Chapter XVIII–2

1209 Words
Pumasok si Rain sa kusina bitbit ang pinagkainan. Naabutan niya roon si Reuben na naglalampaso ng sahig. "Wala kang pasok ngayon?" tanong niya rito habang iniiwasang maapakan ang basang parte. Nagtuloy-tuloy siya sa lababo at inilapag doon ang hugasin. "Nagpaliban na muna ako," tipid na sagot nito. Binuksan niya ang gripo at sinimulang magsabon. "Iwan mo na lang iyan diyan. Magpahinga ka na roon," awat nito sa kanya. Nilingon niya at nginitian. " Hayaan mo na ako. Kaunti lang naman 'to." Saglit itong napatitig sa kanya at marahang tumango. Nagpatuloy na siya sa ginagawa at ganoon din ito. "Magkaibigan pala kayo ni Estrella?" tanong niya kay Reuben nang hindi ito nililingon. "Saan mo naman nalaman iyan?" Naglaho sa hangin ang tunog na likha ng ginagawa nito. Batid niya na tumigil ito upang tingnan siya. "Narinig ko lang." Nagkibit siya ng balikat habang binabanlawan ang hinuhugasang pinggan. "Hindi ko siya kaibigan," mariing sagot nito. Tumayo siya nang tuwid at isinarado ang gripo. Pinunasan niya muna ang basang kamay saka siya humarap kay Reuben at nakahalukipkip na sumandal sa gilid ng lababo. "Kung ganoon, hindi mo alam na isa siya sa pumatay sa kaibigan mong si Xena?" Tinaasan niya ng kilay ang kapatid. "How did you know?" Nagsilabasan ang kunot sa noo ni Reuben. "Narinig ko lang mula sa Daddy niya," pahapyaw niyang sagot. Iniiwasan niyang ikuwento sa kapatid ang lahat ng nangyari. Itinabi nito ang hawak na basahan at humarap sa kanya. "Ano pa?" muling tanong nito habang humahakbang palapit sa kanya. "Iyon lang. Bakit? May dapat pa ba akong malaman?" Sumunod ang tingin niya rito nang tumabi ito sa gilid niya at inabot ang hawakan ng gripo. Umusog naman siya nang kaunti. "Wala ba siyang nabanggit kung sino ang kasama ni Estrella?" Bumaling ang tingin ni Reuben sa kanya habang nagsasabon ng mga kamay. Iling lang ang itinugon niya rito. Nangibabaw ang buntong-hininga nito sa katahimikan ng silid. Hindi siya sigurado kung nalulungkot pa rin ito sa pagkawala ni Xena o kung dahil na iyon kay Casimir. Inaya siya nitong manood na muna habang nagpapalipas ng oras. Hindi ito sanay na matulog nang maaga kaya sinamahan na niya bilang pasasalamat sa kabutihan nito sa kanya. Nasa kalagitnaan na sila ng panonood ng Taken nang may pumasok na tanong sa utak ni Rain. "May alam ka rin ba sa codes at ciphers?" 'di niya napigilang itanong. "Konti." Bahagyang pumaling ang ulo nito paharap sa kanya. "May mga natutunan ako dahil sa paghahanap ko ng sagot doon sa suicide note na nakita ni Selah," paliwanag ni Reuben. Napatango-tango siya sa narinig. "May nai-save ka bang kopya ng mga natutunan mo? O 'di kaya'y turuan mo na lang ako," suhestiyon niya sa kapatid. "Wala akong nai-save dahil 'di ko naman kailangan ng kopya n'on. Meron ka na, eh." Ngumiti ito sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa pinapanood. "Talaga? Nasaan?" Sinilip niya ang mukha ng katabi at pilit inaagaw ang atensiyon nito. Gumalaw ang mata nito papunta sa kanya. "Nakalimutan mo na? Kinuha mo iyon sa akin kasabay ng pagkuha mo sa note na iyon." Nang marinig iyon, biglang bumalik sa alaala ni Rain ang notebook na iyon na nakalimutan niyang buklatin dahil sa nakita niyang diary. Nagmadali siyang tumayo at nagpaalam kay Reuben na hahanapin niya muna iyon. Nagtanong pa ito sa kanya pero wala na siyang naintindihan. Nasa bagay lang na iyon nakapukos ang atensiyon niya. Inalala niya kung saan niya iyon nailagay saka iyon kinuha. Sumalampak agad siya sa ibabaw ng kama dala ang diary at ang notebook na tinutukoy ng kanyang kapatid. Muli niyang binuklat ang diary sa pahina kung saan nakasulat ang mga pangalan ng pumatay kay Xena... Buong gabi niyang hinanap sa notebook niya na puno iba't ibang codes at ciphers ang tamang gamitin para ma-decipher ang iba pang nakasulat doon. Inabot siya ng madaling araw bago niya na-decipher ang pangalawang pangalan na nakasulat doon—ang ZCTVCIXGECLGH. Gamit ang Daedalus Cipher na nakita niya roon. Sinubukan niya iyon gamit ang iba't ibang shift. Mula sa shift of one hanggang sa umabot siya sa shift of seven. Naging madali sa kanyang intindihin ang cipher na iyon dahil isa iyong uri ng Caesar's na naka-reverse. Halos hindi siya makapaniwala nang unti-unti niyang nabuo ang pangalan ng ikalawang taong nakasama ni Casimir sa pagpatay kay Xena. Inulit niya pa iyon nang makailang beses para lang makasiguro kung tama ba ang pagkaka-decipher niya. Pero kahit ano'ng pilit niyang isaayos iyon para lang magbago ang pangalan, hindi na iyon napalitan pa. Ang ZCTVCIXGECLGH ay walang iba kung hindi si Henley Jace Vaz. Kumuyom ang kanyang kamay at kasabay niyong nilakumos ang papel na pinagsulatan niya ng nabuong pangalan. Naisubsob niya ang mukha sa mga brasong nakapatong sa tuhod at doon naglabas ng sama ng loob. Hindi matanggap ng buong sistema ni Rain na isa si Henley Jace sa mga gumalaw at walang awang pumatay kay Xena. Ni minsan ay hindi niya ito kinakitaan ng masamang ugali. Kaya ba hindi ito takot sa batas, dahil lawyer ang ama nito? Please, Jace, sabihin mong nagkamali lang ako... Buong magdamag siyang hindi nakatulog sa kaiisip kay Jace. Mabuti na lamang at walang pasok dahil araw ng Linggo. Balak niya sanang magkulong na lang sa loob ng kwarto sa kawalan ng ganang makipag-usap kahit sa kapatid niya... Pero hindi iyon nangayari. Mag-aalas nuwebe pa lamang nang may kumatok na sa pinto at bumungad doon ang mukha ng taong ayaw niya na sanang makita pa o makausap man lang. Ang taong gusto niyang iwasan at kamuhian. "Oh, Jace... Napadalaw ka?" rinig niyang tanong ni Reuben na siyang nagbukas ng pinto sa bagong dating. Kalalabas niya lang mula sa kusina dala ang isang baso at pitser ng tubig. Humigpit ang kapit niya roon at nagkunwaring hindi niya nakita o narinig ang dalawa. Nilakihan niya ang mga hakbang para makapasok na sa kwarto pero bago pa siya nakalapit, nakita na siya ng kuya niya. "Clumz..." tawag nito sa kanya. "May bisita ka." Napabuntong-hininga siya sa kawalan ng mapagpipilian. Gustuhin man niyang dedmahin ang lalaki, ayaw niya namang mapahiya ang kapatid niya lalo na't may utang na loob sila kay Jace kahapon. Pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi paglingon niya sa lalaki. Iniwasan niya na lang na tumingin nang diretso sa mga mata nito. "Ang aga mo yata? May kailangan ka?" diretsahang tanong niya kay Jace. "I just want to check on you. Nakakaistorbo ba ako?" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Reuben at nanatili sa kinatatayuan. Hindi man lang magawang pumasok dahil sa kahihintay ng tugon niya. "Of course not! Ikaw pa ba?" mabilis na sagot ni Reuben. Lihim siyang napangiwi nang yayain nito si Jace na pumasok na muna at maupo. Kaya imbis na dalhin sa kwarto ang pitser at baso, iyon na lang ang inialok niya sa bisita bago umupo sa katapat na upuan. "Nga pala... Nai-cremate na ng pamilya ni Estrella ang labi niya. At ang sabi ni Daddy, iniatras ni Mayor ang kaso laban sa iyo dahil self-defense lang daw ang nangyari," pagbibigay alam nito. Tumango lang siya at hindi na nagsalita. Gusto niyang ipakita kay Jace na hindi siya interesado sa pinagsaaabi nito. "Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung bakit kayo humantong sa ganoon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD