Chapter 20

2392 Words
Nakabukas ang t.v. sa mahina nitong volume ng malabasan iyon ni Lira. Nagtaka pa ito kung sino ang huling nanood ng t.v. kinakabahan pa siya ng maalala niyang siya iyon. "Hindi ko ba iyong pinatay?" nahihintakutan niyang tanong habang papalapit sa sulok kung saan bukas ang telebisyon. "Baka mapagalitan pa ako ng Inay Clara," lulugo-lugo pa niyang saad. Hinahanap niya ang remote ng t.v. ng bigla na lang siyang mapasinghap sa nakita kung sino-sino ang nasa may sofa. Parehong tulog na tulog at magkayakap. Dahan-dahan na lang siyang umalis doon at nagtuloy sa kusina. Nakahinga siya ng maluwag ng makarating doon. Hindi naman siya ilag sa senyorito kaya lang ay sa sobrang gwapo nito. Hindi naman niya maiwasang humanga dito. Isa pa ay kilala niya si Claudia. Kung legal na humanga sa isang babae ang kapwa babae ay legit siya doon. Maganda siya sabi ng nanay niya. Ngunit higit na maganda si Claudia sa kanya na ngayon ay amo na rin niya. Mabait ang pamilya ni Claudia. Kaya naman bagay lang na maging kapamilya ang mga ito ng Alonzo. "Lira? Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo ng ganitong kaaga," natatawang saad ni Nay Clara. "Kasi po nay, nakita kong bukas ang t.v. sa salas." "Hindi mo ba napatay kagabi? Sabi mo ay tatapusin mo lang ang sinusubaybayan mo. Kaya naman hindi na kita pinatulong dito sa kusina." "Iyon din po ang akala ko. Kaya lang po nakita ko po doon sa sofa ang senyorito. Tulog na tulog syempre katabi po si Claudia tulog din," kinikilig pang saad ni Lira kaya naman natawa si Nay Clara. "Siguro ay madaling araw ng nagising ang dalawa, at kumain. Pero hindi na nakabalik ng kwarto nila at nakatulog na lang sa sofa habang nanonood ng t.v." "Siguro po nay. Kaya lang may tanong po ako. Nakwento po ninyo sa akin na hindi naman talaga magkasintahan ang senyorito at si Claudia ng magpakasal." "Oo, ganoon nga. Bakit mo naman naitanong?" "Sa nakikita ko po, mula po kahapon at kagabi ng hindi sumabay sa atin sa pagkain ang senyorito ay parang nahuhulog na sila sa isa't isa. Kung mangyari po iyon ay isa po ako sa labis na magiging masaya." Napangiti naman si Nay Clara sa sinabing iyon ni Lira. Siya man ay matutuwa kung matututunan ng dalawa na mahalin ang isa't isa. Alam niyang matagal ng humahanga ang anak sa apo ng don. Ngunit hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na apo na ang turing ng don sa kanilang anak. Sa katunayan ay wala naman siyang nais sa yaman ng Alonzo. Masaya na sila sa pang-araw-araw nila sapat sa kanilang sahod na mag-asawa. Kasama pa doon na napapag-aral nila si Claudia. Ang gusto lang talaga niya ay may magmahal ng lubusan at tapat sa nag-iisang anak. Matanda na rin sila ni Sinandro. Lahat ng makakabuti sa kanilang anak ang nais nila. Magiging guro na si Claudia. Ilang buwan na lang ay makakapagtapos na ito sa kolehiyo. Sabi nga kahit ka lebel nila sa buhay ang maging katuwang ni Claudia sa buhay ay masaya na sila. Basta mayroong pagsisikap sa buhay at mahal ang anak nila. Kung tungkol naman sa senyorito ay masaya din naman sila. Mahalin lang nito si Claudia at hindi sasaktan. "Ako man Lira. Pero bakit naman pati ikaw ay magiging masaya kung mangyaring tunay na nagmamahalan na ang dalawa? Kung mamahalin ni Rico ng totoo si Claudia." "Hindi lang po kasi ako magiging basta katulong dito sa gawaing bahay. Makakapag-alaga pa po ako ng munting Alonzo. Alam naman po ninyong katulad ni Claudia ay wala po akong kapatid. Gusto ko pong mag-alaga ng kahit pamangkin kaya lang wala pa rin." "Ikaw talaga, tama na nga ang ating kwentuhan. Puntahan mo ang iyong Tay Sinandro sa may taniman ng balinghoy at gagawa tayo ng maruyang balinghoy para sa umagahan. Hindi lang siya makakabalik dito at bibisita siya ng manggahan. Utos iyon ng don kagabi. Kaya sinabi ko sa kanyang humukay na lang siya ng kahit ilan at ipapakuha ko sayo." Halos magningning naman ang mga mata ni Lira. "Sige po inay mabilis lang po ako. Dalawa po ang akin ha." Natatawang napailing naman si Clara. "Oo naman alam kong paborito mo iyon. Pareho kayo ni Claudia." Napangiti na lang si Clara ng mabilis na lumabas ng kusina si Lira at nagdala ng bayong na siyang paglalagyan ng mga nahukay na balinghoy. Alas syete na ng umaga ngunit nandoon pa rin sa sofa sina Rico at Claudia at parehong natutulog. Walang nag-abalang magpatay ng t.v. dahil baka magising ang dalawa. Sakto namang kalalabas lang ng don sa sarili nitong kwarto ng marinig ang pag-iingay ng telebisyon. Wala namang problema kung may nanonood ng t.v. hindi naman siya mahigpit. Kaya lang nakakapagtakang sa mga oras na iyon ay may nanonood na. Inutusan ng don si Jasmine na tingnan kung sino ang nanonood. Ngunit sa halip na sabihin kung sino ay inakay nito ang don patungo sa harapan. Para lang mapangiti sa magandang tanawin na kanyang nakikita. Narinig pa ng don ang hagikhik ng nurse niya. "Tama po kayo Don Ponce bagay na bagay ang inyong apo sa asawa niya." Masaya naman itong tumango. "Kaya nga Jasmine. Sana lang, ngayong nagsisimula pa lang sila ay mas makilala pa nila ang isa't isa. At sana ang lahat ng pagsubok ay kanilang malampasan. "Sana nga po. Sana rin ay makahanap rin kami ni Lira ng taong makakasama namin sa buhay," nakangiting saad ni Jasmine. "Ikaw na bata ka talaga. Sinong hindi magmamahal sa inyo ay gaganda ninyong mga bata." "Naman senyor. Mas matanda pa nga ako kay Claudia. Mabuti si Lira. Bata pa. Ay ako?" reklamo ni Jasmine kaya naman natawa na lang amg don. "Tara na sa kusina." "Don Ponce talaga," ani Jasmine kaya mas natawa nag don. Mas matanda ng apat taon si Jasmine kay Claudia. Habang si Lira ay dise otso pa lang. Masasabi ni Jasmine na humahanga siya sa apo ng don. Ngunit hanggang doon na lang. Masaya na siyang ngitian nito. Ganoon din si Lira. Mabait naman sa kanila ang mga magulang ni Claudia at si Claudia mismo. Lalo na ang don. Kaya wala na silang masasabi na dalawa. Nagpapasalamat na lang sila at sa dami ng nag-apply noong naghanap ng personal nurse at katulong ang don. Ay silang dalawa ni Lira ang napili. Kung sa pagkakaroon ng crush ay hindi nila itinatangi na humanga sila talaga sa senyorito nag unang beses nilang makita ito. Ay sino ang hindi hahanga sa kagwapuhan ng Senyorito Rico lalo na nga malaman nila ang edad nito na kung titingnan ay mas bata ng ilang taon ang itsura nito kumpara sa tunay nitong edad. Nais pa sanang matulog ni Claudia ngunit parang naaagaw ng mga nag-uusap-usap ang diwa niya. "Masaya?" nakakunot noong saad niya ng makarinig siya ng malulutong ng tawanan. Pikit pa rin siya sa mga oras na iyon. Babangon na sana siya para mawala ang kanyang antok at para maimulat ang mga mata, ng mapagtantong nakakulong siya mula sa pagkakahiga. Kaya naman pinilit niyang imulat ang mga mata para malaman ang dahilan kung bakit hindi siya makabangon. Ngunit hindi pa siya nakakamulat ay naamoy na niya ang pamangong gamit ni Rico at ang natural nitong amoy na nakakahalina sa kanyang ilong. "Morning Seven." "Hmmm," anito na mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Hindi mo ba naririnig iyong ingay? Baka kung ano ang isipin nila at hindi pa tayo bumababa. Mukhang gising na sila." "Wala namang masama Sisima kung tanghaliin tayo ng bangon. Isa pa ay mag-asawa naman tayo. Kung may isipin silang ginawa natin. Sana nga ay may ginawa na lang tayo para sulit naman ang pag-iisip ng inay at itay pati na rin si lolo." Napangiwi naman si Rico ng tumama sa dibdib niya ang hampas ni Claudia. "Masakit kaya iyon Sisima. Halikan kita eh." "Kanina ka pang madaling araw. Sumusobra ka na." "Kung hindi ko nga nahawakan ang kamay mo kanina. Baka hindi lang halik ang nagawa ko sayo. Alam mo iyong self control ko? Hay naku Sisima. Kahit asawa kita gusto ko pa ring dumaan sa tamang proseso ang lahat. Gusto kong dumating sa puntong open na ang isipan mo sa lahat. I know, you know what I'm talking about. You're innocent but not ignorant. You know what I mean." "Yeah, I know. Kaya ngayon bumangon na tayo. May nararamdaman na ako Morning Seven. I'm innocent but not ignorant to not know what I feel," ani Claudia ng biglang mapabagon si Rico at mabilis na humagilap ng bagay na pwedeng ipantakip na nabubuhay niyang init. Una niyang nakita ang seat cushion kaya mabilis niya iyong kinuha. Namangha naman si Claudia na agad ding napatayo ng mapagtanto kung nasaan sila. "Hindi ba tayo nakabalik sa kwarto?" "Mukhang hindi," napakamot pa si Rico sa batok. Buhay pa rin ang t.v. at hindi nila alam kung ano iyong palabas. Sa tingin nila ay para iyong drama ngunit wala namang ibang nanonood. Doon niya naalala na matapos nilang kumain sa halip na sa may garden sila pumunta ni Sisima ay naupo na lang sila aa sofa para manood ng t.v. Nang medyo nangalay sila sa kauupo ay nahiga siya. Pinahiga na rin niya si Sisima sa kanyang bisig para lang pareho silang makatulog. Kinuha niya ang remote at pinatay ang t.v. saglit na nawala ang nag-uusap-usap bago iyon muling nagpatuloy. Ilang sandali pa ay nagtuloy na sila sa kusina na magkahawak ng kamay. "Mga apo kain na. Hindi na namin kayo ginising para hindi na maabala ang tulog niyon," nanunudyong saad ni Don Ponce kaya naman namula ang pisngi ni Claudia. "Good morning sa inyo. Lira, Jasmine," naikinangiti ng dalawa. "Good morning din po inay, itay," ani Claudia. Ganoon din si Rico na bumati sa mga ito. "Good morning din po lolo," dagdag pa ni Claudia na ikinalawak ng ngiti ng don. Masayang-masaya ang matanda tuwing tatawagin siyang lolo ni Claudia. Hindi maipagkakaila ang kanyang saya. "Magandang umaga din sa inyong dalawa. Sabayan na ninyo kami ng kain." "Busog pa ako lo. Kape na lang," ani Rico at inalalayan si Claudia na maupo na sa isang bakanteng upuan doon. Siya naman ay naupo din sa katabi ng asawa. "Ikukuha ko lang po kayo ng kape," presinta Lira at mabilis na tumayo. "Salamat," sabay pa nilang saad ni Rico ng mabigyan sila ng kape ni Lira. "Hindi ba kayo kakain apo?" "Busog pa ako lo, kumain kami kanina ni Sisima. Hindi na kami nakababa para kumain kagabi," ani Rico na nagpatango na lang sa don. Bigla namang nabaling ang tingin ni Claudia sa maruyang balinghoy na hindi niya napansin kanina. Mula ng bumati siya ng magandang umaga sa mga ito ay napansin niya ang mapanuksong tingin ng kanyang inay. Sa lahat ng naroon ay itay lang niya ang hindi kakikitaan ng mapanuksong tingin. Kaya alam niyang nakita sila ng mga ito na natutulog sa sofa at magkayakap sila ni Agapito. Ngunit ng makita niya ang maruyang balinghoy ay nawala ang nararamdaman niyang hiya. Paborito niya iyon sa umaga at kapartner ang mainit na kape. "Sino pong naghukay?" nakuha naman agad ni Clara ang ibig sabihin ng anak. "Ang iyong itay, tamang-tama at nandito kayo kaya naman nagluto na ako. Ipinakuha ko lang iyan kay Lira kanina." Napatango na lang si Claudia at kumuha kaagad ng isang bilog ng maruya. "Ang sarap, ang tagal na ng huli kang nagluto ng ganito inay." Manghang-mangha naman si Rico habang sarap na sarap si Claudia sa kinakain nito. Noon lang din niya napansin ang pagkaing iyon. Mula ng mawala ang mommy at daddy niya ay hindi na siya kumain noon. Alam niya na tuwing tag-ani ng balinghoy ay nagluluto ng ganoon ang mommy niya na paborito din niya. Hindi lang ganoong luto. Lahat yata ng pwedeng gawain sa kamoteng-kahoy na iyon ay niluto na ng mommy niya noon. Ngunit mula noon, ngayon lang ulit siya nakakita ng balinghoy sa hapag. Napatingin naman si Claudia kay Agapito ng mapansing titig na titig ito sa kanya. "Bakit?" Hindi naman nagawang sumagot ni Rico na ipinagtaka ni Claudia. "Gusto mo?" aniya at sinubuan ni Claudia si Rico ng maruya na kinakain niya. Bigla namang natigilan si Rico sa ginawang iyon ni Sisima. Hindi tuloy niya malaman kung ano ba dapat ang magiging reaksyon niya. Kaya naman bigla na lang siyang napatayo at mabilis na iniwan ang mga nasa hapag. "Don Ponce?" gulat na saad ni Claudia sa naguguluhang tono. Natatakot pa siya na kanina lang ay masaya sila ni Agapito tapos ngayon ay bigla na lang itong nagkaganoon. Kahit ang mga kasama nila sa hapag ay nasundan na lang ng tingin si Rico. "Lolo, Claudia. Lolo." "Lo, ano pong..." gulong-gulo si Claudia at hindi niya malaman ang sasabihin. "May pagkaarogante talaga ang apo ko. Alam ko iyon. Ngunit may pagkakataong makikita niyo ang tunay na ugali niya. Mahal na mahal ni Rico ang mommy at daddy niya. Saksi ako sa pagiging malambing ng apo ako sa mga magulang niya. Dahil sa maruya, paborito din niya iyan, kapartner ng mainit na tsokolate noon. Kaya lang nagwalk-out si Rico. Huwag kang mag-alala Claudia. Babalik din iyon dito. Alam ko iiyak ang apo ko. Kahit ganyan na iyan katanda, ay isa pa ring anak ang aking apo." Napatango na lang si Claudia. Naging tahimik ang pagkain nila. Ngunit ilang sandali pa ay umingay muli dahil sa kwento ni Jasmine at Lira. Nakailang silip pa si Claudia sa bungad ng pintuan. Napangiti pa siya ng bumalik nga si Rico. Naupo ito sa tabi niya at sa harap ng mga tao doon ay hinalikan siya nito sa labi. "Bakit nagulat ka? Asawa naman kita ah. Huwag mong sabihing nahihiya ka pa?" tudyo ni Rico na agad na ikinapula ng pisngi niya. "Wala kaming nakita," sabay-sabay pang saad ng mga nandoon kahit ang doon ay sinabihan din silang wala itong nakita. Napanguso si Claudia. Nang tudyin siya ni Lira. Game din si Jasmine. Kahit ang kanyang inay at itay ay nakisabay sa kulitan nila. Isama pa ang don na inuungutan ang apo ng apo sa tuhod. Kaya mas lalong napuno ng tudyuan ang hapag. Lalo lang napasimangot si Claudia na ikinatawa nilang lahat. Kahit may alaalang hindi maiiwasan ang lungkot ay naroon pa rin ang suporta ng bawat isa. Hindi para makalimot kundi para laging magpatuloy kahit ano mang kalungkutan at pagsubok ang dumating at dumaan. Ay kaya iyong lampasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD