Matapos kumain ng umagahan ay umakyat si Rico ng kwarto niya. Wala siyang balak lumabas ng bahay sa araw na iyon. Tama na iyong hanggang garden lang siya.
Iniisip pa rin niya kung paano maaayos ang laptop niya. Sa katunayan ay nabubuhay pa iyon dangan nga lamang at kitang-kita ang crack na gawa ng pagkabasag ng screen. Higit sa lahat ay kitang-kita na blackout ang kalahating parte ng laptop. Dahil hindi naman biro ang presyo ng laptop niya ay mas mabuti pang bumuli ng bago kay sa ipagawa iyon.
"Hindi naman pwedeng basta ganoon na lang. Dapat ay matuto ang Sisima na iyon na pag-ingatan ang isang gamit lalo na at hindi iyon kanya. Alam kong kaya kong bumili ng bago. Pero ang hirap palitan ng bago kung ang bagay na pinakagusto ko ay nasa lumang laptop ko," napabuntong hininga si Rico.
Ang pinaka ibabaw kasi ng laptop niya doon naka lagay ang larawan ng mommy at daddy niya. Iyon ang huling larawan nila na magkakasama. Kaya binatilyo pa siya doon sa larawang iyon.
"I miss you mommy, daddy," kahit sabihing matanda na siya sa edad niyang thirty five ay hindi naman mawawala sa puso niya ang mga magulang niya.
Habang nakatingin sa larawan ng ama at ina ay naagaw ang atensyon niya ng yapak ng kabayo at ingay ng nag-uusap-usap sa labas. Kaya naman napasungaw siya sa bintana.
"Don Ponce ako na muna ang bahala kay Maximus," ani Claudia habang sakay sa isang white stallion na ikinamangha niya.
Nasa mahigit isang milyon din ang presyo ng ganoong klase ng kabayo. Hindi niya akalaig may ganoong breed na rin ng kabayo sa hacienda.
Napangiti pa si Rico habang nakatingin kay Claudia habang sakay ng puting kabayo. "Para siyang greek goddess na sakay sa puting kabayo," napailing pa siya sa kanyang sinabi ng biglang magtama ang paningin nila ni Claudia. Mula sa baba kasi ay bigla itong nag-angat ng tingin patungo sa bukas niyang bintana kung saan siya naroroon.
Nakita din niya ang lolo niyang siya pa lang kausap ni Claudia. Nandoon din ang isang lalaki na hindi niya malaman kung bago lang doon at ang mga magulang ni Claudia.
"Apo, halika dito. Gusto mo bang libutin ang hacienda? Marami ng bagong hayop na inaalagaan dito. Para malibot mo rin ang kabuoan ng nasasakupan nating lupain. Nais ko rin sanang magbilin sa mga nag-aani ng mangga at saging na magdala dito sa bahay kaya naman uutusan ko sana si Sinandro ng magprisinta si Claudia. Kaya samahan mo na siya apo."
"I'm not in the mood lo," aniya sabay talikod sa mga ito ng bigla na lang siyang umalis sa may bintana. Naiinis siya sa sarili dahil nakaramdam siya ng pagkapahiya ng mahuli siya ng dalaga at titig na titig siya dito.
Kauupo lang ni Rico sa kanyang kama ng makarinig siya ng pagkatok.
"Bukas yan."
"Senyorito Agapito, inuutusan ka ng don na mamasyal sa hacienda ninyo."
"Inuutusan talaga Sisima?"
"Yes po. Sa katunayan niyan ay ipinapakuha na ng lolo mo si Hercules."
"At sino naman iyang Hercules na iyan?" naiinis niyang sagot. Hindi niya alam kung bakit iba ang epekto ng dalaga sa kanya pagmalapit ito sa kanya. Sa dami ng babaeng nakasalamuha niya sa ibang bansa ay iba ang damdaming pinupukaw ni Claudia sa kanya. Kaya naman dinadaan na lang niya sa pagsusungit ng hindi mahalatang dalaga ang epekto nito sa kanya.
"Iyong mabait na kabayo. Sabi ng lolo mo marunong ka namang mangabayo. Kaya lang sa tagal mong wala dito ay hindi ka pa pwede kay Maximus. Huwag kang mag-alala. Maamo si Hercules."
Napakunot noo naman si Claudia ng mapansin ang ngisi ni Rico na hindi niya malaman kung para saan. Hanggang sa mabigla na lang siya ng bigla na lang nitong hapitin ang kanyang baywang at idikit ang katawan nito sa kanya.
"A-anong g-ginagawa mo s-senyorito?" nauutal pang saad ni Claudia ng ilapit ni Rico ang mukha nito sa kanya. Halos gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila. Kung magsasalita siya ay lalapat ang labi niya sa labi ng binata. Kaya naman kahit gusto niya itong singhalan ay hindi niya magawa.
"Tama ka marunong nga akong mangabayo. Pero may alam din akong ibang paraan. Dito sa kwarto ko magkulong tayo. Pwede akong maging hinete tapos ikaw ang... Sisima!"
Hindi na tapos ni Rico ang sasabihin ng bigla na lang siyang mapasigaw at biglang nabitawan si Claudia. Halos mapaluhod pa siya sa sakit ng gitnang bahagi ng hita niya dahil sa pagtuhod sa kanya ni Claudia.
"Senyorito Agapito, kasalanan ninyo kasi. Magbibiro pa kayo, sa taong seryoso. Ano ba yan? Anong gagawin ko sa iyo?" nag-aalalang saad ni Claudia ng biglang pumasok sa kwarto ni Rico ang kanyang itay kasunod ng kanyang inay.
Ilang sandali pa ay kasunod na rin ang don dahil sa pag-aalala nito sa pagsigaw ng apo.
Halos mamilipit naman si Rico sa sakit dahil sa ginawa ni Claudia. Si Claudia naman ay halos mamutla sa nangyari.
Sa katotohanan ay wala naman siyang balak saktan ang maselang parte ng binatang amo. Ang orihinal na plano ay tapakan ang paa nito para mabitawan siya. Kaya lang hindi umayon sa kanya ang pagkakataon. Pagtaas ng tuhod niya ay sapol ang gitna nito. Hindi tuloy niya malaman ngayon kung maaawa siya o matatawa sa sinapit ni Rico. Napakapilyo kasi, ngayon sa kanya pa ang sisi.
"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Sinandro habang inaalalayang makatayo si Rico at madala sa kama nito.
Nilapitan naman ni Clara ang anak at si Don Ponce naman ay sinundan ang apo hanggang sa maihiga ito ni Sinandro sa kama.
"Ano bang nangyari anak?" nag-aalalang tanong ni Clara habang pinagmamasdan ang binatang amo na sa tingin niya kahit papaano ay humupa na ang sakit na nararamdaman. Kahit hindi niya alam kung ano ang masakit sa binata.
"Lo, pakiusap palabasin ninyo ang babaeng iyan kung ayaw ninyong ako ang magpalayas sa kanya dito! Kasama ng pamilya niya!" sigaw ni Rico habang dinuduro si Claudia.
"Ako? Handa po akong umalis kung iyan ang gusto mo! Pero hindi ka naman magkakaganyan kung hindi dahil sa kapilyuan mo. Magbibiro ka lang ganoong biro pa. Probinsyana ako at hindi ako tulad ng mga babaeng nakakasalamuha mo sa bansang pinanggalingan mo!" sigaw ni Claudia.
Sa totoo lang ay nakaramdam ng takot si Claudia. Paano kung palayasin talaga sila ng don. Hindi niya alam kung paano kakayanin ng kanyang inay at itay ang malayo sa hacienda. Mula ng nagkaisip siya ay doon na sila nanirahan. May sarili silang bahay. Pero bigay din naman iyon ng don. Kung paaalisin sila ng hacienda wala na silang ibang matutuluyam at kasalanan niya iyon.
Halos maiyak si Claudia dahil sa biglang realisasyon sa maaaring sapitin ng pamilya niya dahil sa pabigla-bigla niyang pagganti sa apo ng don.
"Ipaliwanag ninyo ang nangyari!" maawtoridad na saad ni Don Ponce ng simulan ni Claudia ang nangyari sa kanila.
"Don't listen to her lo. Paano kung masira ang kinabukasan ng lahi natin ng dahil sa babaeng iyan!" inis na saad ni Rico habang hindi naman mapukaw si Claudia sa paghikbi.
Inaalo pa rin naman si Claudia ng kanyang inay habang ang kanyang itay ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Babae ang kanyang anak at hindi naman dapat ginawa ni Rico ang sinabi ng anak. Kaya lang sa kanyang anak na rin nagmula biro lang ang pangyayari na iyon.
"Kung iyan ang inaalala mo apo ay walang problema. Sa loob ng isang buwan ay dapat makahanap ka ng mapapangasawa namagbibigay sayo ng anak. Kung hindi ay ako ang hahanap ng mapapangasawa mo."
"Wait lang lolo. Nasa plano mo ba ito?"
"Matanda ka na Rico. Ilang taon na lang kwarenta ka na. Kailan ka pa magbabalak magpakasal? Pag wala ka ng kakayahang magkaanak?"
"Lo, darating tayo sa sa pagkakataong iyon. Mag-aasawa din ako. Pero huwag naman pong biglaan."
"Pinal ang desisyon ko Rico. Sa loob ng isang buwan ay maaari kang magharap sa akin ng babaeng iyong mapapangasawa. Maraming kadalagahan dito sa hacienda. Kaya pwede kang maglibot at kilalanin ang bawat tao dito. Wala akong pakialam kung anak yan ng isa sa mga trabahador natin dito. Ang mahalaga sa akin ay maging masaya sa piling mo ang mapapangasawa mo at maging masaya ka rin."
"Nang ganoong kabilis? You're impossible lo," inis niyang saad.
"Walang Imposible apo, sa taong bukas ang puso at isipan."
Napabaling naman ang don sa mag-anak. "Kung iniiisp ninyo ay ang magagalit ako sa inyo dahil sa nangyari sa akin apo ay ipanatag ninyo ang inyong sarili. Masyado lang naging pilyo itong apo ko lalo na at sa ibang bansa na lumaki at tumatanda na rin. Halina kayo sa labas at iwan na natin si Rico dito ng makapag-isip-isip. Hija iyong ipinag-uutos ko. Kaya mo pa ba?"
Nauna ng lumabas ang mag-asawa. Si Claudia naman ay inalalayan ang don. Naging tahimik lang si Rico at hindi malaman kung ano ba ang tamang reaksyon sa sinabi ng lolo niya.
"Opo naman Don Ponce. Uunahin ko po ang sa sagingan lalo na po mas malayo iyon sa manggahan," sagot ni Claudia.
Napatingin pa siya kay Rico bago sila makarating ng don sa may pintuan. May kung anong kirot sa puso ni Claudia ng sabihin ng don na maghanap ito ng mapapangasawa na kahit anak ng trabahador.
"Bakit hahanap pa kung nandito naman ako," ani Claudia sa isipan ng hindi niya napansing 8nusal niya iyon. Nagulat pa siya ng magsalita ang don.
"Ikaw naman talaga ang gusto ko para sa aking apo," nakangiting saad ng don na hindi niya maintindihan.
Palabas na sila ng kwarto ni Rico kaya hindi rin narinig ng binata ang sinabi ng lolo nito.
"Ano po?" naguguluhang tanong ni Claudia lalo na at hindi malinaw ang narinig niyang sinabi ng don.
"May sinabi ka ba?"
"Wala po."
Napatango na lang si Don Ponce. "Sabi ko ay ikaw na ang bahalang magpasensya sa aking apo."
"Naiintindihan ko po. Pasensya na rin po Don Ponce. Sana ay hindi masira ang kinabukasan ng Senyorito Agapito sa nangyari."
"Huwag kang mag-alala hija. Kung masisira ang kinabukasan ng aking apo ay hindi na iyon makakapagsalita ng galit. Kita mo at galit na galit kaya wag kang mag-alala hindi iyon malala," natatawang saad ng don hanggang sa makarating silang muli sa may salas.
"Salamat po dahil hindi kayo galit. Akala ko po ay palalayasin na ninyo kaming mag-anak dahil sa kagagawan ko."
"Hindi iyon mangyayari hija. Hinding-hindi," makahulugang saad ni Don Ponce na hindi naman niya pinagtuunan ng gaanong pansin.
Natanawan na lang ni Claudia si Maximus na hawak ng isang matandang siyang namamahala sa mga kabayo. Pati na rin si Hercules.
"Aalis na po ako Don Ponce para po makabalik kaagad. Magpapadala po ako dito ng maraming hinog na saging at mangga," ani Claudia at iniwan na ang don.
"Ako na lang po ang aalis. Pakibalik na lang po sa kwadra si Hercules," rinig pa ni Don Ponce utos ni Claudia sa may hawak kay Hercules.
Napangiti na lang ang Don ng makasakay ng kabayo si Claudia. Kung pwede nga lang utusan ang kanyang apo na pakasalan na si Claudia ay ginawa na niya. Nasa tamang edad na rin naman ang dalaga. Kaya pwede na itong mag-asawa.
Hindi nga lang talaga pwede dahil daig pang aso at pusa ang dalawa. Pero kung ipag-aadya ng pagkakataon, masaya siyang maging tunay na apo ang dalaga.