Chapter 9

1852 Words
Nakaharap sa salamin si Claudia at wari mo sinisipat ang sarili. Isang linggo na ang nakakalipas mula ng ihayag ng don ang pagpapakasal nila ng apo nitong si Federico. Masaya siya habang nakatingin sa sarili niya sa salamin. Ngunit nandoon ang kaisipang ano ang magiging buhay niya matapos ang araw na iyon. Ilang sandali pa at nakarinig ng pagkatok sa may pintuan ng kwarto niya si Claudia. Wala naman siyang ibang inaasahan kundi ang kanyang inay o ang kanyang itay ang kakatok mula sa pintuang iyon. "Pasok," aniya at muling pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Excited to your so called wedding?" mapang-uyam na saad ng lalaking nasa may hamba ng pintuan sa kwarto niya habang ang dalawang braso ay magkakrus sa tapat ng dibdib nito. "Sino may sabi sayong excited ako?" Halos palakpakan ni Claudia ang sarili dahil sa hindi man lang siya nautal. "For your information Morning Seven. Hindi ako excited. Kung ikaw lang sana iyong professor na crush ko na nagtuturo sa engineering department sa university ay baka pumalakpak pa ako at magtatalon sa tuwa. Pero ikaw..." tinitigan ni Claudia ang kabuoan ni Rico at ngumisi. "...never mind na lang. Kung masusuway ko lang ang don at wala akong utang na loob sa lolo mo ay nunkang mahiya ako para pakasalan kang arogante ka!" singhal na saad ni Claudia. Halos mag-igting ang bagang ni Rico sa sinabi ng dalaga. Makikita pa ang pagpintig ng ugat nito sa sentido dahil sa sinabi ni Claudia sa kanya. "Anong sabi mo?" "Wala naman. Baka atat ka lang din na pakasalan ako Morning Seven. Shoo at ilalagay ko lang sa tuktok ko ang belo at nakakahiya naman na maging bride mo kung hindi ako mag-e-effort sa suot ko," ipinakita pa ni Claudia ang pag-ikot ng itim na bola ng kanyang mga mata kay Rico. Para maiparating sa binata na bored siya sa pagpapakasal dito. "What do you by that Morning Seven? Saang lupalop ng mundo mo nahugot ang salitang yan. You said it twice," may diing saad ni Rico na sa tingin niya ay hindi maganda ang ibig sabihin noon. Hindi na nga niya pinansin ang iba pang sinabi ni Claudia. Sa katunayan naman ay simula pa lang hindi na naman sila magkasundo ng dalaga. "You don't know the meaning of Morning Seven? O come on," may pagkasarkastikong saad ni Claudia kasabay ang isang malutong na tawa. "Hindi mo talaga alam. Okay ipapaliwanag ko sayo," tahimik lang si Rico habang hinihintay ang sasabihin ni Claudia sa kanya. "Okay ito na. Hold your breath and listen very carefully. Morning means aga and Seven means pito. So your name is Agapito that's why you have a pet name. Morning Seven. Mas sosyal kaysa Agapito." Halos mamula si Rico sa inis sa babaeng kaharap. Kung hindi lang ito babae ay baka napagbuhatan na niya ito ng kamay. Gusto niyang manapak dahil sa paglalaro nito sa pangalan niya. "I can't believe you." "Yes I am, so believe me," ani Claudia at sinamaan ng tingin ito ni Rico. Nakangisi pa si Claudia dahil sa titig ng binata. Hindi na naman na nagsalita si Rico at babalyang isinara ang pintuan ng kwarto niya ng lumabas na ito. Halos mapigil ni Claudia ang paghinga ng sumara ang pintuam ng kwarto niya. Hindi niya akalaing makakaya niyang sagutin ng ganoon ang binata. Sa katunayan ay halos lumabas ang puso niya sa sobrang kaba. Ngunit papatalo ba siya at hahayaan na lang ba niyang hamakin siya ng senyorito gayong wala naman siyang ginagawang masama. At lahat ng desisyon niya ay para sa ikabubuti ng butihin nitong lolo na walang masamang ginawa sa kanila kundi puro kabutihan. Inayos muli ni Claudia ang kanyang mukha. Nagretouch siyang muli at inilagay na ang belo. Tapos ay isinuot din niya koronang bulaklak na gawa ng isang ginang na trabahador sa hacienda. Gawa iyon sa bulaklak na nakatanim sa hardin ng bahay-hacienda. Tumayo siya saglit para suriin ang damit na suot. Isa iyong mini white dress na abot sa itaas ng tuhod niya. Nakasuot din siya ng white sandals na may 3inches ang taas at ang strap ay may disenyong puting rosas. Umikot pa siya para lang makita ang pagsunod ng bulad ng kanyang suot. Napangiti siya kahit papaano. Kahit hindi ganoong kasalan ang pangarap niya ay masasabi niyang maganda siya kahit sariling sikap lang ang pag-aayos na ginawa niya. Hindi man iyon ang nais ng don. Ngunit siya na ang humiling na ganoong kasimple na lang na kasal ang mangyari. "Kasalang walang pag-ibig ang mayroon sa amin ni Morning Seven. Kaya sapat na ang ganitong kasimpleng kasal," pagkausap niya sa sarili at muling naupo sa harap ng salamin. Napatingin siyang muli sa pintuana ng makarinig muli siya ng pagkatok. Ngayong sigurado na siyang ang mga magulang iyon. Pumasok sina Clara at Sinandro. Tumayo naman si Claudia para salubungin ng yakap ang mga magulang. "Inay, itay sorry po. Hindi pa ako tapos ng pag-aaral pero magpapakasal na po ako." "Naiintindihan namin anak. Mas malaking kahihiyan kung bigla ka na lang magdadalang-tao ngunit walang asawa. Naiintindihan ko bilang isang ama. Siguro nga ay nagkulang din kami." Naipaliwanag na naman ni Claudia sa mga magulang ang buong pangyayari kung paano sila umabot sa ganoon ni Rico. Hindi niya alam kung naniniwala ba ang mga ito sa kanila. Dahil kahit ang don ay sa halip na sabihing, kung ganoon pala ang nangyari ay hayaan na silang dalawa ni Agapito ang magdesisyon, ay hindi. Ipinaglaban ng don na pakakasalan siya ng apo nito sa kahit na anong mangyari. "Basta nandito lang kami anak para sa iyo, sa inyo. Kami ng itay mo. Hindi namin gaanong kilala ang senyorito. Ngunit nararamdaman naming mabait naman ang batang iyon parang ang don. Pag nagkaroon ng problema, huwag magpataasan ng pride ha. Ang pride ay sabong panglaba. Dapat palagi ninyong iisipin ang dishwashing liquid para palagi kayong masaya." Napakunot noo si Claudia sa sinabi ng ina. "Anong ibig ninyong sabihin inay? At bakit naman nadamay ang pandayag?" "Anak joy kasi ang gamit natin kaya masaya." Hindi mapigilan ni Sinandro ang matawa sa sinabi ng asawa. At halos mapasimangot naman si Claudia dahil sa sinabi ng ina. Naalala tuloy niyang bigla si Morning Seven. The karma real quick. Daming alam ng inay niya. "Pinapatawa lang kita anak. Basta mahal ka namin. Hindi ka man dito titira." Nagulat siya sa narinig. "Anong ibig ninyong sabihin inay? Itay? Anong hindi ako dito titira?" "Wag oa anak. Sa kubo kayo titira ng senyorito ayon sa request niya sa don. Sabagay para makapagsarilinan kayo. Para sa bagong simula. Mula ng sabihin ng don na ikakasal kayo. Ay nagtulong-tulong ang trabahador ng hacienda para medyo palakihin ang kubo. Halos isang linggo kang hindi nakapunta doon dahil pumapasok ka. Inaayos naman ang kubo sa panahong iyon," paliwanag ng kanyang itay. Nakahinga naman ng maluwag si Claudia. Kahit papaano ay malapit lang ang kubo. Maaari pa rin siyang lumapit sa mga magulang sa don. Kung kinakailangan. Akala niya ng sinabi ni Agapito iyon sa kanya ay nagbibiro lang ito. Hindi man ito nagbibiro ay nakahinga pa rin siya ng maluwag dahil abot tanaw lang ng kubo ang bahay-hacienda. Ilang sandali pa ay tinawag na sila ng isang katulong para lumabas. Ginanap ang simpleng kasalan nila sa garden ng bahay-hacienda. Ang lahat ng bisita ay mga trabahador doon. Ang araw na iyon ay walang trabaho sa bukid ngunit bayad ang araw na iyon. Ang mga trabahador din ang nagtulong-tulong para makapagluto ng pagkain para sa simpleng piging na iyon. "Congratulations Claudia," bati ng isang ginang sa kanya. Isang ngiti naman ang kanyang isinagot dito. Lahat ng nakakakilala sa kanya ay binati siya. Ganoon din ang paghanga sa nag-iisang apo ng don. Na mula ng umalis ng hacienda ay noon lang nila ulit nakita ng magpakasal kay Claudia. Napatingin naman si Claudia sa isang lalaking halos kasingtangkad din ni Agapito. Papalapit ito sa kanyang asawa na nakatayo sa kumpol ng mga trabahador. "Mabait din naman pala at nakikipag-usap sa mga trabahador sa hacienda si Morning Seven. Pero pag ako ang kausap kala mo palagi may regla." Napaismid siya. Nakita niya ang genuine na pagngiti ni Agapito ng makalapit ang lalaki dito. Nakita pa niya ang pagyakap ng dalawa sa isa't isa. Brotherly hug kung baga. Mula ng dumating si Agapito ay noon lang talaga niya nakita ang mga ngiti nito. Bagay na mas lalong nagpahulog sa kanyang damdamin sa binata. Masakit pa rin sa kanya na kahit ngayong kasal na sila. Siya lang ang nagmamahal. Kaya ano pa ang ilang pagmamaldita kung hindi man nito mahahalata ang nararamdaman niya. Mas mabuting wala itong alam sa totoo niyang nararamdaman. Kay sa tuyain ng lalaki ang damdamin niya. Samantala, halos umabot sa mata ang mga ngiti ni Rico ng makita si Facu. "Congrats bro," masayang bati ni Facu ng makalapit ito kay Rico. Masaya namang niyakap ng Rico ang binata. "Kumusta naman ang pakiramdam ng bagong kasal?" Napailing na lang si Rico sa tanong na iyon. "Tara doon," itinuro ni Rico ang isang lamesa na bakante. Nagpaalam naman sila sa mga trabahador na kausap niya bago siya nilapitan ni Facu. "So, bakit biglaan ang pagpapakasal mo? Wala naman akong nabitaan na babaeng sineryoso mo. Nabalitaan ko pang kauuwi mo lang di ba, tapos ang anak pa ng trabahador sa hacienda? How come? Tell me." Sinimulan ni Rico na ipaliwanag ang mula simula hanggang sa maabutan sila ng mga magulang ni Sisima at ng ng lolo niya sa hindi kaaya-ayang tagpo. Hindi naman mapigilan ni Facu ang pagtawa. Nailing na lang si Rico. Gusto tuloy niyang ambangan ng suntok ang pinsan. "You're fvcked up bro." "Yeah, very well," ani Rico ng simulan na naman siyang tawanan ni Facu. Napailing na lang siya. Ilang sandali pa ay nagulat na lang si Rico ng maramdaman na may humalik sa kanya. Napatingin siya sa babaeng bigla na lang sumulpot sa kanyang tabi. Hindi siya pamilyar sa babae. Ngunit ginulat talaga siya nito ng bigla itong sumulpot sa kanyang tabi at halikan siya sa pisngi. Doon lang niya napansin na biglang natigilan si Facu at titig na titig sa babaeng bigla na lang nanghalik sa pisngi niya. "Wala akong regalo kay hinalikan na lang kita sa pisngi," nakangising saad pa nito. "By the way congratulations. Sa kabilang hacienda nga pala ako nakatira. Naimbitahan din kami ng don," nakangiting saad ng babae na ikinatango na lang ni Rico. "What was that?" gulat na tanong ni Rico kay Facu na naghihilot na ngayon ng noon. "Don't mind her. That brat!" inis na saad ni Facu. Napasulyap na lang si Rico habang sinusundan ng tingin ang babaeng sa tingin niya ay matanda lang ng ilang taon kay Sisima. Isang ngisi ang lumabas sa kanya ng mapansin ang pagsunod ng tingin ni Facu sa likuran ng dalaga. As if hindi niya iyon mahahalata. Ngunit agad ding nawala ang ngisi niya ng mapansing nakatingin sa kanya si Sisima at ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. Ngunit agad din nawala at napalitan ng pagkainis at pagkairita. Bago pa niya natawag ang pangalan ng asawa ay nakatalikod na ito at hinayon ang pwesto ng karamihan ng mga bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD