Chapter 10

1638 Words
Mula sa kinauupuang silya ay napatingala si Claudia sa lalaking tumayo sa tapat niya. Pabagsak nitong ibinaba ang baso ng alak na hawak nito at naupo sa silyang nasa tapat niya. Walang buhay niyang tinitigan ang lalaki at muling ibinalik ang tingin sa madilim na paligid. Nasa gitna sila ng kagubatan kung tutuusin. Mula sa pwesto ng bahay nila ay natatanaw nila ang ilaw sa bahay hacienda. Ang bahay nila ay may nag-iisang ilaw din. Alam naman niyang wala doon ang mga magulang. Dahil sa bahay-hacienda matutulog ang mga ito kasama ng don. Bukas na bukas rin ay darating ang isang batang katulong para maging katulong ng kanyang inay. At isang private nurse na titingin sa don. Oo nga at malakas ang don, ngunit matanda na ito. Mabuti noong sa malaking bahay pa siya nakatira bantay sarado niya ang don. Kahit nasa university siya ay monitor niya ang matanda. Nang dahil lang sa isang maling hinala ay nagbago ang lahat. "Anong ginagawa mo dito Sisima? Malamig na, bakit nasa labas ka pa?" may malisyosong tanong ni Rico habang nakangisi ito. "Dito na ako tumanda Morning Seven kaya baliwala ang lamig na sinasabi mo. Bakit kay hindi ikaw ang matulog na. Mukhang hindi ka sanay sa ganitong lamig kaya ka umiinom ng alak," paismid niyang sagot. "Ako man ay dito din lumaki kaya sanay ako sa lamig ng klima dito." "Ano ang ginagawa mo dito? Dapat nasa loob ka na. Alam ko namang ayaw mong makita ang pagmumukha ko. Sinabi mo yan kanina, pagkaalis ng mga bisita at bago tayo nagtungo dito." "Sinabi ko ba? O I'm sorry sweetheart. Nakalimutan ko," mapang-uyam nitong saad. Inismiran lang ni Claudia si Rico. Kung tutuusin ay mas lalo naman siyang ayaw makita ang pagmumukha nito. Sa araw ng kasal nila ay ganoong eksena talaga ang nakita niya. Binalingan niyang muli si Rico na sumisimsim ng alak sa baso. "Umiinom ng alak. Ano yan? Para maibsan ang isiping ako ang kasama sa bahay na ito gayong may ibang babaeng humahalik sa pisngi mo, ngayong araw ng kasal mo? Unbelievable," mahinang bulalas ni Claudia. Sa tingin naman niya ay hindi siya maririnig ni Rico dahil busy ito sa pag-inom. "Are you jealous?" nakakunot tanong nito kay Claudia. Halos manlaki naman ang mata niya sa sinabi nito. "A-anong s-sabi mo?" nauutal niyang tanong ng humalaklak si Rico. "Bakit ka nagugulat? Para kang teenagers na nagpapraktis umamin sa crush niya na crush niya ito. May nakakagulat ba?" Hindi pa rin mapigilan ni Rico ang matawa kay Claudia. "I don't know what are you talking about," mataray niyang sagot. "I heard what you say sweetheart. Hindi ako bingi." "Anong sinasabi mo?" "Ang bagay na akala mo ay sinabi mo sa isipan mo ay narinig ko." Nagulat man ay hindi ipinahalata ni Claudia. "Okay may sinabin ako. Respeto ang nais ko. Hindi ako nagseselos. Wala akong pakialam sa kung sino man ang babae mo. Mabuti at hindi nakita ng don ang paghalik sayo ng babae mo. Baka kung ano pa ang..." Pinigilan ni Rico ang pagsasalita ni Claudia sa pamamagitan ng pagtaas ng palad sa tapat ng bibig nito. "Hindi ko kilala ang babaeng iyon at bisita iyon ng lolo. Way lang niya iyon ng pagbati. Kaya wala kang dapat ikaselos Sisima." "Ang kapal ng mukha mo Morning Seven, hindi nga ako nagseselos." "Okay, hindi na kung hindi. Pero pakiusap tigilan mo na ako sa katatawag mo sa akin ng Morning Seven." "Whatever," sagot na lang ni Claudia at mabilis na tumayo si Rico. Ipinagkibit balikat na lang niya ang biglaang pagwawalk-out nito. Ngunit akala niya ay hindi na ito muling lalabas ay nandoon na naman ito. Nagsalin lang naman pala ng alak sa basong hindi niya napansin na naubos na pala nito ang dalang alak kanina. Naupo itong muli sa inupuan nito kanina at seryosong nakatingin kay Claudia. "Why don't we make the most of this night Sisima?" "What do you mean by that?" "This is our wedding night Sisima," may lamig sa boses ni Rico habang nakatingin sa kanya. Mula sa pagkakatitig ni Rico ay nagbawi ng tingin si Claudia. Muli niyang ibinaling ang atensyon sa kadiliman ng paligid. Napahawak sa braso si Claudia ng umihip ang malamig na hangin. Sa gabing iyon ay tanglaw nila ang mumuting bituin sa langit. "So?" "How about we consume our night? You and I, in an intimate scene, like how they found us in this hut? So we end up in this situation," ani Rico ng biglang mapatayo si Claudia "Hindi ako nagpakasal sayo para sa bagay na iyan. Nag-aaral pa ako at hindi ko hahayaang gawin mo sa akin ang bagay na iyon. Wala kang karapatang gamitin ang sitwasyong ito para sa pansarili mong interes!" habol hiningang saad ni Claudia. Nanggagalaiti siya sa galit sa lalaking kaharap. Ngunit bakit sa kaibuturan ng puso niya ay gusto niyang sumang-ayon sa sinabi nito. Ipinilig ni Claudia ang ulo. Hindi maaaring magawa ng lalaking ito ang nais nito. "Huwag kang praning Sisima. Hindi ang tulad mo ang gugustuhin kong magpainit ng aking gabi sa aking kama. Mas gugustuhin ko pa rin ang babaeng kasing edad ko at kasing init ko. Hindi katulad mong isang bata lang sa paningin ko. Ginagalit lang kita at epektibo," nakangising saad pa ni Rico. Nasundan na lang ni Claudia ng tingin si Agapito ng pumasok ito sa loob ng kubong iyon. Kung tutuusin ay hindi na niya makita ang simpleng kubo noong nakaraang isang linggo. Para na talaga iyong isang simpleng bahay para sa bagong nagsisimula ng pamilya. Mayroon na iyong dalawang kwarto. Ang isang kwarto na pinaka masters bedroom at may sariling banyo. Ang isa namang kwarto ay wala. Ang isang banyo ay iyong sa malapit sa kusina. Napabuntong hininga siya. Naguguluhan si Claudia sa damdamin para sa asawa. Dapat ay masaya siya, ngunit sa oras na iyon ay sa pakikipagtalo rito nalaan ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa. Ngunit kahit ganoon nakahinga siya ng maluwag. Walang pag-ibig sa kanya ang asawa. Hindi isang laro ang pakikipagtalik. Dahil kaakibat noon ay isang responsibilidad. Bagay na hindi pa siya handa. Makalipas ang kalahating oras ay pumasok na rin sa loob ng bahay si Claudia. Nadatnan niya si Rico sa may salas na nakapikit. Naroon din ang isang bote ng alak na wala ng laman. Baso na mayroon pang lamang yelo. "Morning Seven," tawag niya sa pangalan ng asawa ng magpilit itong magmulat ng mata. Doon lang nakita ni Claudia ang kislap sa mata nito. Hindi niya malaman kung ano ang ginawa ng ngiting iyon sa kanya para maghabol siya ng paghinga. Ang t***k ng puso niya ay halos hindi niya maawat. Daig pa niya ang tumakbo ng mabilis sa loob ng maikling oras kaya ganoon na lang kabilis ang t***k ng puso niya. Dahil sa bigla na lang natigilan si Claudia ay hindi niya napansin ng bigla siyang kabigin ni Rico at mabilis na hinalikan sa labi. Naging mapusok ang paghalik na iyon ng asawa sa kanya, bagay na hindi niya napaghandaan. Pilit niyang inilalayo ang sarili dito. Ngunit tila bakal ang katawan ng asawa. Hindi man lang niya matinag ang pagkakayakap nito sa kanya. Hindi man lang naramdaman ni Claudia ang pag-angat niya sa sahig. Nagulat na lang siya ng lumapat ang kanyang likuran sa malambot na kama. "Sisima," bulong ni Rico sa pagitan ng paghalik nito sa kanya. Wala siyang mabitawang salita dahil hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon nito na magsalita. Mabilis ang naging kilos ni Rico at naalis nito kaagad ang suot niyang dress at bra. Nahantad sa binata ang maganda niyang katawan. Habang ang tumatabing na lang sa kanyang kabuoan ay ang nag-iisang maliit niyang saplot. Mabilis na nahubad ni Rico ang suot niyang damit, at tinawid muli ang pagitan nila ni Claudia. Habang dinadama ng kanyang palad ang malusog nitong dibdib ay hindi naman siya magmaliw sa malambot at manipis nitong labi na sa pakiramdam niya ay nagpapabaliw sa kanya sa mga oras na iyon. Lalo pang tumindi ang pagnanasa kay Rico ng marinig niya ang mumunting ungol ng dalaga. "Sisima," aniya ng bitawan niya ang labi nito. Bumaba ang mga halik ni Rico sa leeg ni Claudia na mas lalong nagbigay ningas sa agipo. "Fe-Federico," nauutal na sambit ni Claudia dahil sa kakaibang pagnanasa na kanyang naramdaman sa ginagawa ng asawa sa kanya. Kanina lang ay tumatanggi siya. Ngunit ngayon ay bigla niyang nakalimutan ang pagtanggi. Biglang napamulat ng mata si Claudia ng maramdaman niya ang bigat ni Rico na nakapaibabaw sa kanya. Ang paghinga nito sa kanyang leeg ay pantay. Napakunot noo siya. "Nakatulog siya?" mahina niyang usal. Hindi malaman ni Claudia kung maiinis ba siya o matutuwa. Sa kaalamang kung hindi ito nakatulog ay malamang naipagkaloob na niya sa asawa ang sarili. Ngunit nandoon ang kaisipang kanila lang sa labas ng bahay na iyon ay gumugulo sa isipan niya. Ang walang pag-ibig sa kanya ang apo ng don at hindi pa siya handa sa responsibilidad. Napahugot siya ng hangin. Ilang beses niyang ginising si Rico ngunit tulog na tulog ito. Pinilit niyang makaalis sa ilalim nito. At mabilis na dinampot ang mga damit niyang hinubad nito sa kanya kanina lang. Nagpapasalamat pa rin siyang nakatulog ito. Hindi maalis ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa naalala niyang tagpo nila ng asawa kanina lang. Ang damit ni Rico na hinubad ay basta na lang niya inilagay sa kama. Umaasa siyang hindi nito matandaan ang nangyari sa kanila sa mga oras na iyon. Na sa katunayan naman ay wala naman talagang nangyari dahil sa nakatulugan siya nito. "Good night Morning Seven," aniya at mabilis na lumabas sa silid nito. Mabilis niyang tinungo ang kwartong uukupahin niya sa bahay na iyon at kumuha ng damit pantulog nagtungo siya sa banyo sa kusina, para pawiin ng lamig ng tubig ang apoy na kanikanilang ay biglang nagningas ng dahil sa kapusukan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD