Chapter 93

1323 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Bakit ngayon mo lang sinabi iyan?” tanong ni Xan at bakas ang matinding pag-aalala sa kanya. Well, nag-aalala din naman ako sa babaeng iyon pero hindi ko ipinapakita sa kanila dahil ayokong isipin nila na tuluyan ko nang natanggap ang babaeng iyon sa buhay ko. Kahit pa sabihin na siya ang reincarnation ni Tamara, hindi magiging madali ang sitwasyon naming dalawa kapag dumating na kami sa punto kung saan ang pamilya na niya ang kakalabanin ko. “We should send someone to protect her, Heyd,” aniya. “I already sent someone,” sabi ko. “While I was explaining to you the things that I learned about the Shiann that turned into a vampire, I sneak out your phone and send a message to Zeri.” “What” Agad niyang inilabas ang kanyang phone upang tingnan ang aking message. “And he already replied to your message and said that he is now with Greeny. Probably I didn’t feel the vibration of my phone because we are rushing to get here.” “Did he tell you where they are as of this moment?” “They are inside the Ehrenberg Mansion,” aniya. “He also said that they are in contact with Uno.” Tumangu-tango ako. “I am expecting that.” If Zeri is in contact with Uno, I think I don’t need to worry about them for now. They have the ability to protect themselves and the people around them so I can focus on minding what is happening here. “Anyway, let’s back to the topic,” ani Xan tsaka itinago ang cellphone pagkuwa’y tumingin sa’kin. “Paano natin mapapatunayan ang theory mo tungkol sa pagiging bampira ngayon ng mga Shiann na nasa palasyo?” Umiling ako. “We can’t prove that without solid evidence.” “But we have to do something,” aniya. “With that, we will be able to get the public approval once you take the throne.” “Tingin mo ba ay magbibigay iyon ng benefit sa atin?” Tinaasan ko siya ng kilay at agad niya iyong ikinatigil kaya napabuntong hininga ako. “Xan, we are also a vampire. If we use that information against the Shiann, para na din nating sinabi sa publiko na hindi din tayo nararapat sa trono dahil sa lahing pinagmulan natin.” “That is not what I meant….” Napayuko siya. “I know what you meant so you don’t have to explain it to me,” sabi ko. “But you have to know that we need the public’s approval using our own personal way that could benefit the whole country. Not just our race or the human race.” And I don’t really want to use that kind of thing against my enemy because it can also backfire on us. Marahas akong napalingon sa direksyon kung nasaan ang kotse na sinakyan namin nang makaramdam ako ng kakaiba. “Heydrich?” takang tanong ni Xan. “Someone is approaching,” mahina kong sabi at pinakikiramdaman kung sino o ano ang palapit sa amin ngayon. Ngunit natigil ang aking konsentrasyon nang marinig ang pagtunog ng cellphone ni Xan na agad naman niyang sinagot. Binuksan niya ang loud speaker nito para marinig ko din kung anuman ang sasabihin ng caller na iyon. “We have a problem!” dinig kong sabi ni Zeri na bakas ng matinding takot, kaba at pag-aalala. “Greeny…” Nanlaki ang mga mata ko. “What happened to her?” “She immediately ran away as soon as she learned about the situation there!” sigaw ni Zeri. At doon ko lang nakumpirma kung sino ang palapit sa amin kasabay ng tuluyang paglubog ng araw at paglabas ng mga Shiann vampire sa kani-kanilang pinagtataguan para atakihin ang taong palapit sa entrance ng village. “Oh s**t!” Mabilis akong tumakbo patungo kay Greeny na tumatakbo papunta sa amin bago pa siya tuluyang maabutan ng mga Shiann vampire na ngayon ay humahabol na sa kanya. I just used my double super speed to catch up with her and immediately hugged her tight to avoid the attack of the Shiann vampire. At dahil hindi ako handa sa ginawa kong iyon ay nawalan ako ng balanse na siyang nagpabagsak sa amin at nagpagulong-gulong kami palayo sa kanila. Pero hindi pa din tumitigil sa pag-atake ang mga bampirang iyon kaya naman agad akong tumayo at binuhat si Greeny. "Hold on tight and close your eyes," bilin ko sa kanya na agad naman niyang ginawa pagkuwa'y tumakbo ako ng mabilis pabalik sa village. May mga bampira pang humarang sa dadaanan namin. Maging sa gilid ay nagsisimula nang lumabas ang iba pang bampira na alam kong si Greeny ang target. "I am so--" "Don't even think of saying anything right now, Greeny!" singhal ko sa kanya matapos tumalon ng pagkataas-tass upang iwasan ang mga nakaharang sa dadaanan namin. "I don't need your f*****g explanation right now. Just shut the f**k up and hold on tight on me." Hindi na nga siya nagsalita pa at mahigpit na lamang na itinikom ang kanyang bibig. Nang maglanding ako sa likod ng mga bampirang nakaharang sa akin matapos kong tumalon upang malampasan sila ay muli na akong tumakbo. Pero sa pagkakataong ito ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko upang hindi na ako maabutan pa ng mga ito hanggang sa tuluyan kaming nakapasok sa barrier na nakapalibot sa village. "Heyd!" sigaw nila Xan, Wayne at Zedd. Agad silang lumapit sa amin. Akala ko ay kukunin nila sa akin si Greeny ngunit agad lang nila itong tinabig palayo sa amin at ako ang pinagtuunan ng pansin. "Are you okay?" Agad hinawakan ni Wayne ang balikat ko. "I am fine," sambit ko at akmang tatabigin sila ngunit agad akong nawalan ng balanse kasunod ng pagkirot ng likod ko. Kung hindi pa ako hawak nila Wayne at Xan ay siguradong babagsak na ako. "W-what happened?" naguguluhan kong tanong. "May sugat ka sa likod," alalang sabi ni Zedd. "And it is not just a scratch, just so you know." "What?" "I think you got it when you hugged Greeny and avoided them," sabi ni Xan. Niyakap niya ako at ipinulupot ang kanyang mga braso sa bandang baywang ko tsaka bahagyang iniangat. Hindi niya kasi ako mabubuhat ng maayos dahil likod ko ang may sugat. "Maaaring isa sa mga bampirang iyon ang nakakalmot sa iyo at hindi mo na napansin dahil masyadong focus ang utak mo sa pagligtas kay Greeny," dagdag niya. Pumasok kami sa bahay ni Zedd at inilapag niya ako sa sofa. "It is not healing on its own," sambit ni Wayne habang chine-check ang sugat ko. "It is one of their abilities that can be used against us," sabi ko. "Our regeneration ability is useless if they are the one who wounded us." "Kahit sa iyo?" Umiling ako. "I don't really have any idea kung ano ang eksaktong epekto nila sa akin since I am still a vampire." "Then, anong dapat nating gawin para mapagaling ang sugat mo?" tanong ni Zedd. "Because to be honest, I am starting to feel uncomfortable around you." "You are smelling my human blood so it would be better if you get out of here for a while," sabi ko. Zedd is still a rogue vampire and human blood is the one that their body always longing for so even though he is under a spell to control his blood thirst, smelling a human blood will slowly lift that spell. "O-okay," aniya. "Babantayan ko nalang ang mga entrance ng village to make sure na walang makakalusot na Shiann vampire habang nanghihina ka." Hindi na niya kami hinintay pang makapagsalita at mabilis na siyang lumabas ng bahay. "So?" tanong ni Xan. "Anong kailangan naming gawin?" Umiling ako. "You can't do anything." "What?" "But the blood inside Wayne can do something," dagdag ko. Nanlaki ang mga mata nila. "Kei's blood?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD