Chapter 13

2236 Words
"Sino nga ba ako Sisima?" ulit na tanong ni Rico ng hindi kaagad nasagot ni Claudia ang unang tanong niya. Nadoon pa rin ang nagbabantang tingin ni Rico kay Chris. Habang hindi inaalis ng huli ang tingin sa nakapulupot na kamay ni Rico sa baywang ni Claudia. Muling napalunok ng laway si Claudia. "Sir Chris," tawag nito sa pangalan ng propesor. Pinilit niyang wag mautal o ma-distract kay Rico. Isang ngiti ang pinakawalan ni Claudia at humugot ng paghinga. Kahit papaano ay nawala ang kaba na kanyang nadarama. Tumayo siya ng tuwid. At napaisip kung bakit siya kailangang kabahaban gayong wala siyang ginagawang masama. Wala naman silang lihim na relasyon ng propesor. Maliban sa nagkataon na nagkasabay lang sila sa hallway dahil nagtungo pa siyang library kaya siya hinapon at nag-offer lang naman ito na ihatid siya. Maliban sa mga nabanggit na dahilan ay wala naman silang ugnayan na dalawa. Tumikhim muna si Claudia para mawala ang bara sa kanyang lalamunan. "Sir Chris," ulit niya. "Sir this is Federico Agapito Alonzo, ang nag-iisang apo at tagapagmana ng Don Alponce Alonzo ng Hacienda Alonzo. Galing siyang ibang bansa at halos kauuwi lang ng senyorito. Higit sa lahat wala pa siyang ibang kakilala dito maliban sa akin," mas diniinan ni Claudia ang salitang 'maliban sa akin,' na ikinatango naman ni Chris. "Senyorito Agapito," ipinagdiinan talaga ni Claudia ang pangalan ng asawa na Agapito, kaya napangiti ng hindi halata si Chris. "Siya nga pala si Sir Christopher de Luna ng engineering department." Halos magpanting ang tainga ni Rico ng marinig na ang kasama ni Claudia ay ang lalaking sinasabi nito noong nakaraan. "Ikinagagalak kong makilala ang nag-iisang apo ng Don Ponce. Hindi ko kilala ang inyo abuelo ginoo. Ngunit batid ko ang kabaitan ng don," nakangiting saad pa ni Chris habang nakalahad ang kamay para makipagdaupang palad kay Rico. Hindi na sana papansinin ni Rico ang kamay ng propesor kung hindi lang niya lihim na naramdaman ang pagkurot ni Claudia sa kanya. Isang buntong hininga pa ang kanyang pinakawalan bago inabot ang kamay ng kaharap. Matapos magbitaw ang dalawa ay muling napagtanto ni Chris ang hindi pa rin pagbitaw ni Rico sa dalaga. Na agad din namang nahalata ni Claudia kung ano ang tinatakbo ng isipan ni Chris. Nawala naman ang atensyon ni Rico sa pagkakahapit niya sa asawa kaya naman mabilis itong nakawala sa kanya. "Wag mong pansinin sir ang pagkakahawak na iyon ng senyorito. Lalo na at ganoon siyang kalapit sa akin dahil ako nga lang ang pinagkakatiwalaan niya sa ngayon." Nakakaunawang tumango si Chris. "Paano iyong offer ko?" Ang nais iparating ni Chris ay ang paghahatid sana niya sa dalaga. "Don't bother yourself about my wi---...," hindi natapos ni Rico ang sasabihin ng takpan ni Claudia ang bibig nito. "Sige na Sir Chris babye na. Hindi ko kasi alam na susunduin ako ng senyorito dahil nagpapasama nga palang maglibot sa bayan. Alam mo na kauuwi lang. Nakalimutan ko lang kasi. Sige po mauna na kami," mabilis na saad ni Claudia at mabilis nilang iniwan si Chris. Habang si Rico gayong may katangkarang taglay ay nagawang takpan ni Claudia ang bibig at mahila sa kotse nito. Nagpapasalamat siyang ilang hakbang lang ang layo ng kotse nito mula sa kanila. Hindi katulad ng pwesto ng kotse ni Chris na kailangan pang lumiban ng kalsada. Hagya ng nakahinga ng maluwag si Claudia ng makitang tumawid na si Chris patungo sa sasakyan nito. Halos patabig na inalis naman ni Rico ang kamay ni Claudia na nasa kanyang bibig. "What's wrong with you lady!?" singhal ni Rico. Kahit nanggagalaiti sa inis ay mas nadagdagan ng irita ng hindi man lang siya pinansin ni Sisima. Bagkus ay nginitian pa nito ang lalaking nagngangalang Chris ng lumampas ang sasakyan nito sa pwesto nila at kumaway pa dito si Claudia. Nagulat na lang si Claudia ng biglang hinablot ni Rico ang kamay niyang kumakaway kay Chris at mariin niyang tiningnan ang asawa. "Get in," nagpipigil sa inis na saad ni Rico kay Claudia. "Bakit ba nagagalit ka? Wala naman akong ginagawang masama." "Wala kang ginagawang masama pero nakikipagflirt ka sa lalaking iyon?" Halos manlaki ang mga mata ni Claudia dahil sa labis na pagkamangha sa sinabing iyon ni Rico. "Ako nakikipagflirt? Ay nagpresenta lang naman iyong tao na ihatid ako. Kinamalayan ko bang babalik ka pa ngayon dito para sunduin ako. Daig mo pang kasintahan na binihusan ng isang drum na selos ah. Kung hindi kita kilala ay baka talagang isipin kong nagseselos ka." Napalunok namang bigla si Rico, ngunit agad ding binaliwala ang panunuyo ng lalamunan. "Hindi ako kasintahan lang. Asawa mo ako," mahina ngunit may diing saad ni Rico. "Okay, hehe. Sorry po nakalimutan ko. Asawa mo, nga pala ako dahil sa nahihiya ang pamilya ko sa lolo mo." "Bakit hindi mo ako ipinakilala doon sa de Liha na iyon na asawa mo!" Halos magsalubong pa ang kilay ni Claudia tapos ay napangisi na rin. "de Luna Morning Seven hindi de Liha. Aba at pasalamat ka nga at ipinakilala pa kita sa pangalan mo. Muntikan ko ng makalimunan na hindi nga pala Morning Seven ang pangalan mo kundi Agapito." "Get in!" may diing saad ni Rico at hindi na pinansin ang sinabi ni Claudia. "Oo na sasakay, para namang mangangain ng buhay," bulong pa ni Claudia na umabot din sa pandinig ni Rico. Umikot muna si Rico sa driver seat ay naupo. Sinulyapan pa nito si Claudia. "I love the idea of eating you alive," nakakalokong saad pa ni Rico. "Pwes hindi nakakatuwa. Ano ka cannibal?" "Pag-isipan mong mabuti kung paano kita makakain ng buhay. Perks of being a virgin probinsyana," bulong pa ni Rico sa huling sinabi na hindi na rin naman narinig ni Claudia. Tahimik lang sila habang binabagtas ang daan pauwi ng hacienda. Ilang beses pang napasulyap si Rico kay Claudia na mula pa kanina ay nawalan na nag-imik na wari mo ay nabaon sa malamim na pag-iisip. Napahugot ng hininga si Rico at habang nasa daan ang tingin ay binasag niya ang katahimikan. "Ayos ka lang?" tanong niya. "A-ayos lang ako," nauutal pang saad ni Claudia na sinamahan pa ng pagtango. Napakunot noo naman si Rico dahil sa pagkautal ni Claudia sa pagsagot sa kanya. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang dahilan ng asawa. Gayong ngayon lang sa mga oras na ito nawalan ito ng sasabihin at biglaan pa ang pananahimik na hindi niya malaman ang dahilan. Nasa may tulay na sila at sinulyapan lang ni Rico ang kahabaan ng tulay. Wala pa ring kibo si Claudia na sa tingin niya ay may kung anong bagay ang biglang gumulo sa isipan nito. Hindi na sila huminto pa sa bahay-hacienda. Bumusina na lang si Rico at lumampas na sila doon. Tumuloy na sila sa bahay sa ilog. Hanggang sa dumating sila sa bahay ay hindi na rin nagsalita pa si Claudia, at mabilis na lumabas ng sasakyan at hindi na siya hinintay. Nasundan na lang ng tingin ni Rico ang nagmamadaling asawa papasok ng bahay. Nakapagpalit na ito ng damit ng makapasok siya ng bahay. "Anong gusto mong ulam?" wala buhay na tanong ni Claudia na labis niyang ipinagtataka. Nawala ang angil nito at ang pagiging matapang ng dalaga. "Kahit ano na lang lutuin mo," napatango na lang si Claudia at nagtuloy ng kusina. Ilang minuto ang itinagal ni Claudia sa kusina ng muli nitong binalikan si Rico. "Agapito," tawag ni Claudia sa mababang tinig na labis na ipinagtataka talaga ni Rico. Parang hindi si Sisima ang kanyang kaharap. "Maggigisa na lang ako ng ampalaya at magluluto ng sinaing na tulingan. Nakakita ako ng tulingan at medyo malambot pa. Siguro ay kadadala lang ng inay o ng itay dito sa mga laman ng ref. Mayroon ding tuyong kalamyas," imporma ni Claudia. "Anything sweetheart," wala sa loob na sagot ni Rico na nakatingin sa cellphone nito na wari mo ay may kinukutingting. Hindi niya napansin ang pagsinghap ni Claudia. Na agad din namang binaliwala ang itinawag sa kanya ng asawa. "Sige," iyon na lang ang naging sagot ni Claudia at nagtuloy na siyang muli sa kusina. Halos nasa dalawang oras din ang tagal ng lagluluto ni Claudia dahil sa pagsasaing ng tulingan. Mas masarap kung mas tatagal pa sana sa apoy. Tinawag na niya si Rico. Parang katulad lang din kanina ay tahimik lang silang kumakain. Bagay sa na pakiramdam ni Rico ay hindi tama. Ngunit hindi naman siya agad nag-usisa hinayaan muna niya ang tahimik nilang pagkain. Gusto man niyang purihin ang luto ni Sisima ay hindi na lang niya isinatinig. Ngunit sa katunayan ay talagang nasarapan siya. Matagal man siya sa ibang bansa ay iba pa rin ang ganoong luto sa Pilipinas. Talagang mapapakain ka, at kung on diet ka naman ay tiyak na makakalimot ka. Tumayo na si Claudia para ligpitin ang kanilang pinagkainan ng mapansin niyang tapos na ring kumain si Agapito. Ngunit bago pa niya masimulang damputin ang mga plato ay hinawakan na ni Rico ang kamay niya para pigilan. "B-bakit?" nauutal pa niyang tanong habang nakatitig kay Rico. "Ako ang dapat magtanong ng bakit. Bakit bigla ka na lang nawalan ng kibo at hindi na ganoong nagsasalita? May problema ba? Oo nga at hindi tayo magkasundo ngunit hindi ko naman maaaring hayaan ka na lang na may dinaramdam. Ano ang problema mo Sisima? Bakit bigla ka na lang nagkaganyan?" "Wala namang dahilan. Sige na ng makatapos na ako sa gawain ko dito sa kusina. Magbabasa pa ako at may quiz kami bukas." Mahinahong saad ni Claudia na mas ipinagtaka ni Rico. Binitawan na ni Rico ang kamay ni Claudia. Naupo na lang siya sa isang upuan doon at tahimik na pinagmasdan ang kilos ng asawa. Ilang beses man niyang balikan ang pinag-usapan nila kanina ay wala siyang maisip na magiging dahilan para manahimik si Sisima. Hanggang sa makatapos ito sa ginagawa ay hindi na siya nito nagawang pansinin. Sinundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng kwarto nito. Ilang minuto pa siyang nakatitig sa nakasaradong pintuan hanggang sa napagpasyahan niyang magtungo na rin sa sariling silid. Ibinagsak naman ni Rico ang pagal na katawan sa kama. Kaung tutuusin ay napagod din siya sa paglilibot sa hacienda hindi pa hindi halos napupuntahan ang lahat ng parte. Mga tanaw lang niya sa mga nadaanan niya ang iba. Mariing ipinikit ni Rico ang mga mata. Pakiramdam niya ay hindi na niya magagawa pang bumangon mamaya kung hindi pa siya babangon sa ngayon para maglinis ng katawan at makapagpalit ng damit. Kaya naman kahit napapagod ay ginawa na ang dapat gawin at naligo na rin siya para guminhawa na ang kanyang pakiramdam. Kalalabas lang niya ng banyo ng marinig niya ang pagkatok ni Claudia naririnig pa niya ang pagsigaw nito na ipinagtaka niya. Kanina ay para itong pinitpit na luya sa pagiging tahimik at walang kibo. Pero sa naririnig niya ngayon ay bumalik na naman ang Sisima na kilala niya. Mabilis na kumuha ng damit si Rico at nagsuot ng damit bago niya binuksan ang pintuan ng kwarto niya. "What!" sighal niya kay Sisima na nakataas pa ang kamao. Mabuti na lang at napigil nito ang pagkatok dahil sapol sana sa dibdib niya ang kamao nito kung nagkataon. "Bwisit ka!" simula ni Claudia na ikinakunot ng noo ni Rico. "Anong problema mo sa akin?" naguguluhan talaga niyang tanong. Sa tingin niya ay hindi ordinaryong babae si Sisima. Kundi may saping babae. Manininghal tapos ay biglang tatahimik at manininghal na naman. May sapi talaga. "Bwisit ka, kanina ko pang iniisip ang sinabi mo! Tapos nag-alangan pa ako at medyo kinabahan sayo. Sa totoo lang ayaw kong magalit ka kasi baka gawan mo ako ng masama dahil sa kabang nararamdaman ko sayong hudyo ka!" Walang prenong sighal ni Claudia na lalong nagpagulo sa naguguluhan ng isipan ni Rico. "Ano bang gusto mong palabasin Sisima sa totoo lang kanina pa akong naguguluhan sayo. Iyong pagod at antok ko ay biglang nawala dahil sa kasisigaw mo. Ano bang problema mo?!" "Walang hiya ka! Isip na isip ako sa sinabi mong 'I love the idea of eating you alive!" habol hiningang saad ni Claudia. "So anong masama? Kanina ko pang sinabi yan pauwi pa lang tayo. Naguguluhan ako sayo Sisima. Hindi ko ma gets. Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap na tulad mo. Na parang isang puzzel ang binubuo ko sa mga sinasabi mo." "Bwisit ka talaga. Nanahimik ako kanina kasi akala ko ay may balak kang masama sa akin. Baka pag ginalit kita ay basta mo na lang ako patayin at baka palabasin mong nag suicide ako. Natakot ako dahil kahit apo ka ng don ay hindi naman kita lubusang kilala. Hanggang sa mapagtanto ko ang lahat ngayon-ngayon lang. Pervet kang bwisit ka! Hindi ka pala cannibal! Animal kang lintik ka! Bwisit ka!" Nahahapong sigaw ni Claudia na namumula sa inis kay Rico. Unti-unti namang naiintindihan ni Rico ang sinasabi ni Sisima sa kanya. "Mula pa kanina?" hindi mapaniwalaang saad ni Rico na ikinabuhanglit nito ng tawa. Napayuko na lang si Claudia dahil hindi naman kasi talaga niya kaagad naisip ang ibig sabihin ni Agapito ng sabihin nito ang bagay na iyon sa kanya. Kinamalayan ba niya. Napailing na lang siya at napapikit sa kahihiyan. Hindi naman maunawaan ni Claudia ang damdamin kahit matagal ng alam ng puso niya iyon. Ngunit sa halip na mainis at magalit dahil sa pinagtatawanan ni Agapito ang medyo slight na katangahan niya ay mas lalo lang siyang nahuhulog dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD