Halos nasa isang linggo na rin mula ng makabalik ng probinsya nila si Rico. Kahit papaano ay nasasanay na siya sa klima sa probinsya. Doon naman siya isinilang at lumaki. Dangan nga lamang dahil sa nangyari ay ninais niyang magtungo sa ibang bansa para paghilumin ang sakit ng pagkawala ng mga magulang.
Nasa labas ng bahay si Rico. Sa parteng likod kung saan sila madalas ng mga magulang magpahinga. Kahit sa likod lang iyong ng bahay-hacienda ay talagang napaka presko doon. Malamig ang sinag ng araw sa bukang liwayway at malilom naman sa hapon.
Naalala na naman niya ang sinabi ng kanyang lolo. Gusto nitong mag-asawa na isa. At kailangan niyang makahanap ng mapapangasawa sa loob ng isang buwan.
"Napakaimposible, sa tagal ko nga sa ibang bansa hindi ko naisip ang pag-aasawa. Tapos ngayong kauuwi ko lang ang magpapakasal ako? No way," pagkausap pa niya sa sarili.
Hindi pa niya nakikita ang sarili niyang matali sa isang babae. Sakit ng ulo lang ang pagkakaroon ng asawa. Sa isip niya ay yaman lang ang habol ng mga ito sa kanya. Lalo na at nag-iisa lang siyang apo ni Alponce Alonzo.
Sa tingin niya ay iyon talaga ang plano ng lolo niya kaya siya pinauwi. Ang mali lang niya ay hindi niya iyon nahimigan. Kaya lang kahit ayaw niya sa nais ng lolo niya na manatili siya sa hacienda ay hindi naman niya matanggihan ang matanda. Ang lolo na lang niya ang nag-iisang kasama niya sa buhay. Kahit sabihin may kamag-anak pa sila ay iba pa rin ang lolo niya.
Mula sa pagkakahiga sa banig na nakalatag sa damuhan ay napabangon si Rico. Naalala niya ang ilog na palagi niyang nililiguan sa likod ng malalaking puno. Ilang metro ang layo mula sa bahay nila.
"Nandoon pa kaya ang ilog na iyon?"
Napatayo na lang si Rico at mabilis na hinayon ang maliit na daan na naaalala niyang daan patungong ilog.
Napangiti siya. "Ito pa rin ang daan, mas naging matatayog nga lang ang mga puno. May ilang naputol na, ngunit napalitan na rin ng bago," usal niya.
Ipinagpatuloy lang niya ang paglalakad hanggang sa narinig niya ang lagaslas ng tubig sa ilog. Naririnig din niya ang pagbagsak ng tubig mula sa mini falls kung tawagin niya noon. Isa iyong mababang falls na noong bata pa siya ay parang napakataas. Ngunit bago niya iwan ang hacienda doon niya napagtantong mababa lang ito. Mas mataas pa siya sa falls na iyon.
Halos mamangha si Rico ng bumungad sa kanya ang ilog. Mukhang naalagaan talaga ng maayos. Malinis ang paligid, maliban sa mga pumatak na dahon ay wala kang makikitang mga sagabal na matatas na damo.
Napakunot noo si Rico ng mapansin ang nakatayong bagay sa malawak at pantay na lupa mga sampung metro ang layo sa ilog.
"Kubo? Mukhang bago lang ang kubong iyon," mabilis niyang nilapitan ang kubong nakita. Na agad ding mapakunot noo siya ng mapansin ang isang tuwalya at oversize na damit.
Ngunit hindi niya iyon gaanong pinagtuunan ng pansin. Hinayon niya ang papasok sa kubo. Bukas ang pintuan. Doon niya nakita ang isang kama na sa tingin niya ay kasya ang dalawang tayo. Maliit na kabinet.
"Ilang damit ko ito ah," aniya ng mapansin ang tatlong t-shirt na nakahanger. Tatlong shorts na nakatupi at panloob. May tuwalya din. Beach towel at mga face towel.
May maliit ding kusina sa loob ng kubo. May table at upuan, may maliit na ref at lutuan. Halos maliit na bahay ang kubo na iyon. May isa pang pintuan para sa maliit na banyo na kompleto rin ang gamit. Kulang ang salitang namangha talaga siya sa nakita.
Mula sa loob ay muli niyang pinagmasdan ang ilog at binuksan pa niya ang nakasaradong bintana.
"Bakit hindi sinabi ni lolo sa akin ang ginawa niya dito? Mukhang magkakaroon ako ng katahimikan dito," excited niyang saad na mukhang nakalimutan na niya kaagad ang nakasanayang pamumuhay sa ibang bansa.
Ang party dito, party doon. Inom dito, inom doon. Mukhang nakuha ulit ng probinsya nila ang puso niya.
Dahil sa nakitang damit niya sa loob ng kubo ay mabilis na hinubad ni Rico ang suot na pantalon at damit. Naisip niyang pwede siyang maligo sa ilog sa oras na iyon. Ang itinira lang niya ay ang kanyang boxer shorts. Naglabas din siya ng tuwalya.
Hinayon niya ang ilog at excited na tumalon doon. Halos makalimutan na niya ang hamon na lolo niyang maghanap siya ng mapapangasawa sa loob ng isang buwan. "Ano bang gagawin ko sa asawa kung kaya ko namang pamahalaan ang hacienda ng mag-isa," usal pa niya ng may makita siyang maputing bagay sa ilalim ng tubig.
Napaahon siyang bigla. Alam niyang walang ibang nagtutungo sa ilog noon. Ngayon ay hindi lang siya sigurado. Sa tagal ng panahon ay hindi niya alam kung talagang walang ibang nagtutungo doon lalo na at may nakatayo pang kubo hindi kalayuan sa ilog.
Muli siyang sumisid sa ilalim ng tubig ng mahagip niya ang maputing bagay na nakita niya.
"Huli ka!" aniya.
Naramdaman na lang ni Rico ang pagpupumiglas nito mula sa bisig niya. Mas lalo naman niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito ng iaangat niya itong bigla.
Habol hininga pa si Rico dahil makulit ang kung ano mang hawak niya. Ngunit ng maiangat niya ito ay daig pa niyang naengkanto. Babae ang hawak niya. Nakatalikod ito sa kanya at nakahawak siya sa baywang nito. Kaya naman dahan-dahan niya itong iniharap sa kanya. Ngunit hindi niya ito binibitawan.
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito!" sabay pa nilang saad habang magkadikit ang halos hubad nilang mga katawan.
"Naliligo!" muli ay sabay nilang sagot.
"Paano mo nalaman ang lugar na ito?"
"Senyorito sa twenty years na nabubuhay ako ay napaka tanga ko naman kung hindi ko malalaman ang ilog na ito. Napakalapit nito sa bahay ninyo at malapit lang din ito sa bahay namin. Kung nakikita mo iyong bahay na iyon," itinuro pa ni Claudia ang bahay nila na natatanaw nila. At alam ni Rico na malapit nga lang iyon sa bahay-hacienda nila. "Ay paanong hindi ko malalaman ang ilog na ito?"
Magsasalita pa sanang muli si Rico ng unahan itong muli ni Claudia. "At iyong kubo ay ipinagawa ng don ng pauwi ka na. Kapapadala lang ng don ng ilang damit mo kanina. Kaya nagpasya na rin akong maligo dito. Nakita naman kitang nakahiga lang doon sa likod bahay kaya naman hindi ko naisip na pupunta kakaagad dito ngayon para maligo."
Nawalan naman ng sasabihin si Rico ng mula kanina ay ngayon lang niya napagtanto ang pwesto nila. Ang mabangong hininga ni Claudia na kanina pa niya nasasamyo. Ang malambot at balingkinitan nitong katawan na halos madikit sa katawan niya na nagbibigay ng kakaibang init at sarap. Higit sa lahat ay ang pagkabuhay ng bagay na nasa gitna ng mga hita niya.
Napalunok pa si Rico ng sa tingin niya ay hindi aware ang dalaga sa reaksyon ng katawan nito sa kanya. Higit sa lahat ay hindi malaman ni Rico ang gagawin ng mapatingin siya sa malusog na dibdib ng dalaga. Lalaki siya. Ngunit iba ang nararamdaman niya kay Claudia. Masasabi niyang pagnanasa iyon. Pero bakit parang hindi kayang tanggapin ng puso at isipan niya na pagnanasa lang ang bagay na iyon. Hindi kasi katulad noong mga babaeng nakakasama niya dati sa bar ang nararamdaman niya sa babaeng yakap-yakap niya ngayon.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Claudia ng may maramdamang bagay sa may puson niya.
"S-senyorito," nauutal na saad ni Claudia kaya napatingin bigla si Rico sa mukha nito. Napakunot noo pa siya ng mapansin ang pamumutla ni Claudia na wari mo ay mawawalan ng malay sa takot.
"What!" gasing ni Rico para hindi mapansin ng dalaga ang kakaibang kilos ng katawan niya. Walang silbi ang lamig ng ilog sa pag-iinit ng kanyang katawan.
"M-may a-ano," garalgal pa nito.
"May ano!" muling singhal ni Rico dahil lalo talaga siyang nag-iinit. Masyadong ng nabubuhay ang nasa gitnang bahagi ng hita niya.
"S-senyorito," hindi na mapigilan ni Claudia ang umiyak. Bigla namang naawa si Rico sa kalagayan ni Claudia, ngunit hindi naman siya makapagsalita ng kunh ano.
"Sisima, ano bang nangyayari sayo?" mahinahon niyang tanong ng maramdaman niya ang panginginig ng katawan ni Claudia. Binuhat niya ito at ipinulupot niya ang hita nito sa baywang niya.
Ngunit parang nagkamali yata siya ng ginawa. Lalo lang nagkunyapit si Claudia sa kanya dahil sa takot. Mas lalo niyanh naramdam ang dibdib ng dalaga. Higit sa lahat kahit may saplot ito sa gitnang bagahi ng katawan ay nararamdaman niya ang gitnang bahagi ng dalaga. Na lalo lang nagpainit sa katawan niya.
"S-senyorito, may, may a-ahas!" sigaw ni Claudia.
"Anong ahas? Walang ahas!" mariing saad ni Rico ng bigla na lang mawalan ng malay si Claudia.
Bigla tuloy nataranta si Rico sa nangyari kay Claudia. Mabilis naman siyang umahon sa tubig habang buhat na parang bata ang dalaga. Habang siya ay hindi man lang natinag sa ahas na sinasabi ng dalaga.
"Ang taray-taray mo. Pero sa ahas takot ka. At hindi lang basta takot. Hinimatay ka pa. Ahas may a*s. Pambihira. Ano ko iyo eh," iiling-iling na saad ni Rico. "Gumalaw lang ng konte, ahas na. Batang ito. Bata ka pa nga ba?" sermon ni Rico habang buhat papasok sa loob ng kubo ang walang malay na si Claudia.
Napalunok namang muli si Rico ng pagkababa niya kay Claudia sa kamang naroon sa loob ng kubo ay ang maputing katawan nito ang tumambad sa kanyang mga mata.
Makinis ang balat ni Claudia na wari mo ay hindi probinsyana. Maalaga sa katawan ang dalaga. Dalawang maliit na saplot lang ang suot nito ay kitang-kita niya ang perpektong katawan ng dalaga. Ang dibdib nitong may katamtamang sukat. Naitaas pa ni Rico ang palad na wari mo ay sinisipat ling sasapat ba iyon kung mahahawakan niya ang dibdib ng dalaga. Napailing siya. Lalo lang nag-init ang katawan niya sa mga kapilyuhang tumatakbo sa utak niya.
Napabuntong hininga si Rico. Hindi ganoon ang epekto ng mga babaeng nakasama niya at naikama na niya. Si Claudia nagdaiti pa lang ang mga balat nila, natitigan pa lang niya. May kung anong damdamin ang ginigising ng dalaga sa kalooban niya na hindi niya maintindihan kaya naiinis siya.
"Pambihira," inis niyang saad ng makita ang pagkabuhay ng hinaharap niya.
Kinuha niya ang kumot at binalot ang dalaga na parang suman. Nang maayos na ang pagkakabalot niya sa dalaga ay dinampot niya ang hinubad na damit at inilagay sa lagayan ng labahin. Tapos ay kumuha siya ng bagong damit sa cabinet na naroroon.
"Kasalanan ito ng Sisima na ito eh. Sa halip na makapag-isip-isip ako ng gagawin sa plano ni lolo ay nagsisikip ang suot ko!" singhal ni Rico bago hinayon ang banyo.