Kabanata 1
"Dana, my dear!" Sabi ni Mommy Lourdes sabay halik sakin.
It's been five years since I left Philippines, left my family and left him. Mommy Lourdes is the one who helped me, siya ang nakakakita sa akin sa daan noong nawalan ako ng malay. Dinala niya ako sa hospital at doon nga nakumpirma na buntis ako. Dinala niya ako dito sa Australia dahil sinabi ko sa kanya ang pinagdaanan ko bago niya ako natagpuan. Naawa siya sa akin, binihisan niya ako, pinaaral ulit hanggang sa nakakaya ko nang mamuhay. But I'm not gonna leave this woman who treats me like a family, hindi ko siya pababayaan.
"Mommy! Nice to see you again. How was Thailand?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
She sipped on her tea before saying anything, "It's nice but it is also hot like our country." Aniya sabay halakhak.
"Mamita!" Sabay kaming napalingon ni Mommy dahil sa hiyaw na narinig namin.
Tumakbo ang dalawa kong anak papunta sa gawi namin. Agad nilang niyakap si Mommy, sabik na sabik na silang makita si Mommy, miss na miss narin nila ito dahil dalawang linggo na nilang hinahanap sa akin si Mommy. May business trip siyang ginawa sa Thailand, inako ko nga n'ong una pero hindi niya ako pinayagan dahil wala raw may mag-aalaga ng mga anak ko.
"Where's Cronus?" Tanong ko sa dalawa.
"Here Mom," Cool na sabi ni Cronus, agad siyang inalalayan ng dalawa niyang niyang kapatid.
I was smiling while the Elliot and Elion helping Cronus. Ipinangak kong hindi nakakakita si Cronus, I'm blaming myself that time until now... Nagkakomplekasyon daw noong nabubuntis ako dahil sa stress, nahohome sick rin ako noong dumating ako rito sa Australia. Sising sisi ako sa sarili ko dahil sakin ay naghihirap si Cronus.
Noong nalaman ko iyon ay parang gumuho ang mundo ko, umiyak ako ng umiyak nang mga araw na 'yon. Wala rin akong makakapitan dahil wala ang aking pamilya, mabuti nalang ay pinagsabihan ako ni Mommy. Pinaintindi niya sa akin lahat, siguro ay bata pa talaga ako noong panahon na iyon kaya napaka-immature ko.
"You okay Cronus?" I heard Elliot asked.
"Yes Kuya, I'm okay." Sagot naman ni Cronus sa kapatid.
Nakarating si Cronus sa gawi namin ay agad siyang niyakap ni Mommy. She kissed my sons cheeks and she even tickled them. Natawanan naman sila habang naglalaro kasama ni Mommy. My biological mom and mommy Lourdes has the same age kaya napamahal nadin ako kay Mommy Lourdes.
Tumayo ako sapagkakaupo para kuhanan sila ng pagkain. Kumuha ako ng sandwich na ginawa ng mga pilipinong kasambahay dito. Nilagay ko sa plate at dinala pabalik sa sala.
"Are my boys okay?" I asked them.
"Yes my!" Sabad ni Elliot.
Sa kanilang tatlo si Elliot ang una kong pinanganak sunod si Elion at panghuli si Cronus. Noong una akala ko Isa lang ang magiging anak dahil nakumpirma nasa pilipinas palang ay buntis na ako. Kinalaunan ng pumunta na ako dito at nagpaultra sound doon nakita na tatlo pala. Nagulat ako noong nalaman ko iyon, isang beses lang namin ginawa iyon ni Eros pero tatlo na agad...
"Boys, Mamita needs to rest okay?" Tumango naman ang tatlo sa sinabi ko habang ngumunguya ng pagkain.
Tumayo si Mommy, inalalayan siya ng kanyang mga kanang kamay at dinala sa silid niya. Tinuon ko naman ang tingin ko sa tatlong kumakain ng sandwich. Parang kailan lang ang liliit pa nila ngayon four years old na.
"Mommy, ayoko na." Sabi ni Elion at binigay sa akin ang sandwich na kaunti nalang.
Yes, marunong silang magtagalog. Napapalibutan sila ng nagtatagalog dito sa bahay at ang mga nagbabantay din sa kanila ay puro pilipino kaya natutunan na nilang tatlo ang managalog. Medyo buluktot lamang ang iba pero at least alam nila ang sarili nilang wika.
I grabbed the sandwich on Elions hand and I ate it. Umalis si Elion sa harap ko at kinuha ang ipod na malapit sa TV namin. Sa kanilang lahat si Elion iyong mahilig magdiscover ng bagong bagay, always din siyang nanonood ng mga palabas na ahead sa kanyang edad. Kung pagsasamahin silang tatlo halos nagkamukha talaga sila, may palatandaan naman para makilala sila. Si Elion may nunal na maliit malapit sa kanyang leeg na wala ang mga kapatid. Si Elliot naman ay may nunal sa kanyang noo na maliit din. Cronus walang nunal sa mukha o sa leeg.
"I'm done my," Ani ni Cronus at tinaas pa ang kanyang kamay.
I smiled at them while they are watching movies on the ipod. Mabuti nalang at hindi sila nag-aaway sa papanoorin nila. The next day ay papasok na sila sa school. I woke up early para maasikaso sila, kahit na may kanya kanya silang tagabantay hindi parin ako nawawala sa tabi nila. Sila nalang ang mayroon ako kaya hangga't kaya ko silang alagaan aalagaan ko sila.
"My babies time to wake up." Bulong ko isa isa sa kanila at hinalikan sila sa pisngi.
"Good morning mommy, I have a dream last night." Elliot said in a raspy voice.
Kinuha ko siya sa pagkakaupo at pinaupo sa kandungan ko. I kissed his neck and I asked him what about his dream.
"May daddy po ba kami?" Nabigla ako sa tinanong ni Elliot.
"Yes you have, why baby?" I asked him.
Kinusot niya ang kanyang mata at tumingin sa akin. Noong mga nakaraang linggo pa hinahanap sa akin ni Elliot ang daddy nila. Wala akong masabi kong hindi ay busy sa trabaho o di kaya ay alibi.
"Because I dreamt about that he helps me from the monster who wants to eat me. He punch it using his hand and he hugs me Mommy. But he has no face." Malungkot na kwento ni Elliot sa akin.
Ginulo ko ang buhok niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Habang nagpapahalik pa sila ay halikan ko na, kapag lumaki na ang mga ito mahihiya na.
"Baby, mommy has a story why we need to avoid daddy. You can't understand it right now because you are still young, but soon mommy will tell you everything. Is that okay?"
Walang emosyon ang mukha ni Elliot at nakikita ko sa kanya si Eros. Halos lahat nakuha nila kay Eros puwera sa mata na sa akin nila nakuha.
Hindi sumagot si Elliot sa sinabi ko at tumayo siya sa pagkakandong sa akin. Bumababa sa kama at pumunta sa CR. Masayahing bata si Elliot pero kapag siya ang nagseseryoso ay nakikita ko talaga si Eros. Hinayaan ko nalang muna si Elliot, ginising ko naman ang dalawa pa habang natutulog.
"Cronus, Elion. Wakey wakey may pasok kayo ngayon." Ani ko at sinakop sila ng dalawa kong kamay. Mabigat na sila at matatangkad nadin.
"Morning My," Bati nilang dalawa habang kinukusot ng mata.
"Morning din babies, tara na ligo na tayo may pasok kayo ngayon." Tumayo sila sa sinabi ko.
Kinuha ko si Cronus at hinawakan ang kanyang dalawang kamay. Pumasok kami sa loob ng comfort room at nakita kong umiiyak si Elliot sa loob. He wipped his tears using his small hands, hindi naman siya nakita ng dalawa kaya hindi nagtanong. Hinubaran ko na silang tatlo at pinaliguan.
Umupo ang tatlo sa hapag at kitang kita sa galaw ni Elliot na wala siyang gana. He really wanted to meet his father. Paano kong hindi siya tanggapin ni Eros? Paano kong pagtabuyan siya? Paano kong may pamilya na iyon ngayon at may anak narin? Edi masasaktan ang anak ko at ayaw kong nangyari iyon.
"Are you okay Elliot?" Tanong ni Mommy sa kanya, napansin din ni Mommy ang walang ganang Elliot.
"I'm okay Mamita," Walang emosyong sabi ni Elliot.
Napansin rin iyon ng kanyang dalawang kapatid kaya nagtanong din sa kanya. Tango lang ang tugon niya habang nilalaro ang kutsara sa kanin na nasa harap niya.
"Elliot you're not okay, ano ba gusto mo? You want anything? Mamita will give you." Offer ng Manita niya sa kanya.
May pagkamaattitude din itong si Elliot eh. Kapag ako napuno sa ugali niya...
"Elliot!" Pagalit kong tawag sa kanya.
Tinignan niya ako ng masama at sabay hampas ng kutsara sa plato niya, naglikha iyon ng malakas na tunog kaya napasigaw ang maids sa ginawa ni Elliot. Si Mommy ay napahawak din sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat sa inaasta ni Elliot.
"I want daddy!" Sigaw niya at tumakbo papuntang ikalawang palapag ng bahay.
Tinignan ko ang dalawa na nakatingin sa akin. Cronus was clueless what's going on, so he asked question what happened. Wala akong masagot sa kanya, I remained silent. Naramdaman ko ang butil na lumandas sa aking mata, hindi ba ako sapat sa kanila? Binuhos ko lahat ng pagmamahal at pag-aalaga ko. Bakit kailangan pa nilang hanapin si Eros?
"Mom, we want to meet our daddy." Sabi ni Elion.
Tumingin ako kay Mommy na nakatingin sa akin. Nanghihingi ako sa kanya ng senyales kong uuwi na kami sa pilipinas o hindi. Si mommy ang isa sa rason kung bakit ayaw kong umuwi ng pilipinas. Ayaw kong mawalay sa kanya at magkalayo kami.
Ngumiti si Mommy sabay tango niya sa akin, pilit akong ngumiti at tumango rin kanya. Tinignan ko ang dalawa kong anak na natira dito sa hapag.
"If that's what you all want, sige." Sabi ko at tumayo para mapuntahan si Elliot.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kanilang silid. Natagpuan ko si Elliot doon na humikbi habang nakahiga, nakapulupot ang kumot sa kanyang katawan pero tanaw ko parin ang kanyang mukha. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang buhok. Tumingin siya sakin at agad akong hinagkan.
"Sorry Mommy, sorry for my bad attitude. Sorry po hindi ko na ulit gagawin 'yon." He said while crying. I hugged him back and kissed his forehead.
"Gusto mo talagang makita daddy mo?" Kahit ayaw ko, gagawin ko iyon para hindi maulit ang nangyari kanina. Ayaw ko na dadating sa punto na mag-aaway-away pa kami dahil sa kagustuhan nilang makita ang kanilang ama.
"Opo mommy, pero kung ayaw niyo po. Hindi nalang, basta huwag po kayong umiyak." Sabay haplos niya sa aking pisngi.
"Elliot alam kong bata ka pa at hindi mo pa naiintindihan ang lahat." Bumuga ako ng hangin bago ulit nagsalita. "The reason why we need to avoid daddy because...she hurt me before. Your daddy is my first ever love. I'm scared too, baka kapag nakita niyo siya...iiwan niyo...ako..." Hindi ko mapigilan ang mapahikbi sa mga huli kong sinabi.
Ayaw kong iwan ako ng mga anak ko at sumama sila sa ama nila. They are now my source of strength, source of happiness, and the reason why I want to live long. Baka kapag pinagkita ko sila ay ako na iyong iiwan nila, baka magalit pa sila sa akin at sinumbat nila lahat kong bakit ko sila inilayo sa Daddy nila.
"No mommy, hindi kita iiwan. I promise you that." Malambing na sabi ni Elliot.
"Me too mom"
"Ako rin!"
Napalingon kami ni Elliot sa dalawang nagsalita lumapit sila sa amin at nakisali din sa yakapan namin ni Elliot. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak, I really love them very much. Ikakamatay ko kung isa sa kanila ang mawala sa akin.
"I love you babies." Ani ko habang niyayakap sila na nakapikit.