Chapter 18

1816 Words
Pagparada pa lang sa harapan ng bahay-hacienda ng sasakyan ni Rico ay napatigil sa pagdidilig ng halaman si Sinandro. Hindi na ganoong kainit kaya naman nagdidilig na siyang muli. Dalawang beses dinidiligan ang mga iyon sa isang araw. Para mapanatili ang ganda at buhay na buhay ang mga halaman. Mula naman sa loob ng sasakyan ay ilang beses na tinapik ni Rico ang pisngi ni Claudia na nakatulog kaagad sa maikling byahe. Napahugot pa siya ng hininga sa isiping kahit kumalma na ito kanina ay hindi pa rin nawala ang takot nito. "Magandang hapon itay, ang inay po?" nakangiting saad ni Rico ng makababa ng sasakyan. "Magandang hapon din Rico, nasa kusina ang lolo lo ay nasa kwarto nito. Si Claudia nasaan? Sinundo mo ba sa eskwela?" tanong naman ni Sinandro ng makalapit si Rico para magmano. "Opo. Nasa loob po ng sasakyan at nakatulog." Napakunot noo si Sinandro. Maaga pa para makatulog ang anak. Maliban na lang kung sobrang napagod ito sa eskwela. O may sakit ito. "May dinaramdam ba ang anak ko?" "Wala po itay kaya lang po may nangyari kanina." Sinimulang magkwento ni Rico sa totoong nangyari kaya nakatulog si Claudia. "Sorry po itay. Nahihiya po ako sa inyo dahil sa nangyari kay Sisima. Hindi ko po sinasadya ang nangyari. Sana po ay mapatawad po ninyo ako ng inay." Isang tipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Sinandro. "Naiintindihan ko ang nangyari. Sana ay hindi na maulit ang mabilis mong pagmamaneho. Talagang matatakot si Claudia. Pero kong tama lang naman ay hindi ka magkakaroon ng problema. "Sige po itay. Dito po muna kami mag-stay ni Sisima. Bubuhatin ko na lang po muna sa kwarto. Napatango na lang si Sinandro at ipinagpatuloy na ang pagdidilig. Pagpasok niya ng kabahayan ay nakasalubong niya si Lira ang katulong ni Clara sa mga gawaing bahay. "Senyorito. Ano pong nangyari?" "Pakibuksan naman ang kwarto ko. Nakatulog kasi sa byahe ang asawa ko." Nagmadali namang sumunod si Lira. Nakasalubong din nila si Jasmine. Ang private nurse ng lolo niya. Kalalabas lang nito sa kwarto ng don. Matapos maihiga sa kama ay hinubad ni Rico ang suot na sapatos ni Claudia. Tapos ay nilagyan niya ito ng kumot. Ang air-con naman ay binuhay na ni Lira bago ito lumabas. Naupo pa si Rico sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ni Sisima. "I don't know the exact term for what I feel right now. Madaming babaeng nagdaan sa buhay ko habang wala ako dito. Pero sayo lang ako naguluhan. Unang pagkikita pa lang natin, except noong panahong baby ka pa. Mayroon na tayo kaagad na hindi pagkakaunawaan. Naiinis ako sayo sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Pero dahil nag-usap na tayong hindi ka na makikipag-usap sa de Liha na iyon, pero sinuway mo ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napatakbo ko ang sasakyan na para akong nakikipagkarera. I'm sorry Sisima and I mean it. Sleep tight, sleepy head. Bababa lang muna ako. Babalikan kita mamaya," ani Rico at hinalikan muna niya sa noo si Claudia. Nasa may pintuan na siya ng muli niyang binalingan ang natutulog na asawa. Napailing na lang siya sa isiping, parang hindi niya makita ang dating siya mula ng makasama niya si Sisima. He care about girls, but not the way he taking care of Sisima. Pag ang babae lumalapit at nagbibigay ng motibo hindi siya nakokontentong hindi sila hahatong sa nais nito. Masasabi niyang pwede na siyang bigyan ng award sa kabaitang taglay niya para sa mga babaeng nakikilala niya. With the safety measures humatantong sila sa kama. Pinagbibigyan niya ang mga ito, with pleasure. Ngunit iba kay Sisima. Kontento na siyang makasama lang ito. Walang intimate score, pero may attraction. Higit sa lahat kontento siya. Kontento talaga. Napahugot na kang siya ng hininga at ipinagpatuloy ang paglabas ng pintuan. Pagdating niya sa baba ay tinungo niya ang kwarto ng kanyang lolo. Nakaupo ito sa isang silya na naroon at nakatingin sa namumukadkad na mga bulaklak. "Lo," aniya kaya naman napunta sa kanya ang atensyon nito. "Nakita ko amg sasakyan mong nasa may garahe. Kumusta ang pagsasama ninyo ni Claudia," baling ng don bahang itinuturo ang isang upuan na nasa harap nito. Naintindihan naman iyon kaagad ni Rico kaya naupo na rin siya. "Hindi ko alam lo. Naguguluhan ako, pero iba na ngayon. Kahit papaano ay magkasundo na kami ni Sisima. Ipagluluto ko sana siya ng mga luto na natutunan ko sa ibang bansa. Kaya lang nangyari ang bagay na iyon." Napakunot noo ang matanda. "May nangyari ba? Nasaan nga pala si Claudia? Paglabas ni Jasmine saka ko lang nakita ang sasakyan mo. Kaya hindi ko alam kung kasama mo ba si Claudia." Tulad ng sinabi niya kay Sinandro ay inulit na naman niya sa kanyang lolo. Inaasahan pa niya na naman sa Inay Clara ay ganoon na naman ang sasabihin niya. "Ganoon ba. Hayaan mo na lang munang matulog si Claudia. Dito na muna kayo ng ilang araw. Namimiss ko rin ang pag-iingay ni Claudia. Noong pinili mong umalis at manirahan na malayo dito ay kay Claudia natuon ang atensyon ko. Sa totoo lang gusto ko talaga si Claudia para sa iyo apo. Nag-aalala lang ako dahil sa edad ninyo. Maaaring dumating ang panahon na makatagpo siya ng kasing edad niya na mamahalin niya ng totoo. At itong kasal na ipinagpilitan ko sa inyo ay makalimutan sa pagdating ng panahon. Kaya nagpapasalamat ako sayo apo na pinagbigyan mo ako. Ganoon rin ang pagpapasalamat ko kay Claudia." "Lo, nag-usap na kami ni Sisima. Magsisimula kami mula simula. Bilang magkaibigan kahit kasal na kami. Ayaw ko rin naman po na may pagsisihan ako sa bandang huli na, bakit hindi ko sinubukan. Pero lo, hindi sa binibigyan kita ng pag-asa. Sa lahat ng nakilala ko, kakaiba si Sisima." Napangiti naman ang don dahil sa sinabi ng apo. "Huwag kayong magmadali. Bata pa naman si Claudia. Makakapaghintay ako sa apo sa tuhod Rico," tumatawang saad ng don kaya natawa na lang din si Rico. Ilang sandali pa at may kumatok sa pintuan. Mula doon ay sumungaw si Lira. "Nakapaghayin na po sa dining, Don Ponce, senyorito, " nakangiting saad ni Lira. "Sige na susunod na kami," sagot ng don. Umalis na rin naman kaagad si Lira. Inalalayan ni Rico ang lolo niya na ikinatawa nito. "Ano bang tingin mo sa akin apo nanghihina na? Ang problema ko lang talaga ay ang pagbangon sa umaga at sumasakit talaga ang aking mga kasu-kasuan. Pero matapos kong malampasan ang pananakit ng aking mga buto-buto ay ayos na ako." "Mabuti kong ganoon lo. Makikipaghabulan ka pa sa mga apo mo sa tuhod," ani Rico na biglang nagpatigil sa kanya. Mangha namang napatingin ang don sa kanyang apo. Gulat na gulat naman si Rico sa binitawan niyang salita. Hindi niya akalaing manunulas ang salitang iyon sa kanya. Hinihintay niya ang tudyo ng lolo niya ngunit wala siyang narinig. Naramdaman na lang niya ang marahang tapik nito sa kanyang balikat at nagpatiuna nang maglakad palabas. Kung kaya lang ng don na tumalon-talon habang naglalakad patungong kusina ay ginawa na niya sana. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Rico. Hindi pa ito handa sa pag-aasawa ngunit napilitan ito dahil sa kagustuhan niya. Lalo na ang magkaroon ng anak ay hindi nito binalak. Ngunit sa sinabi ng kanyang apo ngayon, masasabi niyang maganda ang naidulot ni Claudia kay Rico. Sa ngayon ang nais lang ng don ay maging maayos ang pagsasama ng dalawang. At sana ang usapang tatlong taon ay maging habang buhay na. Pagdating sa kusina ay sila na lang dalawa ni Rico ang hinihintay. Nakatayo sa kanya-kanyang pwesto ang mga kasabay nila sa pagkain. Mula ng ikasal si Rico at Claudia ay palagi ng kasabay ng don kumain ang mag-asawang Clara at Sinandro. Ganoon na rin si Lira na anak ng isa ring trabahador at si Jasmine. "Lo mauna na po kayo, hindi pa naman po ako nagugutom sasabayan ko na lang po si Sisima kung kakain siya mamaya," napatango na lang ang don at naupo na sa pwesto nito. Lumapit pa siya kay Inay Clara at nagpaalam. Sinabi din niya ang dahilan kung bakit pag-uwi nila ay nakatulog na si Sisima. "Nauunawaan ko. Paggabing-gabi na nagising si Claudia ay maaari mong katukin ang silid namin ng iyong itay at ako ang maghahanda ng pagkain ninyong dalawa." "Hindi na po inay, ako na po ang bahala. Sa ngayon po enjoy lang po kayo sa pagkain. Salamat po." "Sige na Rico, ikaw ang bahala. Pero kung may kailangan ka tawagin mo lang ako." "Opo, at salamat po." Nagpaalam lang muli si Rico at nagsimula na ring kumain ang mga ito. Pagdating niya ng sarili kwarto ay hindi mapigilan ni Rico ang mapangiti. Bakit ba parang iba ang awra ng kwarto niyang iyon? Napailing na lang siya. Hinubad muna niya ang lahat ng suot at nagtungo ng banyo. Nakasuot lang siya ng roba pagkalabas niya ng banyo at nagtungo sa walk-in closet niya. Kahit naman sa bahay sa ilog sila nakatira ni Sisima ay marami pa rin siyang naiwan na damit at gamit sa kwarto niya. Napahilamos pa si Rico at mukhang problemado kung ano ang isusuot niya ngayong gabi. Gayong kasama niya sa iisang kama si Sisima. Hindi siya sanay magsuot ng damit kung matutulog lang din naman siya. Tama ng boxer shorts ay okay na. Pero sa mga oras na iyon problemado s'ya. Hanggang sa magawi ang mata niya sa isang loose pants na sa tingin naman niya ay magiging komportable kahit papaano. Wala pa nga lang rin siyang suot na pang-itaas. Sana lang ay hindi mailang si Sisima pag nagising ito. Wala naman siyang gagawing masama. Hindi lang din siya pwedeng matulog sa ibang kwarto. Siguradong magtataka ang lolo niya at mga magulang si Sisima. Ilang beses pang nagpalakad-lakad si Rico bago niya napagpasyahang tabihan sa paghiga si Sisima. Nakaharap ito sa kanya sa pwesto nito. Napangiti tuloy siya. Para itong baby kung matulog. Maamo at wari mo ay hindi kayang magalit. "Good night Sisima," aniya at ipinikit na ang mga mata. Wala pang dalawang minuto siyang nakapitkit ng maramdaman niya ang pagsiksik ni Claudia sa kanya. "Inay payakap ang lamig," halos pabulong na saad ni Sisima na ikinabigla ni Rico. "Inay," ulit pa nito. Hindi gusto ni Rico na samantalahin ang pagkakataon. Ngunit hindi niya alam kung bakit kusa na lang kumilos ang katawan niya. Ipinaunan ni Rico ang isa niyang braso kay Sisima at ang isa ay mahigpit na iniyakap dito. Mas lalo namang sumiksik si Sisima sa kanya. Ang akala ni Rico na hindi siya kaagad makakatulog dahil kay Sisima ay kabaliktaran. Tulad ng sinabi niya kontento lang siya na makasama lang si Sisima. Hindi tulad ng ibang babae na dapat mangyari ang dapat mangyari basta kasama niya ay iba. Pero iba kay Sisima. Nandoon ang kanyang malaking paggalang sa asawa. Dahil kontento, komportable at panatag siya. Mabilis siyang hinatak ng antok habang magkayakap sila ni Sisima.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD