Chapter 21

1841 Words
Mula ng mag-usap ng maayos sina Rico at Claudia ay naging maayos na ang kanilang pagsasama. Parang noon lang naramdaman ni Claudia ang totoong pakiramdam ng may kasintahan. Oo nga at totoong mag-asawa sila at kasal sila. Ngunit sa sitwasyon nilang dalawa. Mas lamang ang pagiging magkasintahan kaysa mag-asawa. Halos dalawang buwan na rin ang mabilis na lumipas. Isang linggo na lang at magtatapos na si Claudia. Mas sweet na ngayon si Rico kay Claudia. Iyong mga bagay na hindi nila pareho nagagawa ay nagagawa na nila ngayon. Bagay na hindi akalain ng binata na magagawa niya. Lalo naman si Claudia kay Rico na mula pa lang noong magsimula siyang magdalaga ay abot langit na ang paghanga sa asawa. Ang lalaking tinitingala lang niya noon ang larawan sa isang kwadro sa bahay-hacienda ngayon ay asawa na niya. Napangiti pa siya. "What's with that smile huh?" Nakangiting tanong ni Rico habang nagmamaneho. Papasok si Claudia ngayon sa university at inihahatid niya ngayon. Napatingin si Claudia sa asawa. Napalunok siyang bigla. "Ngumingiti ba ako? Hindi ah," kaila niya. "Yes your smiling honey. What was that?" Bigla namang pinamulahan si Claudia. Anong sasabihin niya? Na masayang-masaya siya dahil ang lalaking gusto niya noon pa man ay asawa na niya ngayon. No way. Alam niyang may hangganan ang lahat. "Masaya lang po ako Morning Seven dahil maayos tayo. Na magkasintahan tayo. Sana lang hindi dito matapos ang lahat," tipid siyang napangiti. "Di ba sinabi ko sayong, gagawin natin ang lahat para mag-work ang relasyon na ating sinisimulan di ba?" Tumango lang si Claudia bilang sagot. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Rico hanggang sa malapit na sila sa pinapasukan ni Claudia. "I'll fetch you mamaya. No more de Liha okay?" Napanguso na lang si Claudia. Hindi talaga niya malaman kung sinasadya ba ni Agapito na tawaging de Liha si Sir de Luna. O talagang ayaw nitong marinig ang pangalan ng propesor kaya kung ano na lang ang unang inisip ay iyon na lang ang tumatak sa isipan nito. Napaikot na lang si Claudia ng itim ng mata. "Ayaw mo?" "Hindi ah. Pero para malinaw sayo, crush ko si Sir de Luna kasi napakagaling niyang magturo. Imagine saulo na yata ang nilalaman ng libro. Nagtuturo ng walang dalang libro. Tapos sasabihin, open your book to that page and answer the questions. Ganito, ganyan, pero wala namang hawak na tinitingnan." "Tsk, syempre propesor siya kaya naman dapat alam niya lahat iyon." "Bakit hindi naman ganoon ang iba?" "Syempre hindi naman lahat propesor ganoon. Pero mayroon talagang ganoon." "Pero iba pa rin si Sir de Luna." "Whatever," inis na naisagot na lang ni Rico. "Morning Seven sinasabi ko lang naman. Pero iba naman ang crush sa gus...," hindi na natapos ni Claudia ang sasabihin ng unahan na siya ni Rico. "So, ipinagtatanggol mo ang de Liha na iyon. Ano bang mayroon sa de Liha na iyon? Siya ba ang gusto mo at napipilitan ka lang na magpakasal sa akin at maging kasintahan ako? Ayaw mo bang talaga sa akin? Okay fine. Sige na pumasok ka na." Halos manlamig ang pakiramdam ni Claudia ng maramdaman niya ang lamig sa boses ni Agapito. "Morning Seven, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Magsisimula pa lang tayo. Pero ganito na naman hindi na naman tayo nagkakasundo." "It's alright Sisima. Kung napipilitan ka lang pasensya na. Naiintindihan ko." "Hindi mo ako naiintindihan Morning Seven. Galit ka eh. Nararamdaman ko." Umiling naman si Rico, patunay na hindi siya galit. "Sige na," pero nandoon pa rin ang lamig sa boses nito. "Sorry talaga. Hindi naman kasi ganoon iyon." "It's okay Sisima. I understand." Hindi na nagawang magsalita ni Claudia. Maayos lang sila kanina. Tapos ngayon para na namang may pader na humaharang sa kanilang dalawa. Mula sa dalawang buwan na wala silang ayaw o tampuhan. Ayon at nagsisimula na naman. "P-pasok na ako Morning Seven," paalam pa ni Claudia na wala sa inhibisyon niya na tawirin ang pagitan nila si Rico at siya na ang nagbigay ng isang magaang halik sa labi. "S-sunduin mo na lang a-ako k-kung a-ayos lang s-sayo," nahihiya pa niyang saad. "Hihintayin kita," dagdag pa niya bago mabilis na bumaba sa sasakyan. Pagkalapat ng pintuan ay mabilis ang lakad na ginawa ni Claudia papasok sa may gate. Hindi na narinig ni Claudia ang pagtawag ni Chris sa pangalan niya. Matamlay namang ibinaba ni Chris ang kamay na nakataas pa ng tagawin niya si Claudia. Nagtataka pa siya na malakas naman ang pagtawag niya, ngunit wari mo ay hindi talaga narinig ng dalaga. Nakatulala namang pinagmamasdan ni Rico ang papalayong bulto ng asawa. Hindi niya inaasahan ang paghalik nito. Kalimitan ay siya naman ang gumagawa ng paraan para halikan si Sisima. Pero ngayon ito mismo ang nagkusang halikan siya. Smack lang iyon, ngunit may kakaibang kilabot na ipinadama sa kanya ang halik na iyon. Ang maganda na sanang mood niya ay unti-unting napalitan na naman ng pagkairita ng makita na naman niya ang propesor na kanina lang ay dahilan ng pagtatalo nila ni Claudia. Ngunit agad din naman siyang nakabawi sa inis na nadarama ng sa tingin niya ay hindi narinig ni Sisima ang pagtawag ng de Liha na iyon sa asawa niya. Hindi na niya natatanaw si Sisima kaya naman mabilis siyang nagmaniubra para makaalis sa lugar na iyon. Pupuntahan na lang niyang muli ang mga trabahador sa hacienda para mabisita ang mga bahay na kanyang ipinapatayo para naman sa susunod at maayos na iyon ay maaari ng lipatan ng mga trabahador kasama ang pamilya ng mga ito. Pagdating niya ng bahay ay mabilis niyang tinungo ang kwadra ng mga kabayo para naman gamitin si Hercules. Ganoon ang routine niya sa mga kabayo na naroon. Palitan niyang sinasakyan at ngayon ay nasasanay na ang mga ito sa kanya. Nadagdagan na rin ng mga mare horse ang naroon. Para naman magkaroon ng palahian ang mga naunang kabayo. Mas mahal mas maganda. Kaya naman pati ang pagpapalahi sa kabayo ay ginawa nila at hindi lang basta ang pagpapalaki sa mga iyon. Naghihintay lang si Claudia sa labas ng gate at hinihintay ang pagdating ni Rico. Palagi itong nauunang dumating bago siya lumabas sa last subject niya. Ngunit sa mga oras na iyon ay wala pa ito. Nasa tatlumpung minuto na rin siyang naghihintay ngunit wala pa ring Agapito na dumarating. "Thirty minutes pa. Pag hindi pa siya dumating di hindi. Hindi na ako aasa," may paghihimutok pang saad ni Claudia at muling naupo sa may waiting shed na malapit sa tabi ng guard house. "Claudia?" Napatingala naman si Claudia ng may tumawag sa pangalan niya. Si Chris. Nakangiti pa ito ng masilayan ang mukha niya. Hindi niya napansin ang pagtigil ng sasakyan nito sa harap ng tinigilan niyang at ang paglakad nito sa harapan niya. "Akala ko hindi na kita maaabutan. Madami kasing ginawang reports para sa mga magsisipagtapos. Kasama ka na doon. Isa pa nakita kita kaninang umaga. Hindi mo yata ako narinig," may halong pagtatampo pa sa boses na iyon ni Chris kaya naman napangiti siya. "Nagmamadali po kasi ako sir kanina," kaila niya. Naalala na naman niya si Agapito. Iyong panlalamig ng boses nito kanina. Kung hindi man galit ay may sama talaga ng loob sa kanya. "Pauwi ka na?" Isang tango ang naging sagot ni Claudia, lalo na at iyon naman ang katotohanan. "Ihahatid na kita," alok pa ni Chris. Ilang beses pang tiningnan ni Claudia ang daan. Umaasa pa rin siyang susunduin siya ng asawa. "Hindi na sir. Sinabi po ng apo ng Don Ponce na susunduin po niya ako. Baka po natagalan lang," pagsisinungaling pa niya. Ngunit umaasa pa rin siya sa pagsundo nito. Hindi na rin naman nagpilit si Chris. Sinamahan na lang siya nito ng ilang minuto pa habang hinihintay ang sundo niya. Ilang beses na ring tumingin si Claudia oras ng cellphone niya. Ngunit wala pa ring Agapito na dumarating. "Sigurado ka bang susunduin ka ng Senyorito Federico?" Natawa naman si Claudia sa pagbanggit nit sa pangalan ni Agapito. "Ang pormal naman sir. Kahit tawagin mo iyong Agapito ay ayos lang." Napailing naman si Chris sa sinabing iyon ni Claudia. "Naku hindi maaari. Kahit hindi niya ako tauhan, ay iginagalang dito ang Don Ponce. Kaya dapat igalang ko rin ang apo niya," paliwanag nito kaya naman napatango na lang si Claudia. "Ang lawak pala talaga ng impluwensya ng don." "Hindi lang naman ang Don Ponce pati na rin ng isa pang Hacienda Alonzo, iyong kabila. Hindi man ganoong matunog ang pangalan nila sa mga balita, dyaryo, radyo at telebisyon. Ay kilala naman sila sa may pinakamagagandang farm dito sa probinsya." "Kaya pala." "Claudia." Muling napatitig si Claudia ng tingin kay Chris ng maging seryoso ang tono ng pagtawag nito sa pangalan niya. "S-sir C-Chirs bakit po?" "Sobrang tagal na rin naman mula ng magkakilala tayo Claudia. I know naman na bawal ang teachers, students relationships," napalunok si Claudia sa sinasabing iyon ni Chris. Noon kahit may gusto siya kay Agapito hindi naman niya gaanong napapansin ang bagay na iyon. Ang pagkagusto niya kay Agapito ay normal lang sa isang dalaga na humanga sa isang napakagwapong apo ng amo niya. Kung noong panahon na walang Agapito na dumating sa buhay niya, hindi siya magdadalawang isip sa kung ano man ang nais sabihin sa kanya ni Sir Chris. Baka kung magtapat ito ng pag-ibig ay hindi na siya magdalawang isip. Lalo na at magtatapos na rin siya ng kolehiyo. At sa mga nakalipas na taon ay pag-aaral lang ang inatupag niya. Pero sa panahong ito, ang pagkacrush niya sa gwapong propesor ay talagang paghanga na lang. Iba na ang itinitibok ng puso niya. Ang una pa ring lalaki na hinangaan niya. "Claudia pwede bang umakyat ng ligaw," nakangiting saad pa ni Chris at hindi malaman ni Claudia ang sasabihin. Nakatulala na lang si Claudia. "J-joke ba yang sir?" aniya ng makabawi sa narinig. "Seryoso ako Claudia. Matagal ko na rin naman itong nararamdaman. Kaya lang alam kong hindi pwede. Wala sanang problema kong ako lang. Ngunit alam kong madadamay ang pag-aaral mo. Hindi ko kayang hadlangan ang pangarap mo ng dahil lang sa gusto kita. Ngunit ngayong magtatapos ka na sa kolehiyo, maaari na ba kitang ligawan?" "A-ano kasi sir." "Pag-isipan mo Claudia. Hindi kita minamadali," ani Chris at hinawakan pa ang kanyang kamay. "Kung hindi ka na talaga magpapahatid iiwan na muma kita. Pero kung hindi talaga darating ang sundo mo, tawagan mo lang ako ha," napatango na lang si Claudia bilang sagot. "Ngiti ka naman, para ka namang sisentensyahan niyan, eh nagconfess lang ako." Natawa naman si Claudia. "Hindi po ah, wag po kayong mag-alala." "Aasahan ko ang sagot mo Claudia," nakangiting saad pa ni Chris bago ito tumayo ay hinayon ang nakaparadang sasakyan. Nakahinga naman ng maluwag si Claudia. Matapos magconfess sa kanya ni Sir Chris ngayon. Inaasahan niya sa sariling maguguluhan na siya. Na magdadalawang isip siya. Pero hindi iyon ang nangyari. Hindi lang siya nakasagot kaagad kasi nabigla siya. Pero ngayon pa lang alam na niya ang sagot sa tanong ni Sir de Luna. Wala namang nagbago. Siya pa rin ang nauna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD