Chapter 2

2086 Words
Pabagsak na naupo si Rico sa upuan sa may dining ng makita niya ang mukha ni Claudia doon. "What are you doing here?" inis niyang usal habang matalim na nakatingin kay Claudia. "Paalis pa lang po at katatapos lang po naming kumain ng mga inay at itay. Ililigpit ko lang po sana ito. Sabi ng don ay after thirty minutes pa bago kayo lumabas ng kwarto ninyo. Ay halos fifteen minutes pa lang bakit lumabas na kayo?" Napakunot noo naman si Rico sa sinagot na iyon ng dalaga. Hindi siya makapaniwalang sasagot-sagutin lang siya niya ng ganoon na lang. "Katulong ka lang dito di ba? Bakit ganyan kang sumagot sa amo mo?" Hindi malaman ni Rico kung paano niya nalampasan na mapasinghap sa ngiting iyon ng dalaga. Bigla na lang kasi itong ngumiti ng abot sa mata. "Ay, hindi po ba nasabi sa inyo ng don na hindi po ako katulong dito." "What do you mean?" naguguluhan niyang tanong ng biglang maisip kung ano ang katayuan ni Claudia sa bahay na iyon. "Hindi ka katulong pero nandito ka. Huwang mong sabihing hinayaan ka ng mga magulang mo na maging pangalawang asawa ng lolo ko," may halong pang-uuyam sa boses ni Rico para sa dalaga. "I can't believe this. You're a gold digger slut. Kaya pala sinabi ni lolo na siya na ang babayad ng laptop ko. Kasi hindi ka niya mapapabayaab dahil sa relasyon ninyo? Paano mo naatim na pumatol sa isang matanda? Dahil sa yaman na mayroon ang pamilya Alonzo? Hindi ako makapaniwala." Halos manlaki naman ang mga mata ni Claudia sa paratang na iyon ni Rico. Hindi niya malaman kung iiyak ba siya sa masasakit na na salita na pinagsasasabi ng lalaki o tatawanan niya ito dahil sa eksaherado niyong paratang sa kanya. Isang tikhim ang umagaw sa atensyon ni Rico at Claudia. Si Don Ponce na papasok sa loob ng kusina. Napatayong bigla si Rico. "I can't believe this lolo!" galit na sighal ni Rico habang naiiling na lumalapit sa kanya si Don Ponce. "What's wrong apo?" "Talagang ako pa ang tinanong ninyo ng bagay na iyan? Kaya ba sinabi ninyong kayo na ang magbabayad ng laptop kong nasira ng babaeng iyang dahil may relasyon kayo?" hindi na napigilang bulalas ni Rico ng mapuno ng malakas na halakhak ni Don Ponce ang buong kusina. Sina Clara at Sinandro naman ay pumasok ng kusina mula sa dirty kitchen ng marinig ang malakas na tawa ng don. Napatingin pa ang mag-asawa sa anak na ipinagkibit balikat lang ni Claudia. "Hindi man lang ninyo napigilan ang malandi ninyong anak para makipagrelasyon sa lolo ko," akusasyon ang mababanaag ng mag-asawa sa sinabing iyon ni Rico. Napakunot noo na lang din ang mag-asawa dahil hindi nila maunawaan ang sinasabi ng binatang amo. "Ayaw ninyong magsalita? Bakit? Nabilog na ba ng babaeng iyan ang ulo mo lolo? At kayo hinayaan ninyong maging magkarelasyon iyang anak ninyo na mas bata pa sa akin ng labinglimang taon. Tapos hinayaan ninyong maging karelasyon ng lolo ko. Hindi ko siya matatanggap bilang lola ko. Ayaw ko sa kanya." "At sa tanda mong iyan ay hindi din kita matatanggap na apo," hindi mapigilang saad ni Claudia. "I'm sorry Don Ponce," nakapeace sign pang saad ni Claudia. Napailing na lang ang don at natawa kay Claudia. "Saan ba galing ang hugot ng mga sinasabi mo apo." "Lolo, wala bang mas matanda kay sa babaeng ito para patulan ninyo. Nawala lang ako ng ilang taon tapos..." "Federico Agapito Alonzo, ano ba ang pinagsasasabi mo!" Nagulat din naman si Rico ng banggitin ng lolo niya ang buo niyang pangalan. Galit siya, nagagalit siya. "Dahil hindi naman pala katulong ang babaeng iyan dito sa bahay na ito! So ano ninyo siya? Bagong lola ko," may pagkasarkastikong saad pa ni Rico. "Bakit ba ang init-init ng ulo mo ha senyorito? Ano yang sumasabay sa init ng panahon ang ulo mo? Nabagok ka ba?" inis na saad ni Claudia na hindi na mapigilang sumabat sa usapan ng maglolo. "Tumahimik ka! Kahit anong sabihin ng lolo ko ay hindi kita matatanggap na maging parte ng buhay niya!" "Tanggap mo naman po ba akong parte ng buhay mo?" biro ni Claudia na may halong pang-iinis. Natatawa na lang ang matanda sa mga sinasabi ni Claudia sa apo. Mabait si Rico kaya hindi maintindihan ni Don Ponce kung ano ang mayroon kay Claudia at naiinis dito ang kanyang apo. Gayong noong bata pa si Claudia ay halos si Rico na ang magbuhat dito pag-umiiyak si Claudia. Napatingin naman si Claudia sa mga magulang na hindi mapigilan ang pagngiti. Akala kasi ng mga ito ay kung ano ang dahilan ng don kaya ito malakas na tumawa. At ang ilang sigaw na kanilang narinig. Iyon lang naman pala ang dahilan. Ang kalat sa lamesa na kanilang pinagkainan na mag-anak ay ang mag-asawa na ang nagligpit. Naiwan sa kusina sina Claudia, Don Ponce at Rico. "Relax apo. Hindi maaayos ang isang problema kung hindi ka makikinig sa paliwanag at ang pakikinggan mo lang ay ang alam mo at ang paiiralin mo ay ang init ng ulo mo. Wala akong ibang gusto para kay Claudia kundi ang maging apo ko. Isipin mo nga Rico ang mga sinasabi mo ako. Sa tanda ko ng ito ay nangingilabot ako sa mga sinasabi mo," halos manginig pa ang matanda pagnaiisip ang sinabi ng apo. "Ano ang sinasabi niyang hindi siya katulong dito? Bakit siya nandito?" "Tumutulong ako dito ng walang bayad senyorito kung hindi mo alam. Hindi ako katulong kung tutuusin. Ang inay at ang itay ang nagtatrabaho dito at sila lang ang sumasahod. Malaya akong nakakaikot sa buong kabahayan dahil ako ang tumitingin sa don pag wala akong pasok. May isa din akong kwarto sa maids quarter. May intercom iyon na nakalinya mula sa kwarto ng don. Para kung may kailangan ang don ay matawag ako kaagad at mabilis kong mapuntahan. Iyon ang papel ko sa bahay na ito. Nagtatrabaho ako ng walang bayad. Sapat na ang sinasahod ng inay at itay para makapag-aral ako. Libre din ang pagkain namin dito. Mabait ang don, at sapat na iyong kabayaran para suklian ko ang kanyang kabutihan. Ngayon ano pong masasabi mo senyorito? Mangilabot ka nga sa paratang mo," paismid na saad ni Claudia ng lapitan nito ang don. "Don Ponce, lalabas na po ako. Baka po hindi ko matantya ang apo ninyo. Oo nga at may nabasag akong laptop niya at siguradong dalawang taong sahod ng inay at itay ang kailangang isakripisyo para mabayaran ko iyon. Kaya lang kung makikita ko ang mukha ng Senyorito Rico hanggang mamaya ay baka po masapak ko. Paumanhin po ulit Don Ponce. Lalabas na po muna ako at magtutungo sa aking silid." Nasundan na lang ng matanda ng tingin ang papalayong bulto ni Claudia. Napabalik sa pagkakaupo si Rico. Hindi niya malaman kung anong pagkapahiya ang kanyang mararamdaman. Mabilis siyang nakapanghusga ng tao. Mali ang pagsasalita ng hindi maganda gayong hindi naman niya kilala ang babae. Maliban na ito si Dia. Ang chocolate na naglalakad noon. "Anong iniisip mo apo?" Napatingin na lang si Rico sa lolo niya. Walang salitang lumabas sa bibig niya ngayon. Para tuloy siyang lata. Maingay habang pinupukpok, ngunit ngayong yupi na ay hindi na makagawa pa ng ingay. "Don't judge the book by its cover apo. Hindi lahat ng nakikita mo o narinig mo ay siyang totoo. Mali ang nahusgahan mo si Claudia. Pero kung darating ang panahon, matanda ka na rin Rico. Dapat ay lumalagay ka na rin sa buhay may-asawa." "Ang layo lo ng pinag-uusapan natin. Bakit biglang pumasok ang pag-aasawa. Ang pinag-uusapan natin dito ay si Sisima," umasim ang mukha ni Rico ng maalala ang buong pangalan ng dalaga. Claudia Sisima Acuzar. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang ipinangalan ng mag-asawa sa anak ng mga ito. Noon una ay hindi niya napagtutuunan ng pansin. Pero ngayon napapansin na niyang hindi bagay. "Claudia ang gusto ng batang iyon na itawag sa kanya. Gagalitin mo naman eh." Isang ngisi ang namutawi sa labi ni Rico ng maalala ang sinasabi niya sa lolo niya. Inulit pa niya sa kanyang isipan ang itatawag sa dalaga. Sisima, ngayon masasabi niyang mabuti na lang at ganoon ang pangalan ng dalaga. "Kung magkakaroon ka din lang sana ng pamilya. Sana ay makita mo ang kagandahan ni Claudia. Loob at labas." Hindi kaagad nakapagsalita si Rico. Nahihiwatigan niya ang nais iparating ng lolo niya. "No way lo," mariin niyang sagot. "Hindi ko ipinipilit hijo. Ang sa akin lang baka mabigyan ng katuparan na maging sarili kong apo rin si Claudia. Napakaswerte ng lalaking magiging kabiyak ng batang iyon. Kung hindi ikaw ay wala naman akong magagawa. Hindi ko ipipilit ang kasalang walang pag-ibig." Napakuyom ang kamao ni Rico. Bakit parang hindi maganda sa pandinig ang sinabi ng lolo niya tungkol sa lalaking mapapangasawa ni Claudia. Nakakapagtaka. Napangiti si Ponce ng maalala ang kanyang may bahay. Oo nga at matagal na itong wala, ngunit ang pagmamahal niya dito ay hindi kayang sukatin nino man. Galit na galit ang mga magulang ni Alponce ng malaman ng mga ito ang tungkol sa kasintahan niya. Lihim lang silang nagkikita ni Felicia ng mga panahong iyon. Alam niyang nakatakda siyang ikasal sa babaeng pipiliin ng mga magulang niya. Ngunit hindi niya mapigilang hindi umusbong ang pag-ibig ng makita niya ang dalaga sa labas ng simbahan. Palihim niyang niligawan ang dalaga. Hanggang sa umabot ng isang taon ay napasagot niya ito. Inilihim ni Alponce ang pagtatakda ng kasal niya sa ibang babae kay Felicia. Nang marinig niya ang balak ng mga magulang ay kinausap niya ang kasintahan para sumama ito sa kanya. Noong una ay nagdadalawang isip pa ang dalaga. Ngunit hindi naglaon ay napapayag din ito ni Alponce. "Saan ka pupunta Alponce?" halos mamutla si Alponce ng marinig ang boses ng ama. Ang gabing iyon sana ang gabi ng pagtakas nila ni Felicia para magtanan ngunit nahuli siya ng mga magulang. Hindi siya nakasipot sa kanilang tagpuan. "Aalis na tayo Alponce, nasa simbahan na dapat tayo sa mga oras na ito. Ilang minuto rin at pupunta na roon ang iyong mapapangasawa. Dapat tayo ang mauna," utos ng kanyang ama na wala na siyang nagawa. Pagdating sa simbahan ay nagsimula na rin silang humanay. Mabigat ang kanyang dibdib sa isiping daig pa niya ang unti-unting nawawalan ng buhay habang papalapit ang oras ng kasal sa estrangherang mapapangasawa. Hanggang sa pumasok ang kanyang bride. Doon napuno ng katanungan ni Alponce kung bakit si Felicia ang naglalakad na bride papalapit sa kanya. "Paanong?" "Hindi ko rin alam mahal. Nahuli ako ng mga magulang kong tatakas. Alam kong nakatakda din akong makasala sa lalaking hindi ko kakilala. Kaya sumang-ayon na rin akong makipagtanan sa iyo. Iniisip kong galit ka sa akin dahil hindi ako sumipot sa ating tagpuan," umiiyak na saad ni Felicia. "Ako man mahal ko ay labis na nagdadamdam dahil sa nangyari sa akin na katulad mo ay nahuli din ng mga magulang ko ang aking pagtakas." "Magkakilala kayo?" naguguluhang tanong ng kanilang mga magulang. "Magkasintahan po kami," sabay pa nilang saad na nagbigay ngiti sa mga magulang nila. "Hindi na pala tayo mahihirapang isipin ang pagsasama ng mga bata dahil sila man ay tunay na nagmamahalan." Natuloy ang kanilang kasal at nagdulot ng saya at walang hanggang kaligayahan kay Ponce. Kahit maaga siyang naiwan ng asawa ay hindi man lang ito nawala sa puso at isipan niya. Napatingin naman si Ponce ng maramdaman ang pagtapik ni Rico sa kanya. "Lolo, naglalakbay ang isipan mo." "Naalala ko lang ang lola mo apo. Masaya sana si Felicia kung nakikita ka niya ngayon. Higit sa lahat ang mga magulang mo. Ayaw mo bang sumaya ang hacienda hijo? Bigyan mo na kaya ako ng maraming apo sa tuhod." Napailing na lang si Rico, ng maalala na naman ang labi ni Claudia. Noong makita niya noong una ay halos maiyak, pero kakaiba naman kanina ng mangiti ito dahil naiisip siguro ng dalaga ang pagkapahiya niya, dahil sa panghuhusga niya dito. Napabuntong hininga siya. "Bakit hindi mo ligawan apo si Claudia. Noong bata ka pa naman ay tuwang-tuwa ka sa batang iyon." "Kasasabi ko lang lolo, hindi ka pabor sa kasalang walang pag-ibig." "Ngunit pinahihintulutan ko ang kasalang biglaan apo." "Anong ibig mong sabihin lo?" Napangiti pa si Lolo Ponce na nilampasan ang apo. Tinawag nito si Clara at nagpahanda ng pagkain nila ni Rico. Hindi na nagawang magtanong pa ni Rico kung ano ang ibig sabihin ng kanyang Lolo Ponce. Hinayaan na lang niya dahil mukhang wala na rin namang balak magpaliwanag pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD