong ko habang nakatingin sa plato ko na wala ng laman. "Obviously, you're in my house," he said coldly with a hint of sarcasm. I supress myself from rolling my eyes. Hindi ko dapat kalimutan na sinuntok ako ng lalaking 'to, nakakatakot siya. "B-bakit ako tinatawag na Mama ng anak mo?" tanong ko pa. Sa lahat ng tanong sa isip ko, iyan ang pinakagusto kong mabigyan ng sagot. "Because you're her mother," he said while looking at me. Ano raw? Naglolokohan ba kami rito? "Mayor, w-wala po akong anak. Pwede bang pauwiin niyo na lang ako, baka nag-aalala na yung kaibigan ko sa 'kin," pakiusap ko sa kanya. Lagot talaga ako kay Wrena at Tita Celina pag-uwi ko, masesermunan ako ng bonggang bongga. "This is your home, you won't leave Arkia. I told you, she's now your child," he said calmly as if he's just giving me a piece of candy. May saltik ba siya? Grabe, may instant anak ako. Nakakaloka na talaga ang mga nangyayari sa 'kin. "Mayor Arken, seryoso ako, pauwiin mo na 'ko. Hindi ko anak si Arkia kaya please--" Pakiramdam ko literal na nanigas ako sa kinatatayuan ko nang lumapit siya sa 'kin at may itinutok sa noo ko. Napalunok na lang ako habang hindi maalis ang tingin ko sa makintab na baril na nakatutok sa 'kin ngayon. "Kapag narinig ka ni Arkia, pasasabugin ko 'yang ulo mo," bulong niya habang malamig na nakatingin sa 'kin. Napalunok na lang ako at napatango. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ang kamay ko, sobrang lamig ng pakiramdam ko. Para na akong maiihi sa takot, pati mga paa ko ay nanginginig na rin. Ayoko namang mamatay sa ganitong paraan, ni hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. "Stop asking questions, just do what I want and we're good." Tila wala sa sariling napatango na lang ako at napalunok. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik nang ilayo na niya sa 'kin ang baril niya saka ibinalik 'yon sa bulsa sa loob ng coat niya. Natigilan ako nang hawakan niya ang braso ko at hinila ako patayo, halos napatingala ako sa kanya dahil masyado siyang matangkad. Nagpatianod na lang ako nang hilahin niya 'ko, ayoko na lang kumontra. Takot ko lang sa makintab niyang baril. Saka bakit naman kaya siya may baril? Pumasok kami sa isang silid. Napaawang ang labi ko nang mapatingin ako sa silid na pinasukan namin, library pala ito. Namangha ako habang nililibot ng tingin ang paligid. Sobrang laki ng library na 'to, triple yata ang laki nito sa city library. Napakarami ring libro, pwede na yata akong tumira rito, wala akong gagawin kundi ang magbasa kapag nagkataon. "Sit down." Agad akong umupo nang paupuin ako ni mayor sa couch, ayoko siyang suwayin at mahirap na. Umupo naman siya sa upuan na nasa tapat ko. "You'll be the mother of my daughter from now on." Napalunok ako sa sinabi niya. Gusto kong magtanong kaso natatakot ako sa kanya... pero sige na nga, magtatanong na rin 'ko. "H-hanggang kailan ako magiging nanay niya?" nauutal na tanong ko. Tumayo siya at hinubad ang coat at waistcoat niya saka nagsindi ng sigarilyo. Napalunok na lang ako habang pinapanood ang bawat galaw niya. "Don't worry, you won't act like her mother for a long time and I won't let someone like you to be her mother for real." Gusto kong mapaismid sa sinabi niya, wala rin naman akong sinabi na gusto kong maging nanay ng anak niya eh. Tumayo ako at hinarap siya, napatigil siya sa paghithit ng sigarilyo saka napakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin. Paano kaya kapag nalaman ng mga tao ang tunay na katauhan ng mayor na iniidolo nila? Hanggang ngayon nadidismaya ako, sobra ko siyang hinahangaan tapos mala-demonyo pala ang ugali niya. "A-ano'ng kapalit? Ano ang gagawin mo para sa 'kin kapalit ng pagpapanggap ko na ina ni Arkia?" buong tapang na tanong ko. Aba, hindi madali ang ipapagawa niya sa 'kin. Hindi pa nga ako nagkakaboyfriend tapos bigla akong magkakaanak. Kailangan may kapalit, para naman hindi masayang ang paghihirap ko. Natigilan ako nang muli niyang kuhanin ang baril niya, napakurap ako habang nakatitig sa makintab na baril na 'yon. Napalunok ako at bahagyang napaatras. "I won't kill you, that's the best offer that I can give you," he said coldly while playing with his gun. Anak ng pating naman, baka naman magkamali siya ng hawak at mapaputok niya ang baril na 'yon. Hindi ba siya natatakot? "I-iyon lang?" tila dismayadong tanong ko. Ano ba 'yan? Ang yaman niya, hindi man lang ba niya 'ko babayaran ng malaki o kaya naman ay bigyan ng bahay, lupa at kotse? Wala ba talaga siyang ibibigay sa 'kin maliban sa hindi niya ako papatayin? "Why? Do you want something else in return?" he asked in a low tone. Napakurap ako nang magsimula siyang maglakad papalapit sa pwesto ko. Napalunok na lang ako at umatras palayo sa kanya, pero nalapit naman siya sa 'kin. "Ahm w-wala na po pala akong ibang gusto, sobrang thankful ko na hindi mo ako papatayin, it's more than enough," sabi ko na lang habang tumatango-tango pa. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo na siya sa 'kin. "I'll buy a house for you and your family in Camarines Sur, I'll make sure that your family will live a good life there and I'll pay all of your debts. By the way, I'll enrol you to a prestigious university and I'll make sure that you'll become a successful veterinarian. How about that?" Natigilan ako sa sinabi niya, napalunok ako at tila hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Bakit alam niya ang lahat ng 'yon? Pina-imbestigahan niya ba ako? "G-gagawin mo talaga lahat 'yon?" naniniguradong tanong ko. "Of course, I can make everything possible for you. But..." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya saka seryosong tumingin sa 'kin. "...if you tell anyone about our agreement and if you leave this house without my permission..." Kinuha niya ang baril niya at pinaputok iyon sa sahig. Napatili ako nanginginig na napaupo sa sahig dahil sa gulat. "...your friend." Muli niyang pinaputok ang baril sa sahig. Muli akong napatili. Mas lalo akong nagulat ngayon kaysa kanina dahil muntik ng tumama sa hita ko ang bala. "...your family." Muli na naman niyang pinaputok ang baril niya sa sahig. "Ahh!" Balak niya ba akong patayin?! "...and you, will die. Do you understand?" Kahit nanginginig ang mga hita ko, pinilit ko pa ring tumayo at harapin siya. Nabutas na ang sahig dahil sa ginawa niya. May saltik talaga ang mayor na 'to, akala ko tatamaan ako ng bala niya. "N-naiintindihan ko, hindi kita susuwayin, c-cross my heart," nauutal na sabi ko. Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako at ang lakas pa rin ng t***k ng puso ko dahil sa bigla niyang pagpapaputok ng baril. "And let me remind you the most important thing of all..." he said and harshly grabbed my arm and pulled me closer to him. Napalunok na lang ako at napatingala sa kanya, ang lapit namin masyado sa isa't isa. Malamang ramdam na ramdam niya ngayon ang nagwawalang puso ko. Sino ba namang hindi aatakahin sa ginawa niya? "...don't fall in love with me, value your life."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD