Chapter 6

2106 Words
"Aray!" malakas na sigaw ni Claudia ng sa bigla niyang pagbangon ay nahulog siya sa kamang kinahihigaan niya. Hindi niya maikilos ang mga kamay na labis niyang ipinagtataka. Hanggang sa mapansin niya ang ayos ng kanyang katawan. Nakabalot siya ng kumot at hindi niya makita kung nasaan ang dulo. Gusto man niyang alisin ang magkakabalot niya sa kumot ngunit pati kamay niya ay nakapaloob sa kumot. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at ipinikit ang kanyang mga mata. "Ano ang nangyari at nasa ganito akong sitwasyon?" usal niya ng isa-isa niyang balikan ang nangyari mula pa ng pagkagising niya. "Anak, ang aga mo. May pasok ka na rin ba ngayon?" tanong ng kanyang inay habang nagsisimula ng magluto ng pang-agahan. "Wala po inay. Tulad nga po ng palagi kong sinasabi sa inyo ay baka nasanay lang. Pati nasilip ko na po ang don at mahimbing pa po ang tulog. Magdidilig po muna ako sa hardin." "Ganoon ba? Naku huwag na muna magkape ka na lang muna at mamaya ay may ipag-uutos daw sa iyo ang don sa may kubo. Alam mo namang excited iyon sa pagbalik ng kanyang apo kaya naman ipinagawa ng mabilisan ang kubo. Dahil ang ilog na iyon ang paraiso ng senyorito." "Ah sige po. Ako po muna ay magsasalang ng labahin. Para po hindi na po kayo ang gumawa mamaya. Para magsasampay na lang kayo," napangiti na lang ang kanyang inay. Matapos maghango sa washing machine ang mga damit na nalabhan na ay nagsalang ulit si Claudia ng iba pa. Napasungaw naman siya sa may pintuan ng pumasok sa kusina ang don at ang apo nito. Lumabas na rin kasi ang kanyang inay at mabilis na dinampot ang mga nalabhan na niyang damit. "Claudia, anak, pakinggan mo kung tatawag ang don at baka may ipag-uutos. Isasampay ko na rin muna ito ng mabilis na makatuyo." "Opo inay." Ngunit hanggang sa makatapos kumain ang maglolo ay hindi na tumawag ang don, maliban na lang ng siya mismo ang tinawag nito para sa sinasabi ng kanyang inay na ipag-uutos ng don. "Don Ponce ano pong ipag-uutos po ninyo sabi ng inay." "Ipagdala mo ng gamit si Rico sa may kubo. Kahit tig-iilang piraso lang. Para naman pagnaisipan ng apo kong magtungo ng ilog ay may pamalit na siyang damit. Alam kong magugustuhan niya doon. Gusto kong makapag-isip-isip si Rico. Sa katunayan ay dahilan ko lang kay Rico ang pamamahala ng hacienda. Sa katunayan ay sa edad niya dapat ay may tatlo na akong apo sa tuhod." Napalunok si Claudia. Bakit parang may bikig sa kanyang lalamunan. Habang bigla ay parang kumirot ang kanyang puso ng sabihin ng don na dapat ay may tatlo na itong apo sa tuhod. Aminado siyang kahit napakasungit ng senyorito ay itinatangi niya ito. Hindi lang niya maipakita lalo na ang maiparamdam. Hindi naman bagay sa isang maharlika ang isang dukha. May pangarap lang siya ngunit hindi iyon sapat para bumaba ang tala sa lupa. "Claudia?" Napapitlag siya. Hindi niya akalaing maglalakbay ng ganoong kabilis ang kanyang isipan. "A-ano nga p-po iyon?" nauutal pa niyang saad ng ngumiti ang don. "Ipagdala mo ng gamit si Rico sa kubo. Mga damit at personal na gamit na pwedeng pamalit pagnaligo sa ilog si Rico. Nasa likod bahay lang ang apo ko. Mukhang hindi pa naaalala ang ilog at nanghingi ng banig doon daw siya mahihiga. Isa pa pwede ka pa ring maligo sa ilog tulad ng palagi mong ginagawa sa mga nakalipas na taon. Baka isipin mong ipagbawal ko dahil nandito na ang apo ko. Hindi ganoon." "Salamat po Don Ponce. Magrereview po ako. Kaya magdadala na rin po ako ng notes ko doon. Isa pa po ay may pagkain na naman pong nadala doon ang itay at ang inay kahapon," excited niyang saad. "Sige na," ani Don Ponce at mabilis namang sumunod si Claudia. Paglabas niya ng likod-bahay ay napansin niya kaagad si Rico na nakahiga sa banig habang nakatingin sa kalangitan. Ipinagkibit balikat na lang niya at hindi binati ang senyorito. Pagkarating niya sa may kubo ay binuksan niya kaagad ang lock ng pintuan. Pagkapasok niya ay inayos niya kaagad ang gamit ni Rico. Habang nakaupo sa may pinaka balkonahe, pakiramdam ni Claudia na inaaya siya ng ilog. Binitawan niya ang cellphone na hawak kung saan nandoon ang mga notes niya na dapat mareview. Hinuban niya ang suot na damit at short. Ang natira na lang sa kanya ay ang kanyang dalawang panloob. Pumasok pa si Claudia sa loob ng bahay. Para humarap sa isang maliit na half body mirror. "Maganda din naman ang katawan ko at wala naman maiipintas. Iyon nga lang hindi ko kayang ilaban sa school bilang muse ang sarili ko. Kung ako lang makakakita ay masasabi kong ang perfect ko naman," napahagikgik pa si Claudia sa naiisip niya. "Pero kung ang dahilan ng pagsusuot ko ng ganito ay makikita ng ibang tao dahil sa kompetisyong sasalihan. Hindi bali na lang," napaismid pa siya habang kinakausap ang sarili. Ayaw talaga niyang lumaban sa pagandahan. Dangan na nga lamang na napapaisip siya ngayon lalo na at nasira niya laptop ng Senyorito Agapito na iyon. "Mababaliw na ako pag-iisip. Makaligo na nga lang muna," aniya at hinayon ang paglabas ng kubo. "Ang sarap at ang lamig," bulong pa niya habang paulit-ulit na sumisisid sa ilalim ng malinis na ilog. Napakalinaw ng tubig kaya naman talagang naging paborito din niyang lugar iyon sa hacienda. Habang sumisisid sa ilalim ay hindi napansin ni Claudia na nakalayo na siya. Kaya naman mabilis din siyang bumalik sa pinanggalingan. Hanggang sa magulat na lang siya ng biglang may malaking bagay na bumagsak sa tubig. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng takot kaya naman muli siyang lumubog. Ngunit hindi pa siya nakakalayo sa pwesto niya ay may biglang humawak sa kanyang baywang na ikinatakot niya. Habang nag-iisip ng gagawin sa kung sino o ano man ang nakahawak sa kanya ay naramdaman niyang bisig ang nakapulupot sa baywang niya. Nakahiya siya ng maluwag hanggang sa iharap siya ng kung sino man. Nagulat pa siyang ang Senyorito Agapito ang taong iyon hanggang sa bigla na lang niyang naramdaman na may ahas sa pagitan nila. Iyon takot na naramdaman niya kanina ang dahilan para mawalan siya ng malay. Kaya ngayon ay nadoon siya sa sitwasyong daig pa niya ang binalot na suman. "Bakit naman kailangan pa akong ibalot ng ganito? Pwede naman lagyan na lang ng kumot kung sakali man," reklamo ni Claudia habang pilit na inaalis ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Para tuloy siyang uod na gumagapang sa sahig dahil sa pagkakabagsak niya sa kama. Habang pilit na kumakawala sa kumot ay hindi napansin ni Claudia ang pag-usad ng kanyang katawan. Bigla na lang siyang natigilan ng mapansin ang mga paang nakatayo malapit sa mukha niya. Dahan-dahan niya iyong tiningala hanggang sa magtagpo ang kanilang mga mata. Napalunok siya ng mapansin ang gwapong mukha ng kaharap. Mula sa suot nitong light brown short. Pataas sa hubad pa nitong katawan, at basang-basa pang buhok. Napasunod naman ang tingin ni Claudia sa isang butil ng tubig na nanulay mula sa noo nito patungo sa pisngi at bumagsak sa may dibdib nito. Patungo sa magandang hubog nitong tiyan na sa tingin niya ay kay sarap hawakan. Hanggang makarating sa.... muling napalunok si Claudia. "Eyes up here lady. Kung saan-saan dumadako ang mata mo," nakangising saad ni Rico. Nagpatuloy ito sa paglalakad patungo sa kama na nandoon at naupo sa gilid nito. "A-anong n-nangyari? H-hindi ba n-nakapangagat iyong a-ahas?" nauutal na tanong ni Claudia. Sa tingin niya ay hindi naman talaga siya nakagat noon lalo na at sa mga oras na iyon ay humihinga pa niya. "Nakita mo ba ang ahas na sinasabi mo ha Sisima," may inis sa salitang lumabas kay Rico. Napakunot noo na lang si Claudia. "Bakit naman siya nagagalit? Nagtatanong lang mabuti kung siya lang ang natuklaw noon. Paano naman ako? Hindi ko pa nabibigyan ng magandang buhay ang inay at itay tapos ahas lang sa ilog ang papatay sa akin? Ay huwag naman sana," aniya ng mapansin ang pagngisi ni Rico. "Anong nakakatawa Senyorito Agapito? Hindi mo alam ang takot na naramdaman ko dahil lang sa ahas na iyon!" may galit niyang saad. Kung ito ay walang inaalalang buhay. Siya ay mayroon. Ang mga magulang niya na hindi niya alam kung ano ang mangyayari kung mawawala siya. "Napakadaldal mo. Walang ahas." "Meron." "Nakita mo?" may bahid ng tukso sa boses nito. "Hindi! Pero ramdam na ramdam kong dumaan iyon sa pagitan ng k-katawan natin kanina," nauutal pa niyang saad. "Manhid ka lang kung hindi mo naramdaman!" inis na lalong sabi ni Claudia ng malakas na tumawa si Rico. "Anong nakakatawa ha! Akala mo ba biro lang ang lahat! Halos mawalan ako ng m-malay." "Hindi lang halos Sisima, kasi nawalan ka talaga ng malay." "Ayon naman po pala senyorito eh. Kaya walang nakakatawa!" inis niyang saad. Kung makakawala lang sana siya sa pagkakabalot niya sa kumot na iyon ay iiwan na niya sa kubong iyon ang hambog na apo ng don. "But there's no snake there Sisima." "Pero ano ang tawag mo doon sa naramdaman kong mahaba na matigas doon sa may parteng tyan ko," paliwanag ni Claudia na pinaninindigan pa rin ang dahilan kung bakit siya nawalan ng malay. "Oh, sweetheart. Forget about it. At huwag na nating pag-usapan. Tumayo ka na at magbihis. You are only wearing two small piece under the sheets. Kaya huwag kang magtataka kung bakit binalot kita ng ganyan. So get up Sisima," utos nito. "Paano ako makakatayo. Kaya nga nahulog ako sa kama at nakarating dito sa pwesto ko dahil hindi ko maalis ang pagkakabalot ko sa kumot na ito. Kaya pwede ba senyorito. Pakikalas ng kumot." "Giving an access to explore the beauty underneath?" "Pervert! Hindi iyon ang ibig kung sabihin. Pakikalas lang para makapagbihis din ako. Kawawa naman ang magiging asawa mo sayo. Isang buwan lang ang binigay ng don na palugit sayo," pang-iinis ni Claudia na sa tingin niya ay effective naman. Nakita niya ang inis sa mukha ni Rico. "Hindi mangyayari ang sinasabi ni lolo. Lalo na at hindi pa ako handa para mag-asawa. Hindi ko pa nakikita ang babaeng pakakasalan ko," may diing saad ni Rico. "Di hindi kung hindi. Pakialis naman ng kumot," pakiusap ni Claudia ng pahablot na dinampot ni Rico ang kumot at halos umangat ang paa ni Claudia sa sahig sa pagkakabigla ng paghila ni Rico sa kanya. Dahil nakadapa si Claudia ng hilahin ni Rico ng pagalit ang kumot ay nawalan ng panimbang ang dalaga. Bigla namang naalarma si Rico ng pamansing babagsak si Claudia sa sahig. Kaya naman mabilis niya itong nasalo. Ngunit sabay din silang bumagsak sa sahig. Napapikit na lang si Claudia para damahin ang pagbagsak niya sa sahig. Ngunit sa kabila ng pakiramdam niyang paglapat ng kanyang katawan sa sahig ay hindi siya nakaramdam ng sakit. Kasabay ng pagmulat ng kanyang mata na ang mukha ni Rico ay nasa tapat ng muka niya at ang labi nito ay nasa labi niya. Nasa ibabaw niya ito. Hindi niya magawang itulak ang binata lalo na at naipit ang kamay niya. Naramdaman na lang niyang ang kamay nito ay nakasalo sa ulo niya. Habang ang isang kamay ay nakaalalay sa likuran niya. Ramdam na ramdam ni Claudia ang init ng katawan ni Rico sa hindi niya maipaliwanag na masarap na pakiramdam. Sinubukan niyang itaas ang kanyang isang paa, para sana makatayo. Ngunit natigilan lang siya ng maisip niyang wrong moved ang kanyang ginawa. Lalo nakulong ang hita ni Rico. Ngayon nakikini-kinita niya ang awkward nilang pwesto. "S-senyorito," nauutal na saad ni Claudia ng ang binata ang unang mag-angat ng mukha para maglayo ang labi nila sa isa't isa. Sinubukang ilayo ni Rico ang saliri. Dahil naiipit ni Claudia ang kamay niya ay pilit niyang iniangat iyon. Para lamang bumagsak siyang mula at ang kanyang kanang kamay sa kanang dibdib ng dalaga. Rinig sa buong kubo ang pagsinghap ni Claudia. Naramdaman ni Claudia ang pagdaloy ng init ng kamay ni Rico sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Mula sa paglalapat pa ng mga labi nila na hindi sinasadya ay ang pag-ahon ng kakaibang pakiramdam na sa tingin niya ay alam na niya ang dahilan. Umiibig siya sa senyorito sa kabila ng kagaspangan at pagkadisgusto nito sa kanya. "S-Sisima," bulong ni Rico na hindi pa rin maalis ang kamay sa dibdib ni Claudia. "Rico!" sigaw ng isang tinig mula sa may bungad. Sabay pa silang napalingon sa pwesto kung saan naroon ang nakabukas na pintuan. Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ni Claudia at Rico ng makita ang mga taong naroon. Ang don at ang inay at itay ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD