Special Chapter

1050 Words
Nahugot ni Koen ang kanyang hininga nang salubungin siya ni Rain ng isang yakap. Ipinulupot niya agad ang mga kamay sa manipis nitong katawan. Habang yakap niya ito, mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng laboratory.  "What happened here?" tanong na naisatinig niya pala.   Tumingala si Rain sa kanya nang hindi bumibitiw. Parang malulusaw ang puso ni Koen habang nakatingin sa maamong mukha nito na may bahid ng luha. Paulit-ulit itong umiling at sinasabing hindi nito pinatay si Casimir.   "Shhh... It's okay. I'm here. And I believe you," pang-aalo niya kay Rain habang himas-himas ang likod nito.   Naramdaman niyang kumalma ito at unti-unting nawalan ng malay. Nagtatalo ang isip niya kung iuuwi niya ito sa bahay o kung ihahatid na lang sa bahay ng mga Lavares. Sa huli, sinunod niya ang puso niya. Matapos niyang mailapag sa malambot na kama ang katawan ng dalaga, iniwan na niya ito at bumaba para asikasuhin ang kailangang asikasuhin. Pinalabas niya muna sa malalaking kulungang bakal ang mga asong sina X at V para magbantay.   Bumalik siya sa unibersidad na pagmamay-ari niya at pumunta sa control room na siya lang ang may access. Halos isang oras siyang nanatili roon at inobserbahan kung saan nag-ugat ang lahat. Mula sa unang araw ng pagpunta ng mayor, ang pag-video ni Rain sa usapan ng mag-ama, maging ang pag-send ni Rain ng kopya niyon kay Casimir, at ang pag-abot ng binatilyo ng isang pirasong papel kay Rain.   Huli niyang tiningnan ay kung paano nito nasaksak si Casimir.  Kitang-kita niya mula sa kuha ng cctv ang unti-unting pagsara ng mga mata ni Rain. Di nagtagal, lumaylay ang mga kamay nitong nakakapit sa mga kamay ni Casimir na siyang sumasakal dito. Mula sa eksenang iyon, dahan-dahang bumitiw si Casimir kay Rain at doon na nakita ni Koen kung paanong bigla na lang bumukas ang dalawang mata ng dalaga bago pa ito matumba.  Maliksi ang naging kilos ni Rain at paharap na ipinatid ang nakataas nitong binti. Sapul si Casimir sa mukha at natimbuwang. Nanlaki pa ang mga mata nito na nakatitig sa babaeng inakala nitong patay na. Muling sumugod si Rainsleth at isang tadyak pa ang pinakawalan. Napatagilid si Casimir sa lakas niyon. Doon ito nakahanap ng tiyempo at mabilis na inabot ng lalaki ang kutsilyong nalaglag nito kanina.  Tumihaya ito at itinuon ang talim niyon sa dalagang may balak na namang umatake. Hindi man lang kakikitaan ng takot si Rain... humakbang pa ang dalaga palapit habang paurong naman nang paurong si Casimir at nakatutok pa rin ang kutsilyo. Unti-unting nang nakakatayo.   Isang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa nang si Casimir naman ang umatake gamit ang kutsilyo. Singbilis ng kidlat na biglang isinangga ni Rain ang likod ng kanyang kamay sa may palapusuhan ng lalaki, inikot ang sariling kamay at mahigpit iyong ikinapit sa bisig ni Casimir saka ito pinilipit. Nabitiwan ng lalaki ang patalim pero bago pa iyon mahulig sa sahig, pinatid iyon ni Rainsleth pataas sa ere at sinalo gamit ang kabilang kamay.  Wala itong sinayang na oras at mabilis iyong itinarak sa dibdib ng kaharap. Dahan-dahan itong umatras habang tinititigan ang unti-unting pagbagsak ni Casimir sa sahig. Hindi nagtagal, sumunod ang katawan ng dalaga.   Lumabas si Koen mula sa control room at tinahak ang daan papuntang lab. Isang bagay lang ang kinuha niya roon at tumawag na siya ng mga pulis. Hindi niya pinagsisihang ginawa niya iyon kahit ang kapalit niyon ay ang pagkamuhi sa kanya ni Rain. Nagtago siya sa kadiliman ng gabi at palihim na sinundan ang papalayong dalaga. Nadudurog ang puso niya sa tuwing lilingon ito pabalik sa ancestral house.  Sinabayan niya itong maghintay sa gilid ng kalsada. Nang makita niyang dumating sina Araselah at Reuben, doon lang siya tumigil sa kakasunod. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon at bumabalik sa kanya ang matatalim na tingin na ipinukol sa kanya ni Rain.   Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, itinago ko na sana ang diary.  Maaga siyang gumising kinabukasan at idinayal ang numerong nakuha niya mula sa registrar's office.  "Puntahan mo si Rain sa bahay nila, kakailanganin niya ang tulong ng ama mo," walang paliguy-ligoy niyang sabi bago pa man makapagsalita ang nasa kabilang linya.  "What? Wait, sino ka ba?"   "Codename V." Hindi na niya hinintay ang sagot ni Jace at pinutol na ang tawag.  Sunod niyang tinawagan ang inutusa niyang magbantay sa kilos ni Jaece at kinompirma kung ginawa nga ng lalaki ang usinabi niya rito na tulungang akalaya si Rain. Kasunod niyon, pinaharurot na niya ang sinasakyang motor papunta sa mansion ng mga Estrella. Ipinakita niya sa security guards ang kanyang ID at itinawag agad iyon sa kanilang amo. Pinagbuksan siya ng mga ito at agad sumalubong sa kanya ang mayordoma. Iginaya siya nito papasok sa mansion at inihatid sa may pintuan ng opisina ni Mayor Estrella. Hindi na siya kumatok at basta na lamang pumasok. Naabutan niya roon ang mayor na nakaupo sa likod ng mesa.  "Ano'ng maipaglilingkod ko sa tagapagmana ng angkan ng Someroux?" magiliw na bati ni Mayor Estrella. Humakbang siya palapit at pabatong inilagay sa ibabaw ng mesa ang papel na ipinadala ni Casimir kay Rain. Kasama roon ang usb na pinaglagyan niya ng kopya ng video na kuha sa cctv. Nakapamusang hinarap niya ito nang walang ipinakikitang takot. "Gusto kong iatras mo kaso laban kay Rainsleth Lavares," hindi iyon pakiusap kundi utos. "At bakit ko naman gagawin iyon? Baka nakakalimutan mong anak ko ang pinatay rito, Mr. Someroux," bahagyang tumaas ang boses ng may-edad na lalaki.  "Hindi ko nakakalimutan, Mr. Estrella." Itinukod niya ang dalawang kamay sa mesa ng mayor at taas-noong inilapit dito ang kanyang mukha. "Mas lalong hindi ko nakalilimutang ako ang head ng asosasyon. At pwedeng-pwede kong ibunyag sa lahat ang baho mo. I know everything."  "Tinatakot mo ba ako? Ako na mayor ng bayang ito?" Nanlaki ang mga butas ng ilong nito at tumalim ang tingin.  Nagkibit lang siya ng balikat at akmang tatalikod na. At bago pa siya nagsimulang humakbang, nilingon niya muna ito sa pinakahuling pagkakataon. "Ignore my warn, and you'll receive my wrath," banta niya kay Mr. Estrella.  Nagtuloy-tuloy na siya sa paglabas ng opisina nito. Hindi pa man siya nakakalayo, rinig na niya ang malulutong na mura ni Mayor. Alam niyang tuso ito... pero wala nang mas tutuso pa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD