Kabanata 2
Ngayong araw ang kinatatakutan ko. Ngayong araw na kami babalik ng pilipinas. Babalikan ko ang lugar kong saan ako nasaktan ng husto, pinagtabuyan ako ng pamilya ko, nilaglag ako ni Ate kina Mommy at ang boyfriend kong sinaktan ako. Kahit ayaw ko nang bumalik sa pilipinas ay gagawin ko para sa mga anak ko.
Excited na bumaba ang dalawa habang si Cronus naman ay nakahawak sa laylayan ng damit ko. Hinawakan ko ang kamay niya at binuhat nalang, kahit na mabigat kakayanin dahil sa kondisyon ni Cronus na ako naman ang may kasalanan.
Apat kaming umuwi, hindi sumama si Mommy dahil may trabaho pa daw siya. Baka sa mga susunod na buwan nalang siya susunod dito. Kinuhanan kami ni Mommy ng isang condo dahil hindi pa naayos ang bahay niya dito sa Manila. Wala siyang anak at asawa kaya hulog daw ako ng langit kahit papano ay naranasan niya maging ina. Nagpapasalamat din ako sa kanya dahil kong wala siya hindi ko alam kong ano na ako ngayon, ano na kami ng mga anak ko.
"Careful Boys!" Palala ko ng kinukuha na nila ang maleta namin. Si Cronus naman ay nakahawak sa aking damit habang ang dalawa ay excited ng makuha ang maleta para makapunta na ng bahay.
"Mommy, I'm scared." Dinig kong sabi ni Cronus sa gilid ko.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ginulo ang buhok. Sorry Cronus, sorry...
"Don't be baby, kukuhanin lang natin ang maleta tapos uuwi na tayo." Tango lang ang tugon sa akin ni Cronus.
Binalik ko ang tingin ko sa dalawa na hinihintay ang isa pa naming malita. Nag-uunahan pa ang dalawa kung sino ang kukuha. Nagulat ako ng tinulak ni Elion si Elliot kaya natumba. Mabilis ang galaw ko agad na tumakbo sa dalawa at nagmadali na awatin sila sa pag-aaway.
"What happen here?" Napatingin ang dalawa ng marinig nila ang tinig ko. Tinulungan kong makatayo si Elliot at kinuha ang malita namin.
"Anong sabi ko dati sa inyo? Diba bawal ang mag-away dahil magkakapatid kayo?" Hindi ko mapigilan ang magalit dahil sa inaasta nila. Hindi ko gusto na mag-away sila, maglaglagan sila sa isa't isa kagaya ng ginagawa sa akin dati noon.
"Kasi si Elion mommy!" Ani Elliot habang pinapagpag ang kanyang kamay.
"Sino ba ang nauna sabi ko ako na dahil kaya ko eh ayaw mo naman kaya ayan." Sabi naman ni Elion.
Napapikit ako ng mariin at pinigilan ang aking sarili na hindi sila pagalitan. Lalo na't nasa pampublikong lugar kami ngayon. Naapikit ako ng mariin bago bumuga ng hangin at hinarap silang dalawa.
"Last na 'to Elliot, Elion. Kapag nakita ko pa kayong nag-aaway. Balik tayong Australia at hinding hindi na tayo babalik dito." Mariin kong sabi.
Tumingin sila sa isa't isa, ang mga mata nila ay puro galit. Kitang kita sa kanilang dalawa ang pagkakahawig ni Eros. Bumilang ako ng isa, doon ay kaagad silang naalarma at naghingi ng sorry sa Elion sa kuya niya. Napangiti ako ng hinigit ni Elliot si Elion para mayakap.
"Let's go na babies." Ani ko at naglakad kami sa gawi ni Cronus.
Ngunit pagtingin ko sa gawi ng pinag-iwanan ko kay Cronus ay bumilis ang t***k ng puso ko ng wala na siya doon. Bumalot ang takot sa buong katawan ko. Hindi pa naman sanay si Cronus sa bagong ang paligid, malamang umiiyak na iyon ngayon.
Nilinga linga ko ang spot na kung saan siya naroon kanina. Naalarma na ako, madali kong sinabihan ang dalawa na hahanapin ko ang kapatid nila. Palihim akong napamura sa kaba ng naramdaman ko.
"Elliot, Elion huwag mag-away. Hahanapin ko si Cronus maliwanag? Huwag na huwag kayong aalis dito? Okay? Kapag may lalapit sa inyo, huwag niyong pansinin, okay?" Paalala ko at ginulo ang kanilang buhok.
Kaya ko naman silang tatlo, noong nasa Australia kami kapag lumalabas kami ng mall ay nakakasama ko naman sila at walang nawawala. Kaya hindi ako nagpasama ng katulong dahail alam ko sa sarili ko na kaya ko ang mga anak ko. Pero ngayon si Cronus nawawala, natatakot ako dahil hindi pa naman siya nakakakita.
God....
Cronus....
Hinanap ko si Cronus sa buong airport nagtanong tanong din ako sa mga tao kong nakita nila ang anak ko. Hinanap ko siya ng hinanap hanggang sa narinig ko ang boses niya, alam ko ang boses ng anak ko. Sa hindi kalayuan nakita ko siyang nakatalikod at may kasama na kinakausap, nagmadali akong tumakbo sa gawi na iyon.
"Talaga po madami kayong toys?"
"Cronus...anak..." Pagkaharap niya ay agad ko siyang hinagkan.
Umiiyak na niyayakap ko ang aking anak, natatakot ako baka mawala siya ulit sa akin. Humiwalay ako at hinaplos ang kanyang mukha, may hinahawakan din siyang laruan na eroplano sa kanyang kamay. Umiiyak ako at higkan siya ulit, hinding hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kung ano man ang mangyayari sa mga anak ko.
"Cresseda..." Napatingala ako sa tinig na narinig ko.
I stiffed when the moment I saw the man who called my name. It's Erwan, Eros' brother!
"Erwan... ikaw ba ang nakakita sa anak ko?" Tanong ko sa kanya sabay karga kay Cronus na walang alam sa paligid.
Mabuti nalang at si Erwan ang nakakita sa kanya hindi masasamang loob. Mabilis pa namang mahulog sa bitag si Cronus dahil hindi niya alam ang nasa paligid niya.
Nalilito si Erwan, hindi niya alam kung ano ang sasabihan niya. Tinuro niya rin si Cronus at nahihirapan pang magsalita.
"A-anak m-mo?" Aniya na hindi makapaniwala.
Ngumiti ako at tumango sa kanyang tinanong. "Salamat pala, sa susunod nalang tayo mag-usap may naghihintay pa sa akin." Ani ko at aakmang aalis na, pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Kay Kuya?" Tanong niyang nakatingin kay Cronus. "He looks like Kuya Eros when he was young. Si Kuya lang rin ang boyfriend mo dati, ako pa nga ang dahilan kong bakit naging kayo." Aniya na hindi parin makapaniwala.
Nanginig ang bibig ko, ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo pero mas ayaw kong isipin niya na madumi akong babae na nagpabuntis ako sa iba.
"Yes Erwan," Mariin akong napapikit. "But please don't tell Eros about this. Ako ang sasabi sa kanya. Please erwan...please." I said, begging.
Nakikita ko sa mukha ni Erwan na hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ko pero sa huli ay tumango lang siya. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na binalikan ang dalawa ko pang anak na nag-iintay sa akin. Naabutan ko silang nakaupo sa sahig ng airport at nakatulala. Una akong nakita ni Elliot, napasigaw siya ng mommy at tumakbo papunta sa amin. Si Elion naman ay hindi umalis sa pwesto niya. Lumapit kaming tatlo kay Elion at sinakop silang tatlo.
I can't live without these boys beside me....
Hindi ko kaya mawala sila sakin...
Isa isa ko silang hinalikan sa ulo at tuluyan na kaming umalis doon sa airport, sumakay kami sa isang magarang van na kay Mommy Lourdes, pinasundo niya kami. Nagkukuwentuhan ang mga anak ko tungkol sa nangyari kanina. Namangha naman ang dalawa dahil sa hawak na laruan ni Cronus, na binigay ni Erwan kanina na kapatid ng Daddy nila.
Habang nasa daan kami kinuwento ni Cronus kung papaano siya napunta kay Erwan. Hinanap niya daw ako at hindi niya alam kung saan na siya hanggang sa nabangga niya si Erwan. Tinanong siya ni Erwan kung ano ang magulang niya ay sinagot niya ang palayaw kong Dana. Hindi niya sinabi ang totoo kong pangalan kaya pala ganon nalang ng reaksyon ni Erwan kanina. Ang pamilya ko, kaibigan ko at Si Eros lang ang tumatawag na Dana sakin. Dana ang pinalayaw sa akin ni Mommy ko dahil Cresseda Diyana ang totoo kong pangalan.
Hindi din daw niya sinabi kay Erwan na hindi siya nakakakita, sinagot niya lang daw ang mga tanong ng lalaki bago ko siya nakita.
"Maam nandito na tayo." Sabi ng Driver.
Lumabas kami sa loob ng sasakyan agad naman kaming tinulungan ng mga staff ng building ng condo. Pagkabigay sa akin ng susi ng condo agad kami nagtungo roon. Ang staff narin ang magdadala ng maleta kaya ang tatlo nalang ang inasikaso ko. Habang nasa elevator kami narinig kong nagsalita si Elliot.
"Makikita na natin si Daddy!" He excitedly said.
The two other boys giggled because of excitement. Naramdaman ulit ako ng takot, paano kong hindi sila tatangapin? Paano kung may pamilya na iyong daddy nila? Paano kung... Erase erase Dana. Think positive! This is for your children.
"Mommy, ano ba mukha ng daddy namin?" Cronus asked while entering our condo.
"Siguro kamukha natin Cronus." Sabad ni Elliot.
Napasapo ng ulo si Cronus, "Too bad, I can't see." Aniya kaya nangilid ang luha sa aking mga mata.
Umupo ako sa sofa at pinaharap ko sila sa akin. Kinuwento ko sa kanila ang mukha ni Eros para malaman nila at lalo ni Cronus. Noong nalaman ko na hindi nakakakita si Cronus gusto kong ibigay ang mata ko sa kanya. But Cronus stopped me, kapag daw ako naman ang mabubulag walang mag-aalaga sa kanila. Mas okay na raw na siya na kaysa sa akin, I can't help but cry when I remember that day.
Agad ko namang pinunasan ng luha ko dahil nasa harap nila ako. Ayaw kong makikita nila akong mahina at talunan. Kaya sila nawalan ng Daddy dahil mahina ako, kaya nabulag si Cronus dahil talunan ako. Ako lahat ang may kasalanan. Ako...
"Kapag nahanap agad ni Mommy ang Daddy niyo sasabihin ko agad sa inyo. Okay ba 'yon?" Tumango naman ang tatlo at hindi matanggal sa kanilang mukha ang kanilang magagandang ngiti.
As long as they are happy...I'm happy too... They are the most important persons in my life.
Pinapasok ko sila sa kwarto at pinahinga. Malaki naman itong condong kinuha ni Mommy para samin at may isa ring katulong. Ayaw ko nang mangyari pa ang kanina kaya mas okay na may kasama ako dito sa bahay na may makakatulong sa akin.
I opened my mails and I saw some offer from big companies for me. Dati gusto ko talaga ay maging isang Doctor ng mga bata, pediatrician. But I can't pursue that anymore when the moment I knew that I'm pregnant. The reason why I choose Pediatric dahil gusto ko sa mga bata, malapit ako sa mga bata lalo na ang mga sanggol pero noong dumating na ang mga anak ko hindi na kailangan, I have three babies, makukulit pa.
Now, I'm interior designer. Ibang iba siya sa gusto ko pero minahal ko naman iyon. Pinag-aralan ko at sineryoso ang kursong iyon kahit na hindi iyon ang pinakagusto ko. Ngayon, madaming offer sa akin dahil sa isang malaking firm ako nagtatrabaho sa Australia.
While I'm scrolling from the mail offers, I saw a familiar logo. I bite my lips as I clicked it and read their mail. Kumukuha sila ng mga bagong interior designer for their new building na malapit lang sa tinitirhan namin ngayon. Lumaki ang mata ko ng malaman kong kaninong galing ang mail, from the company of Villafuerte! Villafuerte Corporation!
I saw Erosion Miguel Villafuerte name with his sign!
Now I know why it looks familiar...
Paano niya nalaman na interior designer ako? Ang alam niya dati sa akin na magiging Doctor ako at alam niya ang dahilan kong bakit. Paano niya ako napadalhan ng ganito? Is this all coincidence right?
May katagalan narin ang offer nila sa akin kaya nagreply ako kung hiring pa ba sila. I'm doing this for my Triplets para makita nila si Eros, pagkatapos n'on ay aalis na kami. Hinding hindi na ako babalik dito.
Mapatingin ako sa phone ko dahil may tumatawag, it's an unknown number.
Kumuha muna ako ng hangin at bininuga. Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag.
"Is this Cresseda Diyana Soles?" Tanong ng lalaki sa kabilang linya.
"Yes, I'm Cresseda."
"This is Erwan, mabuti nalang nakuha ko ang number mo. Where are you? I want to see Cronus again. Hindi ko sinabi kay Kuya dahil sinabi mo na ikaw na ang sasabi wala naman ako sa lugar kapag sinabi ko 'yon pero Seda magpakita kana kay Kuya." Nakahinga ako ng malalim na si Erwan iyon. Akala ko galing sa companya nina Eros.
Kumuha ako ng malalim na hininga bago magsalita. "Itetext ko ang address namin later, basta huwag mong dalhin dito si Eros. Magpapakita ako para sa anak ko, they want to meet—"
"They?! It means twins ang anak niyo ni Kuya?!" Medyo inilayo ko ang phone ko sa aking tainga dahil sa sigaw ni Erwan.
"Your voice Erwan!" Suway ko sa kanya. Baka may makarinig at matuntun pa kami dito ng wala sa oras.
"Basta punta ka nalang dito." I said and ended our call. I immediately text him our address.
I checked the time at hapunan na. Pinuntahan ko ang tatlo na busy kakanood ng cartoons sa ipod. Iniwan ko muna sila dahil tutuk na tutuk ang kanilang mata sa ipod. I opened the television para may noise naman ang loob ng condo. Sinabihan ko ang nag-iisang katulong dito sa bahay na mag-grocery muna siya para may makain kami bukas at ngayong araw. Sumunod naman siya at kinuha ang pera sa akin bago umalis ng condo. Mabait naman ang bagong katulong, mukhang alam na niya ang gagawin niya dito sa bahay.
Bumalik ako sa ginagawa ko kanina. Habang nagrereply ako sa mga mails ay narinig ko ang tunog sa pinto. Nagtaka ako, bilis naman ni Merna. Saan ba siya nag grocery sa seven eleven?
Nagtungo ako sa pinto at pagbukas ko ay bumulaga si Erwan na may dala ng pagkain. Tinignan ko ang kanyang lukiran kung may kasama siyang iba pa, wala naman kaya mas nilawakan ko ang pinto para makapasok si Erwan.
"It's been four or five years since noong huli tayong nagkita, Seda." Saad niya habang papunta kaming sala. "Pediatrician kana siguro Seda," Tukso pa sa akin ni Erwan.
"I'm Interior designer Er, kung hindi ako nabuntis siguro pediatrician narin ako kagaya mo." Ani ko habang nililigpit sa misa ang mga ginawa ko kanina.
Nilapag niya ang mga pagkain na dala at tumangin tingin sa paligid. "Hindi ko rin naabot ang pagiging Pediatrician Seda, dad wants me to hold our company so I change course noong nagsecond year at wala kana n'on."
Nalungkot ako sa sinabi ni Erwan, nakikita ko kay Erwan dati na pursigido talaga siya bilang isang doctor pero ayan company holder siya ngayon. Hindi naman masama ang pagiging company holder, magandang trabaho naman 'yon. Gusto pa namin dati na isang hospital lang kami para kahit malayo kami ng kuya niya nandiyan siya sakin. But, yeah, it change...a lot...
"Nasaan na ba ang anak ni Kuya?" Tinignan niya ang buong bahay.
"Gumawa ka narin kaya ng sayo Erwan." Biro ko sa kanya, ang gwapong lalaki ni Erwan. Kahit sigurong babae ang magugustuhan niya ay swerte sa kanya. Kung hindi lang talaga naging kami ng kuya niya baka siya ang naging boyfriend ko pero hindi pwede, little sister turing niya sa akin noong college kami kaya nga niya ako nirito sa kuya niya.
"Darating din tayo diyan Seda." He chuckled. Nako may kasintahan na siguro ito.
Natawa ako sa sinabi niya. Nagpaalam na ako na pupunta sa taas dahil nandoon ang tatlo ng makarinig kami ng may nagsalita.
"Mommy si Daddy na ba 'yan?" Sabay kaming napatingin ni Erwan.
Nakita ko ang paglaglag ng panga ni Erwan sa nakita niyang tatlong lalaki na lahat halos magkamukha. Napatapik pa siya ng bibig, kita ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Triplets?!"