Dumating ang araw na pinakahihintay ni Claudia. Sa araw na iyon ay ganap na ang kanyang pagtatapos. Kasama niya ang kanyang itay at inay. Nasa loob sila ng function hall kung saan nagaganap ang seremonya ng graduation.
Ibinigay naman ni Rico ang pagkakataong iyon para masilayan ng personal ng mga magulang ni Claudia ang pagtatapos ng anak. Kahit gusto niyang sumama sa loob ay dalawa lang ang pinayagan para makapasok doon. Ibinigay niya ang pagkakataong iyon sa mga ito.
Naroon din naman siya. Ayaw kasing pumayag ni Claudia na sa may sasakyan lang siya habang naghihintay. Si Claudia pa ang naghatid sa kanyang kinauupuan. Iyon nga iyong nasa mismong court na nasa labas ng function hall. Mapapanood sa malaking screen ang mga nangyayari sa entablado sa loob. Ginawa iyon para sa iba pang kasama ng mga nagsisipagtapos na hindi maaaring makapasok sa loob ng function hall.
"Congratulations, sweetheart," ani Rico ng pangalan na ni Claudia ang tawagin para kumuha ng diploma. Kasabay na rin ang mga medalyang natanggap nito. Sa pag-akyat ng asawa ay kasama na rin nito ang mga magulang na siyang nagsabit ng medalya sa anak.
Bilang isa sa may pinakamataas na karangalan sa kanyang kurso ay hiningan muna ng speech si Claudia. Matapos masamahan sa kinauupuan ang mga magulang muli siyang tinawaga na bumalik sa itaas ng entablado.
Matapos magpasalamat sa pamunuan ng unibersidad at sa kayang mga naging propesor na humubog sa kanya sa larangang kanyang natapos. Nagbigay din si Claudia ng speech para sa mga katulad niyang magsisipagtapos sa araw na iyon, pati na rin sa kanyang mga kaklase.
"Isa pa, hindi ko naman po mararating ang kinatatayuan ko kung hindi dahil sa pagsisikap ng aking mga magulang. Inay, itay, para po sa inyo itong medalya na aking natanggap. Walang katumbas na salipi ang mga bagay na ibinigay at ibinahagi ninyo sa akin. Ang edukasyon, na aking magiging simula para mapaglawig pang lalo ang kaalaman ng mga batang magiging estudyante ko, pag tunay at ganap na akong guro. Dahil ang pagtatapos naming ito sa araw na ito ay siyang hagdanan para sa mas malawak pang kaalamang maiibahagi namin sa iba. At salamat din po sa walang sawang pagmamahal na araw-araw ninyong ipinaparamdam sa akin. Isa pa po kay Senyor Ponce na siyang isa sa sumuporta sa akin para ipagpauloy ko ang aking pag-aaral. Don Ponce hindi ka man nakadalo at nasa bahay-hacienda ka sa mga oras na ito ay marami pong salamat sa pagturing sa amin na hindi lang basta isang trabahador sa inyong hacienda kundi isang kapamilya," mahabang speech ni Claudia.
Halos lahat naman ng nakakarinig sa speech ni Claudia ay nagagalak sa sinasabi ng dalaga. Kahit si Rico na nasa labas lang ay lubos na humahanga sa asawa. Ngunit parang may pait sa puso niya na lahat na lang ay pinasalamatan at nabanggit ni Sisima. Ngunit hindi man lang nadawit kahit ang pangalan niya.
Nakaramdam pa si Rico ng kaunting panibugho ng magpasalamat si Claudia sa propesor na iyon. Nagtatampo ng talaga siya.
"Di lamang ng talaga ang de Liha na iyon," inis niyang sambit hanggang sa magpalakpakan ang mga nasa loob ng hall. Hudyat na tapos na talagang magsalita ang asawa niya.
Parang nawalan na siya ng gana na panoorin hanggang sa matapos ang seremonya. Kaya napagpasyahan na lang niyang umalis sa pinaka court kung saan naroon ang malaking screen at napapanood ang nangyayari sa function hall at sa kotse na lang sana siya maghintay ng bigla na lang siyang matigilan ng marinig ang palaging itinatawag sa kanya ni Claudia. Kaya muli siyang bumalik sa pagkakaupo.
"Morning Seven," ulit pa ni Claudia. Narinig pa niya ang tawanan ng mga estudyante ng sabihin iyon ni Claudia. Ngunit wala siyang pakialam. Kahit naman siya ay naiiling at natatawa sa tawag sa kanya ni Sisima. "Alam ko pong nakakatawa iyong tawag ko sa kanya. Pero siya po ang apo ng Don Ponce. Sa una po talaga hindi kami magkasundo at para po kaming aso't pusa. Sa hindi po nakakaalam ang tunay po niyang pangalan ay Federico Agapito, at kaya naman po Morning Seven dahil po sa Agapito."
Napasapo pa ng noo si Rico sa pinagsasasabi ni Sisima. "Ano bang gustong palabasin ng Sisima na ito?" reklamo ni Rico ng muling magsalita si Claudia.
"Morning Seven is my first crush when I was a child. Ang tagal na po di ba? Gwapo po kasi ang apo ng Don Ponce. Hindi ko talaga siya nakilala mula noon at sa larawan ko lang po siya nakikita. Kahit sa larawan lang humanga po ako sa kanya. Hanggang sa pinauwi po ng Don ang kanyang apo ilang buwan na ang nakakalipas." Tahimik namang nakikinig ang lahat kay Claudia. May ibang nagtataka at namamangha kung bakit sinasabi iyon ni Claudia. Kahit naman si Rico sa sarili niya ay may pagtataka.
"Siguro po naguguluhan kayo kung bakit kasama pa siya sa speech ko at may pag-amin po akong ganito. Gusto ko lang po talagang magpasalamat sa kanya sa lahat ng bagay. Hindi po niya alam na isa siya sa inspirasyon ko kung bakit narating ko ang araw na ito. May nakwento sa akin ang don na noong tatlong taon pa lang ako ay naalagaan ako saglit ng senyorito. Tumatak sa isipan ko na mabait pala siya sa batang. Hindi man niya kaano-ano dahil trabahador sa hacienda nila ang mga magulang ko ay inaalagaan pa rin niya ako. Pag busy sa trabaho ang inay at itay. Kaya naman naisip kong masarap maging guro. Gusto ko ring magturo at alagaan at maging ikalawang magulang ng mga batang aking tuturuan pagdating ng tamang panahon. Morning Seven, hindi ko man masabi ng deretso, alam mo na iyon. Alam kong naririnig mo ako dyan sa labas. Kaya naman maraming salamat. Tulad sa inay at itay. Para sayo itong araw na ito."
Nagheart finger pa si Claudia na ikinasigaw ng mga estudyante at iba pang nakikinig sa kanya. "Morning Seven alam mo na iyon. Sasabihin ko na lang sayo mamaya."
Lalong napuno ng tuksuhan ang loob ng function hall. Nakilala din naman kasi ng iba si Rico ng minsang samahan nito si Claudia sa practice nito. Ngunit wala pa ring nakakaalam ng estado ng relasyon nilang dalawa. Maliban sa mga trabahador sa hacienda. Pero kahit ganoon ay masaya naman silang dalawa.
Hanggang sa matapos ang speech ni Claudia. Hindi na umalis sa pwesto niya si Rico at hinintay na lang matapos ang seremonya ng graduation.
Hindi magkamayaw sa paglinga si Claudia habang hinahanap si Rico. Excited siyang makita ito pagkalabas ng function hall.
"Ayos ka lang anak?" tanong ng kanyang inay na ikinatango niya.
"Hindi ka naman mapakali Claudia," segunda pa ng kanyang itay.
"Dito lang naman po natin iniwan si Morning Seven di po ba? Umalis po ba siya?" ani Claudia na unti-unti ng nawawala ang ngiti sa kaalamang umalis at iniwan silang saglit ni Agapito.
"Baka naman may pinuntahan lang saglit anak. Hindi naman iyon basta aalis para iwan lang tayo."
"Pero bakit po wala siya inay. Akala ko po paglabas natin ay makikita ko siya kaagad."
"Para namang hindi kayo magkasama sa iisang bahay a. Ang anak ko talaga. Masaya akong mahal ninyo ang isa't isa. Nakikita ko iyon sa kilos ninyong dalawa anak. At hindi namin pinagsisisihan ng itay mo na pumayag kami sa nais ng don na magpakasal kayo. Naniniwala din kami sa inyo ni Rico na wala talagang mali ng makita namin kayo sa unang pagkakataon sa bahay sa ilog sa hindi magandang sitwasyon. Dahil nakita na namin kayo bago pa kayo sabay na bumagsak sa sahig," natatawang paliwanag ng kanyang inay. Ang itay naman niya ay napakamot lang sa ulo.
Napanguso naman si Claudia. "Alam naman po pala ninyo. Nagpaliwanag pa kami noon."
"Dahil anak sa---," nagkatinginan pa ang mag-asawa bago muling nagsalita ang kanyang itay. "---bago pa umuwi si Rico ay kinausap na kami ng don. Gusto ka niya para sa kanyang apo. Sino kami para tumutol gayong magandang kinabukasan mo ang magiging kapalit. Isa pa ay alam naming matagal ka ng may paghanga kay Rico. Isa pa ay nasa tamang edad ka na Claudia. Kaya naman sumang-ayon kami ng inay mo."
Napayakap naman si Claudia sa mga magulang. "Salamat po, inay, itay. Mahal na mahal ko po kayo."
"Mahal ka rin namin anak," sabay pang saad ng kanyang mga magulang.
Napatitig si Claudia sa lalaking papalapit sa pwesto nila. Mula sa bungad ng court.
He's wearing his gorgeous smile. Dala ang isang malaking bouquet ng magagandang bulaklak.
Sila na lang ang natira sa lugar na iyon. Nag-alisan na rin ang iba. Lalo na at gumagabi na rin naman.
"For you sweetheart," ani Rico. Bumitaw naman sa pagkakayakap sa mga magulang si Claudia. At hinarap si Rico.
Pagkaabot niya ng bulaklak kay Claudia ay kinabig pa niya ito at hinalikan pa ang noo. "I'm so proud of you Sisima."
"Thank you, narinig mo ba ang mga sinabi ko tungkol sayo. Totoong lahat iyon Morning Seven. Isa pa. Mahal kita."
"Thank you Sisima," sagot ni Rico. Hindi man sabihin ni Rico na mahal din siya nito. Sapat na sa kanya na sa kanya lang ang atensyon nito.
Matapos ang ilang sandaling magkayakap ay hinarap nila ang mga magulang. Nakangiti ang mga ito sa kanila.
"Masaya kaming mag-asawa para sa inyong dalawa," wika pa ng kanyang inay.
"Maraming salamat Rico sa magmamahal mo kay Claudia. Mahal ka rin namin bilang isang tunay na anak," ani Sinandro kay Rico.
"Marami din pong salamat. Uwi na po tayo. Sa bahay-hacienda po kami tutuloy ni Sisima. Nagpahanda po si lolo ng munting salo-salo para po sa atin. Para kay Sisima."
Nauna ng maglakad ang mag-asawa, patungong sasakyan. Magkasabay namang naglakad si Claudia at Rico habang magkahawak kamay.
"Thank you sa flowers. Hindi na ako nakapagpasalamat kanina."
"No worries, you deserve that. Dapat nga hindi lang iyan ibibigay ko sayo. Kaya lang hindi pa dumarating ang regalo ko. Akala ko kasi sakto lang ang pagdating kaya lang next week pa."
Pinaningkitan naman ni Claudia ng tingin si Rico. "Hindi naman mahalaga sa akin ang materyal na bagay Morning Seven. Sapat na sa aking nandyan ka, ang mga magulang ko ang ang Lolo Ponce."
"Hay Sisima, ano bang nagawa kong mabuti sa buhay ko ay ibinigay ka Niya sa akin?"
"Hmm, baka kasi ako talaga ang nakatadhana sayo kahit ang tanda mo na. Kung hindi lang kita mahal. Kahit wala pang katugon." Alam naman ni Rico sa sarili niyang wala pa siyang malinaw na binibitawang salita kay Sisima. Ngunit masaya talaga siyang totoo sa piling ng dalaga. " Dapat Tito Agapito ang tawag ko sayo, at hindi asawa ko," natatawang dagdag pa ni Claudia sa simasabi niya. Nang tumakbo na lang siyang bigla para habulin ang mga magulang at iniwan sa paglalakad si Rico.
"Sisima!" natatawang saad ni Rico habang pahabol na nakatingin sa papalayong likod ng asawa. "Napakapasaway."
Nailing na lang siya. Mukhang tuwang-tuwa kasi talaga ang kanyang asawa na ipamukha kung gaano kalayo ang edad nilang dalawa. Kahit ganoon, Masaya siya sa piling ni Sisima.