Chapter 23

1942 Words
Ang pagkalasing na nararamdaman ni Rico ay parang pas lalong lumalala sa matamis na labing kanyang natitikman. Hindi na rin niya mapigilan ang sarili kaya lalo niyang pinalalim ang halik na kanilang pinagsasaluhan. "S-Sisima," pabulong na saad ni Rico habang patuloy pa na naglalakbay ang kanyang kamay sa malambot na katawan ni Claudia. Habang patuloy si Rico sa paghalik kay Claudia ay patuloy lang din sa pagtugon ang kanyang asawa. Kahit ramdam naman niya na tulog na tulog talaga ito. Nakaupo si Claudia sa may balkonahe at nakatingin sa may ilog. Alam niyang galit pa rin si Agapito sa kanya. Sa nagdaang gabi ay hindi pa rin sila nagkausap. Hindi niya magawang pumasok. Pakiramdam niya ay kay bigat ng kanyang kalooban. Kaya mas pinili na lang ni Claudia na manatili sa bahay Hindi niya naramdaman ang paglapit ni Agapito sa kanya. Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kanyang likuran at ang paglapat ng baba nito sa kanyang balikat. Ramdam na ramdam niya ang hininga nitong tumatama sa kanyang batok "Sisima, mapapatawad mo ba ako? Sorry na," anito na ikinangiti ni Claudia. "Hindi ka na galit?" "Hindi na," sagot ni Rico. Dahan-dahan namang iniangat ni Rico ang mukha mula sa pagkakapatong ng kanyang baba sa balikat ni Claudia. Unti-unti rin niyang iniharap ang asawa sa kanya at masuyong halikan sa labi. Nabigla man ay masaya ang puso ni Claudia sa halik na iyon ng asawa. Dahil sa nararamdaman niyang kay Agapito lang niya nararamdaman ay hindi na niya napigilan ang pagtungon. Masarap, nakakadala, mainit at nakakadarang. Habang tumatagal ang halik na kanilang pinagsasaluhan ay hindi mapigilan ni Claudia na mag-init ang kanya katawan. Hindi niya maipaliwanag. Bago sa kanyang pakiramdam ngunit gustong-gusto niya. "M-morning S-seven," nauutal pang sambit ni Claudia ng maramdaman niyang unti-unti silang pumapasok sa loob ng bahay at narinig na lang niya pagsara ng pintuan. Hanggang sa makarating sila sa kwarto ni Agapito ay hindi napuputol ang halik na pinagsasaluhan nilang dalawa. "Sisima," ani Rico na mas narinig ni Claudia ng mas malinaw at buo ang boses nito. Napakunot noo si Claudia ng mas maramdaman ang malalalim na halik ni Agapito habang mas ramdam niya ang pagmasahe nito sa kanyang dibdib. Ngunit iba sa nararamdaman niya kanina. Napamulat siya ng mga mata. Doon niya napagtantong hindi umaga, dahil sa madilim ang kwarto ni Agapito hindi tulad kanina noong bago sila pumasok ng kwarto nito. Napakunot noo pa siya ng maamoy mula sa asawa ang alak. Na noong may liwanag ay hindi naman ito amoy ganoon. Doon lang niya napagtanto ang lahat. "Panaginip. Bakit parang totoo?" tanong niya sa isipan ng mapansin niyang totoo ang halik na pinagsasaluhan nila ni Agapito. Ngunit bigla din itong tumigil sa paghalik sa kanya ng maramdaman naman ni Rico na hindi tumutugon si Claudia. "I want you Sisima," ani Rico na nagpagulantang kay Claudia. Nararamdaman na lang muli ni Claudia ang paglapat ng labi ni Agapito sa mga labi niya. Ngayon totoong nararamdaman niya ang paglalakbay ng kamay nito ang at halik nito sa kanya. Hindi lang basta isang panaginip. Totoong nangyayari na hinahalikan siya ng asawa. "Ngayon na ba?" tanong pang muli ni Claudia sa sarili. "Wala namang masama di ba? Asawa niya ako at asawa ko siya. Kahit magkasintahan lang kami. Pero totoo ang kasal namin. Bahala na," pagkumbinsi pa ni Claudia sa sarili. Naramdaman na kang niya ang pagkubabaw ni Agapito sa kanya. "I like you Sisima," bulong pa nito sa pagitan ng halik na pinagsasaluhan nila. "Gusto din kita Morning Seven," ani Claudia kasunod ng pagtugon niya sa halik ni Agapito. Hanggang sa maramdaman niya pagtigil ng paghalik ni Agapito sa kanya at ang mabigat nitong katawan na nakadagan sa kanya. Napanguso na lang si Claudia ng maramdaman tulog na tulog na si Agapito sa ibabaw niya. "Isip na isip pa akong bumigay sayo tapos tinulugan mo lang ako. Isa pa mahimbing na ang tulog ko inabala mo ako. Nakakainis kang Morning Seven ka," reklamo ni Claudia sa tulog na tulog na si Rico. Dahan-dahan niyang itinulak ni Claudia si Rico para maalis sa ibabaw niya. "Bwisit na Morning Seven ito, ang bigat!" Hinihingal man ay nagawang alisin ni Claudia si Rico sa ibabaw niya. Nakaramdam muli ng pagod at antok si Claudia. Ngunit bago pa niya mapagpasyahang mahiga muli ay inalis muna niya ang suot na sapatos at medyas ni Rico. Pati na rin ang belt na suot nito. Kahit naman papaano ay naroon ang puso niya para makatulog ng maayos ang asawa. Hindi na rin niya nagawa pang lumipat sa sariling kwarto at doon na lang rin siya nahiga sa tabi ni Rico. "Ito totoo na. Alam kong nasa tabi lang kita. Good night Morning Seven." Kahit nagulo ang masarap niyang tulog kanina na ang kasama lang niya ay amoy ni Agapito. May kahalo mang alak ngayon. Mas mukhang magiging masarap ang tulog niya. Mula ng matulog siyang katabi ito sa bahay hacienda noong natakot siya sa pagmamaneho nito ng mabilis ay ngayon lang ulit niya ito nakatabi pagtulog. Napangiti pa si Claudia, at muling ipinikit ang mga mata. Kinaumagahan ay napaungol naman si Rico dahil sa pagsakit ng kanyang ulo. Alam naman niyang kasalanan niya iyon. Matapos niyang lunurin ang sarili sa alak noong nasa bahay-hacienda ay itinuloy pa niya ang pag-inom ng makarating siya sa bahay nila ni Sisima. Bigla namang napamulat ng mga mata si Rico ng maalala ang nagdaang gabi. Nasa kwarto niya si Sisima at kasama niya sa kanyang kama. Doon lang niya napansin ang nakayakap na braso sa kanya. Tulog na tulog pa rin si Sisima sa tabi niya. "Sisima," bulong niya sa pangalan nito at dahan-dahang inalis ang kamay nitong nakayakap sa kanya. Naalala na naman ni Rico ang nakaawang na labi ni Sisima kagabi. Katulad din ngayong umaga kaya naman kahit siya ay wala ng tama ng pagkalasing ay hindi na rin iya napigilang hindi nakawan ng halik ang labi ni Sisima. Iniwan niya ang natutulog na si Claudia sa kwarto niya at hinayon ang kusina. Uminom muna siya ng malamig na tubig para maibsan ang hang-over na nararamdaman. Pagkatapos ay gumawa na rin siya ng kape. Habang naghahanda ng pagkain nila ni Sisima ay biglang pumasok sa isipan niya ang ginawang paghalik niya sa asawa. Natigilan siya. "Ako ang lasing at hindi si Sisima," sambit pa niya ng bigla na lang magtilamsikan ang mantika ng niluluto niyang hotdog. Napahilot pa siya sa sentido. Hindi tuloy niya alam kung paano haharap kay Sisima. Alam niyang nagising ito. Paanong hindi. Hubad na ang sapatos at medyas niya. Pati ang belt niya ay alis na. "Oh, Sisima," aniya ng pagharap niya sa may bungad ng kusina ay naroon si Sisima at nakatingin sa kanya. "S-Sisima." Bigla tuloy siyang nautal. "Bakit parang namumutla ka? Kasalanan mo 'yan. Inom ka nang inom. Hindi mo naman pala kaya. Tapos ikaw pa itong galit sa akin. Hindi ko naman alam ang dahilan mo! Hinintay kita kahapon, umaasa akong susunduin mo ako," may hinanakit na saad ni Claudia. Wala naman siyang balak magdrama. Iyon nga lang hindi niya mapigilan ang sarili na hindi lumabas ang hinanakit kay Agapito. "Ano ngayon? Hindi ka na makapagsalita?" "Kasama mo naman iyong crush mo na ah. Masayang-masaya ka pa ngang kausap ang de Liha na iyon." "Nandoon ka?" "Sa tingin mo paano ko malalaman ang bagay na iyon kung wala ako doon?" "Bakit hindi mo ako nilapitan? Hinihintay kaya kita," may bahid ng pagtatampo sa boses na iyon ni Claudia. "Akala ko, ihahatid ka niya. Masaya ka pa nga habang hawak-hawak ng de Liha na iyon ang kamay mo." "Iyan ang mahirap sayo. Puro ka hinala. Mag-asawa tayo kahit nagsisimula pa lang tayong kilalanin ang isa't isa. Pero mukhang wala kang balak na kilalanin ako? Sinabi ko sayong crush ko si Sir de Luna. Crush, paghanga. Iyon lang iyong Federico Agapito Alonzo, bwisit ka. Pero ikaw ang gusto ko. Mahal kita. Bata pa lang ako gusto na kita!" Hindi na napigilan ni Claudia ang inis na nararamdaman. Wala namang masamang umamin. Kung ayaw talaga nito sa kanya hindi naman siya pipilit. Kahit pa sinabi sa kanya ni Agapito na magsimula sila bilang magkasintahan. Napatulala na lang si Rico sa pag-aming sinabi ni Claudia sa kanya. Hindi niya maalis ang tingin sa mga mata nitong punong-puno ng mga luha. "Sisima," bulong niya. Hindi na rin napigilan ni Rico ang paghakbang at lapitan si Claudia. Kinabig niya ito at niyakap. Ilang minuto ding umiiyak si Claudia habang yakap-yakap ni Rico at ang ulo niya ay nakahimlay sa dibdib nito. "Maayos ka na?" Napatango lang si Claudia bilang sagot. "Siguro nga mali ako. Sabi mo nga, naghihinala. Sorry and I mean it. Mapapatawad mo ba ako?" "Oo naman," mabilis na sagot ni Claudia ng iangat ni Rico ang ulo niyang nakahimpil sa dibdib nito at mabilis siyang hinagkan sa labi. Dampi lang iyong. Ngunit lahat ng tampong kanyang nadarama at parang pinawi lang ng halik na iyon. "Hindi ko sinasadya iyong kahapon. Aaminin kong nagselos ako. Kaya sa halip na magpakita pa sayo, bumalik ako sa bahay-hacienda at uminom nang uminom. Tapos nang makita kong wala ka sa kwarto mo, uminom ulit ako dito hanggang sa----," hindi na natuloy ni Rico ang sasabihin. Hindi niya alam kung paano aaminin kay Sisima. "Sinamantala mo ang pagtulog ko sa kwarto mo. Halos halayin mo na ako ha," tudyo ni Claudia na halos manigas naman si Rico sa kinatatayuan niya. "I mean. Hindi ganoon. Wala akong balak Sisima." Hindi malaman ni Rico kung paano magpapaliwanag. Wala siyang masamang intensyon. Ayaw lang niyang mailang sa kanya si Sisima. Ngayon kahit papaano ay ayos na ulit sila. Tapos problema na naman. "Tulog ako na naalimpungatan dahil sa halik mo. In fact nanaginip talaga ako na tumutugon sa mga halik mo. Hanggang sa matauhan akong hindi panaginip ang nangyayari. Tapos sabi mo, I want you Sisima, pagkatapos nun tinulugan mo na ako," panunudyo ni Claudia na ikinapula ng mukha ni Rico. "G-ginawa ko 'yon?" Hindi niya mapaniwalaang bulalas. Naalala niya ang halik na ginawa niya kay Sisima. Ngunit hindi niya maalala iyong lampas pa sa halik na ginawa niya. "Uhmm." "I sorry, wala akong intensyon. I know the kiss. Pero hindi ko maalala ang bagay na iyan. Sisima ayaw kong matakot ka sa akin. Sweetheart, I don't mean to. Honey ayaw kong matakot ka sa akin. Kung nagawa ko iyon, hindi ko naman pinagsisisihan kasi ikaw yan. At alam kong hindi ko iyon magagawa kung hindi ikaw. Pero ayaw kong magbago ang tingin mo sa akin. Bata ka pa kumpara sa edad ko. Pero nasa tamang edad ka na rin. I'm sorry dahil baka iwasan mo ako. Sisima----," natigil sa pagsasalita si Rico ng halikan siya ni Claudia. "Hindi naman ako natatakot sayo. Sana lang kung may problema, sabihin mo at wag na nating paabutin sa ganito. Kung mag-uusap tayo dahil sa hindi pagkakaunawaan, alam kong magiging maayos din ang lahat. Hmmm," paliwanag ni Claudia. Relief, iyon ang naramdaman ni Rico, matapos sabihin ni Claudia ang bagay na iyon. "Thank you Sisima." "Salamat rin kasi hindi ka na galit. Kain na tayo. Akala ko nga ay absent ako ngayon kasi hindi pa tayo ayos. Mabuti naman at natauhan ka rin. Hanggang tanghali lang ang pratice ko. Hatid mo ako, at sunduin mo na rin ha." "Hay Sisima," sambit pa ni Rico at muling kinabig si Claudia para halikan sa noo. Iginaya na rin niya ito sa hapag. Habang nakaupo si Claudia ay naghahayin naman siya. Kahit away bati silang dalawa. Masaya pa rin dahil nagkakaayos pa rin sila. Sana lang ay walang malalang problema ang dumating sa buhay nila. At sana lahat ng problema malampasan nilang dalawa ng magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD