Kabanata 19

1408 Words
Mariya Ysabelle Margarita Pagkatapos naming mag-usap ni Rage, sinundan ko si Leo. Sigurado kasi akong pupunta iyon sa rancho. Patakbong lakad ang ginawa ko sa pagpunta ko sa rancho para maabutan ko pa si Leo. Nang makarating ay tuluyan na akong tumakbo papunta sa kanya. He is all set and ready to ride his horse. Nakaupo na siya sa likod ni Rocco. "Leo!" tawag ko sa kanya. Nagawi sa akin ang kanyang atensyon. Si Andres ang tumutulong sa kanya sa paghahanda ng kabayo niya. Nang makalapit ay nagsalita si Andres. "Maiwan ko muna kayo. Marami pa kasi akong gagawin sa mga kwadra," aniya. Tumango lamang ako sa kanya at saka na siya umalis. "Bakit, Ysa?" poker face na sambit ni Leo. "Huwag na kayong mag-away ni Rage, please?" pagmamakaaawa ko. Tumingin si Leo sa kanyang harapan at pinagmasdan ang kalayuan ng lupain. "Are you siding with him?" ani Leo. Hindi pa rin nawawala ang poker face niya. Napakunot naman ang noo ko sa kanyang sinabi, naguguluhan. "What do you mean?" Umiling-iling si Leo. "Sabagay, tinuring mo siyang kuya, like a family. Wala naman akong magagawa dahil pinalaki siya ni tito Hermano." "Teka, Leo, wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Ano bang nangyayari?" naguguluhan kong saad. Leo looked down at me. "Ask your dad, Ysa. Sa ating lahat, ikaw dapat ang tumatayong ate sa henerasyon natin. You are the first born among the Fuentes. Now, I'm asking you to be mature enough to handle disputes among our parents. My dad, your dad, and our titos and titas are having brewing war against each other nang dahil sa lupain at mga mana. You know why? Because of you,” Leo said with a hint of disdain in his tone. Matapos sabihin iyon ni Leo ay pinatakbo na niya si Rocco at iniwan niya akong tulala at natuod sa aking kinatatayuan. Suddenly, I felt ashamed of myself. Bigla na lamang akong nanghina sa mga sinambit ni Leo sa akin. Nagkakagulo sina dad at ang mga tito at tita dahil sa akin? Ito ba iyong sinasabi ni Rage kanina? “Hindi yata maganda ang timpla ni Leo,” wika ni Andres sa likod ko. Humarap ako sa kanya na mayroong kalungkutan sa aking ekspresyon. May hawak itong mga gamit ng kabayo na pinangtatakip sa kanilang mga mata. Huminga ako ng malalim at tumango bilang sagot. Bagsak rin ang aking mga balikat. Ramdam ni Andres ang bigat ng loob ko dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng nangyayari ngayon sa pamilya. Binitawan ni Andres iyong mga hawak niya at isinabit iyon sa barikada. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin. “Siguro panahon na para harapin mo ang katotohanan, Ysabelle,” aniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. “Kailangan mo nang harapin ang tadhana mo.” “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan kong tanong. Inalis ni Andres ang pagkakahawak niya sa balikat ko at saka niya pinasadahan ng tingin ang buong rancho. “I think it is time for you to take over everything your dad has inherited,” simpleng sagot ni Andres. “Time is ticking, so is your dad’s.” “Andres, pati ba naman ikaw? Ano bang nangyayari sa inyo?” “Don’t take it negatively, Ysabelle. Alam mo naman sa sarili mo na iyon ang nakatakda, hindi ba?” aniya pa. I didn’t mean to glare at Andres but I did. Then, I left him. I went back to the old house. Nagpunta ako sa living room at tinawagan si dad ngunit hindi niya ito sinasagot. I kept pacing back and forth while redialing dad’s number but he was not answering me. Frustrated, I started to dial tita Claudia, but midway, bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si Courtney. I stopped doing what I’m doing and sat on the couch. Courtney is truly the spitting image of tita Valeria. Mula ulo hanggang paa, pati attitude, taste sa pananamit, at mannerisms. Gumawi siya sa living room nang makita niya ako. Tila ako ang pakay niya. Dinig ang pag-click-clack ng kanyang pointed black heels sa flooring. Everything about Courtney is expensive from hair to nails. Mataas ang pagkakaponytail ng kanyang kulay light brown na buhok. Nakasuot rin siya ng designer clothes at sapatos. Isama pa ang nude color niyang hand bag na nakasukbit sa kanyang kamay. “Naparito ka?” saad ko nang makalapit si Courtney sa akin. “Hanggang ngayon rude ka pa rin, dear cousin,” matamis na wika ni Courtney at saka siya ngumiti sa akin bago siya umupo sa single couch na nakaharap sa akin. It was her way of pissing me off. She is actually being sarcastic which I really hate about her. “What do you want?” “Wala naman. Napadaan lang naman ako,” aniya tsaka niya pinasadahan ng tingin ang loob ng old house. “Actually, kakagaling ko lang sa ancestral house ninyo bago rito sa old house,” she added. “I’m thinking if I’m going to make these houses a tourist attraction when I inherited everything.” Courtney looked at me with a smug on her face. Napatayo ako sa kanyang sinabi. Tila pinitik ang tainga ko sa mga narinig ko mula kay Courtney. “What the fvck did you say? Wala ka talagang galang sa lolo at lola kahit wala na sila! And who told you that you’re going to inherit my dad’s inheritance?” Hindi nawala ang ngisi ni Courtney. She even looked amused. Then, she crossed her arms to her chest. “Don’t worry. I’m not just after your dad’s inheritance but everyone’s,” aniya. “Yes, Ysa. I’m going to have everything. From tito Hermano down to tita Claudia. And I’m here to tell you that,” Courtney added then she laughed like a villain. Napakuyom ng mahigpit ang mga kamay ko dahil sa galit. “You’ve been running away from your responsibilities, right? Everyone knows that. Poor tito Hermano. He raised a lazy ass child in this world. Sino nang magpapatakbo sa mga namana niya? Si Rage?” Tumawa pa siyang muli as if she’s mocking me and my dad. Nagdilim ang paningin ko sa mga huling salita ni Courtney. In just a snap, I grabbed her fvcking ponytail at hinila iyon ng napakalakas. Dahil doon ay napaangat ang kanyang ulo. “Ow!” she shrieked. “Bawiin mo ang sinabi mo!” I shouted at her face. Tila may sariling utak ang mga kamay ko dahil sinakal ko pa siya. Halos madapa siya dahil ang lakas ko sa pagsabunot sa kanya at pagsakal ay galing sa aking galit. She was choking and gagging. Pulang pula ang mukha ni Courtney. Until I heard Janessa’s voice. “Ysa! Courtney! What the hell are you doing?! Stop!” Nagmadaling bumaba si Janessa na mukhang bagong gising. Nang makalapit siya sa amin ni Courtney ay pilit niya kaming ipinaglalayo sa isa’t isa. “Ysa! Tama na!” Tinulak ako ni Janessa palayo kay Courtney. Nagulo na rin ang buhok ko at lalong lumawit ang aking dibdib sa aking sunny dress na may ruffles sa bandang dibdib at sa ibaba ng magkabilang balikat ko. Mabigat ang aking paghinga at masamang nakatingin kay Courtney. “Ano ba kayo! Para kayong mga tambay sa labas, ah!” nagpalipat-lipat ang tingin ni Janessa sa aming dalawa ni Courtney nang sabihin niya iyon. “Bakit ba kayo nag-aaway!” “Kailan pa ba nagbago yan, ‘di ba? She’s been like that since birth,” Courtney mocked me while regaining her composure. Hawak niya ang kanyang leeg. I hope lumapat ang mga daliri ko sa leeg niya. “Ysa, bakit mo ba ginawa yon kay Courtney?” “She mocked me and my dad, Jan! Anong gusto mong gawin ko? Tumawa pa ako?” sarkastiko kong wika. Gumawi naman ang tingin ni Janessa kay Courtney. Kunwari namang walang alam ang mahadera naming pinsan. “Pumasyal lang ako sa ancestral house. Then, I came here,” paliwanag ni Courtney. Hindi na nagawang magkomento pa ni Janessa nang pumasok si Rage sa bahay. Lumapit siya sa amin. “Kasama niya ako sa ancestral house. Napadaan siya kanina doon,” ani Rage. I scowled at him. “Sinamahan mo pa siya doon? What the hell?” Padabog akong lumakad at tinabig si Rage dahil sa sama ng loob. Umakyat ako papunta sa aking kwarto at pabagsak na isinara ang pinto. He said he’s protecting me, but what the fvck was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD