"Fine, okay lo," malambing niyang saad bago maibaba ang tawag. Napahilot pa siya ng sentido.
"Aarrgg!" inis na sigaw ni Rico ng wala na ang tawag.
Pabagsak siyang naupo sa pang-isahang upuang nandoon sa harapan niya. Napahilot pa ng noo si Rico ng maalala ang sinabi ng lolo niya.
Gusto nitong umuwi siya ng probinsya, para doon na manirahan at pamahalaan ang hacienda ng mga Alonzo na minana pa ng Lolo Ponce niya sa lolo nito.
"This is bullsh*t!" Frustrated niyang sigaw dahil sa ayaw talaga niyang bumalik ng Pilipinas lalo na ang tumira sa hacienda.
Sanay si Rico sa buhay niya sa America. Sabi nga night life is life. Ngunit hindi niya kayang tiisin ang lolo niya. Matanda na ito at kailangan na nito ng papalit sa pamamahala sa hacienda.
"Bakit ako? Ako lang ba talaga ang apo?" tanong pa ni Rico na siya din naman ang sumagot. "Malamang, solong anak ng lolo ang daddy tapos ako lang ang anak nila. Haist!" Inis pa niyang saad ng maalala si Facu.
Si Facu ay halos palima na niyang pinsan. Ang lolo ng Lolo Ponce niya may kapatid. Kaya ang parehong lolo ng lolo nila ang may-ari ng Hacienda Alonzo. Na ngayon ang kabilang hacienda ay si Facu lang din ang nag-iisang tagapagmana. Napailing na lang siya sa sinapit nilang dalawa. Oo nga at maganda ngang sabihin na haciendero sila. Pero siya hindi iyon ang buhay na kinamulatan niya. Hindi tulad ni Facu na doon na lumaki sa hacienda. Hindi man sila gaanong nagkakausap nito. Pero nagkakaroon naman sila ng komunikasyon.
Napatingala na lang muli si Rico sa kisame. Pagnaiisip niya ang magiging buhay niya sa hacienda ay talagang pinanghihinaan siya ng loob.
"Anong makikita ko sa hacienda," maktol pa niya.
Puno ng mangga, saging, at kung anu-ano pa. Mayroon ding iba't-ibang uri ng mga hayop.
"What the fvck!" Sigaw niya at napahilamos pa ang mukha sa palad.
Hindi niya maintindihan kung paano ilalabas ang inis na kanyang nararamdaman.
Mabait ang lolo niya. Kaya kahit inis na inis siya sa sinabi nito. Hindi naman niya magawang magpakita ng galit dito. Ito na lang ang pamilyang natitira sa kanya. Kaya naman kahit sabihing naiinis siya sa pagpapauwi nito sa kanya. Hindi naman niya matanggihan ang lolo niya.
Napaangat naman ng tingin si Rico sa kisame. Naalala na naman niya ang dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan sa ibang bansa, kaysa sa hacienda na kasama ang lolo niya.
Noong bata pa si Federico buhay niya ang probinsya. Pangarap lang niya tuwing bakasyon sa eskwelahan ay ang makapunta sa Maynila para makapamasyal. Ngunti ang probinsya talaga ang kanyang tahanan.
Fifteen years old siya ng mawala ang kanyang mga magulang. Galing silang Maynila noon dahil bakasyon kaya ipinasyal siya ng kanyang mga magulang sa Maynila. Ngunit pagbalik nila ng Probinsya ng Quezon, pagpasok sa Hacienda Alonzo ay bigla na lang tumaas ang tubig sa ilog. Ang ilog na iyon ang nag-iisang daan papasok sa kanilang hacienda. Nandoon din ang arko at nakasulat ang Hacienda Alonzo.
Nataranta ang daddy ni Rico ng bigla silang mastranded sa gitna ng tulay.
"Daddy, anong gagawin natin?" umiiyak na tanong ng mommy niya sa daddy niya.
"Hindi ko kayo pababayaan, mahal na mahal kita mommy. Ikaw din Rico," sagot ng daddy at muling binuhay ang sasakyan.
"Ano ba daddy? Bakit kakaiba ang tono ng pananalita mo. Mommy," ani Rico sa mga magulang.
"Mahal na mahal ka namin anak, kahit anong mangyari mahal na mahal ka namin ng daddy mo ha," sagot ng mommy niya ng bigla na lang may humampas na malaking troso sa kotseng sinasakyan nila.
Kitang-kita ni Rico kung paanong bigla na lang nasira ang tulay at tangayin ng tubig ang sasakyan nila. Lumubog iyon sa ilog.
"M-mommy, d-daddy," tawag ni Rico sa mga magulang.
"Anak!" usal ng mommy niya ng matanggal nito ang seat belt na suot ni ni Rico.
"D-daddy," tawag nito sa asawa na nauunawaan nito.
Pinilit ng daddy niya na mabuksan ang pintuan ng sasakyan nila. Nagtagumpay naman itong mabuksan ang pintuan ng kotse para makalabas siya. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ng may isa na namang malaking troso ang humampas sa kotse nila at tinangay ang kotse nila habang nasa loob pa noong ang mommy at daddy niya.
Halos hindi na rin siya makahinga sa ilalim ng tubig hanggang sa mawalan na siya ng malay.
Nagising na lang si Rico sa ospital. Tatlong araw din siyang nawalan ng malay. Noong araw na nagising siya ay doon niya nalaman na wala na ang mga magulang niya. Nakasama ang mga ito sa paglubog ng kotse sa ilog at hindi na nagawang makalabas.
Ang pagtaas ng tubig sa ilog ay gawa ng malakas na pag-ulan sa parte ng kabundukan. Kaya naman ang biglaang pagtaas ng tubig sa ilog ay hindi nila inasahan.
Ilang araw mula ng magkamalay si Rico ay inihatid na sa huling hantungan ang kanyang mga magulang.
Tatlong taon ang lumipas, matapos makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo si Rico ay nagpasya itong umalis ng bansa.
Ayaw man itong payagan ng kanyang Lolo Ponce ay wala din itong nagawa, lalo na at nasa tamang edad na siya noon.
Pagdating ng ibang bansa, ay doon sinikap ni Rico na ibaon sa limot ang sakit na dulot ng pagkawala ng mga magulang. Mahal naman niya ang kanyang lolo, iyon nga lang iba pa rin ang pagmamahal na maiibigay ng mga magulang niya.
Nandoon naman ang ilang pamilya na tauhan nila sa hacienda na pinagkakatiwalaan naman ng lolo niya. Alam niyang hindi papabayaan ng mga ito ang kanyang Lolo Ponce dahil pamilya na ang turing ng lolo niya sa mga ito.
Mabilis na tumayo si Rico mula sa pagkakaupo. Kinuha niya mula sa center table ang susi ng kotse niya at ang leather jacket niya. Kailangan niya ng pampakalma.
Malakas na musika at usok ng mga sigarilyo ang sumalubong kay Rico pagpasok ng club. Punong-puno din ang dance floor ng mga sumasayaw.
"Bacardi 151," usal ni Rico ng makarating siya sa harap ng bartender. Napatingin naman ang bartender dito at nagkibit balikat lang.
Inabutan siya nito ng isang shot ng alak na kanyang hinihingi. Ngunit nakakasampung shot na siya parang tubig lang ang pakiramdam niya na iniinom niya. Kahit alam niyang mataas ang alcohol content ng alak na iyon.
"Give me one bottle of Bacardi 151."
Napatingin namang muli sa kanya ang bartender. Nakita pa niya ang pag-aalinlangan sa mata nito.
"Seriously sir," may pag-aalinlangan na tanong nito sa kanya na tinanguan na lang niya. Ayaw pa sana nitong iabot ang bote ng alak ng Bacardi 151 kung hindi pa niya ipinakita ang i.d niya. Ganoon din ang nangyari sa kanya bago siya pumasok ng club. Hiningan pa siya ng i.d bago siya pinapasok. Palagi na lang. Tapos ay saka lang siya binigyan ng alak na hinihingi niya.
Napailing na lang si Rico sa sarili. For pete sake thirty five years old na siya. Pero ewan ba niya sa mga tao, at kailangan pa niyang magpakita ng i.d. para lang makapasok sa mga club.
Halos nasa kalahating bote na ang kanyang nauubos ng may babaeng tumabi sa upuang kinauupuan niya.
"Margarita please," malambing na saad nito sa bartender.
Napalingon naman siya dito. Maganda ito at masasabi niyang napakaganda ng katawan. Suot nito ang isang black skirt na tinernohan ng high cut boots. Isama pa ang black tin strap tube na pinatungan ng black leather jacket.
"Not bad," he murmured. Bago siya napangiti.
Nakakatatlo na itong order ng margarita, bago siya muling napailing. Hindi niya napansin na naokupa ng babae ang ang ilang minutong oras niya.
Bigla naman siyang nagbawi ng tingin ng mapatingin sa kanya ang babae.
"Hi," bati nito sa kanya. Binigyan naman ni Rico ng isang matamis na ngiti ang babae. Doon niya napansin ang magandang ngiti nito. Pakiramdam niya ay biglang nawala ang problemang kinakaharap niya dahil sa magandang ngiti nito.
"Alone?"
"Single and ready to mingle," sagot ni Rico na nagpatawa sa babae.
"You're funny. I like you. Brenda Murray." Pakilala ng babae sabay abot ng kamay.
Napangiti naman si Rico sa babae. "Rico Alonzo."
"Your name suits you. It's handsome like you."
"Not really. Federico Agapito Alonzo is my full name. Sounds like an old man. But I love the old man who gave my name."
"Ow, but it's beautiful. Spanish?"
"Nope. But half. I'm a Filipino."
"Talaga? Grabe, mabuti na lang nakakita din ako ang pinoy dito. Nakakapagod na rin namang mag-Ingles. Sa trabaho lahat na lang ng makausap ko," wika ng babae na parang nakahinga ng maluwag. "Mukha ka kasi talagang foreigner. But I found you really cute promise," puri pa ulit ng babae sa kanya.
Manghang-mangha naman si Rico sa babaeng kaharap niya. Mukha talaga itong American, lalo na sa natural nitong blonde na buhok. Pero hindi niya maiwasang mangiti ng matatas itong magtagalog.
"Paano ka natutong magtagalog? Akala ko pure American ka."
"My mother is a Filipina and my nanny too, noong bata pa ako. My dad is an American, but he passed away when I was ten. Tapos si mommy iniwan na rin ako last year lang. Gawa ng sakit na cancer. Ngayon mag-isa na lang ako. Masaya dahil may maganda akong trabaho. Pero masakit dahil wala na akong mga magulang. Si yaya naman bumalik na sa Pilipinas at wala na akong naging balita, mula noon."
Nakita naman ni Rico ang lungkot sa mukha ng babae. Alam niya ang pakiramdam ng mawalan ng mga magulang kaya naman, dahil sa pareho sila ng naging sitwasyon ngayon naging panatag sila sa isa't-isa.
Hindi nila namalayan na sa pagkukwentuhan nila ay marami na silang nainom.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Rico kay Brenda ng halos isubsob na nito ang sarili sa bar counter na kinauupuan nila.
"I'm fine Rico. Fine as gold," anito na napahagikhik pa. "Ngayon lang ako naging masaya after uminom. I'm wasted but not truly," natatawang sambit pa ni Brenda na nagpangiti kay Rico.
Lasing na rin si Rico, pero kaya niya ang sarili niya. "Saan ba ang bahay mo, ihahatid na kita," presinta ni Rico ng sabihin ni Brenda ang address ng bahay niya.
Isa iyong mini apartment. Bumaba muna si Rico at kinuha niya ang susi ng bahay ng dalaga sa bag nito. Binuhat ni Rico ang dalaga dahil hindi na nito kayang maglakad sa sobrang kalasingan. Napangiti pa siya ng mapansin na naman ang magandang mukha nito. Simple, pero masasabi niyang maganda talaga si Brenda. Napalunok pa siya.
Nang makapasok sila ng loob ng bahay ay tumambad sa kanya ang malinis at mabangong bahay. Iisa lang naman ang kwarto doon kaya alam niyang iyon ang kwarto ng dalaga.
Pagkababa ni Rico kay Brenda sa kama ay inayos muna niya ang pwesto nito. Akmang aalis na siya ng hawakan ni Brenda ang kamay niya.
"Don't go. Can we shared the night?"
Nagulat na lang si Rico na tumutugon siya sa halik ng dalaga. Walang masama para sa kanya kung may mangyari sa kanila. Total naman nasa tamang edad na rin naman siya. Hindi lang nasa tamang edad. Wala na siya sa kalendaryo ika nga.
Sobra na ring nadarang si Rico. Sinong makakapagpigil sa kanya sa sitwasyong iyon. Kung ang palay na ang lumalapit sa manok.