Sabi nga kung masaya ka o kayo hindi ninyo namamalayan ang paglipas ng mga oras at ng araw. Mula ng araw ng graduation hanggang sa mga oras na iyon ay apat na buwan na ang nakakalipas. Sa sobrang bilis hindi na nila naramdaman.
After graduation sinamahan na kaagad ni Rico si Claudia sa Maynila para makapagreview para sa board exam. Kahit sabihing kindergarten teachers siya ay hindi naman dapat ni la-lang-lang, lang iyon. Kailangan pa ring kumuha ng board exams. Dapat pa rin ay professional siya bago siya mag-apply sa mga eskwelahan para maging guro. Mahirap ng mapag-usapan na guro siya pero hindi naman nakapasa.
"Wake up Sisima," ani Rico sa natutulog na asawa. Iyon ang araw ng pagkuha ni Claudia ng board exam. Alas kwatro pa lang ng madaling araw sa mga oras na iyon.
"Inaatok pa ako Morning Seven."
"Sisima, alas kwatro na. Ikaw ang may sabi na gisingin kita ng maagap di ba? Ikaw ang nagpagising sa akin ng four."
"Fifteen minutes Morning Seven, mag-alarm ka ulit." Napailing na lang si Rico. Matapos ma-set ang alarm ng fifteen minutes ay nahiga din siya sa tabi ni Claudia at mahigpit na niyakap ang asawa.
Sa init ng yakap ni Rico ay parang mas lalong nahihimbing si Claudia. Kaya naman bago pa mahimbing si Claudia ay nagsimulang halikan ni Rico ang leeg ni Claudia.
"Hmm."
"Don't moan Sisima!"
"Nagbanta ka pa ikaw naman itong halik nang halik sa akin."
"Baka hindi ako makapagpigil ay hindi ka na makakuha ng exam ngayon."
"M-morning S-seven n-naman eh," ungol pa ni Claudia.
"Sisima!"
"Ikaw kaya ang tumigil sa ginagawa mo."
"Huwag ka na kayang mag-exam."
"Morning Seven, hindi pwede. Ang tagal ko kayang hinintay ng araw na ito. Ilang buwan na rin tayong hindi nakakauwi ng probinsya. Sa tawag lang natin nakakausap ang inay at itay pati na rin ang lolo."
"Ganoon naman pala. Bangon na. Gusto mo paliguan kita?"
"Baliw ka! Nagluto ka na?"
"Yup! Ako pa. Kaya nga kanina pa kita ginigising. So tara na."
Mas nauna pang bumangon si Claudia kaysa alarm ni Rico. Naupo na siya sa kama kasunod si Rico.
"Morning Seven, mahal kita," ani Claudia at kinabig siya ni Rico para yakapin at halikan siya sa labi. "Tara na."
Inalalayan pa siya si Rico pagtayo. Bago naman sila lumabas ng kwarto ay inalis na ni Rico ang alarm sa cellphone nito.
Pagdating ng kusina ay nakahayin na ang pagkain niluto ni Rico. Kailangan niyang kumain ng marami. Wala na dapat kasing dala, na kahit ano pagkuha ng exam maliban sa ballpen at lapis.
"Salamat sa masarap na breakfast."
"Galingan mo sa exam. Mag-ayos ka na ng sarili mo ako ng bahala dito."
"Okay, sige," ani Claudia at binigyan niya ng isang halik sa labi si Rico. Bago niya ito iniwan ng tuluyan.
"Ready ka na?"
"Kahapon pa Morning Seven."
"Good luck. Alam kong kaya ko yan. Nandito lang ako sa labas hihintayin kita."
"Hindi ka ba uuwi muna? Maghapon iyon Morning Seven."
"Hindi na."
"Okay, I love you Morning Seven."
"Pasok ka na Sisima." Hinalikan ni Rico sa noo si Claudia, kasunod sa labi. "Good luck kiss," nakangising saad pa ni Rico na ikinanguso lang ni Claudia. "Gusto mo ng isa pa," dagdag pa ni Rico at sinundan pa ng isang halik ang nauna.
Nailing na lang si Claudia na natatawa. Ilang beses pa siyang kumaway kay Rico bago tuluyang nagpaalam.
Pagkatalikod niya kay Rico ay saka lang siya napahugot ng hininga. Isang taon na rin ang nakakalipas mula ng umuwi si Agapito ng bansa. Mag-iisang taon na rin silang kasal. Mula ng magsama sila sa iisang bubong ay hindi pa sila lumalampas sa halik at yakap. Hanggang doon lang. Puro tudyo at biro pero wala namang nagtatangka alin man sa kanila ang lumampas pa doon.
"Kailan ko maririnig na mahal din niya ako?" aniya sa sarili habang patuloy lang sa paglalakad. "Nararamdaman ko namang mahal niya ako. Sinasabi ko din naman na mahal ko siya. Hindi pa ba ako sapat? O baka naman gusto lang talaga niyang iparamdam sa akin na mahalaga ako hanggang sa dumating ang araw na tapos na ang kasunduan nila ng Don Ponce? Mahalaga lang ba ako ngayon dahil nakapaloob pa rin iyon sa tatlong taon na hiling ng don? Wag naman sana," dagdag pa niya.
Hanggang sa marinig ni Claudia ang announcement na kailangan na niyang makarating kung saang building at kung anong room number siya mag-eexam.
"Hindi naman ako dapat magpaka-distracted. May dalawang taon pa ako. Kung hindi talaga, bakit ko pa ipipilit ang sarili ko di ba?" Malungkot siyang napangiti. Pero agad ding sinupil ang kalungkutang nadarama. Mas kailangan niya ngayon ay makapasa. Para sa kanyang itay at inay.
Habang hinihintay ang tamang oras ng exam ay nakaupo lang si Claudia sa pwesto niya. Humugot pa siya ng hininga ng maibigay sa kanila ang kanilang hinihintay.
Inabot din ng maghapon ang exam na iyon. Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Sa tingin naman ni Claudia ay makakapasa siya. Hindi man iyong pinakamataas, ang mahalaga ay makapasa.
Pagkalabas niya ng compound na iyon ay mabilis niyang tinungo ang parking lot. Hapon na rin naman at marami na rin ang nag-aalisan. Ngunit wala si Rico sa pwesto nito. Ibang kotse na ang nakapark sa pwesto ng sasakyan ni Rico kanina. Hindi tuloy niya malaman kung aalis na ba siya o hihintayin pa niya ito. Kahit wala namang kasiguraduhan na babalikan pa siya ni Rico.
Wala siyang dalang kahit na ano maliban sa ballpen, lapis at five hundred pesos na siyang ginastos niya pangkain kanina. May natitira pang tatlong daan sa bulsa niya.
"Morning Seven nasaan ka na?" tanong pa niya habang inililibot ang paningin sa paligid. Walang bakas na naroon ito. "Bwisit na iyon kung kailan wala akong cellphone na dala. Aba ay tinanong ko pa kung uuwi muna. Hihintayin daw ako. Tapos kung kailan nandito na ako. Saka wala ang herodes na iyon. Pagod na nga ang isipan ko sa maghapong exam. Kahit madami akong nasagot ay mahirap pa rin naman ang exam. Tapos lalo pa akong napapagod kahihintay sa hindi ako sigurado kung babalikan ako para sunduin. Nakakainis talaga." Hindi mapigilang talak ni Claudia ng mapansin nalilinis na ang parking lot ng university na iyon. Siya na lang ang naroon at ang ilang sasakyan na nasa nakareserbang parking lot para sa mga propesor.
Ibang-iba ang unibersidad sa Maynila kumpara sa probinsya. Maganda din naman sa probinsya pero iba ang ganda at lawak ng mga kilalang unibersidad na nasa Maynila.
Napaupo na lang si Claudia sa may gutter habang nag-iisip kung ano ang dapat niyang gawin. Kung uuwi na ba o maghihintay pa.
Lumipas pa ang ilang oras at dumidilim na. Wala pa ring Agapito na dumarating kaya naman nagpasya na lang siyang maglakad para makahanap ng tricycle. Alam naman niya ang address ng apartment na inuupahan nila ni Agapito sa Maynila kaya hindi nakakapag-alala na maliligaw siya.
Pagdating niya sa paradahan ng tricycle ay tatawag na sana siya ng tricycle ng may tumigil na taxi sa harapan niya.
"Ms. Alonzo, ipinapasundo ka po ni Sir Rico ako na po ang maghahatid sa inyo sa apartment ninyo."
Napakunot noo naman si Claudia, na may halong pagtataka. "Nasaan po si Rico? Paano po ninyo nalaman na ako ang Alonzo na kailangan ninyo? Kilala po ninyo ako?" tanong ni Claudia ng iabot sa kanya ng driver ng taxi ang larawan niya. Kinuha naman niya iyon at isinuksok sa bulsa.
"Nasa apartment po ninyo si Sir Rico. Medyo sumama daw po ang pakiramdam po niya kaya po napilitan siyang umuwi," nilukob naman ng kaba si Claudia sa narinig.
"Ano pong lagay niya? Maayos lang po ba siya?"
"Wag po kayong mag-alala. Mukhang nakainom na po ng gamot. Nga po pala maam. Siya po ang nagbook ng taxi para sa inyo. Sinigurado po niyang makakauwi kayo ng ligtas. Ito po, ang i.d, drivers license, number po ng company kung saan ako nagtatrabaho. Ano pa pong kailangan ninyo maam? Para po magtiwala po kayo sa akin." Napapakamot pa sa ulo ang driver ng taxi habang nagpapaliwanag sa kanya.
Hindi naman siya nagdududa sa driver, mukha din itong mabait. Nagtanong lang naman siya kung nasaan ang Agapito na iyon ang dami na kaagad paliwanag ni kuyang driver.
"Maam."
"Ay opo kuya. Sasakay na po," aniya at mabilis na sumakay sa back seat. Pagkasara ng pintuan ay inayos lang ng driver ang mga gamit nitong ipinakita sa kanya bago sinimulang paandarin ang sasakyan. "Kuya di mahal po ang bayad niya sa inyo kung nagpabook po siya at pinuntahan pa po ninyo sa bahay, tapos ay nagpunta pa kayo dito at ibabalik pa po ninyo ako doon."
"Naku maam, mahal nga po. Kaya lang mas mahal po kayo ng boyfriend po ninyo. Wala pong tumanggap talaga ng bookings ni sir at malulugi daw sila sa layo pa ng pinanggalingan ko. Ngunit mas kailangan kong kumita kahit maliit na halaga pambili lang ng pagkain at gamot anak ko. Alam mo na maam. Pabago-bago ang panahom ngayon. Mainit tapos lalamig ayon po at itinawag ng asawa ko na may ubo at sipon ang anak namin." Pagkukwento pa ng driver. Kahit papaano ay nalilibang siya. Sa mga sinasabi nito. Mas karapat-dapat na matulungan ang mga taong may mabubuting kalooban.
Kinapa ni Claudia ang natitirang tatlong daan sa bulsa niya. "Kuya," aniya sabay abot ng three hundred pesos.
"Para saan po ito maam?"
"Para sa inyo po kuya."
"Maam may bayad na po sa akin si sir. Sobra pa nga po ng dalawang libo. Ayaw ko po sanang tanggapin. Kaya lang kailangan ko rin po talaga kaya tinanggap ko na. At nagpasalamat na po ako kay sir, maam. Kaya po tama na iyon. Abuso na po iyon kung madadagdagan pa po ang bigay po ninyong dalawa."
"Kuya, tira ko na po iyan sa baon ko kanina. Sabi nga po ninyo safe akong makakauwi sa apartment namin. Hindi ko na po kailangan pang gumastos ng iba pa. Kung ayaw po ninyo ay bigay ko na lang po iyan sa anak ninyo. Pambili niya ng gusto niya."
Wala na ring nagawa pa ang driver ng ipagpilitan ni Claudia ang perang hawak niya. Halos maluha naman ang driver sa labis na pagpapasalamat sa kanya. Pati na rin kay Rico sa bigay nito.
Pagkatigil pa lang ng taxi sa harapan ng apartment ay nagpasalamat muli si Claudia sa pagkakasundo at paghahatid sa kanya ng driver sa apartment nila. Nagpasalamat din muli ang driver sa bigay nila bago ito tuluyang nagpaalam.
May pagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Kahit simabi ni kuyang driver na nakainom na ng gamot si Agapito ay hindi mawala ang pag-aalala niya dito.
Madilim na sa labas ngunit ni isang ilaw ay wala pang buhay. Pagkapasok sa pintuan ay kinapa niya ang switch ng ilaw. Unti-unting nagliwanag ang buong salas.
Hinanap kaagad niya si Agapito. Hanggang sa makita niya itong nakaupo sa may sofa habang nakatingin sa kanya.
"Morning Seven," bulong niya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Rico.
"Sisima."