Kabanata 4
"Balik ka bukas dalhin mo na rin ang mga designs mo na nagawa noon or kung pwede ay ang bagong designs mo." Ani Erwan at niligpit ang pinagdeskusyon namin kanina about sa bagong building nila. "Ipapakita ko kay Kuya, hindi ako makapagdecide, si Kuya ang natuka sa bagong building. Pero gagawin ko ang lahat na hindi siya makakalapit sayo at sa mga anak niyo." Erwan said with full of assurance.
I smiled at him and gave him a hug, "Thank you, isa ang isinisiguro ko sayo Erwan. Kahit kailan hindi ako nagtaksil sa kapatid mo." Bulong ko at humiwalay ako ng pagkakayakap sa kanya.
He smiled back, "I know that, Seda. He's an Asshole, hindi ko siya kakampihan ngayon." Mariing sabi ni Erwan at nanlilisik ang kanyang mata.
Nagpaalam ako sa kanya at lumabas na ng kanyang opisina. Gusto niya pa akong ihatid hanggang sa labasan kaya lang tinanggihan ko. Marami akong nakikitang papeles sa kanyang mesa, gagawin niya nalang iyon kaysa naman ihahatid pa ko. Kaya ko namang bumababa ng building na 'to.
Nang makarating sa harap ng elevetor ay parang huminto ang mundo ko sa naamoy kong pamilyar na pabango. I know his scent, until now it smells the same. Ito ang rason kung bakit ako palaging nasa dibdib niya kapag magkatabi kami dahil sa sobrang bango niya. I love his smell way back then. Okay, Dana, move on from the past! Hindi ka niyan minahal! I scolded my own self.
"Ngayon kapatid ko naman ang nilalandi mo ha." Dinig kong mariing sabi niya.
I didn't utter any words, I dont care about him anymore. Starting that day, I hated him. Kahit anong sabihin niya wala akong pakialam dahil hindi akong ganon babae, mas kilala ko ang sarili ko. Baka siya iyong fucker samin!
I heard a 'ting' at pumasok ako sa loob ng elevator. Agaran kong pinundot para maclose ang pintuan, kaya lang hinarangan niya ito ng kanyang kamay at walang sabi sabi na pumasok. I was about to go out when the f*****g door close! Dinig ko ang pagtawa niya sa likod ko, I rolled my eyes and stand away from him.
Dalawa lang kaming nandito sa loob ng elevator. Parang nasa impyerno ako dahil kasama ko ang leader ng mga demonyo. Inayos ko ang mahaba kong buhok at nilagay sa likod. Pinaypay ko ang aking kamay dahil sa init na nararamdaman ko.
"Ano ang pakiramdam na si Erwan ang nilalandi mo? Ano mas masarap siya sakin?" Bigla siyang nagsalita sa akin likuran.
I just rolled my eyes from what he said. Paano ko malalaman ang masarap na 'yon e hindi naman namin iyon ginawa ni Erwan. Damn you, Eros!
"Bakit hindi ka makasagot? Tumanan ka pa talaga, hindi ka pa nakontento sakin. Talagang humanap ka pa ng iba." I heard him smirked.
Hinarap ko siya at inirapan, "Wala akong alam sa pinagsasabi mo." Kahit na kumukulo na ang galit ko sa loob ko, mahinahon parin ang boses ko.
I saw anger in his eyes, siya pa ang may ganang magalit. Dapat ako nga dahil ako ang niloko, tapos siya pa ngayon ang mag-aakusa na nakipagtanan ako? Hindi nga niya alam kung anong pinagdaan ko, kung ano ang pinagdaanan namin ng mga anak namin. Siya itong nagpapasarap sa buhay, nagpapasarap sa kama, sa mga babae niya!
"Huwag kang magfeeling na malinis kang tao Dana. Alam ko ang nangyari sayo, may tainga ako sa iba't ibang lugar. Alam ko ang mga pinanggagawa mo noong tayo pa." Sa boses palang niya parang siguradong sigurado siya sa mga sinasabi niya.
Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Alam kong mayaman siya at kaya niya akong pasundan ng tao pero maling mali naman ang taong iyon. Kung alam niya ang nangyari sa akin, alam niya bang may anak ako? Kami?
"Expert ba yang kinuha mo?" Tumalikod ako sa kanya ng tinanong ko iyon.
"Sa sobrang expert n'on Dana, alam ko pati kalandiang ginawa mo. You are a Slut." May diin sa huli niyang salita.
Slut? Me?
Nararamdaman ko ang pagmumuo ng luha ko sa aking mata. The old Eros is back. Ang Eros na bumubuga lang ng salita, hindi niya naiisip na masasaktan ang taong sinasabihan niya. Below the belt na siya sa mga pinagsasabi niya sakin. He's hurting me again. Ano bang bago?
Hindi ko siya pinatulan, mas mabuti nang manahimik ako kasya naman patulan pa siya. Baka masabi ko pa sa kanya ang tinago ko kapag nakipagtalo pa ako sa kanya. Sa ginagawa niya ngayon mas lalo kong pupursigihin na hindi sila magkita ng mga anak niya. Face that Eros!
"Davao ha." He mocked.
What? Anong gagawin ko sa Davao? E wala nga akong kilala don. Tanga mga tauhan mo bugol!
Halos mapasigaw ako ng bigla niya akong higitin sa kinatatayuan ko at idinikit sa malamig na elevator. Tumaas ang kilay ko habang siya naman ay galit na. Nag-aapoy narin ang kanyang mata na para bang gusto akong saktan.
"You're such a good liar Dana. Sana hindi nalang ako pumayag sa kapatid ko na ligawan ka, hindi ka naman worth it. You're a scam and a big liar." Galit na sabi niya at kasabay ng paglapat ng bibig niya sa labi.
Nanlaki ang mata ko at pilit siyang tinutulak. Ngunit hindi siya mabuwag-buwag, mas malakas siya kesa sa lakas ko. Tinaas niya ang aking dalawang kamay at doon pinagdikit. Mas lalong lumaki ang mata ko ng nakapasok na ang kanyang dila sa loob ng bibig ko. Buong lakas kong kinuha ang aking kamay sa kanya at nakawala iyon. I punched him hard in his chest. I felt his hands on breast, squeezing. Naramdaman ko ang mainit na tubig na lumalabas sa aking mata. I cried while he molesting my body. I felt him stopped when he heard me sobbing, lumambot ang kanyang tingin sa akin at niyakap ako.
I pushed him hard at nakawala ako sa kanya. Nanlaki pa ang mata ko ng nadikit siya sa dingding ng elevator ng tinulak ko siya. Mabuti nalang din ay bumukas ang pinto ng elevator, dali dali akong umalis doon kahit walang kasiguraduhan sa sarili kong ayos ay tumakbo ako papalabas. Nagpara ako ng taxi at nagpadaling pumasok. Inayos ko ang aking sarili ng makapasok sa loob ng taxi, I'm still crying. The driver asked me if I'm okay, I just nodded and smile for my reply.
When I arrived in front of our condo building I wiped my face using my hand. Hindi ko gusto na makita nila akong umiiyak baka kung ano pa ang itanong nila sa akin at hindi ko alam ang isasagot ko. Nang makapasok ako sa loob ng condo ay sobrang tahimik, wala ring tao sa buong paligid kaya nakaramdam ako ng takot. Kumakalabog na naman ang aking puso.
"Elliot, Elion, Cronus?" Tawag ko sa kanila.
"Ay ma'am! nandito na pala kayo, nasa taas po 'yong mga bata. Hindi sila lumalabas simula kanina pa ayaw daw nila mas gusto nila doon." Ani ni Merna na mula sa Kusina.
I felt relieved from what she said. Naglakad ako papunta sa taas, nasa pintuan na ako ng narinig ko ang kanilang kwentuhan. Hindi ko na natuloy ang pagbukas dahil gusto kong malaman kong ano iyon.
"Bakit mo pa ba gusto makita si Daddy, Elliot? We're happy right?" Natigil ako sa akmang pagpasok sa tanong ni Elion sa kapatid.
"I thought you want to meet our dad Elion. Why are asking me that?" Tanong din ni Elliot pabalik.
Pursigido talaga si Elliot na makasama ang ama niya. Kahit noong bata sila siya ang unang nagtanong sa akin kung nasaan ang ama nila. Alibi lang ang sinasagot ko pero ngayon, they're almost five hindi na siya masasagot ng Alibi. Mas dumadami na ang tanong niya sakin na minsan ay hindi ko na masagot. Hanggang nagalit na siya.
"Answer me first." Mauturidad na sabi ni Elion.
"Okay, Elion. Ako ang kuya pero ako pa under sayo eh no... Okay okay don't glared at me like that we're brothers. The reason is I heard from Mamita that our dad is filthy rich, he's a billionaire." Ani ni Elliot.
"So what, we don't need his money. Sometimes I want to meet him, but sometimes I don't want it. The day when we are still in Australia I saw mommy crying and she said, she will never comeback here. But because of you, us rather nandito siya. I don't want her to hurt again." Si Elion naman ang nagpaliwanag.
Elion is a grumpy and a moody boy. He's not that showy like his other brother but hearing this from him make my heart melt. Kahit ganon siya ay mahal niya ako at hindi niya ako kayang makikitang nasaktan. Ito naman ang luha ko na nagbabandayang lumabas sa aking mata.
"We need his money Elion for Cronus operation. Hindi mo ba nakikita na nahihirapan siya? Even mommy wants to give her eyes for him. If dad is here I think he have a lots of connection, kaya niyang maghanap ng donor para kay Cronus." Ani Elliot.
"Mommy can do that also Elliot. We have plenty of money like dad." Pagkontra niya sa ideya ni Elliot.
"Where? If we have that we don't let Cronus suffer. We don't have money Elion, kay Mamita ang perang iyon hindi sa atin." Seryoso si Elliot sa sinabi niya.
"Stop arguing about my condition Kuya. I'm okay, I'm not suffering, I'm happy. Even though I can't see, I can feel that you still love me." Sabad ni Cronus na ikinaluha ko.
They're talking seriously.
They are just four years old, but their minds sounds like a man who knew everything. They are too observant, kaya nga kapag may kausap ako nilalayo ko sila.
"To be honest I don't want to see dad. I realized it when we arrived here. He's the one who abandoned us dapat siya ang maghanap sa atin hindi tayo." Elion said with anger in his voice.
"Elion, hindi ka ba naiingit sa ibang bata na may tatay? Dahil ako Elion inggit na inggit ako. I want to feel the father's love that many children feels." Sa sinabing iyon ni Elliot ay pumasok na ako ng kanilang silid.
I wiped my face and smiled at them. Agad naman silang nag-iba ng emosyon ng makita ako. They're smiling while hugging on my waist. I kissed each of them above their head. Umupo ako sa kama at tinanong kong ano ang ginagawa nila kahit na alam ko naman.
"We're just watching Mom, Elion recommended to watch other space video. Kinukwento lang namin kay Cronus, he's curious about it." Sabi ni Elliot habang pinapakita sakin ang ipod na may video nga sa outer ng mga planets.
Ngumiti ako kahit nagsinungaling sa akin si Elliot. Sumampa ako sa kanilang kama at nilagay si Cronus sa tabi ko sa kabila naman ay pumunta si Elliot. Nakaupo parin si Elion na hindi alam kong saan siya pupwesto. I tapped my legs at sumampa siya sa akin pa harap. Napapalibutan ako ng tatlong gwapong mga lalaki.
"My, you saw our Dad?" Si Elliot habang nilalaro ko ang kanyang buhok.
I don't want to lie on them but from what Eros did earlier mas lalo kong ilalayo sa kanya ang kanyang mga anak. Okay lang sa akin na ako ang saktan niya basta hindi lang ang mga anak ko.
"No baby," ani ko at umiling iling pa. Nakita ko naman kung paano sumimangot ang mukha ni Elliot. "Kay Tito Erwan niyo ako pumunta. I apply on their company para may makain tayo dito."
"We don't have money Mom?" Si Elion na nasa tyan ko.
Nagkunwari akong nag-iisip at nilagay pa ang daliri sa aking bibig. "Mayroon pa naman akong naipon pero kapag hindi ako nagtrabaho wala tayong makakain. Ayaw kong manghingi sa Mamita niyo, I can provide you all."
Tumango tango si Elion at bumalik sa pagkakahiga sa aking tyan. Tinignan ko naman si Cronus na parang anlayo ng kanyang iniisip. I kissed his forehead and fixed his hair. Naramdaman ko naman ang paggalaw niya at mas lalo akong niyakap.
Habang na sa ganon kaming posisyon ay narinig ko ang pagtunog ng bell sa baba. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon kaya nakakapagtaka. Kahit ayaw kong bumangon dahil nakayakap ang mga anak ko ay tumayo parin ako baka isa sa tauhan iyon ni Eros at matuntun kami.
Pagkababa ko ay iyon naman ang pagpunta ni Merna sakin para sabihang may tao sa labas. Sinabihan ko si Merna pagkarating ko na hindi niya bubuksan ang pintuan hangga't hindi niya nasasabi sakin kaya ngayon ay papunta siya sa akin. Sinabihan ko siya na ako na ang bubukas at bumalik nalang siya sa kanyang ginagawa.
Nagtungo ako sa pintuan at binuksan ng kaunti. Nakita ko sa labas si Erwan na may dalang maraming paper bag at may dalawang box ng donut at may sakama din drinks. He smiled at me at pinakita ang kanyang mga dala. Mas pinalaki ko ang pagbubukas ng pintuan at pinapasok siya.
"Wait, tawagin ko lang sila. Magbibihis narin ako, hindi pa ako nakapagbihis." Ani kong tumatawa.
He chuckled and nodded. Pumunta ako sa taas at tinawag silang tatlo, binuhat ko si Cronus pababa. Agad ko naman nasilayan ang masayang mukha ni Elliot ng makita si Erwan. Si Elion naman ay usual lang kagaya ni Cronus na hindi alam kong anong nangyayari. Nilagay ko si Cronus sa upuan katabi ni Erwan at iniwan sila doon.
I changed my clothes at agarang bumaba din. Narinig ko silang tumatawa habang pababa ako ng galing sa taas. Pinuksan ni Erwan ang dalang box na may lamang donut at pinakain sila. Erwan offered me the donut, I took one and eat it. Inilahad niya ang mga dalang paper bag at binuksan.
"Wow!" Elliot exclaimed.
Kinuha niya ang robot na nasa box pa. Bagong bili iyon sa itsura palang ng lalagyan. Elliot hugged the toy while closing his eyes. Meron din naman siyang ganyan sa Australia pero makareact parang first time. Tumayo siya at niyakap sa leeg si Erwan at nagpasalamat. Ginulo lang ni Erwan ang kanyang buhok at niyakap din pabalik.
"I miss this Robot, naiwan ko kasi ang akin doon kina Mamita." Aniya habang binubuksan ang laruan.
Tumawa lang kami ni Erwan sa kabaliwan ni Elliot. Sunod niyang binigyan si Elion na nakakrus ang kamay sa kanyang dibdib na nakatingin kay Elliot. Nagbago naman ang mukha niya ng makita ang paper bag sa harap, nagmadali niyang binuksan at nakita ang iba't ibang libro ng mga paborito niyang basahin. Isa na doon ang mga tungkol sa outer space, bumuka ang mata niya sa dami habang tinitignan isa isa. Hindi ko naman mapigilan ang matuwa sa kanila, they're happy.
"Thank you," Aniya habang binubuksan ang bawat pahina.
Hindi man lang niya niyakap o ano si Erwan basta Thank you lang. Napailang ako sa ugali niya, baka kapag lumaki si Elion maging sakit ng ulo ko siya. Kapag nagkataon pipikutin ko talaga tainga niya.
Next is for Cronus. Erwan gave him the paper bag. Elliot shouted open it for his brother. Tinulungan ko siya ngunit hinawi niya ang kamay ko at sinabihang kaya niya. Kinapa niya iyon hanggang sa natagpuan niya ang bukana at pinasok ang kanyang kamay. Ngumiti siya ng mahawakan ang laman at kinuha iyon sa loob. It's a spider man doll, na paborito niya. Kahit hindi niya nakikita si Spider man ay alam niya naman ang description nito dahil sa mga tinuturo ng mga kapatid.
"It's a spiderman toy? Kuya Elion, it is?" Aniya habang kinakapa ang mukha nito.
"Yes Cronus, it is. It looks good. You can hug that." Sagot naman ni Elion sa kapatid.
Napatingin ako kay Erwan dahil alam niya lahat ng mga gusto ng mga anak ko kaya tinanong ko siya kong paano niya nalaman.
"Napag-usapan namin noong kumain tayo. 'Yan kasi hindi ka nakikinig." He said, smiling.
"Thank you for making them happy." Sabi ko sa kanya.
"Mas sasaya sila kung makikita nila si Kuya." Ani ni Erwan, at binalik ang tingin sa tatlo.
Iyan ang hindi mangyayari Erwan. Hindi ko kaya, may posibilidad na kunni niya sa akin ang mga anak ko. May posibilidad din na hindi niya matatanggap ang mga anak ko dahil sa mga sinabi niya sa akin kanina n'ong nasa kompanya nila ako.
Galit din ako sa ginawa ni Eros sa akin, mas lalo ko siyang pinagmumuhinaan sa pagbabastos niyang ginawa kanina. Sinaktan niya ako lalo, hindi mangyayaring magkikita sila Erwan, HINDI.