Nakahiga si Claudia sa makapal na damuhan. Gulong-gulo ang isipan niya sa biglaang pagbabago ng maayos niyang buhay.
Estudyante lang siya sa kolehiyo sa bayang iyon. Pagkagraduate niya at nakapasa sa board exam ay maaari na siyang maging guro ng mga bata sa kindergarten. Huling semester na niya sa taong iyon at graduating students. Iyon siya bago dumating ang crush niyang apo ng don.
Ngayon, ilang araw na lang magiging Mrs. Claudia Sisima Acuzar Alonzo na siya. Pangarap niya iyon noong hindi pa naiisipan ng Don Ponce na pauwiin ang apo. Tuwing pinupuntahan niya ang matanda sa silid nito ay hindi maaaring hindi niya susulyapan ang larawan ng senyorito sa may gilid ng hagdanan.
Kasama nito sa larawan ang mga magulang nito. At sa isang kwadro ay ang larawan ng Don Ponce ang asawa nitong si Donya Felicia at ang anak ng mga ito na siyang ama ng Senyorito Agapito.
Sa bawat nakaw na tingin niya sa larawan ay ang pagsibol ng damdaming natural na nararamdaman ng isang dalagang humahanga.
Ang kaibahan lang niya sa ibang kadalagahang humahanga ay nakakausap ng mga ito ang lalaking napupusuan at kilala silang nag-eexist pala sila sa mundo. Habang sa sitwasyon niya ay sa kwadro lang niya nakikita ito. Bukod pa sa mga nakaw niyang larawan ng senyorito na nakatago sa kanyang aparador pag nagpapadala ito ng larawa sa don. Ipapadevelop niya iyon, ayon sa utos ng don. Ngunit may nakatago din siyang maliit na kopya na kasya lang sa pitaka para walang makakita pag-itatago na niya. Kahit ang mga magulang ay walang alam sa kanyang lihim na pagsinta sa senyorito.
Mapait na napangiti si Claudia. "Dapat masaya ako. Pero bakit ganoon? Kahit ang isipan ko ay nagdiriwang sa nalalapit kong ikasal sa senyorito ay hindi maiwasang malungkot ng puso ko sa kaalamang hindi naman niya ako iniibig. Na mangyayari lang ang bagay na iyon ay dahil sa utos ng don." Halos nais mag-unahan ng kanyang mga luha ng marinig niya ang pag-uusap ng Don Ponce at ng Senyorito Rico.
Mahinahon na si Rico ng puntahan niya sa silid ang lolo niya. Nakaupo ito sa may upuan sa tabi ng bintana. Ang pwestong iyon ay natatanaw ang kalawakan ng hardin.
"Lo, maaari ko ba kayong makausap?" Napatingin ang don sa apo ng magsalita ito. Itinuro naman ng don ang isang upuan pa sa silid at dinala rin ni Rico ang upuan nakaharap sa lolo niya.
"Ano iyon apo? Kung ang nais mo ay ang pagbali sa aking utos ay hindi ko gagawin. Hindi lang ako ang nakakita sa sitwasyon ninyo ni Claudia. Kundi pati na rin ang mga magulang nito. Hindi kita pinalaki Rico na maging laruan ang isang babae."
"Pero lo, hindi rin isang laro ang pagkakaroon ng isang asawa."
"Kaya nga pinipili kong si Claudia ang iyong maging kabiyak. Lalo na at naabutan namin kayo sa tagpong iyon. Rico."
"Pero lolo, mali ang iniisip ninyo sa amin ni Sisima. Ipagkakasundo ninyo kami, gayong hindi naman kami magkasundo? Napakaimposible mo lo."
"Pero mahal ka ng batang iyon."
Mula sa pagkakatanaw ni Rico sa labas ay napatingin si Rico sa kanyang lolo.
"Anong ibig mong sabihin lo? Mahal? Paano ninyo nasabi. Uhuging bata pa noon si Sisima ng umalis ako. At buhat noon, kauuwi ko pa lang at hindi pa ako nagtatagal. Baka naman totoong planado mo ito lo. Na akala mo ay ayos lang na makasal na ako kay Sisima dahil kilala na ninyo siya habang lumalaki. Paano naman po ang damdamin ko?" tanong pa ni Rico na ikinabuntong hininga ng don.
Samantala, mula sa labas ng pintuan ay naroon si Claudia. Hindi niya alam kung paanong nalaman ng don ang pagtingin niya sa apo nito. Kaya naman mula ng marinig ang sinabing iyon ng Don Ponce ay nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi na niya kayang makinig. Totoo naman ang sinabi ng don, kaya lang kahit hindi sa kanyang bibig nagmula. Pakiramdam niya ay siya ang umaamin sa Senyorito Agapito ng kanyang damdamin.
Hahakbang na sana siya paalis ng marinig ang dagdag na sinabi ng senyorito sa lolo nito.
"Oo nga po at dito ako lumaki sa probinsya lo. Pero hindi ako nangarap na magkaroon ng asawang probinsyana. Hindi ang tulad ni Sisima ang gusto kong pakasalan," parang may kutsilyong humihiwa sa puso niya ang narinig.
"Hindi ba ako kamahal-mahal?" tanong niya sa sarili. Kaya bago pa siya muling makarinig ng masakit na salita ay mas pinili na lang niyang iwan ang mga ito. Kaya mula sa lilim sa may hardin ay doon siya nahiga. Para pagmasdan ang kagandahan ng kalangitan.
"Walang ibang mas nababagay sayo Rico kundi si Claudia."
"Pero lo, hindi ko mahal si Sisima."
"Napapag-aralan ang pagmamahal Rico. May katulad ng mga magulang mo o kami ng lola mo. Iyong unang titig pa lang alam ng mahal ang isa't isa. Mayroon din namang katulad ng sa inyo ni Claudia. Kailangan kilalanin muna ang isa't isa para maramdamang mahal ninyo ang bawat isa. Mahaba pa ang panahon Rico para sa inyong dalawa. Bakit hindi mo pagbigyan ang pagkakataong makilala si Claudia. Baka sa bandang huli pasalamatan mo pa ako apo sa aking ginawa," nakangiting saad pa ng don.
Napailing pa si Rico. "Hindi mangyayari ang sinasabi mo lo. Pagbibigyan kita sa gusto mo pero hindi ako magpapasalamat sayo dahil pinakasalan ko si Sisima."
"Sigurado ka apo?"
"Isang libong beses na sigurado ako lolo."
"Kung hindi magbabago ang isip mo ay hindi na kita pipilitin. Ngunit kailangan mo pa ring pakasalan ni Claudia. Para na rin sa mga magulang ng dalagang iyon. Tatlong taon apo. Kung sa loob ng tatlong taon at hindi mo nagawang mahalin si Claudia ay ako mismo ang mag-aayos ng inyong paghihiwalay. Makukuha mo ng buo ang bahay-hacienda, at ang kabuoan ng lupaing nasasakupan ko na aking minana pa. Bilang naging asawa mo si Claudia ay ako ang mismong maglalayo sayo sa dalagang iyon. Bibigyan mo siya ng salapi para mismo sa bagong buhay na kanyang tatahakin. Malaking parte ng hacienda si Claudia. Ngunit anong aking magagawa kung hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Ngunit umaasa akong hindi aabot sa puntong maghihiwalay pa kayo," mahabang paliwanag ng don.
"Huwag kang umasa lo, na panghabang buhay ang plano mo sa amin ni Sisima. Tulad ng sinabi ko sayo ay hindi ang tulad ni Sisima ang nais kong makasama habang buhay."
"Ngunit marami ang pwedeng mangyari sa loob ng tatlong taon apo. Malay mo at mahalin mo rin ang dalagang iyon."
"Huwag mong paasahin ang sarili mo lo. Three years is not long enough, hindi ganoong kabilis magbago ang desisyon ko. Pagbibigyan lang kita sa nais mong pakasalan ko si Sisima para na rin sa ikakapanatag ng mga magulang niya. Lalo na at matagal na sila dito sa inyo. Ngunit huwag kayong aasa sa panghabang buhay na pagsasama naming dalawa. Dahil makalipas ang tatlong taon. Matutuldukan ang kasalang magaganap sa isang araw."
Tinapik pa ni Rico ang balikat ng kanyang lolo. Wari mo ay naging mas pabor pa sa kanya ang sinabi ng lolo niya.
Napailing na lang si Don Ponce sa ikinikilos ng apo. Dahil napabayaan niya ito sa ibang bansa at hindi niya nasubaybayang lumaki ay mukhang nadala nito ang pag-uugali ng mga tao doon. Na ang paghihiwalay ay parang natural lang at baliwalang bagay. Na magpapakasal kayo dahil gusto ninyo ang isa't isa at maghihiwalay kayo dahil sawa na kayong magkasama.
Mula sa pagkakahiga at sa hindi mapigilang pagbulwak ng kanyang magluha ay nandoon pa rin ang hiling ni Claudia na sana sa paglipas ng mga araw na magkakasama sila ng senyorito ay mahalin din siya nito. Ngunit napakaimposible ng bagay na iyon.
Kung gaano kaganda ang kalangitan ay ganoon namang kadilim ng puso niya. Simula pa lang broken-hearted na siya. Paano pa kung kasal na sila? Bigla niyang naalala ang sinabi ng binata. Magpapakasal ito sa kanya ngunit pagsisisihan din niya ang pagpapakasal niya dito.
Nasaktan siya sa mga salitang binitawan nito. Ngunit gusto pa rin niyang sumugal. Walang masama sa gagawin niya. Hindi niya ito pinikot at hindi niya planado. Ang tadhana ang nagdala sa kanila sa pagkakataong iyon.
"Gasino pa ang galit mo kumpara sa nararamdaman ko," may diing saad ni Claudia ng bigla na lang siyang napabangon at pinahid ang luhang naglalandasan sa kanyang pisngi.
Hindi niya napansin ang paglapit ni Rico sa pwesto niya. "Totoo ang sinasabi ni lolo na mahal mo nga ako?" may pang-uuyam sa tinig ni Rico. "Huwag kang mag-alala. Pag nakasal na tayo ay abswelto ka na sa nabasag mong laptop ko. Magiging mayaman ka pa at maaari ng hindi magtrabaho dito sa hacienda ang mga magulang mo. Pwede na rin kayong magbuhay don at donya. Magandang opportunity nga naman iyon di ba?"
"Mali ka ng iniisip senyorito. Hindi namin hangad ang kayamanan ninyo at wala akong pakialam sa yaman ninyo. Mabait sa amin ang don kaya hindi ko matanggihan ang nais niyang ipakasal ako sayo. Ayaw kong masaktan ang don ng dahil lang sa pagtanggi ko."
"Hindi iyan ang nakikita ako. Huwag kang mag-alala. Igagalang ko ang kasal natin hanggat kasal tayo. Kaya be ready my future wife. Once na ikasal ka sa akin ay ako na ang masusunod sa buhay nating dalawa. Bubukod tayo ng bahay kay lolo para naman maranasan natin ang buhay may-asawa," nakangising saad ni Rico, dahilan para maramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
"Anong ibig niyang sabihin?" naguguluhan niyang tanong sa sarili habang pinagmamasadan ang papalayong bulto ng Senyorito Agapito.
Napahiga na lang siyang muli sa damuhan. Gusto niyang isipin na magiging maayos din ang lahat kahit sa totoo lang, nararamdaman niyang mali ang desisyon niya na hindi niya pinigilan ang don ng kausapin nitong muli ang mga magulang niya tungkol sa kasalang gaganapin.
Wala naman kasing ibang nakakaalam kundi sila lang. Ngunit wala naman siyang lakas na tumanggi. Sa katunayan ay gulong-gulo ang isipan niya. Dahil paulit-ulit lang ang tinatakbo ng isipan niya. At ang walang katapusang kaba.
Napahugot si Claudia ng hangin at ipinikit ang mga mata. Mas pinili niyang maging positibo sa kabila ng mga simasabi ni Agapito.
"Bahala na."