Chapter 15

1851 Words
Hindi talaga maisip ni Claudia kung bakit ganoong kabilis ang mga pangyayari sa kanilang dalawa. Kaya naman napapikit na lang siya. Hindi niya inaasahan ang mga ganoong kilos ni Agapito. Kanina lang ay para silang aso't pusa. Tapos ngayon ay bigla na lang naging malambing at may pagyakap pa sa kanya. Hindi pa doon natatapos ang lahat dahil hinalikan pa siya nito sa labi. Hindi lang isa kundi dalawang beses pa. "May puwang na ba ako sa puso niya?" nakangiti pa niyang tanong sa isipan ng bigla na lang may tumamang masakit sa bagay sa kanyang noo. "Aray naman!" sigaw pa niya habang sapo ang nasaktang noo. Bigla tuloy siyang nagmulat ng mata. Totoo namang nasaktan siya. Tumambad sa kanya ang mukha ni Rico na mukhang nagtataka. Ang ang kamay nito na nakataas pa at katatapos lang ipitik sa noo niya. "Anong nangyayari sayo?" Nakakunot noong tanong ng asawa sa kanya. "Anong? Anong nangyayari sa akin?" naguguluhan tuloy niyang tanong. "Bakit tulala ka ng buksan mo ang pintuan. Higit pa sa lahat ay ang bigla mo na lang pagpikit. Hindi ko tuloy malaman kung may dinaramdam ka o ano? Ano bang nangyayari sayo?" Tinitigan namang mabuti ni Claudia ang asawa. Wala namang halong pang-iinis sa tono ng pagsasalita nito. Hindi niya alam kung nanawa na ba itong inisin siya o ano. "Anong iyong?..." hindi matuloy ni Claudia ang sasabihin. Naguguluhan siya kung ano iyong nangyari sa kanilang dalawa kani-kanina lang. "Bakit parang totoo. Halos ramdam ko pa ang..." napahawak si Claudia sa labi. Ngunit mabilis din niyang ibinaba ang sariling kamay. Hanggang sa mapagtanto niya ang pwesto nilang dalawa. Siya ay nasa may loob pa rin ng kwarto niya at nakayakap sa pinto. Habang si Rico ay nasa may labas ng kwarto niya at hindi man lang natitinag sa pwesto nito sa pagkakatayo. Kung baga ay isang malaking hakbang pa ang pagitan nila. "Ano iyong nangyari sa atin kanina?" "Anong nangyari sa atin? Kung kanina wala naman, maliban sa galit kang pumasok sa kwarto mo. Maghahanap ka pa ng diamond sa Neptune," may pagkasarkastikong saad pa ni Rico. "May sapi ka bang talaga?" hindi na niya napigilang tanong. "Parang sa ikalawang araw natin dito sa bahay ay parang may sumapi sayo. Wag ka at naniniwala ako sa sapi-sapi na ganyan. Nandito lang ako at kumatok sa kwarto mo para ayain ka sanang magkape. Nawala ang antok ko at magrereview ka kamo kaya naman nandito ako. Isa pa kung ayaw mo ng kape di ako na lang ang ipagtimpla mo. May iba pa bang nangyari?" Napalunok bigla si Claudia. "W-wala naman." Napaisip tuloy si Claudia. "Ibig sabihin naisip ko lang lahat ng iyon? Ang yakap, iyong halik niya sa noo ko at halik sa labi ko? Paanong dumaan iyon sa isipan ko lang na parang totoo?" reklamo niya na ikinanguso lang din niya. "Nginunguso mo? Nagrereklamo ka?" Napahugot na lang siya ng paghinga. Mas mabuti ng walang alam ang asawa sa mga kung anong naisip niya kanina. Mas mapapahiya lang siya kung malalaman nito ang tumatakbo sa isipan niya. "Hindi naman. Akala ko lang kasi ay kung ano ang dahilan mo. Ipagtitimpla na kita. Baka isumbong mo pa ako sa don na hindi ko ginagampanan ang pagiging asawa ko sayo." "Ginagampanan mo nga ba?" "Aba't Morning Seven tigilan mo ako. Hindi tayo tulad ng normal na mag-asawa. Ito talaga ang gusto kong sabihin sayo bago pa tayo makasal. Dapat may kasunduan tayo eh. Hindi naman pwedeng sa kasal na ito ay lahat na lang pabor sayo. Dapat ay matuto ka ring makiramdam sa kung ano ang gusto at ayaw ko. Huwag mong pairalin sa akin iyang kaanuhan mo. Dahil mas matanda ka sa akin ng halos dalawang beses sa edad ko. Matanda ka na, kaya naman dapat ay mas unawain mo ako at isa pa, babae pa rin ako. Wag mong kalimutang hindi ako kasing edad mo. At hindi ako liberated katulad ng mga nakilala mo," paliwanag ni Claudia na kahit papaano ay napapaisip si Rico. "So? Anong gusto mong palabasin? Iyong tungkol doon sa Crisanto de Liha na iyon." Napakunot noo naman si Claudia. "Anong Crisanto de Liha? It's Christopher de Luna." "I don't care kung ano ang pangalan niya. Pero anong tingin mo don sa lalaking iyon kasing edad mo? Bata pa siya sa tingin mo. Habang sa tingin ko naman ay hindi naman nagkakalayo ang edad naming dalawa." "Hindi nga. Thirty six na si Sir Chris." "O, mas matanda pa pala sa akin ng isang taon ang lalaking iyon. Isa pa ay halos hindi nga mahahalata sa mukha ko ang edad ko. Alam ko na kung hindi mo alam ang edad ko. Ay hindi ka maniniwala na talagang thirty five na ako," pagmamayabang ni Rico. Sabagay ay totoo naman na kung hindi niya alam ang edad ni Agapito ay mapapagkamalan talaga niya itong halos nasa twenty plus pa lang. "Hindi ka rin mayabang ano?" "Bakit? Hindi ba totoo?" "Totoo." "Iyon naman pala eh. Isa pa nanliligaw ba sa iyo ang de Liha na iyon? Kahit sabihin mong hindi tayo tulad ng ordinaryong mag-asawa ay marunong naman akong rumespeto sa kasal." "Kanina ka pa. Sabi ng de Luna, de Luna. Hindi de Liha. Isa pa hindi naman nanliligaw si Sir Christopher. Nagmagandang loob lang iyon na ihatid nga ako. Hindi naman ako naihatid di ba kasi dumating ka," ani Claudia ng hawakan ni Rico ang isang kamay ni Claudia. "Kung wala ako, di pumayag ka ngang magpahatid sa lalaking iyon. Huwag mo akong susubukan Sisima," may pagbabanta sa tono ng pananalita ni Rico. "Kahit hindi tayo magkasundo ay igagalang ko ang kasal natin. Sana lang ay huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko. Higit sa lahat ang ikakasama ng loob ng lolo. Lalo na at sinabi mong humahanga ka sa propesor na iyon," may diing saad ni Rico. Mula sa pagkakahawak ni Rico sa kamay ni Claudia ay pinilit ni Claudia na makawala sa mga kamay ni Rico. Bigla kasing dumiin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Doon lang biglang natauhan si Rico. "Sorry," aniya habang nakatingin sa kamay ni Claudia na hinihimas nito. "Ayos lang ang kamay ko. Masyado ka lang napadiin ng hawak. Isa pa magtiwala kang hindi ako gagawa ng dahilan para lang dungisan ang kasal na ito. Marunong din akong rumespeto tulad mo." "Mabuti kong ganoon," ani Rico ng muli niyang hahawakan ang kamay ni Claudia ay napatingin siya sa mukha ng asawa na parang biglang may naalala. "Teka nga lang pala. Humahaba ang pinag-uusapan natin ay nawawala na iyong sinasabi ko sa iyo. Lumalayo tayo eh. Ipinapaalala kong babae pa rin ako. Kaya naman kahit papaano sana naman konteng respeto sa pagkatao ko. Pwede?" "About doon sa respeto. I'm sorry kung lumalampas ako minsan. Pero ito magpapakatotoo ako. Maganda ka kasi pagnaiinis ka, kaya mas iniinis at ginagalit kita. Pero mas maganda ka pagnakangiti ka. Walang halong tukso o bola. Totoo iyon Sisima. Mula sa puso," ani Rico na wari mo ay nagpatigil sa oras ni Claudia. "Ganoon din iyong sinabi niya doon sa imahinasyon ko? Imahinasyon ko lang ba talaga? Malamang? Kasi kung totoo di baka ngayon pa lang nagkailangan na kayo, at hindi ganyang magbibiro at magseseryoso," ani ng kabilang parte ng isipan niya. Muli niyang binalingan si Agapito. "Wag ka ngang mambola. Alam kong maganda ako dahil sabi ng itay at inay. Pero kung manggagaling sa ibang tao hindi na ako maniniwala." "Hindi na ako ibang tao lang, asawa mo ako Sisima." "Hanggang kailan Morning Seven? Alam kong sumunod ka lang din sa don at hindi mo naman talaga ako mahal. Alam kong hindi magtatagal ang pagsasama nating ito. Nararamdaman ko," malungkot niyang saad. Ngayon pa lang ay gusto ng manlumo ng pakiramdam ni Claudia. Alam naman talaga niyang may hangganan dahil sa pag-uusap nila ng don. Paano nga kung hindi siya magawang mahalin ni Agapito? Kaya lang handa na ba siya pagdumating ang oras na iyon. Sa ngayon hindi niya alam ang sagot. Nakatayo pa rin sila sa harap ng kwarto niya ay ganoon ng kahaba ang kanilang napag-usapan. Hindi niya alam kung magkasundo na ba sila ngayon o magkaaway pa rin. Pero sana man lamang ang magkasundo na sila. Napahugot naman ng hininga si Rico, tapos ay hinawakan ang dalawang kamay ni Claudia. Napatingin naman si Claudia sa magkahawak nilang mga kamay bago tumitig sa mga mata ni Rico. Kahit nakatingin na siya sa mata ng asawa ay naka focus pa rin ang isipan niya sa mga kamay nilang magkahawak. "Sisima, alam kong hindi naging maganda ang una nating pagtatagpo. Pero ngayon gusto kong simulan natin sa maayos ang lahat. Hindi lang para sa lolo ko. Kundi para na rin sa mga magulang mo at sa ating dalawa." Parang may mainit na bagay na humaplos sa puso ni Claudia sa sinabing iyong ni Rico. Hindi naman niya inaasahan na sa maikling panahon ay magkakasundo sila. Lalo na at palagi namang mainit ang dugo nilang dalawa sa isa't isa. Pero masarap sa pakiramdam ang sinabing iyon ni Agapito. "Kung iyan ang nais mo, ay masaya akong sumasang-ayon." "Ngayon simulan nating kilalanin natin ang isa't isa. Magsimula tayo bilang magkaibigan. Hindi na masama di ba? Sa tingin mo?" "Sige pumapayag na ako. Iyon din naman ang nais ko. Mas mabuti iyon kay sa palagi na lang tayong nagbabangayan. Mas makikilala natin ang isa't isa kung magsisimula tayong magkaibigan," pagsang-ayon naman ni Claudia. Isang malaking ngiti naman ang ibinigay sa kanya ni Rico dahil sa sinabi niya. "So tara. Nangangalay na rin akong tumayo. Magkape na tayo. Ipagtimpla mo na ako," may lambing na pag-aaya ni Rico at hinila na si Claudia palabas ng kwarto nito. Inakbayan pa ni Rico si Claudia patungo sa kusina. Kahit papaano ay napangiti talaga ng totoo si Claudia. Napatingin pa siya sa kamay ni Rico na nakaakbay sa kanya. "Ayan mas maganda ka talaga pag nakangiti," puri ni Rico na hindi namalayan ni Claudia na nakatingin pala ito sa kanya. Bigla tuloy naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. "Your blushing. Pero bagay sayo," dagdag pa ni Rico ngunit walang halong pag-iinis. Sincere at puro papuri lang ang nilalaman ng salitang iyon. Dahil walang masabing salita ay pinuna na lang ni Claudia ang kamay nitong nasa balikat niya. "Dapat ba talaga may pag-akbay?" "Wala naman akong gagawing masama sayo. Gusto ko lang maging malapit tayo sa isa'tisa. Ayaw ko na ring makipag-away Sisima. Kaya tama ka, ako ang mas matanda ako ang dapat umunawa." "Salamat Morning Seven." "Hindi na mawala sayo iyang Morning Seven na iyan?" "Ayaw mo nun? Ang unique nga." Natawa na lang si Rico. "Sige na magkape na lang tayo Sisima." "Yes boss," masayang saad ni Claudia bago sinimulan ang pagtitimpla ng kape. Narinig pa niya ang malakas na pagtawa ni Rico dahil sa naging sagot niya. Masarap sa pandinig ang tawa nito. Bagay na noon inaasam niya. Ngayon tumatawa ito ng para sa kanya. Napangiti siya habang ipinagpapatuloy ang ginagawa. Napakagaan para kay Claudia ng gabing iyon. Nagsimula sila sa asaran, awayan. Pero mas masarap pa rin sa pakiramdam ang magkasundo sila. Hiling na lang ni Claudia na sana ay magtuloy-tuloy na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD