Bukang liwayway pa lamang ay nasa garden si Claudia at nagdidilig ng halaman. Tuwing wala siyang pasok ay siya ang gumagawa ng ilang trabaho ng kanyang itay at inay. Sanay na rin siyang gumising ng maagap. Kahit sabihing pwede naman siyang magpatanghali ng gising ay hindi niya magawa. Dahil na rin sa nakasanayan, kaya ayon at kusang nagmumulat ang kanyang mga mata kahit mag-aalas sais pa lang ng umaga.
Samantala, kahit sabihing napuyat si Rico dahil sa hindi kaagad siya nakatulog ay nagising din kaagad siya. Marahil ay kahit bahay nila iyon at sa sariling kwarto siya natulog ay namamahay pa rin siya. Sa loob kasi ng halos nasa labingpitong taon ay ngayon lang talaga ulit siya nakauwi ng hacienda.
Kahit tinatamad pang bumangon ay hindi na rin naman siya dalawin ng antok kaya mas minabuti na lang ni Rico na magtungo ng banyo para maligo.
Kahit sabihing matandang bahay ang bahay nilang iyon sa hacienda ay naparenovate na rin iyon ng ilang beses. Mayroon na iyong makabagong kagamitan. Maliban sa mga antigong gamit na talaga namang iningatan at ngayon ay naroon pa rin.
Ang bawat kwarto sa bahay na iyon ay may kanya-kanyang banyo. Moderno at hindi masasabing napag-iwanan na ng panahon. Tulad na lang ng banyo sa silid ni Rico. May sariling bathtub na ipinasadya ng don para sa apo.
Pagkatapos maligo at makapagpalit ng damit ay akmang lalabas ng kwarto si Rico ng matanawan niya sa may garden si Claudia. Kaya naman na sa halip sa may pintuan siya tumuloy ay tinungo niya ang bintana para mas lalong mapagmasdan ang dalaga.
"She's a little goddess," hindi mapigilang komento ni Rico habang pinagmamasdan si Claudia. "Hindi pa rin nagbabago ang batang iyon. Cute pa rin. Parang noon, para talaga siyang naglalakad na chocolate dahil hindi naman kaputian ng balat tapos ay chubbylog pa. Pero ngayon naman, dalaga ng talaga. Masarap kaya ang labi niya," napapangiting saad pa ni Rico habang nakatitig sa labi ni Claudia. Kahit sabihing malayo ang pagitan nila dahil nasa ikalawang palapag siya ng bahay. Ay malinaw niyang natatanaw ang dalaga. Hanggang sa bigla na lang rumehistro sa isipan niya ang mga sinasabi niya.
"Oh no! I can't believe this. Pinupuri ko ang babaeng iyon! No, no, no, mangkukulam yata ang babaeng iyon eh," inis niyang saad at mabilis na hinayon ang pintuan at pabagsak na isinara.
Pagkarating niya sa baba ay hinayon niya kaagad ang patungong garden at naupo sa upuan sa may lamesang sementadong ipinasadya doon.
Nakuha naman ni Rico ang atensyon ni Claudia kaya naman napatingin dito ang dalaga.
"May gusto kang ipag-utos senyorito?"
"Ahm, yes Sisima ipagtimpla mo ako ng kape," ani Rico na wari mo ay wala lang ang pagkakasambit niya sa ikalawang pangalan ni Claudia.
"Wait lang po senyorito. Claudia po ang nakasanayan ng mga tao rito sa hacienda ninyo na itawag sa akin. Pakiusap Claudia na lang po."
"I prefer Sisima it suits you. Bagay na bagay. Hindi ka ba proud sa pangalan na ibinigay ng mga magulang mo sayo. Kung ako sayo magiging proud ako sa pangalang ibinigay sa akin," nakangising saad ni Rico na sa tingin niya ay naisahan niya si Claudia. Nararamdaman na kasi niya ang inis nito dahil sa pagtalim ng tingin nito sa kanya. Pero agad ding nagbawi ng tingin at matamis na ngumiti.
"Proud po ako sa pangalang ibinigay sa akin ng mga magulang ko Senyorito Agapito. Kaya po wag kayong mag-alala. Kung saan po kayo komportable na tawagin ako ay kayo na po ang bahala. Kape nga po di ba? Sige po Senyorito Agapito, ikukuha ko po muna kayo ng kape bago po ako magtuloy sa pagdidilig ng halaman," ani Claudia na halatang idinidiin pa ang pagtawag ng Agapito kay Rico.
Mabilis namang pinatay ni Claudia ang hose na pandilig at nagmadaling tinungo ang kusina.
Napahilot ng noo si Rico dahil sa pag-aakalang naisahan niya si Claudia pero nag bounce back lang sa kanya ang sinabi niya dito.
Napahugot na lang siya ng hangin sa isiping naisahan siya ni Claudia. "Bakit naman kasi Agapito? Wala akong mapili sa pangalan namin ng isang iyon. Pareho yata kaming pinagkaitan ng pangalan sa henerasyong ito," naiiling na saad ni Rico habang naiisip ang pangalan ng pinsang si Facu.
Ilang sandali pa at dumating na rin si Claudia dala ang kanyang kape. "Your coffee Senyorito Agapito, enjoy."
Hindi na lang nagsalita si Rico dahil siya ang naiinis sa halip na ang babaeng kaharap ang mainis.
"What the fvck!" sigaw ni Rico ng mabitawan niya ang tasa ng kape.
"Ano pong nangyari?"
"Bakit hindi mo sinabing sobrang init ng kape Sisima! Napaso ako!" sigaw ni Rico habang dinaramdam ang napasong dila.
"Wait! What? Mainit ang kape? Saan po kayo nakakita na kapeng hindi mainit maliban sa iced coffee na punong-puno ng yelo?"
"Aba't sumasagot ka pa! Palitan mo itong kape!" naiinis na utos ni Rico na agad naman sinunod ni Claudia matapos damputin ang nalaglag na tasa. Mabuti na lang at makapal ang damong kinabagsakan ng tasa kaya hindi ito nabasag.
Nasa dalawang minuto ng bumalik si Claudia dala ang panibagong tasa ng kape. "Enjoy your coffe senyorito," ani Claudia at iniwan ng muli si Rico.
Hindi pa nabubuksan ni Claudia ang hose ng sumigaw na naman si Rico.
"Anong klaseng kape ito? Kanina sobrang init ngayon naman daig pang patay sa lamig."
"Ang akala ko po ay ayaw ninyo ng mainit di kumuha na lang po ako ng tubig doon sa kuhaan ng inumin," pangangatwiran ni Claudia.
"Don't push me to my limitations woman. Naiinis na ako Sisima!" sigaw ni Rico at iniabot kay Claudia ang tasa ng kape. "Make a new one."
Nagmamadaling umalis si Claudia at muling tinungo ang kusina. Ngayon sigurado na siyang tama ang timpla niya.
"Ayan senyorito hindi na ako papalpak. Black coffee, mainit yan kaya pakihipan na lang."
Napatango na lang si Rico. Ngayon kita na niyang umuusok na nga ang kapeng dala nito. Hindi kasi niya iyon napansin kanina.
Hinipan-hipan pa niya ang kape bago higupin. Nanamnamin pa sana niya ang kape ng bigla niya iyong maibuga.
"What the fvck! Talaga bang ginagalit mo ako Sisima!"
"Ano na naman po bang problema! Tama na ang timpla ko po ng kape ninyo! Mainit at ipinaalala ko na yan sa inyo na hipan ninyo! Bakit galit na naman kayo!" naiinis na saad ni Claudia. Kung hindi lang ito apo ng don ay nahampas na niya ito ng bagay na hawak niya. Naiinis siya sa kasungitan ng binatang amo.
"Tinatanong mo kung anong problema? Taste it. Take a sip. At lulunukin mo," utos ni Rico.
"Ayaw ko nga. Ano yan? Indirect kiss," may pag-iling pang saad ni Claudia.
"Huwag kang maarte Sisima hindi ka ganoong kagandahan. Isa pa sa kabilang parte ka uminom, ng malaman mo amg ikinagagalit ko."
"Ayaw ko pa rin," matatag niyang sagot.
"Okay kung ayaw mo. Plus twenty thousand sa babayaran mong laptop na nasira mo."
"Aba teka, unfair naman po iyon para sa akin."
"So? Di tikman mo na."
Wala ng nagawa si Claudia kundi sundin si Rico kahit nagpupuyos ang damdamin niya. Isang higop pa lang ay bigla na lang niyang naibuga ang kape. "Bakit ang alat?"
"As I told you. Sinong tanga ang makakainom ng kapeng asin ang nakalagay? Naiintindihan ko pa kung mapait. Pero ang maalat? Palitan mo na. Nagtitimpi na lang ako ng galit sayo Sisima ayusin mo ang trabaho mo."
"Ops, sorry sinusunod lang kita para sa inay at itay at sa kabaitan ng lolo mo. Pero hindi ako katulong dito, remember. Senyorito Agapito."
"Okay fine, pahingi ng matinong kape," inis na saad ni Rico na hindi na lang pinatulan si Claudia.
"Kape sa coffee maker, gusto ninyo?"
"Oh, God! Mayroon naman pa lang ganyan bakit kung anu-anong timpla ng kape ang inilalabas mo sa akin!"
Napahilot na lang ng sentido si Rico. Pumipintig ang sentido niya sa konsumisyon. Umagang-umaga kape pa lang ang naiiutos niya ay delubyo na kaagad ang sumalubong sa kanya.
"Kasi hindi naman ninyo sinabi na ganoong kape ang gusto ninyo. Sanay kami dito ng instant coffee lang. Iyong black coffee na sasamahan mo lang ng asukal, at creamer tapos lalagyan mo lang ng mainit na tubig, at viola kape na. Tapos bago kayo umuwi nagpabili ng coffee maker ang don dahil sa inyo. Hindi ko naman alam na iyon nga pala ang gusto ninyo kung sinabi ninyo agad di iyon na kaagad ang ginawa ko," reklamo ni Claudia na agad ding tinalikuran si Rico.
"So kasalanan ko pa na kung anu-ano ang ibinibigay mong kape sa akin? may pagkasarkastikong saad ni Rico na nginitian ni Claudia.
"Mabuti naman po Senyorito Agapito at alam mo," saad ni Claudia sabay karipas ng takbo.
Hindi na nagawang umalma ni Rico ng maabutan na lang niya ng tingin si Claudia na nasa may pintuan na papasok ng kusina.
Ilang sandali pa at lumabas si Clara na siyang may dala ng kape na hinihingi niya sa anak nito.
"Bakit kayo ang may dala niyang kape?" tanong ni Rico ng maibaba ni Clara ang kape sa may lamesa.
"Akala ko po ay inutusan ninyo si Claudia na silipin po ang lolo ninyo. Kaya po sabi ni Claudia na ako na lang ang magdala ng kape ninyo. Patapos na rin akong magluto ng almusal senyorito. Tatawagin ko na lang kayo pagkakain na. Magigising na rin po ang lolo ninyo. Tama lang ang pagpapatawag ninyo kay Claudia sa don," nakangiting saad pa ng inay ni Claudia na ikinatango lang niya.
Nagpaalam na rin ito gawa ng baka daw masunog pa ang nakasalang pa nitong niluluto.
Napailing na lang si Rico bago sinimulang higupin ang kape niya. "Pambihira," hindi niya mapigilang bulalas ng tumama rin ang kapeng nais niya. Mainit ngunit hindi nakakapaso. Hindi sobrang tamis at katamtaman lang ang pait na hinahanap niya sa isang kape.
Samantala, napangiti naman ang don habang ikinuwento ni Claudia ang kamalasang dinadas niya sa apo nito.
"Wala pong nakakatawa doon Don Ponce. Hindi ko naman po kasalanan na napaso siya. At akala ko po ay malamig na kape ang gusto kaya ikinuha ko sa lagayan ng inumin. At higit po sa lahat, bakit po ba asin ang nakalagay sa lagayan ng asukalan. Napagkamalan ko po tuloy na asukal," reklamo niya sa matanda.
"Baka nagkamali ako ng lagay kahapon. Nakita ko kasing naiwan ng iyong inay ay baka napagbaliktad ko ng balik sa lagayan."
"Sorry po."
"Walang problema hija."
"Hindi po kayo galit sa mga reklamo ko?"
"Paano ako magagalit kung sa loob ng ilang taon ay nandito na muli ang apo ko at iyon ang pinakamahalaga. Isa pa ano bang tingin mo kay Rico?"
"Kay Senyorito Agapito?" aniya na mas ikinatawa ng matanda. Kahit naman siya ay natawa ng masambit niya ang pangalan ng binatang amo.
"Oo si Agapito," sobra talagang nasisiyahan ang don dahil sa mga pinagsasasabi ni Claudia. Para tuloy siyang bumata ng dalawampung taon dahil sa pagtawa.
"Yang gwapo po," natigil sa pagtawa ang don pero kitang-kita ang saya sa mga mata dahil sa sinabi niya. Pero hindi naman biro iyon. Kamukha ng don ang apo at napakagwapo naman talaga ng senyorito.
"Kahit iyan lang hija ay sapat na sa akin. Masaya akong nagagandahang lalaki ka sa apo ko," makahulugang saad ng don na hindi maunawaan ni Claudia. Magtatanong pa sana siya ng biglang may kumatok at dumungaw sa may pintuan ang kanya inay.
"Don Ponce kakain na po. Nasa hapag na rin po ang senyorito, kayo na lang po ang hinihintay."
"Sige na susunod na ako."
Nagpaalam na rin si Clara. Inalalayan naman ni Claudia na makatayo ang don. Iyon lang naman ang hirap sa matanda ang pag-alis sa higaan sa kama. Pero bukod doon ay wala na. Sa maghapon naman ay makikitang napakalkas nito.
Sabagay kahit mga napakabata pa ni Claudia o kahit ang kanyang inay at itay ay problema din ang sumasakit na likod sa umaga pagbabangon sa higaan.
Hindi na sumama si Claudia papasok sa kusina. Natawa na lang si Don Ponce ng magpaalam ang dalaga na babalik na ito sa hardin para ipagpatuloy ang naudlot na pagdidilig ng mga halaman.