Chapter 22

1948 Words
Halos pabagsak na naupo si Claudia sa may silya sa may balkonahe sa bahay sa ilog. Gabi na ng nakauwi siya. Walang Agapito na dumating para sunduin siya. Kaya sa mga oras na iyon ay nagngingitngit ang kalooban niya. Hindi na siya dumaan sa bahay-hacienda. Alam niyang naroon ang bwisit na Agapito na iyon. Nakita niya sa may garahe ang racing car nito. "What if, butasin ko ang gulong ng sasakyan ng Morning Seven na iyon. Gabing-gabi ay pinag-iinit ang ulo ko!" inis niyang saad. Bigla na lang siyang napailing na naiisip niya. "Ano ako bata? No way. Hindi na ako bata para gumanti. Ano bang ikinagagalit niya? Wala namang masamang humanga sa isang tao. Anong tingin sa akin ng Federico Agapito na iyon sa akin? Hindi tao, para hindi humanga sa ibang tao. Adik siya! Isa pang nakakabwisit, hindi ko lang yata gusto ang herodes na iyon. Mahal ko pa, tapos magagalit lang sa akin ng walang dahilan. Para siyang palaging may regla. Siya pa itong matanda. Kung mag-asal bata. Nakakainis!" reklamo ni Claudia na halos maiyak na. Hindi talaga niya mapigilan ang inis. Sa kadahilanang nagagalit si Agapito sa kanya sa wala namang katuturang bagay. Hindi niya magets nais nito. Napaikot na lang siya ng itim ng mata. Mula sa ilang minutong pagpapahinga ay napilitan si Claudia na pumasok na sa loob ng bahay. Madilim sa may balkonahe. Hindi naman niya binuhay ang ilaw. Pagkapasok na lang niya saka niya kinapa ang ilaw. Napahinga siya ng malalim. Napakatahimik ng loob ng bahay. Matapos magpalit ng damit ay nagtuloy na lang siya sa kusina. Nagtimpla na lang siya ng gatas. Hindi na rin naman siya makakakain lalo na at nag-iisa lang siya. Pagkainom niya ay hinugasan lang niya ang baso at naglakad na patungo sa kwarto niya. Para lang matigilan siya ng papasok na siya. "Bwisit talagang Morning Seven na iyon," usal niya. Sa halip na sa kwarto niya siya tumuloy ay bumaling siya sa may kwarto ni Rico. "Hindi naman siguro uuwi ang bwisit na iyon. Nakakainis!" Pagkasabi noon ay binuksan niya pintuan ng kwarto ni Rico. Kinapa niya ang ilaw. Napangiti lang siya ng makita ang kabuoan ng kwarto nito. Malinis naman at maayos. Kahit ang kama ay walang kagusot-gusot. Ngunit agad ding nawala ang kanyang ngiti ng maalalang hindi uuwi si Agapito dahil lang sa hindi nila pagkakaunawaan. Hinayaan silang mag-isa sa bahay na iyon. Naalala na naman niya ang ahas sa ilog. Halos manlaki ang kanyang mga mata. "Paano kong makapunta dito sa bahay ang ahas na iyon?" hindi niya mapigilang bulalas. Takot pa naman siya sa ahas. Kung nahuli siguro iyon at napatay o nai-surrender sa nangangalaga sa kalikasan ay baka hindi siya matakot ngayon. Kaya lang alin man sa dalawa ay walang naganap. Isa pa ay mukhang hindi naman siya pinaniwalaan ni Agapito. Kahit ang don at ang mga magulang niya ay parang hindi naniniwala sa ahas na sinasabi niya. Napahugot na lang ulit siya hininga at tuluyan ng isinara ang pintuan ng kwarto ni Agapito. Sinilip pa niya bawat parte ng silid na iyon. Wala namang maaaring daanan ng kung ano man, kung sakalinh may pumasok roon. Napanatag siya. Pinatay na rin niya ang ilaw at liwanag na lang ng cellphone niya ang kanyang naging tanglaw. Napangiti na lang si Claudia ng maamoy ang mabangong samyo ni Agapito sa higaan nito, lalo na sa unan. "Good night, Morning Seven. Kahit galit ka." Gawa na rin ng pagod sa practice sa maghapon at sa paghihintay ng hanggang gabi kay Rico sa labas ng unibersidad ay nakatulog kaagad si Claudia. Samantala, pagkatapos kuhanin ni Rico si Hercules sa kwadra ay nilibot niya ang mga pataniman ng mangga. Namumunga na ulit ang mga iyon kaya naman inaalagaan ito ng mga taga pangalaga noon sa pesticides. Mas marami ang mga kulisap na naninira ng mga maliliit na bunga kaya talagang binabantayan iyon ng mabuti. Ilang oras din ang kanyang inilagi sa manggahan. Inaaral din niya kung paano magtimpla ng mga pesticides at kung paano iyon maiibomba sa mga matataas na puno ng mangga. Wala siyang alam sa ganoong gawain. Mula ng umalis siya ay hindi naman iyon kasama sa kanyang pinag-aralan. Kaya naman ngayon. Kahit babago siyang nangangapa ay alam niyang magagamay niya ang pangangalaga ng hacienda. Ayaw naman niyang mabigo sa kanya ang lolo niya. Higit sa lahat ang Lolo Ponce lang niya ang kaisa-isahang tao sa tabi niya ang ayaw na ayaw niyang madi-disappoint sa kanya. Pagkatapos sa manggahan ay nagtungo naman siya sa mga nagkokopra. Ang mga nabasag na bunga ng niyog sa nagdaang anihan at ang mga niyog na maliliit na hindi naman mabebenta ay ginagawang kopra ng ibang mga tauhan sa hacienda. Malaki ang kita sa koprahan. Ngunit laking gulat niya na hindi pala kinukuha ng lolo niya ang kita doon. Ang nasabing kopra ay pinaghahati-hatian ng lahat ng pamilya na nagtatrabaho sa buong hacienda. Maging sa mga hayop man nakatoka o sa mga pananim. Lalo lang siyang humanga sa lolo niya. Isa sa pinakamabait na tao ang don kaya naman lahat ng mga tauhan nito ay tapat. Nakaramdam siya ng pait sa kanyang puso. Mukhang mabibigo niya ang lolo niya ng dahil lang sa nararamdaman niyang kakaiba kay Claudia. Nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Inis at pagkairita kung sa madaling salita kung tungkol sa propesor na iyon ang maririnig niyang binabanggit ng asawa. "Senyorito tama na po iyan," napatingin siya sa matandang siyang namamahala sa koprahan. Napapailing ito. Saka lang niya napansin na ilang patong na pala ng laman ng niyog ang pinagpapatong-patong niya. "Mali po ba?" Napakamot naman sa ulo ang matanda. "Hindi naman po. Kaya lang sobrang dami na po ang magkakapatong. Hindi po iyan magluluto. Mas maganda pa rin po iyong tamang luto ng kopra. Hindi sunog ngunit hindi hilaw," napatango na lang siya. "Senyorito isa pa, hindi mo naman kailangan na tumulong dahil kaya po kami narito ay para po kami ang gumawa ng mga trabaho dito. Pero nagpapasalamat po kami na kahit hindi ganito ang buhay na nakasanayan mo, pinatutunayan mo pong hindi hadlang ang pagtira sa ibang bansa para ipagpatuloy ang nasimulan po ng lolo ninyo. Sa katunayan natatakot po kaming mga trabahador habang tumatanda ang don. Baka magawa niyang ipagbili ang hacienda kung walang ibang mamamahala. Marami kaming mawawalan ng trabaho at tirahan. Ngunit sa ipinapakita po ninyo, napanatag kami na magiging ayos din po ang lahat. Na hindi na kami mawawalan ng trabaho at tirahan pagdating ng araw," mahabang paliwanag ng matanda. Doon mas lalo lang naramdaman ni Rico ang kanyang pagpupusrsige na ipagpatuloy ang pamamahala ng kanyang lolo sa haciendang minana pa ng lolo niya sa lolo nito. Kahit papaano ay medyo gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pa rin nawawala ang sama ng pakiramdam niya tungkol sa sinabi sa kanya ni Sisima. Ngunit kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ginawa niya sa koprahan. Halos hapon na ng matapos sila sa koprahan. Hindi na rin niya iniwan ang mga ito. Nang maghanda ng pananghalian ang ilang asawa ng mga nagtatrabaho doon ay inalok na rin siya doon ng pagkain. Hindi naman siya maselan kaya nasarapan pa siyang lalo sa luto ng mga ito. Pabalik na siya sa hacienda ng maalala niya si Sisima. "Sh*t!" sigaw pa niya sa isipan ng mapatingin siya sa suot na relo. Mabilis siyang nagpaalam sa mga trabahador na labis na nagpapasalamat sa kanya sa pagtulong at pakikipagbonding kahit sa simpleng paraan. Nagtungo siya kaagad sa bahay para maligo. Ipinakuha na lang niya si Hercules sa tagapanhalaga nito. Malapit na siya sa tinitigilan niya pagsinusundo si Sisima ng makita niya ito kasama ang propesor na iyon. Bigla na namang umahon ang kanyang inis ng makita ang pagngiti ni Claudia habang hawak ng lalaking iyon ang kamay ng asawa niya. Alam niyang hindi siya nakita ni Sisima. Kaya mabilis niyang kinabig ang kanyang sasakyan at pasibad na umalis sa lugar na iyon. Nagagalit siya sa sarili. Nagtungo siya sa bahay-hacienda at doon nagtungo sa bar counter para uminom. Wala siyang kinausap kahit na sino. Ang lolo man niya o ang mga magulang ni Claudia. Gusto niyang mapag-isa. Nais niyang lunurin ang sarili sa alak. Gabi na at inaalok na siya ng pagkain ng mga ito ngunit ayaw niya. Hindi niya alam kung nakauwi ja ba si Sisima sa bahay nila o kasama pa rin ng propesor na ito kaya lalo lang siyang nainis. "Lo uuwi na po ako sa bahay." Napatingin naman ang don ng magpaalam siya. Patulog na rin ito sa mga oras na iyon. "Dumaan ba rito ang asawa mo?" Iling lang ang naisagot niya. Hindi naman kasi talaga dumaan doon si Sisima. Hindi nga niya alam kung nasaan ito ngayon. Isang buntonghininga ang pinakawalan ng don. Nakita kasi ni Jasmine si Claudia at sinabi nitong nasa bahay na ito sa may ilog. "Ganoon ba, si Claudia ay nasa...." "Baka busy pa po siya," putol ni Rico sa sasabihin ng lolo niya. "May problema ba kayo apo? Ngayon lang ulit kita nakitang uminom ng alak matapos pagurin ang sarili sa koprahan. Akala ko sa mga nagdaang buwan ay maayos na kayo ni Claudia." "Maayos lang kami lo. Magtatapos na siya sa kolehiyo di po ba? Kaya po busy lang talaga si Sisima," pagsisinungaling pa niya. "Aalis na ako lo, magpahinga na po kayo. Hindi ko na lang dadalahin ang kotse ko. Baka magasgasan ng mga damo." Natawa na lang ang don. Kahit lasing ay ingat na ingat pa rin ng apo ang sasakyan nito. "Sige na, kung may problema man kayo ni Claudia ay maaayos iyon mag-usap lang kayong dalawa," paalala pa ng don bago niya ito tinalikuran at tuluyan ng umalis sa bahay-hacienda. Walang kahit isang bukas na ilaw ng pumasok siya sa bahay. Hindi talaga niya alam kung umuwi ba si Sisima o hindi. Kaya naman kahit ayaw niyang gawin ay sinilip niya ang kwarto nito. Nahihilo na rin siya sa pagkalasing at pagod. Ngunit mas lalo yata siyang nalasing sa kaalamang wala ang asawa sa silid nito. Matapos maisara ang pintuan ay nagtungo siyang muli sa kusina para lang kumuha ng beer na nakalagay sa ref at mabilis na inubos ang isang bote. Nakadalawa pa siya para lang masabing kailangan niyang makalimutan kung ano man ang mga bagay na tumatakbo sa isipan niya. Gaya na lang ng kung ano ang ginagawa ni Sisima kasama ang de Liha na iyon. Sa inis niya ay ininom niyang muli ang laman pa ng isang boteng beer para lang halos hindi na siya makalakad sa labis-labis na kalasingan. Makalipas ang ilang taong paglalakad, ika nga ng ibang matatanda. Narating din ni Rico ang pintuan ng kwarto niya. Hagya na niya iyong nabuksan at halos pikit na siya sa sobrang kalasingan. Nang maisara niya ang pintuan ay hindi na siya nagbukas ng ilaw at pagapang pang tinungo ang kama. Paglapat ng likuran niya sa kama ay nakaramdam siya ng kaginhawahan. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi siya nag-iisa. Kinapa pa niya bultong nasa kanyang tabi. "Babae," anas pa ng kanyang isipan ng mahawakan niya ang mahaba nitong buhok at ng maamoy nito ang pamilyar nitong bango. "Sisima," bulong niya sa pangalan nito ng umungol ito. Hindi malaman ni Rico kung bakit ang inis niya ay bigla-bigla na lang nawala sa kaalamang natutulog si Sisima sa kama niya. Mula sa liwanag ng buwan na pumapasok sa kwarto niya ay hindi niya napigilan ang sarili na hindi halikan ang nakaawang na labi ni Sisima. "Gawa ba ng lasing ako? Hindi. Dahil sa nararamdaman ko," aniya sa sarili habang patuloy lang sa paghalik kay Sisima. Natigilan pa siya ng maramdaman ang mabining pagtungon ng asawa sa mga halik niya. Na lalong nagpainit sa pagnanasang nararamdaman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD