Kabanata 3
"Mommy siya ba si Daddy?" Nahihiyang tanong ni Elliot sakin habang nasa likod ko siya at hinahawakan ang laylayan ng damit ko.
Sinakop ko silang tatlo at umupo ako sa upuan para magpantay kaming apat. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na kapatid si Erwan ng Daddy nila o sasabihin kong kaibigan ko lang.
Tinignan ko sila tatlo habang nakatingin din sa akin, hinihintay ang sagot sa tanong ni Elliot. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"His name is Erwan he's my friend here in the Philippine. You called him Tito Erwan, Okay?" Malambing kong sabi sa kanila.
Better na sinabi ko na kaibigan ko muna baka umasa ang tatlo na makikita agad nila ang ama nila tapos hindi naman sila gustong makita. I don't want that. Gusto ko smooth ang pagpapakilala ko sa kanila and I need time for that.
Tumingin ang tatlo kay Erwan na hanggang ngayon hindi parin makapaniwala. Napaubo siya ng dinilatan ko siya, naghihintay ang mga anak ko sa sasabihin niya.
He cleared his throat first, "I'm Erwan nice to meet you three." Naiilang na sabi niya, tumawa pa ito.
"Hi I'm Elliot, this is my brothers, Elion the one who's always grumpy and have mole in his neck, para hindi kayo malito sa amin. Then Cronus the youngest, he is blind, he can't see anything and we Elion described things on him so that he will knew things. He is our brother, helping him is our job." Sabi ni Elliot na ikinagulat ko.
Hindi pala salita si Elliot sa mga taong ngayon niya lang nakita o nakilala. Hindi rin siya ang tipo ng bata na pinapakilala ang kanyang kapatid sa tao. Ako ang gumagawa n'on kapag may mga kaibigan akong kinakausap nong nasa Australia kami. That's why I'm shocked right know and the way he described his brother Cronus make my heart melt.
Sana paglaki nila mahal parin nila ang isa't isa at hindi sila mag-aaway away.
"Wow..." Erwan looks amazed with Elliot. "So the oldest is you, Elliot? Your name just Elliot?"
Umiling si Elliot, "My real name is Zeus Elliot Soles. Elion Niquel Soles. Miquel Cronus Soles." Elliot said while pointing his brothers.
Natigilan na naman ulit si Erwan. Yes, Erwan kahit sinaktan ako ng kapatid mo ipinaghawig ko parin sa kanila ang pangalan ng kapatid mo. Lahat sila ay may halo ng pangalan ni Erosion Miguel.
"Soles? Your mothers surname? Oh I see... Nice to meet you boys. Hope we'll hang out soon. Gusto niyo bang pumunta sa kompanya namin?" May ngisi sa bibig ni Erwan habang binibigkas niya ang mga salitang iyon.
Sabay na tumango naman ang tatlo sa turan ni Erwan. Talagang sasama sila kay Erwan kahit kakakilala lang nila ha.
"But before that, let's eat first. Gutom na kayo siguro ano?" Si Erwan.
"Yes, Tito Erwan I'm hungry." Si Elliot habang hinahawakan ang kanyang tiyan.
Ngumisi si Erwan, "Tito Erwan sounds nice," Aniya ang tumingin sakin. Muli siyang ngumisi at binalik ang tingin sa mga bata, "Let's Eat!" He said and helped my kids to seat on the chair.
Tahimik lang akong kumakain habang ang tatlo ay kinakausap si Erwan tungkol sa trabaho nito at iba iba pa. Palihim naman akong nagdadasal sana hindi madulas si Erwan sa mga bata tungkol kay Eros, dahil lumalalim na ang kanilang pag-uusap. Habang ngumunguya ay tinitignan ko si Cronus na nahihirapan sa pagkain.
"Susubuan na kita Cronus." I said and get his spoon on his hand.
Nilayo niya sakin ang kutsara, "I can handle mommy." Aniya at kumuha ng pagkain sabay subo.
Hinayan ko nalang siya na kumain, 'yon nga may mga nalalaglag, lilinis ko nalang mamaya. Unang natapos si Elliot sabay taas pa ng kanyang kutsura. Tumawa naman ako sabay kuha ng kanin sa kanyang mukha na nakadikit. Sunod sunod narin natapos ang dalawa pa, tumayo sila para makapaghugas ng kamay. Tinulungan sila ni Merna na kakadating lang din habang kumakain kami, naiwan naman kami ni Erwan sa hapag.
Sa mukha niya mukhang madami siyang tanong sakin pero hindi niya lang matanong. Niligpit ko ang pinagkainan namin at nilagay sa gilid.
"Spill," Saad ko habang nagpupunas ng mesa.
Hindi naman siya nagpatumpik tumpik at agad nagtanong nakakapagpabagabag sa isip niya.
"Bakit ganon si Cronus?" Mahinang boses niyang sabi at tumingin pa sa likod na kung saan naroon ang tatlo.
Kinuha ko muna ang mga platong kinainan namin at nilagay ang basahan sa gilid ng lababo. Nagpaalam naman ang tatlo na maghahalf bath sila kasama si Merna. Nakangiting tumango naman si Erwan at kumaway sa tatlo na papasok ng Cr.
Umupo ako balik sa inuupuan ko at hininarap si Erwan, "Noong nagbubuntis ako sa kanila nagkaroon ng kumplekasyon na nangyari. I was so stress that time plus pina—layas ako sa bahay namin noong nalaman nilang buntis ako. Wala akong mapuntahan noong araw nayo-"
"Si Kuya, bakit hindi mo siya pinuntahan?" He stopped me.
Inirapan ko siya, wala ba siyang alam? Well, wala naman akong pinagsabihan tungkol sa nangyari noong gabi na iyon kahit siya hindi ko sinabihan sa mga nangyari sakin.
"Siya nga ang may dahilan kung bakit ako umalis ng Pilipinas, Er. Wala akong makapitan at mapuntahan noong araw na 'yon, nawalan pa ako ng malay noong pinalayas ako. Sa daan pa ako nawalan ng malay mabuti nalang may nakakita sakin at siya ang tumulong sakin para makabangon ulit." Ani ko na hindi mapigil ang hindi maiyak. Sa dinami dami ng nangyari sakin isa lang ang nasa tabi ko, si Mommy Lourdes.
"Ano bang ginawa ni Kuya? Nag-iba si Kuya, Seda. Nakikita ko 'yon araw araw, hindi na siya iyong Eros na nakilala ko dati na tambay sa bar, may babae sa gilid at hindi na umuwi ng madaling araw. Kinuha nga niya ang offer ni Daddy na siya ang hahawak dahil sinabi mo iyon sa kanya. Seda, nagtataka ako kung bakit mo iniwan si Kuya sa eri. Hinanap ka niya, kung saan saan siya pumunta para lang matuntun ka." Nakikita ko ang pagiging dismayado ni Erwan, sa boses niya parang ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari.
Tumakbo lang naman ako para maiwasan ang sakit na dinulot ng kapatid niya. Hindi ako umalis ng ganon ganon nalang. Hindi ko hahayaan ang sarili ko masaktan, iyon ang rason kung bakit ako umalis at iniwan Kuya niya.
"Alam ko na dismayado ka sakin, pinagkatiwalaan mo ako sa kapatid mo. Ganon din ang ginawa ko sa kapatid mo Erwan, akala ko rin na totoong mahal niya ako, akala ko hindi na siya nambabae pero ano! Nakita ko siya sa condo niya. Nakita ng dalawang mata ko kung paano sila maghalikang dalawa. Sa oras na iyon napatunayan kong kasinungalingan lang lahat ng iyon. Hindi man lang siya pumunta sa bahay para makipag-ayos! Ano?! Ngayon mo sabihin na sinaktan ko ang Kuya mo?!" Hindi ko mapigilang tumaas ang aking boses, sunod kong naramdaman ang mga butil na nag-uunahan sa paglabas sa aking mata.
Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking sariling kamay. Humikbi ako at hinayaan ang aking sariling umiiyak habang inaalala ang nakaraan.
Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Erwan sa aking gilid. Hinahaplos niya ang aking likod gamit ang kanyang kamay.
"Sorry...sorry...sorry Seda, hindi ko alam. Ang sabi ni Kuya sakin nakipaghiwalay ka at nakipagtanan sa ibang lalaki kaya nagalit ako sayo."
"Paano naman ako makikipagtanan e siya lang naman ang lalaki sa buhay ko?" Humikbi kong sabi.
Nong nakalabas na ang kambal ay mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at tumahan na sa pagkakaiyak, hindi narin ako nagmukhang umiiyak. Baka magtaka sila kong ano ang nangyari. They are smart at nakakainitindi din sa paligid lalo na si Elliot.
Ngumiti ako sa kanila na bago na ang damit at amoy pulbo na. Hinalikan ko ang ulo nila bago ko ginulo ang buhok nila. They are smells so good, amoy baby.
"Aalis na si Tito Erwan!" Maligayang sambit nito na parang wala lang kaming pinagusapan kanina.
Tumayo si Erwan at hinatid naming apat sa pinto. He gave my sons a hugs and kisses on their head. Natigil siya kay Cronus at hinaplos ang kanyang pisngi kaya napahakbang papalikod si Cronus.
"That's Tito Erwan Cronus don't be scared. He's not scarry." Ani ni Elliot.
Tumango naman si Cronus at hinaplos ang kamay ni Erwan at nilagya sa kanyang pisngi at ngumisi. Hindi ko naman alam ang reaksyon ni Erwan dahil nakatalikod ito sakin. Tumayo naman si Erwan at nagpaalam na sa amin.
Nakaalis si Erwan narinig ko ang sinabi ni Elliot, "Parang kamukha talaga natin 'yon, pero ewan." Sabay kibit balikat niya, inirapan naman siya ni Elion at nauna ng pumunta sa taas.
Pinabantayan ko muna sila kay Merna. Dumiretso naman ako sa kwarto ko para mahalf bath narin. Natapos n'on ay lumabas ako tumabi sa tatlo na nakahiga at handa na sa pagtulog. Nasa gitna ako ni Cronus at Elliot habang si Elion naman ay sa tabi ni Elliot. Pinatulog ko ang tatlo, pinatakan ko ng halik ang kanilang mga noo bago ako umalis ng kanilang silid.
Humiga ako sa kama, I'm so tired today. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mata bago bumangon ulit. Bago ako matulog kinuha ko muna ang laptop at tinignan ulit ang mga mensahe. Nakita ko ang nasa unahan ang kompanya nila Erwan. I clicked it and read their massage.
I have a mini interview for tomorrow morning before I start my job. Si Erwan naman siguro ang mag-iinterview sa akin, dahil siya ang nakatuka sa building na iyon. Sana nga...
THE NEXT MORNING maaga akong nagising, I took a bath and change my clothes into a formal one. Pagkababa ko ay bumungad sa akin si Merna na nagluluto ng agahan. I smiled at her and greeted her good morning, she smiled too and greeted me back. Hinanda ko ang na dadalhin ko mamaya.
Nagtungo ako sa taas para gisingin ang tatlo, hinalikan halikan ko sila at tinawag sa kanilang pangalan. Nagising si Elliot at agad ako ni niyakap, sunod sunod na silang yumakap sakin. Binuhat ko sila isa isa pa baba sa kanilang kamay, they are so cute. They are wearing the same pajamas and top. Naunahan na nila ako sa pagbaba dahil pinagmasdan ko sila habang inalalayan ng dalawa si Cronus.
Kahit na may pagkasuplado itong si Elion ay hindi niya naman napapabayaan ang bunso niyang kapatid. Sumunod ako sa pagbaba, handa narin ang pagkain dahil sa tulong ni Merna. Sabay kaming kumain kasama si Merna, dati na daw siyang katulong ni Mommy Lourdes kaya siya na ang nagvolunteer na samahan kami dito. Nagpasalamat ako sa kanya pagkatapos namin kumain, umupo ang tatlo sa couch at kinausap ko sila.
"Mommy needs to go today, may trabaho si Mommy ngayon. Hahanapin ko rin ang daddy niyo para makita niyo siya." I said while looking at them.
"Talaga mommy?! I'm so excited!" Elliot said in full of happiness that I don't want to rip.
Wala namang emosyon ang mukha ni Elion, si Cronus naman ay nakikisaya na din kay Elliot. Ngumiti ako at isa isang hinaplos ang kanilang mukha. Isa isa ko rin silang hinalikan bago ako nagpaalam ulit na alis na.
"Bye Babies, Elliot and Elion help your younger brother and!" I pointed Elliot and Elion, "Walang away, kapag nalaman kong nag-away kayo balik tayo ng Australia ng hindi niyo kilala ang daddy niyo. Is that clear?" Strikta kong sabi.
Tipid na tumango si Elion at binuksan na ang pintuan na para bang pinapaalis na ako. Sumigaw naman si Elliot ng 'yes mommy'. Binilin ko kay Merna ang tatlo at pinaalahanan na huwag magpapasok ng hindi kilala hangga't hindi ko iyon kinukomperma.
I waved my hand as Elion closed the door. Supladong bata.
Umalis na ako sa condo at pumara ng taxi. Hinawakan ko ng maigi ang aking bag habang nasa loob ako. Kinakabahan at natatakot ako na baka makita ko siya roon. At hindi mapigilan ang sarili ko na sumabatan siya sa ginawa niya sakin. Dana, Move on!
Nagbayad ako sa driver at huminga ng malalim bago lumabas. Now, I'm here in front of my ex's company. I need closure for my kids, they want to meet their dad. Ipagtatagpo ko sila at pagkatapos n'on ay babalik kami ng Australia, that's the goal I want to reach right now.
Pumasok ako roon at sinabi sa babae na may interview ako for their new interior designer. Agad naman akong hinatid ng babae sa office ng boss nila na nasa pinakahuling floor ng building. Nang nasa tapat na ay nagpasalamat ako sa kanya at siya naman ay bumalik na sa baba.
Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Hinawakan ang door knob at kumatok pero walang sumagot. Muli akong kumatok pero sa pagkakataon ito ay malakas na ngunit wala talagang sumasagot. Wala na akong nagawa kaya pinihit ko na ang door knob kahit bastos tignan at doon bumungad sa akin ang isang babae na nakakandung sa boss nawalang iba ay si—Eros habang naghahalikan.
Ang aga aga!
Damn!
Asshole!
Hindi parin siya nagbabago, siya parin si Eros na gago! Mahilig sa mambabae at s*x!
Nang makita ako ni Eros ay agad niyang tinulak ang babae kaya napahiyaw ito. Agad akong lumabas ng silid at sinirado ang pintuan para makabalik na lang sa baba. Hindi pa ako nakapasok ng elevator ng may narinig akong tumawag ng aking pangalan at si Erwan iyon.
I pushed myself to smiled at him and hugged him. "Oh, bakit kapa nandito? You have interview right? Sa akin ka una nireffer kaya lang gusto ka ni Kuya kaya binigay kita sa kanya. Siya rin nakatuka sa building na tinatayo kaya wala akong nagawa. Tara dito ang office ni kuya." He leads the way.
Hindi na ako nagsalita at nagtipaanod nalang sa hawak ni Erwan sakin. Masusurpresa din si Erwan sa makikita niya kagaya ko kanina. Pagpihit niya ng seradola ay hinigit niya ako papasok. Kaagad na nanlaki ang mata niya ng makita makitang may babae sa loob ng opisina ng Kuya niya. Wala na ang scene na nagtutukaan sila, nakadamit narin silang dalawa at parang walang nangyari. Pero makikita sa bibig ng babae ang tukaan nila dahil may nagsmudge kanyang lipstick na pula.
"Why are you here Hani?" Matigas na tanong ni Erwan.
"We do morning sex." Pinagdiinan niya talaga ang huling salita.
Pamilyar siya sa akin. Parang siya iyong babae noong sa condo ni Eros na kahalikan niya. Ang dahilan kung bakit ako lumisan noong araw na 'yon. Wow, buhay pa talaga ang higad na 'to. Hanggang ngayon sila parin, it's been five years. Hindi pa nagsasawa si Eros sa kabibi niya? Well, wala namang pinipili ang mga lalaki importante magaling.
"Really?" Tumingin si Erwan sakin. "Sa akin nalang siya Kuya, sayo na ang susunod na kinuha natin. Tara na Seda." Aniya at nagsimula ng maglakad.
"Sa akin siya Erwan." Matigas na sabi ni Eros.
"No Kuya. Sige na pagpatuloy niyo na ang ginagawa niyo alam kong nabitin kayo." Saad ni Erwan at hinigit ako palabas.
Nakalabas kami at dinala niya ako sa isang office, alam kong sa kanya dahil may isang litrato niya na nasa katabi lang ng kay Eros. Pinaupo niya ako sa couch at binigyan ng tubig. Napailing siya na parang hindi makapaniwala sa ginawa ng kanyang kapatid. What's new Erwan? Your brother is a jerk and manwhore.
"You saw them?"
I just nodded, walang boses o salita ang lumalabas sa bibig ko. Pangalawang beses ko na siyang nakitang ganon, baka hindi na talaga magbabago si Eros. Baka noon virginity ko lang ang habol niya sa akin kaya niya ako sinuyo, nong nakuha na niya doon na siya naghanap ng iba.
Damn you, Eros! Hindi ko ipapakita sayo mga anak mo!