Chapter 7

1861 Words
"Sinandro nakita mo ba ang apo ko?" tanong ni Don Ponce sa ama ni Claudia ng mapansin ng matanda na ito ang nagdidilig sa hardin. "Hindi ko ho napapansin Don Ponce. Ang nakita ko lang po sa likod bahay ay ang banig na hiningi ng senyorito." "Ganoon ba? Si Claudia? Bumalik na ba si Claudia? Inutusan kong dalahin sa kubo ang ilang gamit ni Rico." "Hindi pa po bumabalik ang anak ko Don Ponce. May ipag-uutos po ba kayo?" "Itatanong ko lang kay Claudia kung may natatago pa siya noong panghaplas ko. Iyong binili ng batang iyon sa botika." "Alam ko po iyon. Naubos ko na rin po iyong bigay ni Claudia sa aming mag-asawa. Hayaan po ninyo at papupuntahin ko ng bayan si Claudia at magpapabili. Kung nasa kubo pa po si Claudia. Malamang ay naliligo na rin iyon sa ilog. Nasabi pa ng batang iyon na magrereview siya ay hindi pa nga po iyon umaalis doon." "Don Ponce, Nandro," tawag sa kanila ni Clara. "May naluto po akong meryenda. Halina kayo sa loob at ng makain na habang mainit pa." "Pupuntahan ko lang si Claudia sa may ilog at may ipag-uutos ang don." "Ano kaya at sa kubo na tayo magmeryenda. Mukhang nandoon din si Rico kung wala na sa likod-bahay," ani Don Ponce na sinang-ayunan ng mag-asawa. Bitbit ni Sinandro ang basket na naglalaman ng nilutong turon ni Clara at ang thermos na may lamang kapeng barako. Pati na rin ang mga tasa. Hinayon nila ang daan patungong ilog. Natanaw nila ang ilog at wala doon ang dalawa. Nagtuloy na sila ng kubo, para lang magulat sa eksenang nadatnan. Nanghihinang ipinatong ni Sinandro ang dala sa lamesang nandoon sa balkonahe. Nakatingin lang silang tatlo sa dalawang kabataan na nasa kakaibang eksena. "Rico!" bulalas ng don sa pangalan ng apo. Walang kasing bilis ng kilos si Claudia ng hagipin nito ang kumot na nakakalat sa sahig para lang ibalot sa halos hubad na katawan. Si Rico naman ay mabilis na tumayo at kinuha sa may kama ang damit na hindi pa naiisuot. Kahit si Rico ay halos mamutla na parang suka sa gulat sa mga dumating. Ganoon din si Claudia na hindi malaman ang gagawin at sasabihin. Mula sa labas ng pintuan ay pumasok sa loob si Clara at dinaluhan ang anak. Si Sinandro naman ay napahugot na lang ng hininga at naupo sa upuan sa may balkonahe. "Ayos ka lang Claudia?" sapo ni Clara ang mukha ng anak at marahang inalalayan para makaupo. "Bakit umabot sa ganito anak?" dagdag pang tanong ng ina. Naguguluhan hindi naman makapagsalita si Claudia. Ano bang nangyari sa kanila? Ang katotohanan ay walang mali sa nadatnan ng mga ito dahil ang lahat ng iyon ay pawang aksidente lang. Ngunit sino ang maniniwala? Kahit sino man ang nakakita sa kanila sa ganoong ayos ay iisiping may ginagawa silang kababalaghan. Siya na may dalawang maliit lang na saplot na suot habang ang Senyorito Rico ay naka short lang at walang pag-itaas. "Oh! God!" ani Claudia at humarap sa ina. "Inay, itay, Don Ponce," lakas loob niyang saad sa pangalan ng tatlo. "Nagkakamali po kayo ng iniisip sa nakita ninyo," nagpapasalamat siyang hindi siya nautal. Sa iyon naman kasi ang katotohanan. Iba ang totoong nangyari sa nakita ng mga ito. "Hindi po tulad ng iniiisip ninyo ang nangyari. Sa katunayan po niya..." Natigil ang pagsasalita ni Claudia ng itaas ng don ang kamay nito. "Wala kang kasalanan Claudia. Kahit sabihing nasa tamang edad ka na ay mas matandang gulang sa iyo si Rico. Walang ibang dapat sisihin sa sitwasyong nakita namin kundi ang akin apo." Laking gulat naman ni Rico sa narinig. "Bakit ako lolo? Makinig kayo, walang malisya ang nandatnan ninyo. Nagkakamali kayo ng iniisip. Dahil aksidente lang ang lahat." "D-don Ponce." "Ikaw Rico," may awtoridad na saad ng don sa pangalan ng apo. "...anong masasabi mo?" "Lo let me explain. Mali talaga ang iniiisp ninyo sa nakita ninyo. Wala kaming ginagawang masama ni Sisima." "Paano mo ipapaliwanag ang nadatnan naming tagpo? Halos wala ng suot si Claudia. Kung nahuli pa kami ng ilang sandali ay baka kung ano na ang ginagawa ninyong naabutan namin. Nakakahiya sa mga magulang ni Claudia. Ikaw itong matanda dapat alam mo ang responsibilidad mo. Hindi basta babae lang si Claudia. Kapamilya na ang turing sa akin ng mag-anak nina Sinandro at Clara. Hindi ko mapapalampas ang ganyang kilos apo." "What do you mean, lo?" naguguluhang tanong ni Rico. Ibaling ni Don Ponce ang atensyon kay Clara at Claudia na nakaupo sa sahig habang nakaalalay ang ina sa anak. Tumingin din ang don kay Sinandro na nasa labas. "Hindi ko hahayaang takbuhan ng aking apo ang responsibilidad niya kay Claudia. May nangyari man sa dalawa o wala. Hindi sila aabot sa puntong naabutan natin kung hindi sila responsable sa kanilang ginagawa. Alam kong napakabata pa ni Claudia pero hindi siya isang menor de edad. You know what is wrong and what is right hija, tama ba?" tanong ng don kaya napatango na lang si Claudia. "Kaya ngayon mula sa araw na ito ay itatakda ang inyong kasal. Isang linggo mula ngayon," may pinalidad na saad ng don na ikinagulat ni Claudia lalo na ni Rico. "Lo, hindi ako papayag. Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa." "Sana inisip mo iyang bagay na iyan bago ka gumawa ng kalokohan apo. Kauuwi mo pa lang pero ganyang ugali mo ang makikita ko. Hindi tumatalikod sa isang responsibilidad ang isang Alonzo. May paninindigan ang mga Alonzo, kaya kahit anong unos ay nalampasan ng hacienda dahil sa paninindigan na meron tayo. Hindi ang nag-iisang apo ko ang sisira ng pamantayan iyon ng pamilya." Halos mapaupo si Rico sa gilid ng kama ng talikuran siya ng lolo niya. Napahilamos pa siya gamit ang palad. Si Claudia naman ay inalalayan ng kanyang inay na makatayo. Walang salitang lumabas sa bibig ni Sinandro at sinundan lang ang paglabas ng don sa kubo. Matapos makapagbihis ni Claudia ay isinama na ito ng mga magulang paalis sa lugar. Mula sa pwesto ni Rico ay tinanawa na lang niya ang paglabas ng mga taong nandoon lang sa kubo na iyon kanina. Marahan niyang ibinagsak ang sarili sa kama ng wala na ang mga taong natatawa. "Noong nakaraan pinauwi ako ni lolo para daw matuto sa pamamahala sa hacienda. Dumating sa puntong maghanap daw ako ng mapapangasawa. Tapos ngayon? Oh! God! Kailangan kong pakasalan si Sisima dahil lang sa isang maling akusasyon?" napahilamos naman si Rico ng palad sa mukha. Hindi ganoon ang inaasahan niyang mangyari pag-uwi niya ng Pilipinas. Ngunit hindi niya hawak ang takbo ng mga nangyayari. Ngayon naiipit siya sa sitwasyong, hindi niya gusto. Oo nga at nagagandahan siya kay Sisima. Ngunit wala sa plano niyang pakasalan ang dalaga. Hindi dahil naiinis siya dito. Kundi dahil wala siyang pag-ibig sa dalaga. Walang emosyong pumasok si Rico sa malaking bahay. Nasa library ang don at ang mga magulang ni Claudia ganoon din ang dalaga. "Maupo ka apo," saad ng don ng makapasok si Rico sa loob ng library. Pabagsak namang naupo si Rico sa bakanteng upuan na naroon. Napasinghap naman si Claudia ng magtama ang mga mata nila si Rico. Matalim ang mga titig na iyon at nagbabadya ng pagkapuot. Siya na ang nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tagalan ang mga titig na iykn ng binata. "Bago ang lahat, apo nakausap ko na ang mga magulang ni Claudia. Sumasang-ayon sila na ikasal ang ang kanilang anak sa iyo. Sa iyo Rico ay walang mawawala. Ngunit bata at babae pa si Claudia. Hindi mahirap matutunang mahalin si Claudia kaya sa ayaw at sa gusto mo matutuloy ang kasal ninyo makalipas ang isang linggo," pahayag ng don ng titigan lang ito ng apo. "Can I do anything to disobey you lolo? There is nothing, right?" may hinanakit sa tono ng pananalita ni Rico na hindi naman binigyang pansin ng don. "Apo sinabi ko sayong maghanap ka ng mapapangasawa. Pero pagkakataon ang naglapit sa inyo ni Claudia sa ganoong tagpo pa. Hindi mo ako masisisi apo na hindi magustuhan si Claudia napakabait na bata. Pati ang mga magiging in-laws mo ay wala akong masasabi." Pinasadahan lang ng tingin ni Rico ang mag-asawa. Matagal na sa kanila ang mga ito. Bata pa siya ay sa hacienda na naninilbihan ang mag-asawa. Kaya alam niyang mabait ang mga ito. Ang hindi lang niya alam ay kung totoo ang kabaitang ipinapakita ng mga ito sa kanila. O baka ginagamit lang ng mga ito ang anak para makakuha ng kahating mana sa mga Alonzo. Walang basehan ang iniisip niya, ngunit hindi siya makapag-isip ng tama. "Don Ponce, hindi po magbabago ang pakikitungo naming mag-asawa sa senyorito kahit na, makasal sila ng amin anak. Buong buhay kaming naglilingkod sa inyo kaya habang buhay pa kaming magpapatuloy," ani Sinandro at sinulyapan ang tahimik na anak. "Wala kaming hangad na kahit na ano maliban sa kaligayahan at kinabukasan ni Claudia. Nandito lang kami para sa aming anak bilang gabay niya at ng senyorito kung gustuhin man niya," dagdag pa ni Clara. Lihim na napaismid si Rico. Para bang nabasa ng mga ito ang nasa isipan niya. "Ayon lang ako na ang bahala sa magkakasal sa inyo. Kakausapin ko si judge. Isang madaliang kasalan lang ang gaganapin natun dito sa hacienda. At pag may mahaba na tayong panahon. Ikaw Rico, ganoon ka rin Claudia," sabay pa silang napatingin sa don. "Saka ninyo planuhin ang pagpapakasal sa simbahan. Walang nagsalita sa kanila. Nagpaalam na ang mag-asawa at para maipagpapatuloy ang mga naudlot na gawain kanina ng samahan nila ang don sa kubo ng hanapin nito ang apo. "Napagod ako sa mabilis na pagpapabalik-balik dito at sa kubo magpapahinga na muna ako. Mag-usap kayong dalawa. Kilalanin ninyo ang isa't isa. May isang linggo pa kayo para magligawan," nakangiting saad ng don bago ito tumayo mula sa kinauupuang silya at masayang hinayon ang pintuan palabas ng library. Mukhang nakalimutan na nito ang panghaplas na ipapabili pa sana nito kay Claudia sa bayan. Parang biglang lumakas at nawala ang sakit na nararamdaman ng don. Pagkalabas ni Don Ponce ay mabilis na nilapitan ni Rico si Claudia. Dahil sa gulat ay hindi nagawang makapagsalita ni Claudia sa ginawang paghablot ni Rico sa kuwelyo niya. "Ikakasal ako sayo at magpapakasal sayo. Hindi ko alam kung planado ninyo ito ng lolo. Pero huwag ko lang malalaman na ganoon na nga. Dahil pagsisisihan mong naging asawa mo ako. Ibibigay ko sayo ang pangalan ko pero hindi ang puso ko. Tandaan mo yan Claudia Sisima Acuzar, itatak mo sa utak mo, sa araw mismo ng kasal natin pagsisisihan mong naging asawa mo ako!" may diing saad ni Rico bago pabalyang binitawan si Claudia. Napatulala na lang si Claudia ng pabagsak na isara ni Rico ang pintuan ng library. Doon unti-unting nag-ulap ang kanyang mga mata. Halos manlabo ang kanyang mga paningin dahil sa mga luhang nag-uunahan sa paglabas. "Mali bang hayaan ko ang sarili kong makasama siya. Kahit noong hindi ko pa siya nakakasama at sa larawan lang nakikita ay may kakaibang damdaming binubuhay na siya dito sa puso ko. Mali ba ako?" bulong ni Claudia habang patuloy lang na inilalabas ang sakit na nadarama. Sa pamamagitan ng pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD