Naglalakad palabas ng campus si Claudia ng mapatigil siya. Narinig kasi niyang mayroong tumawag sa pangalan niya. Napangiti pa siya sa kaalamang wala namang ibang tatawag sa kanya kundi si Sir Chris.
"Magandang hapon sir, pauwi ka na rin? Nagkasabay po ulit tayo," nakangiting saad pa ni Claudia.
Napahawak pa si Chris sa sariling batok. Wari mo ay nahihiya. "Sa katunayan ay hinintay lang talaga kita. Aayain sana kitang magmeryenda kung ayos lang sa iyo."
Napangiti naman si Claudia. Parang tumalon ang puso niya sa pag-aayang iyon ng propesor. Totoo naman talagang crush niya ito. Ngunit ang paghanga niya dito ay hanggang doon lang. Kung ang pag-aaya nito sa kanya ay noong panahong ito lang ang nakikita ng kanyang mga mata, baka talagang walang pagdadalawang isip na sumama siya. Pero ngayon? Hindi na lang. Masaya siyang kahit papaano ay ayos na sila ni Agapito. Kahit hindi sila normal na mag-asawa ay masaya na siya kung ano man ang mayroon sa kanila.
"Naku sir, pasensya. Gustuhin ko mang sumama kaya lang may nauna na akong lakad."
"Ganoon ba?" napansin ni Claudia ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito, pero agad ding nawala at nginitian siya. "Wala problema, nagbakasakali lang naman ako. Siguro next time?"
"Why not sir di ba?"
"Thank you Claudia."
"Ay may pa thank you tinanggihan ko nga po kayo."
"Hindi naman para doon. Dahil na rin sa susunod baka pumayag ka na."
Napangiti na lang si Claudia. Hindi naman kasi siya sure kung magkakaroon pa talaga ng pagkakataon ang next time na iyon. Para sa kanya kontento siya sa yugto ng buhay niya ngayon.
Hindi nila napansin na malapit na sila sa may gate. Patuloy lang silang nag-uusap ni Chris.
Samantala, nakailang tingin na si Rico sa suot niyang relo dahil halos mag-aalas singko na ay hindi pa rin lumalabas si Claudia ng gate. Kanina ay nagtanong na siya sa guwardiya at tama naman ang sinabi nito sa oras na sinabi ni Sisima na labas nito.
Ilang minuto pa siyang naghintay. Kung hindi pa lalabas si Sisima sa gate na iyon bago mag-alas singko ay papasukin na niya ang unibersidad na iyon.
Habang naghihintay ay napakunot noo siya ng makita na naman niya si Sisima na kausap at kasabay na naman nito paglalakad ang de Liha na iyon.
"Sisima!" sigaw niya para makaagaw siya ng atensyon. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mangilang estudyante na naroon. Ang nais lang niya ay maalis sa de Liha na iyon ang atensyon ni Sisima.
"Morning Seven," halos manlaki ang mga mata ni Claudia ng makita siya. Mabilis naman itong naglakad palapit sa kanya.
Kahit naiinis si Rico na makitang magkasama na naman si Sisima at ang Crisanto na iyon ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili.
Nagulat pa siya ng mag-abresyete si Sisima sa kanya. Napangisi tuloy siya ng makita ang reaksyon ng propesor kay Claudia.
"Sir Chris ingat po pag-uwi," ani Claudia habang kumakaway sa propesor.
"Mas nauna ba siyang mag-aya sayo?" hindi mapigilang tanong ni Chris na ikinalukot ng noo ni Rico. Pero hindi niya nagawang sumabat. Gusto niyang marinig ang isasagot ni Sisima.
"Ahm, hindi naman po. Pero magtutungo po kaming grocery ngayon. Madami pong kailangang bilhin ang senyorito."
"Senyorito my a*s," bulong ni Rico na umabot sa pandinig ni Claudia kaya naman siniko niya ito na ikinangiwi ni Rico.
"Ingat ka Claudia. Sana sa susunod mapagbigyan mo na ako," nakangiting saad pa ni Chris bago tuluyan sila nitong tinalikuran at hinayon ang sariling sasakyan.
Padabog na inalis ni Rico ang kamay ni Claudia na naka abresyete sa kanya na ipinagtaka nito.
"Get in," utos ni Rico na agad namang sinunod ni Claudia.
Hindi maiwasang mag-isip ni Claudia ng nasa loob na siya ng sasakyan nito. "Good mood naman ang Morning Seven na ito kaninang umaga. Tapos ngayon bad mood na kaagad? Maghapon lang dumaan?" napailing na lang siya.
Pabalyang isinara ni Rico ang pintuan ng passenger seat. Hindi niya malaman kung bakit biglang nag-init ang ulo niya sa nakita niyang pagtawa ni Sisima, pero hindi sa kanya.
Binuhay kaagad ni Rico ang makina ng sasakyan. Mabilis na nag-u-turn at umalis ng parking lot. Wala namang gaanong sasakyan sa kanilang dinaraanan kaya naman halos paliparin ni Rico ang sariling sasakyan. Isipin pang sports car iyon.
Napahawak naman si Claudia sa maaari niyang hawakan. Nakakaramdam talaga siya ng takot pag mabilis ang takbo ng sasakyan.
"Morning Seven, ano bang nangyayari sayo? Nagagalit ka ba?" tanong ni Claudia pero hindi naman pinansin ng asawa.
"Federico Agapito!" Sigaw ni Claudia ng biglang lumabo ang kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan ang umiyak, sa takot na nadarama.
Four years ago mula ng mangyari ang aksidenteng kinasangkutan niya. Wala naman siyang natamong grabeng sugat maliban sa ilang gasgas na nakuha niya. Ngunit ang takot na lumukob sa kanya sa mga oras na iyon ay hindi niya maipagkakailang halos mawalan rin siya ng buhay.
Galing noong sa bayan si Claudia bago pumasok sa unibersidad. First year college lang siya noon, at bumili siya ng materyales para sa gagawin nilang play sa isang subject. Habang sakay ng dyip ay naramdaman niya na biglang bumibilis ang takbo nito.
Lima lang sila noong sakay ng dyip at pang-anim ang driver.
"Manong ano pong nangyayari?" nag-aalalang tanong ng ginang ng mapansin ni Claudia pagtulo ng pawis ng driver sa noo. Kahit sa mga oras na iyon ay hindi naman ganoong kainit.
"Kumapit po kayong mabuti. Pasensya na po kayo. Bigla po kasing nawalang ng preno ang sasakyan," hinging paumanhin ng driver na ikinalukob ng takot ni Claudia.
Ang kaninang mabilis na takbo ng dyip ay mas lalo pang bumilis sa pakurbang daan. Halos lahat na yata ng santo ay natawag na ni Claudia sa mga oras na iyon. Ngunit ang dyip, sa halip na bumagal ay mas lalo pang bumilis ang takbo. Wala na ring tigil ang pagbusina ng driver pag may nakikitang tao sa daan at pinatatabi ito.
"Kumapit po kayong mabuti!" Sigaw ng driver ng may makita itong puno sa may tabing kalsada ay nakuha na kaagad ni Claudia ang gagawin nito. "Pasensya na po sa inyong lahat. Kumapit po kayong mabuti," ulit pa ng driver ng isalpok nito ang dyip na minamaneho sa isang puno.
Sobrang hilong-hilo si Claudia sa mga oras na iyon. Nanlalabo ang kanyang paningin. Nakita niya ang duguang ulo ng driver ng dyip. Ang kasama niyang sakay na pasahero ay katulad rin niyang na shock sa nangyari. Ilang minuto ang lumipas at umalingawngaw ang wangwang ng ambulansya. Ngunit hindi pa dumarating ang tulong ay nagdilim na ang kanyang paningin.
Napatingin naman si Rico sa kamay ni Claudia na biglang humawak sa braso niya. Hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin. Hindi niya alam kung paano ilalabas ang frustration na nararamdaman. Naguguluhan siya sa nangyayari sa kanya.
Noong nasa ibang bansa siya ay kung hindi rin lang siya laman ng mga bar o ng mga rancho kasama ng mga kabayo ay laman naman siya ng racing field. Hindi naman siya racer ngunit nagtutungo siya roon para lang umikot ng ilan laps at kalabanin ang bilis ng oras na nagagawa niya mula sa isang racing field at sa iba pang racing field na may iba't ibang disenyo ng mga laps na may magkakaparehong sukat ng kilometro. Kalaban man ang sarili pakiramdam niya ay racer pa rin siya.
Dahan-dahang inihinto ni Rico ang sasakyan sa tabing kalsada ng mapansin ang panginginig ni Claudia. Naglagay din muna siya ng hazard warning.
Nagulat pa siya ng makita ang mga luha ni Sisima na patuloy lang sa pag-agos mula sa mga mata nito at ang paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan niya ang nagpabalik sa kanya sa sarili niya.
"Sisima!" nag-aalala niyang saad habang hindi man lang natitinag si Claudia sa pagtingin sa unahan ng sasakyan. Hindi niya alam kung may nakikita ba ito o kung ano. Ngunit nararamdaman niya ang labis na takot, base na rin sa panginginig nito.
Ilang beses pang tinawag ni Rico ang pangalan ni Claudia ngunit sa tingin niya ay hindi siya nariring ng asawa. Mabilis niyang inalis ang seat belt na suot at inalis ang kamay ni Claudia na nakahawak sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang panginginig nito.
Mabilis niyang tinungo ang passenger seat at binuksan. Inalis din niya ang seat belt ni Claudia. "Sisima! What happened to you?" ani Rico habang hawak ang dalawang kamay ni Claudia na wari mo ay minamasahe para kahit papaano ay maibsan ang panginginig ni Claudia ngunit wala ding nagawa iyon. Patuloy pa rin itong lumuluha.
Hindi na talaga alam ni Rico amg gagawin. Natatakot na rin siya sa nangyayari kay Sisima. Wala siyang alam kung saan nanggagaling ang takot nito. Pero isa lang ang alam niya. Kasalanan niya kung ano ang nangyayari dito, kahit hindi niya alam ang dahilan.
"Claudia, Sisima," ulit pa ni Rico sa pangalan ng asawa hanggang sa yakapin na niya ito.
Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag ng tumugon sa yakap niyang iyon si Sisima ngunit wala pa ring tigil sa pag-iyak.
Inilayo saglit ni Rico ang sarili kay Sisima. Kahit umiiyak ito ay hindi niya mapigilan ang sarili na hangaan ang mapupula at makipot nitong labi. Parang tukso ang nagtulak sa kanya.
Inilapat niya ang kanyang labi sa labi ng asawa. Hindi naman iyon ang first kiss nila. Dahil nangyari ang una noon sa aksidente sa kubo. Ngunit sa mga oras na iyon ay kakaibang damdamin ang kanyang nararamdaman habang magkalapat ang mga labi nila.
Unti-unting iginalaw ni Rico ang labi para lalong damhin ang labi ni Claudia. Puno ng intensidad. Marahan ngunit naging mapaghanap. Hindi inaasahang may umalpas na ungol mula kay Claudia. Mas lalo pa niyang pinag-igihan ang paghalik. Naramdaman ni Rico na wala na ang takot na kanina lang ay nararamdaman ni Sisima. Kahit papaano ay napangiti siya ng maramdaman ang pagtugon ni Claudia sa halik niya. Mas lalo lang siyang nalunod sa matamis na labi ni Sisima. Ngunit kung hindi pa siya hihinto ay baka kung ano ang magawa niya kay Claudia sa mga oras na iyon.
Kung siya ang masusunod ay walang masama. Ngunit isinaalang-alang niya ang damdamin nito.
Ilang sandali pa at si Rico na ang pumutol sa halik na kanilang pinagsasaluhan. Ipinatong ni Rico ang kanyang noo kay Claudia.
"Okay ka na?" tanong ni Rico na ikinatango lang ni Claudia.
Pareho pa silang naghahabol hiningang tinitigan ni Rico si Claudia mata sa mata.
Walag salitang lumabas sa bibig ni Claudia. Para gusto na lang niyang bumuka ang lupa at lamunin siya noon ay hindi siya tatanggi. Wala siyang maaluhap na salita. Masaya, ngunit nandoon ang pagkapahiya. Halos habulin pa niya ang labi ni Rico noong unti-unti nitong ilayo ang labi nito sa kanya. Mabuti na lang hindi iyon napansin ng asawa.
Nagulat na lang si Claudia ng yakapin siyang muli ni Rico at naramdaman na lang niya ang paghalik-halik nito sa kanyang ulo.
"You scared me to death Sisima. Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita kitang nanginginig at umiiyak. I'm sorry Sisima. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina. Hindi ko pinagsisisihan na hinalikan kita. The kiss is amazing, I love your lips Sisima."
Kung hindi lang alam ni Claudia na sadyang mapula na ang kanyang pisngi ay gusto na niyang itago ang mukha. Salamat pa rin sa kanyang pag-iyak kaya mas nauna ng mamula ang kanyang pisngi.
Pinaraanan ni Rico ang pisngi niyang basang-basa ng luha at pinanasan ng palad nito. "Anong dahilan at bigla ka na lang natakot?"
Napahugot ng hangin si Claudia. Wala namang masama kung ikukwento niya kay Rico ang dahilan. Kaya naman sinimulan niya ang dahilan ng takot niya.
"Tapos nagising na lang ako sa ospital at nandoon na ang inay at itay. Kahit ang don ay naroon din. Ipinagpasalamat ko na rin na walang binawian ng buhay sa mga sandaling iyon. Kahit nakita kong duguan ang ulo ng driver ay buhay ito. Nagpapasalamat akong lahat kami ay ligtas. Kaya hindi ako nagkaroon ng trauma. Kaya lang kanina, bigla kong naalala dahil sobrang bilis ng pagmamaneho mo. Kaya hindi ko na napigilang matakot."
"I'm sorry Sisima, dapat ay mas lalo pa akong nag-ingat. Hindi mo na sana naalala ang bagay na iyon."
"Pero ano bang nangyari at bigla ka namang nagkaganoon. Wala naman akong alam na ginawa ko para magkaganyan ka."
"Wala nga ba?" may pagkasarkastikong saad ni Rico na ikinalaki ng mata ni Claudia.
"Don't tell me nagseselos ka kay Sir Chris?" tukso ni Claudia kaya nag-iwas siya ng tingin. "Okay ganito yon. Inaya ako ni Sir Chris na magmeryenda pero tinaggihan ko siya. Mas excited akong mamili tayo at ipagluto ako. Pero sa ngayon umuwi na lang tayo ng bahay. Parang hindi ko maigalaw ang paa ko. Nanghihina pa ako. Kaya wag ka ng magselos," ulit pa niya.
"Hindi ako nagseselos ha. Bakit naman ako magseselos? Magkaibigan naman tayo."
Napalunok si Claudia. Pakiramdam niya ay wala talagang pag-asa na mahalin siya ng asawa. Kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanya.
"Uwi na muna tayo."
"Sige," sagot ni Rico at inayos na ang pwesto ni Claudia. Siya na rin ang naglagay ng seat belt nito.
Napapikit pa si Claudia ng madikit ang kanyang ilong sa may dibdib ni Rico habang inaayos ang seat belt niya. Napakabago ng asawa niya.
Napansin naman ni Rico ang pagpikit ni Claudia. Napailing siya sa isiping natakot talaga ito dahil sa mabilis na pagmamaneho niya. Muli niyang kinabig si Sisima at mahigpit na niyakap. Ilang beses pa niyang pinatakan ng halik sa ulo ang asawa.
"Promise hindi ko na bibilisan ang pagmamaneho. Dadahan-dahanin ko lang. Mag-iingat ako lalo na at kasama kita, hmm. Relax ka lang hindi kita pababayaan."
Nagtataka man sa ginawi ni Rico ay napatango na lang siya. "Salamat."
"Magtiwala lang ligtas kitang iuuwi. Sa bahay-hacienda muna tayo tumuloy para naman kahit papaano ay mas gumanda ang pakiramdam mo. Para makasama mi rin ang itay at ang inay ng tuluyan ng mawala ang takot mo," ani Rico at isinara na nito ang pintuan ng passenger seat.
Isang ngiti pa ang ibinigay sa kanya ni Rico, bago tuluyang binuhay ang makina ng sasakyan. Habang buong ingat ang ginawang pagmamaneho pauwi.