Chapter 14

1746 Words
"Tahan na. Tama na ang iyak Sisima," ani Rico ng bigyan siya ni Claudia ng nanlilisik na tingin. Paano ba naman kasi, kanina pa at wala pa ring tigil si Rico sa katatawa sa kanya habang nananahimik siya. Tapos ay sasabihan pa siya ng hudyo na tumahan na. Gayong hindi naman siya umiiyak. Sa katunayan naaasar na siya. "Akala ko ba may quiz ka pa bukas bakit ba hindi ka pa tumigil ka iiyak." "Tigilan mo ako Morning Seven. At baka hindi ka na abutin ng seven at baka mourning na ang mangyari sayo. Tigilan mo na iyang kapapatahan sa akin gayong hindi naman ako umiiyak at tigilan mo na rin iyang pagtatawa mo at baka bigyan kita ng sibuyas na maiyak ka naman. Oo na aminado na akong ang slow ko sa part na iyon. Sorry ha. Di ikaw na ang pervert," inis pa niyang saad at tumayo na. "Para iyon lang pervert na kaagad? Mula ng magbinata ako ay wala pa akong binastos na babae. Ngunit sa tuwing nais nilang matikman ang katawan ko ay pinagbibigyan ko naman," nakangisi pang saad ni Rico. Napahugot ng hininga si Claudia. Bakit kay pait sa pakiramdam ng sinabi nito sa kanya? Hindi niya gustong may ibang babaeng kinahumalingan si Agapito sa mga nagdaang taon. Ngunit wala naman siyang magagawa pa tungkol doon. Lalo na at hindi naman sila magkasama noon at wala pa siyang karapatan noon. "May karapatan na ba ako ngayon?" tanong pa ni Claudia sa isipan. Nang bigla na lang siyang napailing. "Anong nangyayari na naman sayo, at panay ang iling mo?" natatawa na namang tanong ni Rico. "Wala," tipid niyang sagot para hindi na muling mapahiya. "Sigurado ka?" tanong ni Rico na ikinatango na lang niya. Ngunit mukhang hindi kombinsido ang binata. Tumayo na si Claudia. Gusto na rin niyang magpahinha. Parang hindi mahihinto ang puso niya sa mabilis na pagtibok kung nandito lang sa tabi niya si Agapito. "Saan ka pupunta?" Nakangising humarap naman si Claudia kay Rico para mawala ang kanyang kaba. "Pupuntang Neptune maninimot ng diamonds, sama ka?" may pagkasarkastikong saad pa niya. "Nagtatanong ako ng maayos Sisima." "Used your common sense Morning Seven. Malamang sa kwarto at magrereview. Hindi na nakakatuwa ang pagtawa mo. Isa pa hindi ko pagkakamali na hindi ko naintindihan ang sinasabi mo. Hindi ako katulad mong makakita lang ng palay ay tutukain kaagad. Hindi ako katulad ng ibang babae na ibinaba na ang dignidad makakita lang gwapong lalaki." "So, gwapo pala ang tingin mo sa akin?" may panunudyo pa sa tono ni Rico. "Hindi ko sinabing gwapo ka. Ang sinasabi ko ay hindi ako tulad ng iba na ibababa ang dignidad." "Hindi ka nga nagagwapuhan sa akin?" "Gwapo ka period. Happy?" ani Claudia na ikinalawak ng ngiti ni Rico. Bago pa siya ipagkanulo ng ngiting iyon at mabilis ng iniwan ni Claudia si Rico sa salas at nagtuloy na sa sariling silid. Sa totoo lang ay labis na kahihiyan na ang nangyari sa kanya sa harap ng lalaki. Kaya tama ng iyon na lang. Hindi na nito dapat malaman ang pagkahulog niya. Matatanggap pa niya ang mahulog sa hagdanan. Ngunit hindi niya mapapayagang malaman ni Agapito ang pagsinta niya. Habang ito ay walang pag-ibig sa kanya. Napasandal na lang si Claudia sa likod ng pintuan ng maisara niya iyon. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya maiitago ang pagsinta sa asawa. Sa katunayan ay masaya siya sa desisyon ng don na ipakasal silang dalawa. Wala siyang naging pagtutol. Paano siya tututol kung ang kanyang pagsinta kay Agapito ay kasingtanda rin niya. Ayaw lang niyang malalaman iyon ng asawa. Hindi naman pwedeng magtutuloy ang pagsasama nila ng dahil lang sa awa. Tatlong taon lang ang hinihingi ng don para mapaibig niya ang asawa. Kaya ba niya? Gayong sa kilos ni Agapito ay nararamdaman niyang wala siyang dating dito. Kinagabihan ng araw na mahuli sila ng mga magulang at ng don sa kubo sa hindi magandang pwesto ay kinausap siya ng don ng sarilinan. "Claudia maaari ba kitang makausap?" Napalingon si Claudia ng marinig ang boses ng don mula sa labas ng pintuan. Gabi na noon at sa tingin niya ay natutulog na ang apo ng don sa mga oras na iyon. At pinuntahan pa siya ng Don Ponce sa kwarto niya, para lang kausapin. Mabilis niyang binuksan ang pintuan at pinapasok ang don. Sa upuang naroon ay pinaupo niya ang matanda. "Naabala ba kita?" "Hindi naman po. Ano pong kailangan nating pag-usapan Don Ponce. Sa katunayan po ay nagkakamali po kayo ng iniisip sa nakita po ninyo kanina. Wala po kaming ginagawang masama ng senyorito," paliwanag ni Claudia. Pinakinggan naman siya ng don, mula sa simula ng kwento niya hanggang sa madatnan sila ng mga ito sa ganoong tagpo. Natawa pa ang don ng banggitin niyang may ahas sa ilog dahilan para mawalan siya ng malay. Ngunit ipinagpilitan ng don na walang ahas doon, tulad din ng sinabi ni Rico sa kanya na labis niyang ipinagtatak. Dahil totoong naramdaman niya ang ahas na iyon. Binaliwala na lang ni Claudia ang alam. Wala rin namang naniniwala sa kanya tungkol sa ahas na naramdaman niya. Nakinig na lang siya sa don ng magsalita ito. "Naiintindihan ko Claudia at naniniwala ako sayo. Maliban sa ahas ha," natatawa na namang saad ng Don Ponce. "Ngunit nandito ako para makausap ka. Hindi ko alam kung dinadaya ba ako ng aking paningin o talagang gusto lang kita para sa akin apo kahit malaki ang agwat ng edad ninyo. Sa katunayan ay palagi kitang napapansin na nakatingin sa larawan ng pamilya ni Rico. Alam kong hindi ka naman titingin sa aking anak at sa kanyang ina. Kaya alam kong para kay Rico ang mga ngiti at ningning sa iyong mga mata tuwing makikita kitang nakatanaw sa kwadrong iyon." Halos magkulay kamatis naman ang pisngi ni Claudia. Sa pagkakaalam niya ay wala namang nakakakita sa kanya sa kanyang nakaw tingin sa larawang iyon. Hindi niya akalaing ang don pa ang makakahuli sa kanya. "Sorry po." "Bakit ka nagso-sorry? Walang masama Claudia. Gusto kita para kay Rico. Sa katunayan ay kinausap ko si Rico na bigyan ng tatlong taon ang pagsasama ninyo. Kung hindi ka talaga niya mamahalin ay ako mismo ang maglalayo sayo. Gagawan ko ng paraan para magkaroon ng annulment ang kasal ninyo. Patawarin mo ako Claudia. Gusto kita para kay Rico at alam ko, at nararamdaman kong may puwang ang aking apo sa puso mo noon pa man kahit ngayon mo lang siya nakita ng personal. Masyado ka pang bata noon kaya malamang ay hindi mo natatandaan na binubuhat ka pa ni Rico," nakangiti pang saad ng don. Totoo naman kasing wala siyang alaala kay Agapito noong bata pa siya. Ang natatndaan na lang talaga niya ay bigla na lang tumibok ang puso niya pagnakikita niya ang nakangiting apo ng don kahit sa larawan lang iyon. "Tatlong taon lang Claudia. Sana ay magawa mong mapaibig ang apo ko. Hindi ka mahirap mahalin. Kaya nararamdaman kong tama ang desisyon kong ipakasal kayo. Pilitin mong mapausbong ang bulaklak ng pag-ibig hanggang sa bumukadkad ang pagmamahal sa inyong dalawa. Alam kong magagawa mo yan. Dahil nararamdaman kong nagmamahal ka." Hindi namalayan ni Claudia ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. "Sorry po at salamat po Don Ponce. Totoo pong mayroon akong lihim na pagsinta sa senyorito. Kung mapapaibig ko po ang senyorito ay masasabi kong baka ako na ang pinakamasayang babae sa mundo. Dahil ang lalaking lihim kong minamahal ay mahal rin ako. Ngunit kung hindi man po iyon mangyayari. Malaki pa rin po ang pasasalamat ko sa inyo. Kahit po sa maikling panahon maranasan ko man lang pong maging asawa ang senyorito. Ni Agapito." Nakaramdam ng ginhawa ang don sa sinabing iyon ni Claudia. Hindi naman niya ipipilit ang kasal ng dalawa kung wala siyang nakikitang binhi ng pag-ibig sa dalawa. Pwede ng sabihing sa pagkakataong iyon ay matchmaker siya. "Salamat Claudia. Sana ay maging habang buhay ang desisyon kong ito para sa inyong dalawa ni Rico. Isa pa ay tawagin mo akong lolo mula sa araw na ito." "Makakaasa po kayo l-lolo. Ngunit pag-aaralan ko pa po ha. Mahirap pong baguhin kaagad ang nakasanayan," nakangiting saad ni Claudia ng yakapin siya ng don. "Salamat hija, salamat apo." Ihahatid pa sana ni Claudia ang don sa sariling kwarto ng pigilan siya nito. Kaya na daw nitong magtungo doon ng mag-isa. Masigla pang lumabas ng kwarto niya ang matanda na ikinangiti niya. Tinanaw na lang ni Claudia si Don Ponce paakyat ng hagdanan. Hanggang sa marinig niya ang pagsara ng pintuan. Nagbalik si Claudia mula sa pagbabalik tanaw ng makarinig siya ng pagkatok. Wala namang ibang gagawa noon kundi si Rico. Matapos ayusin ang sarili ay dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. "May kailangan ka?" "Mag-asawa naman tayo di ba?" seryosong tanong ni Rico. Hindi ito ngumingiti o nang-aasar sa tanong na iyon. Kaya naman nagseryoso na rin siya ng sagot. "Oo naman. Bakit mo natanong? Legal naman ang pagiging mag-asawa natin," nakangiting sagot na lang ni Claudia. Tama naman kasi ang naging sagot niya dahil iyon naman ang totoo. "Gabing-gabi na. Bukas ka na magreview at matulog ka na. Kalimutan mo na iyong pang-aasar ko kanina. Sa totoo natutuwa ako pagnaiinis ka. Wag kang magalit at hindi ako mang-aasar ngayon. Maganda ka pagnagagalit ka. Pero mas maganda ka pag nakangiti ka." Halos magkulay kamatis ang pisngi ni Claudia sa sinabing iyon ng asawa. Paano pa siya makakatulog kung sa simpleng salitang iyon ay parang hindi na siya patutulugin sa kilig. Hindi naman kasi niya inaasahan ang mga bagay na sinasabi nito ngayon. Hindi napaghandaan ni Claudia ang ginawa ni Rico, ng hapitin nito ang baywang niya at mahigpit siyang niyakap. Napatingala si Claudia kay Rico ng lumuwag ang pagkakayakap nito sa kanya. Hindi niya malaman kung tama bang tiningala niya ito o dapat hindi na lang. Nagulat na lang siya sa pagdampi ng labi ni Agapito sa balat niya. Pinatakan nito ng mabinig halik ang kanyang noo. Nagtagal iyon. Naramdaman niya ang kakaibang damdaming dulot ng halik ng asawa. Naririnig pa niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Rico. Ganoon din sa kanyang labi. Mas masarap lang sa pakiramdam ang paglapat ng labi nito sa labi niya. Mabilis lang iyon ngunit kakaiba sa pakiramdam. Parang may nagrarambulang paru-paro sa kanyang tiyan. Kulang ang salitang para siyang lumulutang. "Matulog ka na ha. Huwag ka ng magpuyat. Ihahatid ulit kita bukas pagpasok mo. Good night Sisima," ani Rico bago siya muling hinalikan ng asawa sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD