Chapter 16

1734 Words
"Anong ginagawa mo?" nakakunot noong tanong ni Claudia ng maabutan niya si Rico sa kusina. Kitang-kita naman niya ang ginagawa nito, nagluluto. Kaya lang hindi pa rin niya maintindihan kung bakit ginagawa ito ngayon ng asawa. Maaga na nga siyang gumising kahit gabing-gabi na sila nakatulog. Sinabayan pa siya ni Rico habang nagrereview. Natulog lang ito ng makatapos siyang magreview. Kaya hindi niya akalaing mas maaga pa itong nagising sa kanya at ngayon nagluluto pa. "Ano sa tingin mo Sisima?" nakangisi pa nitong saad habang inaahon ang scrambled eggs na niluto nito. "Fried rice, iyong tira nating kanin kagabi, toast bread, egg, bacon at ginisang sardinas sa toyo at suka," dagdag ni Rico matapos ihayin ang mga pagkain sa lamesa. "Gumising ka ng maagap para lang magluto? Ako na dapat ang gagawa niyan nag-abala ka pa." "Nag-aral kang mabuti kagabi kaya naman dapat lang ay ako na ang gumawa nito ngayong umaga. Tulad ng sinabi ko sayo, magsimula tayo bilang magkaibigan. At bilang mabuting kaibigan ay ako na ang gumawa ng lahat ng ito. Galingan mo sa quiz ninyo," tumataas pa ng sabay ang mga kilay ni Rico na ikinatawa ni Claudia. "Pipilitin kong makapasa. Para sayo ang score ng quiz ko na iyon mamaya. Mukhang masarap ha. Marunong ka pa lang magluto Morning Seven?" Napangisi naman si Rico. "Yes my dear wife. Sa tagal kong nanirahan sa ibang bansa ay baka mamatay ako sa gutom kung hindi ako marunong magluto. Mga minsan tayo ang mamili ng mga kakailanganin natin dito sa kusina. Ipaglululuto kita ng mga specialty ko." Hindi naman maiwasan ni Claudia ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso niya. Sino bang hindi. Una hindi niya inaasahan na tatawagin siya nitong 'wife'. Hindi niya akalaing masarap sa pandinig ang endearment na iyon mula sa asawa, "wife," ulit pa niya sa isipan na ikinangiti niya. Pangalawa ay hindi niya akalaing marunong itong magluto. "Natulala ka na," nagulat pa siya ng magsalita si Rico. Humahanga lang naman siya, natulala na pala siya kaagad. "Hindi naman. Hindi ko lang akalain na..." "Marami akong alam gawin? Alam mo Sisima, mula ng napalayo ako dito. Natuto na akong maglaba, maglinis ng bahay at kung anu-ano pa, pati na rin ang pagluluto. Hindi naman dahil ibinibigay ni lolo lahat ng gusto ko ay spoiled na ako. Siguro nga ganoon. Ngunit pinilit kong magkaroon ng alam sa simpleng bagay. Ang ayaw ko naman dito sa hacienda noong pabalik pa lang ako, ay sa kadahilanang, wala ditong night life. Buhay ko ang magstay sa mga bar hanggang madaling araw. Alak, makipagkilala sa mga magagandang babae. Aminado akong may ganoon akong side. Sa edad kong ito, sa tingin mo nasa loob lang ako ng kwarto at nagmumukmok?" natatawang saad pa ni Rico. Hindi inaasahan ni Claudia na magkukwento si Rico ng ganoon sa kanya. Nakakapanghina na marinig na marami itong nakilalang magagandang babae noon. Pero sabagay noon iyon. Pero ngayon ba? Gusto na ba nito ngayon dito? At ayos na ba dito na mag-asawa na sila. Pero sa bagay may hangganan ang lahat. Napailing na lang siya. "Ngayon ba? Gusto mo pa ring balikan ang night life mo?" Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Rico. "Mula ng tumuntong akong muli dito hanggang sa kahapon. Oo ang sagot ko. Nakakabagot na magstay dito. Pero mula kagabi ng nagkausap tayo, biglang nagbago ang isip ko. Gusto kong subukan muli ang buhay dito sa hacienda. Lalo na at ito naman talaga ang buhay ko, bago ako iwan nina mommy at daddy kay lolo," malungkot na saad ni Rico. Alam naman ni Claudia na mabuting anak at apo si Agapito. Iyon palagi ang kinukwento sa kanya ng don tuwing namimiss nito ang apo. Kaya naman naniniwala siya doon. Dangan nga lamang at noong unang dating nito ay nagkaaberya sa laptop nito, kaya naman hindi rin niya ito masisi sa pagiging mainitin ng ulo nito sa kanya. "Huwag ka ng malungkot, nandyan ang lolo mo para sayo. Nandito rin ako bilang kaibigan mo. Isa pa bago pa lumamig ang niluto mo ay kumain na tayo. Ihahatid mo ba ulit ako?" nakangising tanong ni Claudia na sa tingin niya ay nagpabalik ulit sa tunay na Rico. Nawala kasi bigla ang lungkot na dumaan sa mga mata nito at napalitan ng pagngisi. "Kung nais mo, ay pwede. Huwag ko lang makikitang lalapit ka ulit sa iyo ang de Liha na iyon," ani Rico at nagsimula ng magsandok ng sinangag at ng ulam. Ngunit nagulat pa si Claudia na hindi naman pala dito ang sinasandok nitong pagkain kundi para sa kanya. "Kain ka na, magtitimpla lang ako ng kape." Napasunod na lang ng tingin si Claudia kay Rico. "Sarapan mo ang kape ha. At isa pa de Luna nga iyong apelyedo ni Sir Chris." "Whatever. Basta hindi ko gustong lumalapit ka sa Crisanto na iyon. Ayaw ko rin namang pagmulan pa ng tampulan ng tsismis kung malalaman nila na asawa mo na ako, na nag-asawa ka na. Kahit gusto kong ipamukha sa de Liha na iyon na asawa kita ay hindi ko magawa." Napaikot na lang ni Claudia ang itim ng mga mata dahil sa mga pangalang sinasabi ni Agapito sa kanya. "Oo na hindi naman talaga ako lumalapit, kaya lang ay nagkakataon lang na nagkakasabay kami ni Sir Christopher de Luna," ipinagdiinan na ulit niya ang pangalan ng propesor. Inilapag naman ni Rico ang tasa ng kape sa tabi niya. "Lalaki ako kaya alam ko at ramdam ko ang likaw ng bituka ng Crisanto na iyon. Hindi ako bulag para hindi makita ang pagnanais ng de Liha na iyon na makasama ka. Alam kong bawal ang teacher, students relationship. Kaya nararamdaman kong ngayong malapit ka ng magtapos ay dumadamoves na iyong lalaki na iyon para mapalapit sayo. Hindi ako pumapayag." Napangiti naman si Claudia. "Sana totoo na lang. Hindi ko maipaliwanag pero masaya ako kung totoo," ani Claudia sa isipan. "Kain na, ang hilig mong matulala. Iisipin kong nahuhuli ka ng karisma ko?" "Salamat sa kape, at sa pagkain. Hindi noh, hindi pa rin lang ako makapaniwala na marunong ka sa gawaing bahay, at magluto. Sa isang haciendero na katulad mo ay bonus points iyan sa isang babae na mamahalin mo." "Bakit mahal mo na ako?" "Kuu, gutom lang yan. Baka sobrang napagod ka sa pagluluto kumain na tayo at ihatid mo ulit ako para makatipid ako sa pamasahe," nakangising saad pa ni Claudia at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Nagpapasalamat na lang siya na hindi nahalata ni Agapito ang damdamin niyang itinatago. Kahit nga ang lolo nito ay alam ang lihim niyang pagsinta sa apo nito. Ngayon pa bang madami siyang nalaman tungkol dito. Lalo lang siyang nahuhulog. Ngunit hindi niya aaminin dito ang pagmamahal na inililihim niya. Pride na lang ang meron siya kung naisin nitong makipaghiwalay na ito sa kanya sa takdang panahon. Ipagkakait pa ba niya iyon sa sarili niya. Ipinagpatuloy na lang nila ang pag-kain. Naubos nila ang lahat ng niluto ni Rico kahit na ang toast bread ay naubos nilang dalawa. Si Rico na rin ang nagdayag ng pinagkainan nila. Habang si Claudia ay nag-aayos para makapasok na. Dumaan lang sila saglit sa bahay-hacienda para bisitahin ang ang lolo niya at ang mga magulang ni Claudia. Nakilala na rin nila ang nurse na titingin sa don at ang isa pang batang katulong na siyang makakatulong din ng inay ni Claudia sa gawaing bahay. "Anong oras kita susunduin?" Natigil ang pagbaba si Claudia sa sasakyan ng marinig ang tanong na iyon ni Rico. "Susunduin mo ulit ako mamaya?" "Husband's duty," nakangiti pang saad ni Rico na ikinangiti rin ni Claudia. "4:30pm ang tapos ng klase ko." "Okay, I'll be right there before 4:30pm." Bago ba nakababa si Claudia ay kinabig siya ni Rico at hinalikan sa noo. Hindi niya inaasahan ang ginawang iyon ng asawa. "Morning Seven." "It's a friendly kiss Sisima. At para ipaalala sayong buhat kagabi I always care for you. Hmm." "Thank you." "Me too," ani Rico at mabilis na bumaba ng sasakyan para pagbuksan si Claudia ng passenger seat. Napailing na lang si Claudia. "Hindi na masama na nagkaroon tayo ng maayos na pag-uusap. Ang bait mo na ngayon tapos ay ang gentleman mo pa. Hindi ko masasabing hindi ako mahuhulog sayo pag ganyan ka ng ganyan." Napatakip naman ng bibig si Claudia. Hindi naman niya inaasahan na ilalabas iyon ng bibig niya. Bigla tuloy siyang napayuko dahil sa hiya. Hinawakan naman ni Rico ang baba ng asawa at dahan-dahang itinaas para magtama ang kanilang mga mata. May mangilan-ngilan na ring mga estudyante ang pumapasok at napapatingin sa gawi nila. Ngunit hindi na iyon alintana ni Claudia. Pakiramdam niya ay sila lang ni Agapito ang naroon sa mga oras na iyon. "Hindi ko isinasarado ang kaisipan at puso ko sa bagay na iyan Sisima. Mag-asawa tayo at hindi ko masasabing ayaw ako sayo. O sasabihin kong gusto kita. Hindi ko masasabi sa ngayon ang nararamdaman ko. Maliban sa masaya akong makasama ka ngayon. Walang halong biro. Totoo iyon." "Salamat." "Galingan mo sa quiz. Mamaya magrocery tayo. Ako na muna ulit ang magluluto para sa ating dalawa." Hindi na napigilan ni Claudia ang ang mangiti. "Ang sweet mo ha." "Matagal na," pagmamayabang pa ni Rico. Mahina namang sinuntok ni Claudia ang sikmura nito kaya naman hindi na napigilan ni Rico ang mahinang tawa. "Ingat ka pag-uwi," paalam ni Claudia kailangan na talaga niyang pumasok at malayo pa ang lalakarin niya sa loob ng campus. "Ikaw din, iwasan mo si de Liha. Maliwanag." "Oo na. Ang seloso mo," biro ni Claudia kaya naman may natawa si Rico. "Asawa mo ako di ba?" Pagsakay ni Rico sa biro niya kaya naman sabay silang natawa. Kinabig pang muli ni Rico si Claudia at muling hinalikan si noo. "Good luck ulit." "Hindi pa iyon final exam, quiz lang iyon, ikaw talaga." "Sige na pumasok ka na." Napatango na lang si Claudia at naglakad na papasok sa loob ng campus nila. Nakangisi namang tumingin si Rico sa kabilang parte ng parking na iyon ng mapansin niya ang propesor ni Claudia na nakatingin sa asawa niya. Ginawa niya ang paghalik sa noo ni Claudia para makita ng propesor na iyon na hindi na ito pwede pang umaligid sa asawa niya. Naguguluhan man siya sa nararamdaman, at hindi niya maintindihan. Pero sa ngayon isa lang ang nais niya. Gusto niyang sa kanya lang ang atensyon ni Sisima, at hindi siya makakapayag na makuha iyon ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD