Napakunot noo si Claudia dahil bigla na lang siyang nagising. Kumukulo ang kanyang tiyan at nagrereklamo na gutom na ito. Napanguso pa siya sa kadahilanang masarap ang kanyang tulog, iyon nga lamang ay may pagreklamo pang nalalaman ang sikmura niya. Napatingin pa siya sa wall clock na naroon. Alas tres. Madilim pa sa labas kaya siguradong madaling araw pa lang.
Napahugot na lang siya ng hininga, ng mapagtanto ang oras. "Madaling araw pero nagugutom talaga ako. Mukhang hindi ko kakayaning hintayin ang liwanag," aniya at muling tiningnan ang orasan na wari mo ay bibilis ang takbo ng oras.
Hanggang sa ma-realize niyang walang wall clock sa kwartong inuukupa niya sa bahay sa ilog. "Wall clock? Wala namang wall clock sa kwarto ko sa bahay. Nasaan ako?"
Inilibot niya ang paningin. Akma siyang babangon ng bigla na lang siyang matigilan. May mabigat na bagay na nakadagan sa kanya. May pumipigil sa parteng tiyan at may nakapatong sa may hita niya. Dahil nakatalikod siya sa kung ano mang nakadagan sa kanya ay dahan-dahan niya iyong kinapa. Hanggang mapagtanto niyang kamay at hita iyon.
Dahan-dahan ang ginawa niyang pagharap sa nakadagan sa kanya. Ngunit sa amoy ng sabon na naaamoy niya at natural nitong bango, hindi siya maaaring magkamali kung sino iyon. Si Agapito.
Mula sa liwanag ng buhay na night lamp ay kitang-kita niya ang gwapong mukha ng asawa. Napangiti pa siya at unti-unting inilapit ang kanyang kamay sa gwapo nitong mukha. Pinaraanan niya ng daliri ang pisngi nito pati na rin ang matangos nitong ilong, pababa sa mapupula nitong labi.
Nahigit niya ang paghinga ng bumaba ang mga mata niya sa bandang leeg nito. Halos matuyuan siya ng laway ng mapansin ang maganda at hubad nitong katawan.
"Oh my gosh," hindi napigilang bulalas ni Claudia ng mapagtanto ang nangyayari. "Nasaan ako? Nasa kwarto ni Agapito? Wala kami sa bahay nandito kami sa bahay-hacienda? Bakit hindi ko maalalang nagtungo kami dito? Nakatulog ba ako? Kaya nag-aalboroto ang tiyan ko kasi hindi ako nakapaghapunan? Ganoon ba?" sunod-sunod niyang tanong ng magulat na lang si Claudia ng may mahigpit na kamay na humawak sa kanya.
Napatingin siya kay Agapito na nakatitig din sa kanya. Habang lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.
"Agapito, nasasaktan ako," reklamo niya. Ngunit si Rico ay parang hindi narinig ang sinabi niya. "Morning Seven nasasaktan ako," aniya sa mahinang tinig. Unti-unti namang lumuwag ang pagkakahawak ni Rico sa kamay niya ngunit hindi binibitawan. "Bakit ba ayaw mong bitawan ang kamay ko?"
"Do you know where your hand would have been, if I hadn't hold it?"
Napatingin naman si Claudia sa kamay niyang hawak ni Agapito. Lalo lang siyang napalunok ng laway. Bakit hindi niya namalayang, malayang naglalakbay ang kamay niya sa katawan nito. Habang kung anu-ano ang sinasabi niya.
"Yeah, if I hadn't stop your hand," nakangising saad ni Rico. Kitang-kita kasi niya ang pag ngisi nito. "That's probably dealing with the boss."
Kung hindi nakatalikod si Claudia sa may liwanag, malamang ay nakita ni Rico ang pamumula ng pisngi niya. But she's swear to God. Hindi niya intensyon na maglakbay ang pasaway niyang kamay sa katawan ni Agapito. Hindi lang niya malaman kung paanong nagtuloy-tuloy iyon hanggang sa umabot sa, konti na lang talaga hawak na niya ang. Napapikit tuloy si Claudia. Ang gutom na nadarama ay bigla niyang nakalimutan, at nabalot na lang siya ng kahihiyan.
Mabilis niyang inalis ang pagkakadaklay ng isang paa ni Rico sa binti niya at tinalikuran ito.
"Hey! I'm just teasing you. I'm sorry."
"Hindi ko talaga sinasadya."
"I know. Wala namang problema sa akin. Kaya lang baka hindi ka makatulog kung nahawakan mo. Pero ayos lang din naman sa akin. Kung kaya mo talagang makipagdeal sa boss. Total naman we're not teenagers. Isa pa I'm your husband," tudyo pa ni Rico ng itulak ito ni Claudia.
"Ang tapang mo ha. Akala mo naman hindi marunong makipagdeal si kapitan."
Nagtakip pa ng tainga si Claudia. "Tama na Morning Seven, hiyang-hiya na ang katauhan ko sa gabing ito. Nagising lang naman ako kasi nagrereklamo ang tiyan ko," inis na saad ni Claudia. Ngunit hindi inaalis ang kamay sa kanyang tainga.
Napabangon naman si Rico ng maintindihan ang sinasabi ni Sisima. Napatingin siya sa wall clock. Lampas ng alas tres ng madaling araw. Pareho pa sila ni Claudia na hindi naghahapunan.
"Hindi na kita ginising kagabi. Para naman akong walang puso kung gigisingin pa kita sa himbing ng tulog mo."
Napangiti naman bigla si Claudia. Para tuloy concerns sa kanya si Agapito. Hanggang sa maalala niya kung nasaan siya. Agad din siyang napabangon ng kama at hinarap si Rico.
"Teka nga lang Federico Agapito Alonzo. Anong ginagawa ko dito sa kwarto mo? Di ba maraming kwarto dito sa bahay ninyo. Bakit ako nandito?"
"Sandali nga lang Claudia Sisima Acuzar Alonzo. Asawa kita kung nakakalimutan mo lang. Magtataka ang mga magulang mo at ang lolo kung sa magkahiwalay pa na kwarto tayo matutulog."
"Eh bakit naman magkatabi tayo?"
"Malamang kwarto ko ito. Kama ko ito at higit sa lahat parang wala ka namang puso kung paglalatagin mo ako sa sahig at doon ako matutulog."
"Bakit ikaw? Pwede namang ako ang doon sa sahig. Kahit saan naman pwede ako. Isa pa nagising akong nakayakap ka pa sa akin at mukhang nag-eenjoy ka pa. Pervert!" hindi mapigilang saad ni Claudia na ikinatawa ni Rico.
"You're the one who told me to hug you. Sinunod lang naman kita. Kita mo naman ang himbing ng tulog mo."
"Ako talaga? Paano ko sasabihin iyon kung mahimbing nga ang tulog ko? Pervert kang talaga. Natulog ka pa ng hubad ang pang itaas!" naiinis niyang turan na mas nagpatawa kay Rico.
"Mabuti nga nagsuot ako ng loose pants. Dahil kung ako lang nunkang magsuot ako ng ganito. I prefer my night only with my boxer."
Halos manlaki naman ang mga mata ni Claudia sa narinig. Mukhang dapat pa rin siyang magsalamat at kahit papaano ay may suot itong iba at hindi basta boxer lang.
Sa gitna ng pag-uusap nila ay bigla na namang nagparamdam ang tiyan ni Claudia. Nagkatinginan pa sila ng tumunog din ang tiyan ni Rico. Hindi tuloy nila parehong napigilan ang matawa.
"Gutom na ako kaya ako nagising."
"Hindi rin ako kumain kagabi. Pakiramdam ko kasi hindi kayang tanggapin ng kalooban kong busog ako, habang ikaw hindi pa kumakain."
Para may humaplos na mainit na kamay sa puso ni Claudia. Simpleng salita ngunit parang umiinit ang puso niya.
"Tara kumain ka muna. Ako na ang maghahanda ng pagkain. Sorry ulit sa nangyari kahapon. Kung hindi ko binilisan ang pagpapatakbo ng kotse ko. Malamang hindi ka matatakot at hindi makakatulog ng maagap. Isa pa makakakain ka pa ng hapunan."
Isang ngiti ang pinakawalan ni Claudia. Hindi niya akalaing may ganoong side si Agapito. Tama talaga ang don, napakabait nito. Iyon nga lang ay mali ang ekpresyon nila sa isa't isa ng unang magtagpo ulit sila.
"Huwag mo ng alalahanin iyon, maayos na ako. Pakainin mo na lang ako."
Naunang bumaba ng kama si Rico at inalalayan niya si Claudia. Sabay pa silang bumaba patungong kusina.
"Anong gusto mo?"
"Kahit ano."
"Pasta? Gusto mo ng pasta?
"Ikaw ang bahala. Sarapan mo ha."
"Alright," sagot ni Rico at sinimulan na ang pagluluto.
Una itong naglagay ng tubig sa kaserola na siyang paglulutuan ng pasta. Pagkatapos ay nagtimpla ito ng kape para sa kanilang dalawa.
Nakangiting pinagmamasdan ni Claudia ang smooth na pagkilos ni Agapito sa kusina. Pakiramdam tuloy niya ay nasa isa itong cooking show habang siya ay isa sa mga judges.
Habang humihigop ng kape ay tutok na tutok si Claudia sa ginagawa ni Rico.
"Gutom ka na?"
"Hmm, kanina pa. Pero mas ginutom ako ng maamoy ko ang niluluto mo."
Napangiti naman si Rico. "It's almost done sweetheart. Plating na lang."
Hayon na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ni Claudia. Alam naman niyang walang ibig sabihin ang pagtawag sa kanya ni Rico ng kung anu-anong endearment. Kaya lang ang puso niya ayon at naghuhurumentado na.
Pinilit ni Claudia na gawing normal ang pagtibok ng puso niya. Ayaw naman niyang mahalata ni Agapito ang nararamdaman niya.
"Sana magustuhan mo. It's pasta alla gricia."
"Masarap," ani Claudia ng matikman niya. Hindi na rin niya inusisa pa ang tawag sa luto na iyon. Mukhang mahihirapan pa siyang intindihin. Pangalan pa nga lang hirap na siyang tandaan kaya sumubo na lang siyang muli.
"Thank you. But wait, mayroon pa akong nakasalang sa oven. Nagtoast na rin ako ng slice bread. Masarap yan sa garlic spread," tumataas pa ang mga kilay ni Rico habang inilalagay sa tapat niya ang iba pang niluto nito.
Napatango na lang si Claudia. "Masarap din ito. Mukhang mapapakain talaga ako nito. Bagay pa sa kape."
"Kumain ka lang ng kumain. It's my pleasure na nagustuhan mo ang niluto ko. Iyan lang kasi ang nakita ko sa pantry. Hindi naman natuloy ang pamimili natin kahapom. Mabuti na lang at maramig stock dito sa kusina ni lolo," natatawang saad ni Rico kaya natawa na rin lang si Claudia.
Naging magana ang pagkain nila. Hindi nila alintana ang oras. Patuloy lang silang kumakain at nagkukwentuhan.
Nang makatapos sila sa pagkain ay pinilit ni Claudia si Rico na siya na ang magdadayag.
"Ako na nga at ikaw na ang nagluto. Makabawi man lang ako sayo sa masarap na kain ko."
"Ayos ka na bang talaga? Baka mamaya masama pa ang pakiramdam mo," nag-aalalang saad ni Rico na ikinangiti ni Claudia.
"Alam mo konte na lang maiinlove na talaga ako sayo. Syempre naman, maayos na ang pakiramdam ko," ani Claudia at hindi napansin ang sinabi niya.
Natigilan naman si Rico at sinundan na lang ng tingin si Sisima na nasa harapan na ng lababo at sinisimulang dayagin ang mga pinaggamitan nila.
Napaupo na lang si Rico sa isang silya na naroon. May kung ano sa puso niya na hindi niya maipaliwanag. Habang ang utak niya ay may ibinubulong.
Ilang minuto pa siyang nakatitig kay Sisima hanggang sa hindi niya namalayan na tapos na ito sa ginagawa.
"Sa may salas na lang ba tayo o sa may garden. Lampas alas kwatro na rin," ani Claudia ng nasa tapat na siya ni Rico ng hindi namamalayan ng asawa.
Nagulat pa si Rico ng magsalita si Claudia. Buti na lang hindi iyon nahalata ni Sisima.
"Tara na."
Akmang maglalakad na si Claudia palabas ng kusina ng hawakan ni Rico ang braso niya at mabilis na hinila. Napahawak tuloy si Claudia sa dibdib nito.
Damang-damang ni Claudia ang malapad nitong dibdib. Matigas iyon at kay sarap damhin. Napalunok siya. Unti-unti nag-akat ng tingin si Claudia. Nakatingin din sa kanya si Agapito. Mas lalo lang bumilis ang pintig ng kanyang puso.
"Sisima, alam kong napakabilis ng lahat ng pangyayari sa ating dalawa. Mula ng umuwi ako, hanggang sa mga oras na ito. Nagpakasal tayo na pareho nating hindi gusto ang isa't isa. Nagsama tayo na para tayong aso't pusa. Minsan magkasundo madalas ay hindi. Hanggang sa nagpag-usapan natin na maging magkaibigan tayo."
Napakunot noo si Claudia. Naguguluhan siya sa nais ipahiwatig sa kanya ni Rico. "A-anong gusto mong mangyari? A-anong nais, ano ang ibig mong sabihin?" Wala talaga siyang maintindihan.
"Can we start from the beginning? Hindi lang bilang magkaibigan kundi bilang magkasintahan?" lakas loob na taong ni Rico.
Hindi naman makaapuhap ng isasagot si Claudia. Maliban sa labanan niya ang mga titig ni Agapito sa kanya.
Nakangiting napatango si Rico. "Silence means yes darling. And we start from the beginning," masuyong saad ni Rico. "And we will seal it with a kiss," dagdag pa ni Rico ng unti-unting bumaba ang kanyang mukha sa mukha ni Sisima.
Isang matamis pang ngiti ang ibinigay ni Rico kay Claudia, hanggang sa sakupin niya ang labi ng asawa. Hindi lang isang halik ang naganap sa dalawa ng hindi na napigilan ni Claudia ang pagtugon sa masarap na halik na ipinaparanas ni Rico sa kanya.