Pagbalik ni Rico ay sa bahay-hacienda niya itinigil ang sasakyan. Wala rin naman siyang gagawin sa bahay sa ilog kaya naman ang aatupagin niya ay ang libutin ang hacienda. Nasulyapan pa niya ang Don na nakaupo sa isang bench sa may hardin. Isang magandang ngiti ang isinalubong sa kanya ng matanda pagkababa niya ng sasakyan.
"Inihatid mo ba apo si Claudia?" Tipid na tango ang naging sagot niya sa matanda. Pagkuwan ay naupo siya sa tabi nito.
"Lilibutin ko ang hacienda lolo, hindi man lahat ngunit gusto kong makita ang lahat ng lugar dito sa hacienda. Ang mga pataniman at ang mga hayupan."
"Mabuti kung ganoon apo. Nais mo bang pasamahan kita sa isa sa tagapangalaga ng mga kabayo. Tatawag ako ng sasama sayo. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan mong sumakay ng kabayo apo. Ngunit may katagalan na mula ng huli kang sumakay sa kabayo. Ang palagi mo na lang nasasakyan ay mga magagarang sasakyan."
Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Rico. Kahit papaano ay naging masaya siya sa pag-aalalang iyon ng matanda.
"Don't worry about me lolo. Pasamahan na lang po ninyo ako sa may kwadra."
"Tatawagin ko na lang si Sinandro at pasasamahan kita. Kaya lang apo nag-aalala akong mag-isa ka sa pagsakay sa kabayo."
"Magtiwala ka lang sa akin lolo. Alam kung kahit ayaw ko ay darating ako sa puntong babalik at babalik ako dito sa lugar kung saan ako nararapat. Lugar kung saan hinubog ang aking pagkatao at lugar kung saan huli kong nakasama ang mga magulang ko. Kaya habang nasa ibang bansa ako ang libre kong oras ay nagtutungo ako sa isang rancho na malapit doon para lang magsanay sa pangangabayo. Hindi mo iyon alam lo, pero ginawa ko. Dahil alam kong babalik ako dito sa hacienda."
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ng don. "Salamat ako. At sa pang-unawa sa biglaang paglisan ng iyong mga magulang. Ako man ay nawalan ng nag-iisang anak Rico at napakabait na manugang. Pero masaya akong kasama kita ngayon."
"Naiintindihan kita lolo. At nakita ko ang tulay ng ihatid ko si Sisima. Hindi ko iyon napansin noon umuwi ako. Siguro dahil nakatuon lang ako sa daan at hindi sa mismong paligid. Higit sa lahat iyong sinakyan kong kotse noon ay wala na doon kinaumagahan kaya hindi ko na nagawang magtanong. Mataas na ang ayos ng tulay at matibay. Hindi na rin basta-basta maaabot ng baha."
"Ang tulay ay ipinaayos ko limang taon mula ng umalis ka dito. Muntik ng muli ay may mapahamak sa tulay na iyon. Kaya mas pinalawak at pinatibay. May harang din sa may malapit sa bundok para masala ang mga bagay na pwedeng makasagabal sa tulay. Kaya ang lahat ng aagos sa ilog sa ilalim ng tulay ay maaaring tubig lang mismo at mga patak ng dahon. At tungkol sa sasakyang sinakyan mo ay ipinakuha ko na iyon apo sa nirentahan mo. Hindi na kita inabala pang ibalik iyon. Mas mahihirapan ka kung magpapabalik-balik ka pa ng Maynila para lang sa kotseng iyon. Kung maaari ko namang bayaran ang pagkuha noon." Napatango na lang si Rico. Hindi na rin naman siya nag-usisa pa ng tungkol sa sasakyan iyon. "Kumusta kayo ni Claudia?" dagdag tanong pa ng don.
"Ipinagluto niya ako ng agahan," tipid niyang sagot. Iyon naman kasi ang totoo.
"Mabuting bata si Claudia kaya masasabi kong hindi mo pagsisisihan ang pagpapakasal mong ito apo. Kung ngayon ay naguguluhan ka, darating ang panahon na pasasalamatan mo rin ako sa naging desisyon kong ito apo."
Hindi na sumagot si Rico at tumayo na lang. Nakita niya ang ama ni Claudia na papalapit sa kanila. Tumango lang ang don sa huli at nagpaalam si Sinandro sa matanda. Ganoon din ang ginawa ni Rico.
Habang naglalakad ay nagsalita si Sinandro. "Senyorito sana ay ikaw na ang bahala sa aming anak. Nag-iisa lang si Claudia na biyaya sa amin. Kaya lahat ng maiibigay namin sa aming anak basta makakabuti ay hindi namin hahadlangan."
Saglit na napatigil si Rico sa paglalakad. Patungo na sila sa may kwadra. Tiningnan niyang mabuti ang ama ni Claudia.
"Don't call me sir na senyorito. Asawa po ako ni Sisima. Hindi na po ninyo ako amo."
"Kaya lang po," nahihiyang saad pa ni Sinandro.
"Mas matutuwa po akong ituring din po ninyo akong anak. Kung hahayaan po ninyo akong tawagin kayong inay at inay. Rico na lang po."
Isang ngiti ang sumilay sa labi ng itay ni Claudia. "Rico," sambit nito na lalong nagbigay ngiti sa matanda. "Hayaan mo Rico at patuloy pa rin kami sa pagtulong sa inyo ng don. Magiging mabuti pa rin kaming tagapangasilbi a-anak," nahihiyang saad pa ni Sinandro.
"Hayaan po ninyong maging mabuting asawa ako kay Sisima. Hindi man po sa ganoong paraan dapat kami maging mag-asawa ni Sisima ay sisikapin ko pong maging mabuting asawa sa kanya. Naninibago man po ako sa sitwasyon naming dalawa ay asahan po ninyong gagawin ko ang lahat para hindi masaktan si Sisima."
"Sapat na ang mga salita mo sa akin hijo. Sana ay magkasundo kayo ni Claudia. Lalo na at alam naming sa simula pa lang ay para na kayong aso't pusa na dalawa."
Napangiti si Rico. Hindi lang nama kasi pala silang dalawa ni Sisima ang nakakaalam ng bagay na iyon. Maging ang mga magulang nito ay alam ang ganoon sa pagitan nila.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa may kwadra. Nakita niyang malaki na ang inilaki noon mula ng umalis siya. Nakita pa niya ang isang trabahador na sa tingin niya ay siyang namamahala sa mga kabayo.
"Pedring, maaari mo bang ilabas si Hercules," ani Sinandro sa lalaking nandoon.
"Magandang umaga senyorito," bati naman ng katiwala.
"Hercules? Iyong itim na stallion," aniya na ikinatango ng dalawang matanda. Natatandaan naman niya iyon ng dapat ay kasama siya ni Sisima. "Nais ko po sana ay si Maximus," nagkatinginan naman ang dalawang matanda.
"Pero senyorito," ani Pedring.
"Paghindi ko po siya mapapaamo ay hindi ko po siya sasakyan. Hindi naman po ako basta sasakay kay Maximus. Magtiwala po kayo sa akin ng itay."
Napangiti naman si Sinandro sa sinabing iyon ni Rico. Hindi naman niya iyon inaasahan. Pero sa ilang araw na nakasama niyang muli ang binatang si Rico ay labis talaga siyang nagagalak sa pagtawsg nito sa kanya ng itay.
"Si Claudia lang ang nakakapagpaamo sa kanya senyorito," nag-aalangan pang wika ni Pedring. Habang nag-aalala naman ang itay ni Claudia. Ngunit desisido talaga siyang sakyan si Maximus.
Tumatangong walang magawa si Pedring na pumasok sa kwadra at kinuha si Maximus. Ito na rin ang naglagay ng saddle kay Maximus.
Nilapitan kaagad ni Rico ang kabayo. Agad namang napalayo si Pedring dahil mukhang aalma pa ang kabayo. Ngunit bigla din itong tumigil.
Napatingin naman si Pedring kay Sinandro ng kumilos ang kabayo na wari mo ay matagal ng kilala si Rico.
Nang mapansin ni Rico na magwawala ang kabayo ay mabilis niyang hinawakan ang tali nito. Ang kamay niya ay mabilis niyang inilagay sa may parteng leeg ng kabayo ay hinimas. Hanggang sa kumalma ang kabayo. Idinikit pa niya ang sariling mukha sa pisngi ng kabayo.
"Hindi ka naman pala mahirap paamuhin," may pagmamalaking saad ni Rico habang haplos-haplos nito ang ulo ng kabayo.
"Itay, Mang Pedring gagawin ko munang tour guide si Maximus sa hacienda. Siguro naman ay malimit siyang umuli dito."
"Oo, at palagi silang namamasyal ni Claudia. Pag hindi si Maximus ay si Hercules ang kasama niya."
Isang ngiti ang iniwan ni Rico sa dalawang matanda bago mabilis na sumakay sa kabayo. Ilang saglit pa at mabilis na tumakbo ang kabayo na parang tuwang-tuwa pa na kasama ang bagong amo.
Sa dulo ng hacienda ay nandoon ang mga baka. Nandoon din ang karugtong ng ilog at doon umiinom ag mga baka. Sa kabila naman ng ilog ay naroon ang mga kambing. May kanya-kanyang namamahala.
Pinuntahan din ni Rico ang manggahan at ang taniman ng mga saging. Nakita din niya ang ilang trabahador na abala sa pagniniyog.
"Senyorito napasyal po kayo. Hindi po ba ninyo kasama si Claudia?" tanong ng isang trabahador.
"May pasok siya ngayon, may kailangan po ba kayo?"
"Wala naman po. Nagtataka lang po at bagong kasal lang kayo ay hindi po kayo magkasama. Ganoon naman po di ba pag bagong kasal, halos ayaw mawalay sa isa't isa ang mag-asawa," inosenteng saad ng lalaking na alam niyang may iba pang kahulugan. Napangiti na lang si Rico.
"Hindi naman po pwedeng ipagpaliban ang pag-aaral niya. Ako naman po ay kailangan kong libutin ang buong hacienda. Para mapag-aralan na rin. At napansin ko pong magkakalayo ang bahay ninyong mga trabahador at nasa alanganing parte."
Napakunot noo pa ang lalaki. Ang ibang mga kasamahan nito ay lumapit na rin sa kanila. Si Rico naman ay bumaba kay Maximus. Itinali muna niya ang kabayo sa isang puno na maraming damo. Bago binalikan ang mga nagniniyog.
"May problema po ba sa mga pwesto ng bahay namin?"
"Hindi naman po sa pangingialam, ngunit hindi po maganda ang pwesto ng ng mga bahay ninyo. Mayroon pong may bahay sa mga manggahan sa may sagingan. May nakita rin po akong mga bahay sa malapit sa may bangin. Kailangan po ninyong umalis sa mga lugar na iyon."
Halos mapasinghap naman ang mga trabahador sa narinig. Kung aalis sila ay wala na silang malilipatan. Mawawalan sila ng tirahan.
"Ngunit paano kami aalis senyorito sa aming mga bahay. Hinayaan kami ng don na pumili ng lugar kung saan kami pwedeng magbahay ng hindi nakakasagabal sa mga pananim at mga hayop dito sa hacienda. Kung aalis kami sa aming tirahan ay wala na aming matutuluyan," paliwanag ng isang matanda na sa tingin ni Rico ay siyang pinaka namumuno sa mga trabahador.
"Sa tingin ko naman ay may mga anak kayong nag-aaral di po ba?" ani Rico na ikinatango ng mga ito. "Malayo ang pwesto ng mga bahay ninyo dito at sa paglabas ng hacienda. Hindi po ako ganoong kalupit kung iyon ang inyong iniisip. Binabalak kong ilipat kayo sa isang parte ng hacienda. Kay sa magkakalayo pa kayo ng bahay. Bakit hindi na lang kayo maging magkakapitbahay. Isusuhestiyon ko iyon kay lolo sa mas ligtas na lugar.
"Maganda ang inyong plano senyorito. Kaya lamang ay hindi na namin kaya pa ang magpatayong muli ng bahay. Sa panahon ngayon ay masyado ng mahal ang materyales. Hindi po sasapat ang..."
Hindi natapos ng lalaki ang kanyang sasabihin ng unahan siya ni Rico.
"Hindi naman po ako gagawa ng isang desisyon kung pahihirapan ko lang din naman po kayo. Tutulong po ako sa gastusin at sisiguraduhin ko rin pong mayroon po kayong maayos na supply ng kuryente at tubig. Hindi naman po ganoong karami ang bahay na nakita ko."
"Nasa dalawampung bahay po kami senyorito. Lahat po kami ay nagtatrabaho dito sa hacienda. Ngayon pong walang ani ng saging at mangga ay nasa bahay lang ang aming mga asawa. Ngunit pag tag-ani ay tumutulong sila. Sina Pedring naman at ang namamahala sa mga baka at kambing ay nasa malapit lang sa kwadra ang mga bahay nila. Dahil ang mga hayop ay kailangang mabantayan ng maigi," napatango na lang si Rico.
Ilang pag-uusap pa ang naganap sa kanila at nagpaalam na si Rico sa mga trabahador. Sa tingin naman niya ay natutuwa ang mga ito sa sinabi niya. Masyado kasi siyang nag-alinlangan sa ilang bahay na nakita niya. Na pag halimbawa at may dumating na bagyo maaaring mapahamak ang mga ito. Pwedeng bumigay ang malapit sa creek. Habang maaaring mabagsakan ng puno ang ibang bahayan. Mas kailangan pa rin ang kaligtasan ng kanilang mga trabahador.
Pag-uwi niya ng hacienda ay nagpapahinga ang don kaya naman hindi na niya ito inabala. Nagpaalam na lang siya kay Inay Clara na siya na ang magsusundo kay Claudia.
Halos nasa isang oras na ring nasa may harapan ng gate si Rico. Maraming estudyante na rin ang naglalabasan ngunit wala pa ring Claudia na lumalabas. Napatingin pa siya sa kanyang relo. Tama lang naman ang dating niya dahil sa sinabing oras ni Nay Clara ay labinglimang minuto pa ang natitira bago lumabas si Sisima. Ngunit ngayon ay isang oras na ang lumilipas ngunit wala pa ang asawa.
Dahil sa inip ay lalapit na sana si Rico sa guwardiya para magtanong ng matanawan niya si Claudia na masayang nakikipag-usap sa lalaking nginitian din nito kaninang umaga.
Kung nakakamatay ang titig ni Rico ay siguradong nakabulagta na ang lalaking kausap ni Claudia. Halos magngitngit ang mga ngipin ni Rico ng hawakan ng lalaki ang siko ni Claudia. Napapikit pa siya ng mukhang hindi man lang siya napapansin ni Sisima. Malapit na ang dalawa sa pwesto niya ng tumigil sa paglalakad si Claudia at humarap sa lalaki habang nakatalikod sa kanya.
Tumayo ng tuwid si Rico habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa.
"Ihahatid na kita," malambing na saad ng lalaki sa asawa niya. Hindi niya nakikita ang reaksyon sa mukha ni Sisima ngunit sa tingin niya ay nasisiyahan ito sa sinabi ng kausap.
"Akala ko ba nasa talyer ang kotse ko sir."
"Oo nga, pero syempre pagkatapos noong ayusin ay dadalahin na nila dito. Kanina nga ay inihatid na sa akin ang susi," itinaas pa ng lalaki ang susi ng kotse nito. At inginuso ang sasakyan nito na nasa kabilang side ng parking na malapit sa may gate. "So tara na."
Akmang hahawakan muli ni Chris ang kamay ni Claudia ng magulat silang pareho.
"Sisima!" Sigaw ni Rico na nagpalingon sa dalawa sa pwesto nito.
Mabilis namang hinawakan ni Chris ang kamay ni Claudia lalo na at hindi naman kilala ng una ang lalaking tumatawag sa dalaga.
Pilit namang inaalis ni Claudia ang kamay ni Chris na nakahawak sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang t***k ng puso niya. Na kahit wala siyang ginagawang masama pakiramdam niya ay labis siyang nagkasala.
Napalunok pa siya ng lumapit si Rico sa kanila, at mabilis siyang hinablot mula sa pagkakahawak ni Chris sa kamay niya.
"Kilala mo ba siya Claudia?" tanong ni Chris na ikinalunok ni Claudia.
"Sino nga ba ako Sisima?" nakangising saad ni Rico habang mahigpit na nakapulupot sa ang kamay ni Rico sa baywang niya.
"Patay na," anas ni Claudia sa isipan kung paano niya ipapakilala si Agapito sa propesor na crush niya. Gayong lihim pa sa unibersidad na iyon ang pag-aasawa niya.