Chapter 26

2055 Words
"Sisima," bulong ni Rico habang nakatingin sa magandang mukha ng asawa. "Akala ko," napatingin pa si Claudia sa may pintuan bago muling ibinalik ang tingin kay Rico. "Sabi ni kuyang driver may sakit ka raw. A-ano itong?" Inilibot pa ni Claudia ang paningin sa paligid. May ayos ang buong kabahayan. Ang salas ay napapaligiran ng mga nagkalat na lobo sa sahig. Ganoon din ang kisame, may nakalutang namang mga lobo. "Para saan?" naguguluhan niyang tanong. "Surprised," saad na lang ni Rico at mabilis na lumapit kay Claudia para iabot ang kumpol ng mga bulaklak. Naguguluhan man ay tinanggap niya iyon. Napakagwapo ni Rico sa suot nito. Nasa loob lang sila ng bahay ngunit para naman silang magdadate nito sa isang five star hotel sa suot nitong suite. "Thank you. Ang gwapo mo lalo ngayon. Anong meron?" tanong ulit niya. "Isa pa, ibig sabihin nagsisinungaling si kuya driver ng sabihin niyang may sakit ka? Drama din ba iyong sinabi ni kuya driver na may sakit ang anak niya." "Medyo masakit talaga ang ulo ko kanina Sisima pero uminom na ako ng gamot. Kaya maayos na ang pakiramdam ko ngayon. Isa pa iyong tungkol sa anak noong driver, totoo iyon. Noong nagpasalamat siya kasi binigyan ko siya ng maliit na tip. Pero ng mabanggit niya ang tungkol sa anak niya. Dinagdagan ko ng konte. Konte lang talaga, naubos cash ko sa pagbili ng mga lobo online eh. Hindi naman tumatanggap ang iba ng online p*****t eh" "Pero bakit may paganito?" "Hindi naman tayo nakapagdate man lang mula ng nagsimula ka ng magreview. Uuwi ka rito ng pagod sa byahe pa lang. Ngayon gusto kong magdate tayo. Simpleng date sa loob ng bahay. Para hindi na madagdagan ang pagod mo, sa maghapong exam. Nasa kwarto na susuotin mo. Mag-ayos ka na. I-ready ko na lang muna ang dining table." "Iyon lang ba talaga ang dahilan? Bakit parang hindi naman? Ano ba talaga?" Nginisian lang siya ni Rico. Hindi na nakapagsalita pa si Claudia ng igaya siya ni Rico patungong kwarto. "Huwag kang magmadali, hmmm. Relax lang dito lang tayo sa loob ng bahay." Isang tango ang naging sagot ni Claudia. Hinalikan siya ni Rico sa labi bago siya nito iniwan. Pagpasok niya ng kwarto nila ay mas namangha siya sa nakita niya. May ayos din ang buong kwarto. May nagkalat na rose petals sa sahig. May ilang scented candles din na nakasindi na nakapatong sa bed side table. Habang ang gitna ng kama ay may nakalatag ding rose petals ngunit naka form ng heart shapes. "Anong meron sa araw na ito?" Naguguluhan man siya sa dahilan ng sobrang effort ni Rico sa araw na iyon ay mas lamang ang saya na kanyang nararamdaman. Nagbaling siya sa maliit na sofa na nasa kwarto na iyon. Naroon ang damit na isusuot daw niya. Simpleng fitted black dress iyon ngunit napakaganda. Ganoon din ang black stiletto na may tatlong pulgada ang taas. Mabilis na kinuha ni Claudia ang kanyang tuwalya ang nagtungo ng banyo para maligo. Pagkatapos noon ay tinuyo niya ang kanyang buhok bago isinuot ang damit na inihanda ni Rico para sa kanya. Inayos na rin niya ang buhok into messy buns. "Ang ganda ko naman," hindi niya mapigilang puri sa sarili. Mukhang isinukat sa kanya ang damit na iyon. Isinuot na rin niya ang stiletto na nakahanda para sa kanya. Napanguso naman si Claudia ng mapansin ang kanyang mukha. Maganda naman siya ayon sa kanyang inay at itay. Pero wala pa rin siya sa ganda ng mga babaeng marunong mag-ayos. Polbo at lip gloss lang siya. Iyon lang ang kolorete niya sa mukha. Sa araw-araw, kahit pa may okasyon. Gusto niyang maging maganda lalo sa paningin ng asawa sa mga oras na iyon. Ngunit paano niya gagawin? Hindi na nga siya marunong magmake-up. Wala pa siyang pang-make-up. "Hay," hindi niya maiwasang hindi mapabuntong-hininga. "Para saan iyon?" Gulat na napatingin si Claudia sa may pintuan ng hindi niya napansin na naroon si Rico habang nakahalukipkip ang mga braso sa may dibdib. "Kanina ka pa dyan?" Napailing ito. "Hindi naman. Mula lang ng titigan mo ang mukha mo sa salamin habang kay lalim ng iyong iniisip. Kung ano man ang iniisip mo panatagin mo ang sarili mo. Maganda ka Sisima, as in maganda sa loob at labas. Noong nasa ibang bansa ako, wala akong nakikitang babae na walang make-up. Lahat may kolorete ang mukha. At ikaw. Ikaw lang iyong babaeng nakita ko na maganda kahit walang kung anu-anong nakalagay sa mukha. Be proud of what you are Sisima. Para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko," seryosong saad ni Rico na hindi malaman ni Claudia kung matutuwa ba siya o mahihiya. Pwede rin namang both. "Kahit polbo at lip gloss lang ang kaya kong i-apply sa mukha ko?" "Tingnan mo at natural na namumula ang pisngi mo. Maganda ka Sisima. Walang halong biro o pambobola iyon." "Salamat." "Ayos ka na ba? Tara na. Dinner is ready Mi hermosa esposa." (My beautiful wife.) "Napangiti naman si Claudia. "Bolero, pero salamat. Mi hermoso esposo." (My gorgeous husband.) "Alam mo pala iyon ha?" "Pinag-aralan ko lang yong ilang basic words. Kasi misan narinig kitang nagsalita ng Spanish. So why not. Ganoon lang naman, basic words. Ilang salita lang pati ang alam ko," natatawang saad pa ni Claudia kaya napailing na lang si Rico. Nilapitan niya ang asawa at inalalayang makatayo. "Shall we?" anito na ikinatango ni Claudia at sabay na silang lumabas ng kwarto nila. Ganoon pa rin ang set up ng salas. Mula ng pagdating niya hanggang sa mga oras na iyon ay maganda pa rin. Pagdating nila sa kusina ay hindi naman ganoong kaliwanag. Napapalibutan lang ang paligid ng mga fairy lights at mga kandilang nasa ibabaw ng table. Napatingin siyang muli kay Rico. "Morning Seven. Ano ba talagang mayroon sa araw na ito? Gusto mo lang ba talagang magkaroon tayo ng memorable date? Kung celebration naman dahil sa board exam. Sobrang aga pa naman para magcelebrate. Ano ba kasi?" reklamo ni Claudia kaya naman napanguso na lang siya. Mabilis namang dinampian ni Rico ng halik ang kanyang. "For you." Lalo lang napanguso si Claudia ng hindi sagutin ni Rico ang tanong niya. Binigyan pa siya nito ng may katamtamang laki ng teddy bear na may hawak pang chocolates. Napangiti naman siya sa binigay na iyon ni Rico. Kaya lang para sa kanya pangteenager lang ang ganoong regalo. Pero sabagay hindi naman niya naranasan ang ganoon noon. Ibinaba muna ni Claudia ang binigay ni Rico sa kanya sa isang silya na naroroon. Ipinaghila din naman siya ni Rico ng silya. "Tomar una esposa sentada." (Take a sit wife.) Napangiti naman si Claudia. "Gracias marido." (Thank you husband.) Napailing na lang si Rico. Nilibot naman ni Claudia ng kanyang paningin ang mga nakahayin sa mesa. It's a beef steak, mashed potato and asparagus. Para sa dessert ay may nakahayin na strawberry short-cake trifle at no-bake strawberry cheese cake bar. Tapos ay mayroon pang isang bote ng wine na nakalagay sa isang stainless bucket na puno ng yelo. "Ikaw ang naghanda ng lahat ng ito?" hindi niya napigilang bulalas. Wala man lang siyang ka-ide-idea sa bagay na iyon. Bakit hindi niya nahalata na may paganoon si Agapito. Isa pa wala man lang siyang nakita na ingredients nito bago sila umalis kaninang umaga. Higit sa lahat, palagi siyang nagbubuklat ng ref para maghanap ng pagkain. Wala man lang siyang nakitang steak, strawberry at ng kung anu-ano pa. "Saan mo tinago ang mga ingredients na ito? Isa pa saan mo naitago iyong mga lobo na iyan? Flowers pati itong bear at chocolate na nakakateenager ng dating?" sunod-sunod na tanong ni Claudia na nagpatawa ng malakas kay Rico. "Relax Sisima. Lahat ng iyan ay dumating dito sa bahay pagkabalik ko. Bali sinabi ko lang na hihintayin kita. Kung hindi ko kasi iyon gagawim pagkalabas mo uuwi ka kaagad. Baka hindi pa ako tapos maghanda ay nandito ka na. Wala na iyong surprise ko. Tapos isa pa talagang medyo sumakit nga ang ulo ko. Lalo ka na sanang mabilis makakauwi kung hindi ko nakausap iyong driver ng taxi na sinakyan mo na medyo bagalan ang pagmamaneho so again. Surprise?" "Sobra talaga akong na surprise. Pero ano pa bang mayroon ngayong araw na ito. Sobrang romantic ng ayos ng bahay. Hindi ko inaasahan." "Kumain muna tayo sasabihin ko rin sayo." Hindi na muling nagtanong si Claudia at sinumulan na nilang kumain. Pagkatapos ng masarap na dinner ay nagbalik sila sa may salas. Pareho silang umiinom ng wine. Binuhay ni Rico ang stereo na may instrumental love songs. Mahina lang ang music nila. Pero sobrang na-a-appreciate ni Claudia ang oras na iyon kasama si Agapito. "Masasabi kong i-te-treasure ko ang gabing ito na kasama kita. Hindi ko ito ipagpapalit sa kahit na anong bagay. Sobrang saya ko kahit hindi ko alam kung ano ang mayroon sa araw na ito." Naramdaman na lang ni Claudia ang paghalik ni Rico sa sentido niya, bago ito tumayo sa kanyang tabi at inilahad ang kamay sa kanya. "Sisima, can I dance with you?" "My pleasure," ani Claudia at inabot ang kamay ni Rico. Nasa gitna lang sila ng salas habang sumasayaw. "Ang sweet mo ngayon. Kanina pa akong nagtatanong kung ano ang mayroon sa araw na ito," nakangiti pang saad ni Claudia habang ang ulo niya ay nakasandig sa dibdib ni Rico habang patuloy lang silang sumasayaw. Iniangat naman ni Rico ang ulo ni Claudia hanggang sa magtama ang kanilang mga mata. Hindi maiwasang mapangiti ni Claudia habang nakatitig sa gwapong mukha ni Agapito at sa magaganda nitong mga mata. "Happy birthday Sisima. Twenty one ka na. Hindi mo man lang naalala." Natigilan si Claudia. Ganoon ba talaga siyang ka busy para makalimutan ang araw na iyon. "Tumawag ang inay at itay. Ganoon din si lolo. Nagpasalamat na ako sa kanila sabi ko baka bukas ka na makatawag pabalik. Iyong pagbati nila wag kang mag-alala narecord ko kaya bukas mo na rin tingnan. I want to own this night. Just me and you. Just the two of us," ani Rico at unti-unting bumaba ang kanyang mukha hanggang sa ilang hibla na lang ang pagitan ng labi nila ni Claudia. "I want you Sisima," bulong ni Rico na hindi malaman ni Claudia kung ano ang isasagot. Natigilan siya. Ano ba ang dapat isagot? Handa na ba siya sa bagay na iyon. Napakadaming tanong ang nagsalimbayan sa kanyang isipan. Sobra siyang naguguluhan. Ano ba ang dapat niyang gawin? "I know na hindi ka pa handa sa resposibilidad. Hindi ako magiging hadlang sa pangarap mo. Bata ka pa at marami pang pagkakataon para sa responsibilidad. Magtitiwala ka ba sa akin?" Napalunok si Claudia. "Ito na ba ang tamang oras?" tanong pa niya sa isipan ng halikan ni Rico ang kanyang noo. "Hindi kita pipilitin Sisima kung ano ang desisyon mo igagalang ko. Hmm," ani Rico at hinalikan sa labi si Claudia. "Maupo na muna tayo. Gusto mong manood? May inihanda akong movie incase na alam mo na." Nagkibit balikat si Rico at ngumiti. Aalalayan na siya ni Rico para maupo ng pigilan niya ito sa braso. "Bakit?" nagtatakang tanong pa nito. "Mahal kita Morning Seven. Mahal na mahal," bulong ni Claudia at siya na ang humalik kay Rico. Marahan at puno ng pagmamahal. "Sisima," wika ni Rico sa pagitan ng paghalik sa kanya ng asawa. Unti-unti niyang inilayo sa kanya si Claudia. "Mahal kita, Agapito. Pero natatakot pa ako sa responsibilidad. Hindi ko sinabing ayaw ko. Gusto ko lang muna na matupad ang pangarap ko." Napayuko si Claudia. "Naiintindihan ko. Iyon din naman ang nais ng inay at ng itay. At ako rin. Nauunawan kita. Tulad ng sinabi ko sayo magtitiwala ka ba?" Isang tango ang naging sagot ni Claudia. "Hay Sisima ang tagal din ng panahong aking ipinagtiis. Para lang sa araw na ito." Nakangiting saad ni Rico ng maramdaman ni Claudia ang paghapit ni Rico sa baywang niya. Lalo lang niyang naramdaman ang init ng katawan nito ng madikit siyang lalo sa asawa. "You're mine Sisima," bulong ni Rico ng siya na mismo ang sumakop sa mapupulang labi ng asawa. Mapang-angkin at mapaghanap. Mabilis ang kilos ng labi nila na para bang sabik na sabik sila sa isa't isa. Naramdaman ni Claudia ang pagngiti ni Rico sa pagitan ng mga halik nila. "I love you Morning Seven." "Thank you Sisima."

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD