I think I'm getting crazy for thinking of myself as Rage's woman. I immediately buried that thought at the back of my mind and finished my food.
"So, ano nang balak mo?" tanong ni Janessa sa akin pagkatapos niyang inumin ang kanyang lemonade.
"Hindi ko alam," sagot ko sabay sandal sa sandalan ng aking kinauupuan. Huminga ako ng malalim at napapalatak naman si Janessa dahil sa aking pagkawala sa mood.
"Hindi ka naman mukhang problemado, 'no. Konti lang," sarkastikong wika ni Janessa. "Alam mo, kung ako sayo, makipag-ayos ka na kay Rage. Dadalhin mo ba talaga iyang sama ng loob mo hanggang sa hukay?"
"Ayoko nang pag-usapan pa si Rage, please. Stop."
"Okay," kibit-balikat ni Janessa. "Ikaw rin naman magpapahirap sa sarili mo, eh."
Sa sobrang pagka-badtrip ko sa nangyayari ngayon ay minabuti ko na lamang manahimik hanggang sa matapos ang lunch time. Lumabas kami ng restaurant ni Janessa at nagpunta sa front parking area kung saan nakaparke ang sasakyan niya.
"Magta-taxi na lang ako pabalik sa office. Nakakaabala na ako sayo, Jan," wika ko kay Janessa.
"Sus, diyan lang naman ang office mo. Tsaka hindi ka abala sa akin, 'no. Alam mo namang kapatid ang turingan natin kaysa magpinsan."
Nag-iisang babae kasi si Janessa sa kanilang apat na magkakapatid. Ako naman ay nag-iisang anak.
Wala na rin akong nagawa kung hindi ang sumabay na kay Janessa. Habang isinusukbit ko ang seatbelt ay naalala ko ang kotse ko.
"Hindi ko pa alam kung kailan maayos yung kotse ko kaya magco-commute na ako simula bukas."
"Kung sakaling mapapadaan ako sa pinagta-trabahuhancmo mag-message ka lang, ha," ani Janessa.
Nasaktuhan lamang kasi na nagbakasyon siya dito sa Manila galing Tarlac dahil doon siya nagsi-stay at the moment. One week na niya akong hinahatid at sinusundo sa office kaya dinapuan na ako ng hiya dahil imbis na natutulog pa siya ng mahimbing ay gumigising siya ng maaga para lamang sunduin ako sa apartment at ihatid ako sa opisina.
Habang nagmamaneho si Janessa ay nagsalita siyang muli. Habang ako naman ay tahimik na pinapanood ang mga sasakyan sa kalsada.
"Maiba ako," ani Janessa. "Bakit ba nagpapakahirap kang mamuhay ng ganyan? Kumpara sa ating lahat na magpipinsan, ikaw ang pinaka-angat, eh. Bakit hindi mo na lang iwan ang trabaho mo at bumalik sa Tarlac?"
"Jan, can we stop talking about things related to our family? I really don't want to talk about any of it," I sounded a bit pissed.
Ang totoo, may punto si Janessa. Si dad ang panganay sa limang magkakapatid. Pumapangalawa sa kanya ay si tita Valeria, sumunod si tito Samuel, pagkatapos ay si tito Andrew, at ang bunso ay si tita Claudia.
Bago pumanaw sina lolo at lola ay mayroon silang iniwan na kasulatan tungkol sa mana. Dahil si daddy ang panganay ay sa kanya ipinamana ang ancestral house at old house pati na ang malaking lupain na nakapaligid sa dalawang houses na ito. Nasa loob ng lupain na iyon ang pagawaan ng tela, rancho, at palayan na naging negosyo ng aming angkan na ipinagpatuloy ni daddy. Kay tita Valeria naman napunta iyong mga alahas ng lola at lolo na malaki rin ang halaga. Napunta naman kay tito Samuel iyong tatlong malalaking rest house. Kay tito Andrew naman ay ang tatlong mamahaling sasakyan at tatlong vintage cars na maaari niyang i-auction kung nanaisin niya. At kay tita Claudia naman ay malaking sum ng pera na nasa bangko.
Ako naman ang kauna-unahang apo at pamangkin sa angkan ng mga Fuentes. Sumunod ay ang mga anak ni tita Valeria na sina Sebastian at Courtney. Kay tito Samuel naman ay sina Leo, Elijah, Jacob, at Janessa. Anak naman ni tito Andrew sina Selena at Serena. Sina Caleb at Jude naman ay mga pinsan ko rin kay tita Claudia.
At darating silang lahat mamaya sa old house para salubungin si Rage. Hindi na iba si Rage sa aming pamilya kaya ganito na lamang ang init ng pagsalubong sa kanya.
Ngunit ako lamang ang bukod tanging malamig ang isasalubong sa kanya mamaya.
"Oh, kunot na naman ang mga kilay mo. Itigil mo nga yan," saway ni Janessa sa akin.
Hindi na lamang ako umimik hanggang sa maihatid na ako ni Janessa sa tapat ng building ng office.
"Susunduin kita mamaya, ha. Uuwi tayo ng Tarlac. Ayusin mo na agad ang mga gamit mo pagkauwi mo sa apartment mo. Eleven ng gabi pa naman makakadating si Rage kaya aabot pa tayo," paalala ni Janessa.
"Sinong magsusundo?" pagtataka ko.
"Aba. Concern ka na?" pang-aasar ni Janessa sa akin.
"Pwede ba," saway ko at saka ko pinaikot ang aking mga mata.
"Lahat ng pinsan nating mga lalaki at mga kuya ko except kay Sebastian. Alam mo naman yon parang VIP."
"Sige na. Kita na lang tayo mamaya. Thank you sa paghatid," saad ko at saka na ako lumabas ng kotse. Dumiretso ako sa office at nagtrabaho.
Pagkaupo ko sa aking workstation ay binuksan ko ang aking drawer at tinitigan ang resignation letter na ginawa ko kahapon.
Simula noong nalaman kong uuwi si Rage ay alam kong pauuwiin ako ni daddy sa Tarlac. Ang hindi ko lamang maintindihan sa sarili ko ay kung bakit ngayon ko pa naisip na what if umuwi na ako. Noong mga nakaraang taon kasi, pilit akong pinapauwi ni daddy sa old house at samahan siyang magpalakad sa mga namana mula kay lolo at lola. At dahil matigas ang aking ulo ay hindi ko siya pinapakinggan. I was twenty-two years old when I came here in Manila and started to work like any ordinary person.
When dad learned about my life in Manila, he started to ask each of my cousins to persuade me to go back home, but each of them failed.
And now, Rage is his last straw, I guess.
At naiinis ako sa sarili ko dahil sinapian ako ng kung sinong multo at nakagawa ako ng resignation letter para umuwi na ako sa Tarlac.
I think dad is trying to hit two birds in one stone. One is me going back home and two, Rage and I reconciling.
Makakauwi ako ng Tarlac pero hindi ako makikipag-ayos kay Rage. Nandito pa rin ang sama ng loob ko sa kanya dahil sa pangiiwan niya sa akin at hindi ko iyon basta-basta makakalimutan kahit gaano pa katagal na panahon ang lumipas.
Lumipas ang buong maghapon at saka ako nagmadaling umuwi sa apartment para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ko alam kung bakit wala akong tinirang gamit ko na para bang hindi na ako babalik dito.
I stared at my open luggage na puno ng damit. Balak ko sanang mag-iwan ng mga damit ngunit nagbago ang isip ko. Isinara ko na lamang iyong luggage sa huli.
Hinintay ko si Janessa sa tapat ng apartment dala ang aking tatlong luggage at isang hand carry. Puno rin ang puting tote bag na nakasukbit sa aking balikat.
It took Janessa almost ten minutes to arrive. Lumabas siya kaagad sa kanyang sasakyan at tinulungan niya aking ipasok sa trunk ng sasakyan ang mga luggage ko.
"Nakakagulat ka naman, Ysa. Akala ko ilang araw ka lang mamamalagi sa Tarlac tapos babalik ka na ulit rito. I didn't expect na mag-aalsa balutan ka ng ganito," hinihingal na wika ni Janessa matapos niyang maipasok sa trunk iyong maleta ko. "Ang bigat! Aminin mo na, excited kang umuwi sa Tarlac! Si Rage lang pala ang magpapauwi sayo sa atin!"
"Shut up, Jan!" I yelled sa hindi malamang dahilan. Tumawa naman ng tumawa si Janessa.
"Look at your face! Pulang pula! Aminin mo na kasi! Inisa-isa kami ni tito Hermano para mapauwi ka lang sa Tarlac tapos hetong si Rage, hindi mo pa nga nakikita pero nag-alsa balutan ka na. Grabe!"
"Ewan ko sayo! Babalik rin ako dito! H-hindi ko naman na nagagamit yung ibang dala ko. Iuuwi ko lang sa old house p-para lumuwag yung apartment," pagdadahilan ko.
"Sus! Pwede ba, Ysabelle, kilala kita. Okay lang naman yan. At least uuwi ka na sa atin," wika ni Janessa. "Teka, paano na yung trabaho mo? Nag-vacation leave ka ba?"
Napaiwas ako ng tingin ngunit sinagot ko rin siya. "N-nagresign na ako.."
Humagalpak ng tawa si Janessa at halos mabatukan ko na siya dahil naiinis na ako sa mga reaksyon niya.
"Isa! Tumigil ka na nga! Kanina ka pa, ha!" naasar kong saway kay Janessa na napahawak pa sa kanyang mga tuhod dahil sa panghihina niya sa katatawa.
I watched her laugh like she's going to die until she stopped.
"Ano, okay ka na? Masaya ka na niyan sa buhay mo?" I asked Janessa sarcastically.
"Okay na,"sagot naman niya. "Pinapaligaya mo talaga ako, my dear cousin," ani Janessa habang pinupunasan niya ang kanyang mga happy tears sa kanyang daliri. "Aminin mo na kasi," aniya pa.
"Aminin ang alin?" irita kong tanong.
"Na nami-miss mo si Rage and you're excited to see him after all the resentment you feel towards him."
Matapos kong marinig iyon mula kay Janessa ay hindi ako sumagot o nagbigay ng reaction. Basta na lang ako pumasok sa passenger's seat.
Am I that obvious?