Chapter 49

1076 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Pinabayaan ko nalang si Greeny na mag-iiyak doon. Aba’y lalo lang akong naaawa sa ginagawa niya at nabu-bwiset lang ako.   May mas mahalaga pa akong dapat asikasuhin kaya naman agad na akong nagtungo sa office ni Xan pero hindi pa man din ako nakakarating doon ay nakasalubong ko na si Zeri.   “Tapos ka na sa trabaho mo?” tanong ko na agad niyang tinanguan.   “I was about to wait for you at the school entrance pero nakita na kita sa ibaba,” aniya. “And I also saw how you treated Greeny back there.”   Napaismid ako. “It is her fault.” Hinawakan ko siya sa kamay. “Huwag na nating pag-usapan ang babaeng iyon. May kailangan tayong puntahan kaya kita binalikan dito.”   Kumunot ang noo niya. “Saan naman?”   “Basta.” Hinila ko na siya para makarating kami sa pupuntahan namin.   Hindi ko na naman natanong kung saan nakatira iyong si Kuya Wain pero dahil matalas ang pang-amoy ko ay hindi na mahirap para sa akin ang malaman kung saan siya matatagpuan.   “Saan ba kasi tayo pupunta?” muling tanong ni Zeri. “Malayo pa ba?”   “Malapit na,” sabi ko nang hindi na nag-aabalang tumingin sa kanya. Diretso lang akong nakatingin dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala na muli kong makikilala ang isang Wain Richell sa tindahan ng mga ihaw-ihaw.   Tulad nga ng pagpapakilala sa akin ni Kuya Wain kanina, Wain Richelle IX. Ibig sabihin ay siya ang ikasiyam na henerasyon ng Wain Richelle magmula kay Papa Wain.   And it looks like just like Zeldrix, ibinilin din ni Papa Wain sa kanyang mga kaapu-apuhan ang tungkol sa akin.   Kasi kung walang pinagpapasa-pasahang impormasyon tungkol sa pagkatao ko ang angkan ng mga Richelle ay hindi niya agad ako makikilala nang dahil lang sa pagpapakita ko sa kanya ng aking identification card.   “Sigurado ka ba dito sa pinupuntahan natin?” muli na namang tanong ni Zeri nang tumigil kami sa paglalakad. “This is an abandoned area in the Sierra City.”   He is right.   Sa isang abandonadong lugar na kami dinala ng amoy ni Kuya Wain. Sira-sira ang mga building dito at talaga namang walang sinuman ang maglalakas ng loob na tumira dito.   Pero hindi ako maaaring magkamali.   Narito talaga ang lalaking iyon.   “Heyd?”   Huminga ako ng malalim at akma na sanang gagamitin ang search spell ko nang biglang bumukas ang manhole na nasa harap namin.   Gulat pa kaming napaatras at agad na inihanda ang sarili namin sa kung sinoman ang lalabas doon.   Pero natigilan ako nang makita ang mukha ng lalaking lumabas doon. “Kuya Wain.”   “Nagulat ko ba kayo?” nagtataka niyang tanong na tinanguan ko kaya napakamot siya ng kanyang ulo. “Pasensya na. Naramdaman ko kasi na mayroong tao sa paligid kaya itataboy ko sana.” Tuluyan siyang lumabas sa manhole na iyon at pinagpagan ang kanyang damit. “Paano mo nalaman na dito kami nakatira?”   “Ah…” Umiling-iling ako. “Hindi ko alam. Sinundan ko lang ang amoy ng dugo mo at dito nga kami dinala nito.”   Tumangu-tango siya tsaka nabaling ang tingin niya kay Zeri.   “Anyway, he is Zeri Andrade.”   “Zeldrix’s descendant,” aniya.   “You know him?”   “Nabanggit ang pangalan niya sa mga librong iniwan sa amin ni Lolo Uno,” sagot niya. Mula ng magkaanak si Papa Wain ay Uno na ang naging palayaw sa kanya ng mga kaibigan at pamilya dahil junior ang kanyang unang anak. “Pumasok na muna tayo sa loob ng bahay namin para maipakilala ko sa inyo ang buong angkan ng Richelle.”   “Hindi ba trap ito?” bulong sa akin ni Zeri kaya agad ko siyang nasiko. Pero hindi naman iyon ganoon kalakas kaya hindi siya nag-react. “You can’t blame me, okay? Nabuhay ng magkasama ang mga ninuno namin pero ni minsan ay hindi na nabanggit pa na nagkaroon ng ugnayan ang kanilang mga anak. Kaya hindi mo ako masisisi kung iisipin ko na patibong lang ito lalo na’t ang mga Richelle ang kumampi sa mga Shiann na naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng mga Sierra at Ehrenberg.”   Hindi ko kailanman naisip na magkakaroon pa pala ng hidwaan sa pagitan ng mga angkan ni Zeldrix at Papa Wain.   And I can’t really blame Zeri for feeling hostile to the Richelle because whether I like it or not, Papa Wain chose to defend the Shiann instead of protecting my family who he knows do everything in their power to protect the Sierra and this country.   Andrades is devoted to my family so they will, of course, side with us. While Richelles is only devoted to the humans since I was the only reason why Papa Wain decided to join the vampire side.   Muling humarap sa amin si Kuya Wain, or should I called him Ninth since pang siyam siya na mayroong pangalan na Wain sa angkan ng mga Richelle.   “Uno has only one thing that he said to all of this descendants,” sabi niya na ikinakunot ng noo ko. May ibinilin din pala sa kanila ang kanilang ninuno. “We will only serve Heydrich Ehrenberg. Not the Sierra, not the Ehrenberg, not the Shiann. Not the vampires or even the humans. Only Heydrich Oxen Pria Ehrenberg.”   “Why? I asked.   “You know the answer to that question of yours, milady,” sagot niya. “So I will never do anything to harm the half-blood that we are serving.”   Well, like what I said earlier, Wain is only sided with the vampire race before because of me. The daughter of the woman she ever loved and the little girl that he once treated as his own daughter.   “So, I will ask you both to trust me.”   Tinitigan ko muna siya at nakikita ko naman sa kanyang mga mata na hindi siya nagsisinungaling. And I also used search spells all over the place earlier and I know that Ninth is not a bad guy.   Bumuntong hininga ako at pinatong ang kamay ko sa ulo niya. “Don’t worry, if they try anything against us, I will let you handle them.”   “Okay.”   “Then, let’s go.” sabi ko. “I want to meet the rest of the Richelle Clan.”   “Alright,” Ninth said. “Follow me, milady.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD