Halos lumabas ang puso ni Claudia ng makita ang paparating na sasakyan mula sa malayo. Ilaw pa lang ang nakikita niya. Pero alam niyang ang Senyorito Rico niya iyon. Noong nakaraang araw ay sinabihan sila ng Don Ponce na darating ang pinakamamahal nitong apo. Ang lalaking hinahangaan niya mula ng tumuntong siya ng teenager stage.
Kada taon kasi ay nagpapadala ang Senyorito Rico ng larawan tuwing kaarawan nito na agad namang ipinapadelevelop ng don. Sa kanya nito iyon ipinag-uutos. Kaya naman habang sumusunod siya sa don ay palihim naman siyang humahanga sa apo nito.
Masaya na malungkot ang puso ni Claudia na makikita ang senyorito. Wala naman kasing patutunguhan ang pagsintang sinisigaw ng kanyang puso.
Anak si Claudia ng katulong sa hacienda. Trabahador sa bukid ang kanyang ama. Nag-aaral pa siya para maging guro sa pampublikong paaralan. Sa napakagwapong anyo ng Senyorito Rico ay thirty five na ito. Habang siya ay dalawampung taong gulang pa lamang.
Hindi lang estado sa buhay sila magkalayo. Kung tutuusin ay papasa na siyang pamangkin nito. Pwede ring tatay kung nakabuntis ito noong katorse anyos pa lamang ito.
Napapitlag naman si Claudia ng biglang may bumusinang sasakyan sa harapan ng malaking gate.
"Ano ba yan, inaabangan ko na nga. Naglakbay pa ang aking isipan," aniya at mabilis na tinakbo ang gate para pagbuksan iyon.
Lumabas sa entrada ng bahay ang Don Ponce para salubungin ang apo.
Mabilis naman lumabas ng sasakyan si Rico. "Get my things and bring it to my room," may pagkaarogante ang boses ni Rico habang sinasabi iyon sa kanya.
"Opo senyo..." hindi natapos ni Claudia ang sasabihin ng iwan na lang siyang bigla ni Rico.
"Hindi man lang ako pinatapos magsalita," reklamo ni Claudia pero mahina lamang iyon. Ngunit nagulat pa siya ng balingan siya ni Rico.
"Don't talk at my back. You have no right to do that. Your just a maid," may diing wika ni Rico na ikinatameme niya.
"Sorry po."
"Apo." Masayang bati ni Don Ponce kay Rico.
Agad namang nilapitan ni Rico ang lolo niya at niyakap. "How are you lo?"
"Maayos lang ako apo. Napakatangkad mo na. Noong umalis ka halos magkasingtangkad lang tayo. Pero tingnan mo, hanggang tainga mo na lang ako," natutuwang wika ni Lolo Ponce na inaabot ang ulo ni Rico at ginulo.
"Lo, don't do that. I'm not your, an eighteen year old boy grandson anymore. I'm thirty five now."
"Pasensya ka na apo. Sobra lang kitang namiss. Sobrang tagal na mula noong huli kitang nakita at nakasama," may lambong ng lungkot ang boses ni Lolo Ponce habang mababakas ang sobrang saya sa mga mata, na makitang muli si Rico.
Nakaramdam naman ng guilt si Rico. Sobrang inis siya ng pauwiin siya ng lolo niya. Kaya naman halos isang linggo din siyang nagpabalik-balik ng bar para lang makipagkita kay Brenda. Naalala na naman niya ang dalaga. Masarap itong kasama. Lalo na at pareho nilang natugunan ang pangangailangan ng isa't isa. Nagpaalam din naman siya ng maayos dito ng pauwi na siya. Ayaw niyang bigyan ng pag-asa kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa. It just a plain s*x at wala ng hihigit doon.
"Wag mo ng isipin iyon apo. Mahalaga nandito ka na. Masaya akong makasama ka. Na bago pa man ako lumisan sa mundong ito, nakasama kita."
"Lo, malakas ka pa at makakasama mo pa ako ng matagal. Hmm," ani Rico na ikinangiti lang ng lolo niya.
"Mas gusto ko kung mabibigyan mo na ako kaagad ng apo sa tuhod."
"Lo, hindi iyan ay dahilan kaya bumalik ako dito."
"Nagbabakasakali lang naman ako apo, baka may balak ka ng mag-asawa," nakangiting sagot ng kanyang lolo. Ngunit nararamdaman niyang walang halong pamimilit. "Tara na sa loob, nagpahanda ako ng mga paborito mong pagkain."
"Sige lo."
Maglalakad na sila papasok sa loob ng bahay ng maagaw ang atensyon nila ng pagbagsak ng isang bahay.
"What the fvck!" malakas na sigaw ni Rico ng makita niya ang pagbagsak ng laptop bag niya.
Mabilis na nilapitan ni Rico si Claudia at matalim na tiningnan. Bago muling ibinaling ang tingin sa laptop bag niyang nakahandusay sa sahig. Napatingin din siya sa driver na dala na ang mga maleta niya.
"What have you done!?" paangil na saad ni Rico habang nanlulumong nakatingin pa rin sa laptop bag niyang nasa lupa.
"Anong nangyari apo?" nag-aalalang tanong ng lolo niya ng makalapit sa kanya.
"Who's that maid lolo? She's a freaking idiot!"
"What did you say? I-idiot!" nagpipigil na saad ni Claudia na gustong-gusto ng singhalan ang apo ni Don Ponce.
"Don't talk. Your voice make me anger."
"Sorry po, hindi ko sinasadya," pagpapakumbaba niya ng lumapit ang don.
"Apo, laptop lang iyon. Makakabili ka pa ulit ng katulad niyan. Wag mo na siyang pagalitan. Hindi niya iyon sinasadya."
"Masyado ka kasing mabait lolo, kaya naman baka hindi mo lang napapansin, inaabuso ka na ng mga tauhan mo."
"Sorry po talaga. Don Ponce."
"Kalma apo."
"Bakit hindi ako magagalit lolo? Alam na alam niya kung ano ang laman ng laptop bag na iyan. Malamang laptop. Pero hindi niya nagawang ingatan!" Halos mapasabunot pa si Rico sa sariling buhok sa inis sa babaeng kaharap.
"Alam kong laptop yon senyorito. Ngunit hindi ko sinasadya. Kinuha ko lang naman itong backpack mo at hindi ko napansin ang laptop mo. Nagulat na lang ako ng bumagsak na siya. Babayaran ko na lang po kung magkano po ang nasira ko sorry po," hinging paumanhin ni Claudia na halos mangiyak na. Pero sa loob niya parang gusto niyang hambalusin ang mukha ng Federico na ito.
"Idiot. Paano mo ako babayaran? Magkano ang sahod mo dito sa hacienda!"
"Apo, tama na iyan. Wag mong pagalitan si Claudia, ako na ang bahalang magbayad sayo."
"Hindi lolo. Kung hindi siya mismo ang magbabayad ng nasira niya, aalis akong muli dito at babalik ng America. Hindi dito ang buhay ko. Gusto lang kitang pagbigyan sa hiling mo lo. Pero kung hahayaan mo ang kapabayaan ng mga tauhan mo at magpapauto ka sa kanila. Kalimutan mo ng may apo ka pa." Inis na sambit ni Rico bago tuluyang tinalikuran ang kanyang lolo at si Claudia.
Mula sa bungad ng pintuan ay tumigil sa paglalakad si Rico. "Before I forgot it's Asus ROG Strix Scar 17 (2022) worth 184,995 pesos."
Napanganga naman si Claudia sa sinabing iyon ni Rico. "Ganoong kamahal yon," halos manluno siya sa kaalamang napakamahal ng laptop na iyon.
Napailing na lang si Don Ponce sa inasal ng kanyang apo. Hindi niya alam ang buhay nito sa America, ang alam lang niya ay naging maayos naman ang buhay nito noon. Siguro ay gawa na rin ng ibang taong nakakasalamuha nito kaya ganoon na lang ang naging ugali nito. Gusto niyang bumalik ang dating apo. Ang makulit ngunit mabait na si Rico.
"Pasensya ka na Claudia. Hayaan mo at tutulungan kita. Wag mo lang sasabihin sa aking apo. Di ba magtatapos ka na sa kolehiyo. Iyon ang pagtuunan mo ng pansin. Kay sa sinabi ni Rico."
"Pero Don Ponce. Masyado pong malaking hala ang nabasag ko. Ayaw ko pong magkaroon pa ng problema ang inay at ang itay ng dahil lang sa akin. Kabibigay pa lang naman po nila sa akin ng pambayad sa tuition ko nitong nakaraan. Sorry po talaga."
"Wag kang mag-alala sagot kita," ani Don Ponce na ikinabigla ni Claudia.
Napatingin naman siya sa matanda at mababakas ang ngiti sa labi na hindi niya maunawaan. Sa tingin niya ay may ipinapahiwatig ang don. Ngunit hindi niya alam kung ano. Pero sabagay, ganoon naman talaga ang don. Natural na napakabait nito.
Napahugot na lang ng hininga si Claudia. Alam niyang kung sa kabaitan, naman talaga ay number one sa puso niya ang don. Apo na ang turing nito sa kanya at palagi nitong ikinukwento sa kanya ang Senyorito Rico. Kaya naman habang tumatagal ang panahon nagkakagusto siya dito. Base lamang sa kwento ng don at sa larawan nitong palagi niyang nakikita.
"Don Ponce nakita ko po ang senyorito na kapapasok lang. Mukha pong galit na galit," nag-aalangang bungad ni Clara na siyang inay ni Claudia, pagpasok na pagpasok pa lang ng don sa loob ng bahay. Naiwan na nito si Claudia sa labas.
"Wag mong pansin ang aking apo Clara. May hindi lang pagkakaunawaan. Kumain na muna kayong mag-anak. Dumating na ba si Sinandro? Nasa labas lang si Claudia. Mauna na kayo. Pahupain ko lang ang init ng ulo ni Rico. Mamaya magpapahayin na rin ako."
"Sige po Don Ponce."
Hinayon naman ni Don Ponce ang kwarto ng apo. Kakatok sana siya ng mapansing bukas iyon, kaya hindi na siya nag-atubiling pumasok. Naabutan niya si Rico sa may veranda at umiinom ng alak.
"Apo kadarating mo lang. Wag ka munang uminom."
"Sorry lo, hindi ko sinasadyang magtaas ng boses kanina. Gamers laptop ko kasi iyon. At bukod sa presyo noon, ipina customized ko iyon. Nandoon ang huling larawan nina mommy at daddy kaya hindi ko mapigilan ang galit ko kanina."
"Naiintindihan ko apo. Pero wag mo namang kagalitan si Claudia ng ganoon. Nag-aaral ng mabuti ang batang iyon. Sa susunod na taon pwede na siyang magturo sa mga bata. Kindergarten teacher ang kinukuha niya," pagpapakilala ni Don Ponce kay Claudia.
"Whatever lo. Saan po ba ninyo nakita ang babaeng iyon?"
"Anak siya ni Clara at Sinandro, hindi mo naaalala iyong sanggol na palagi mong binabantayan noong bata ka pa? Na bago ka umalis ay binigay mo pa sa akin ang singsing na sabi mo pa birthday mo sa kanya pag nagpitong taon na siya. Siya yon apo. At naibigay ko sa kanya ang singsing na iyon. Sa pagkakaalam ko iniingatan niya iyon," natatawang wika ni Don Ponce na siyang ipinag-isip ni Rico.
Naalala na niya ang morenang baby noong bago pa lang nawala ang mga magulang niya. Doon niya itinuon ang buong atensyon niya. Kaya kahit papaano ay nabawasan ang lungkot niya. Tatlong taon lang ito ng umalis siya. Matabang bata si Dia, at morena ito. Kinamalayan niyang ganoong kaganda at kaputi ang batang iyon pag lumaki. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. Napailing siya.
"Whatever lo," baliwala niyang sagot. Hindi tuloy niya malaman sa sarili kung bakit iba ang dating sa kanya ng kaalamang si Dia ay si Claudia.
"Tama na yan apo, kakain na tayo."
"Ubusin ko lang lo itong laman ng baso. Baba na lang po ako after thirty minutes."
Tumango lang si Don Ponce bilang sagot sa kanyang apo, bago tuluyang lumabas ng kwarto niya.
Napahugot na lang si Rico ng hininga sa naalala niya. Tuwang-tuwa siya noon kay Dia. Para kasi itong naglalakad na chocolate. Morena at mataba kaya cute na cute siya noon dito. Hanggang sa sumagi na naman sa kanya ang maganda nitong mukha at maputi at malambot na balat. Naalala pa niya ang mapula nitong labi na kumikibot dahil sa pinipihilang paghikbi.
"Kay sarap halikan ng labing iyon," wala sa sarili niyang usal.
Pero ngayong naalala na naman niya ang ginawa nitong kapabayaan sa laptop niya, naiinis talaga siya ng sobra.
"What the fvck!"