Chapter 48

1150 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Matapos magpakilala sa akin ni Kuya Wain ay agad ko siyang pinatayo at mabilis na ini-resume ang oras kaya ilang sandali lang ay nagsimula nang kumilos ang mga tao sa paligid namin.   Pagkatapos noon ay sinabihan ko siyang ligpitin na ang kanyang tindahan dahil kailangan naming mag-usap.   Sinabi niya na sa kanilang bahay na lang kami mag-usap dahil gusto din niyang ipakilala sa akin ang kanyang buong angkan.   Pumayag naman ako ngunit sinabihan ko siya na susunod na lamang ako sa kanya dahil may kailangan pa akong puntahan.   Hindi ko na nga siya hinintay pang makasagot at agad na akong bumalik sa First Kei University upang ipaalam kay Zeri ang tungkol sa mga Richelle.   Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng building kung nasaan ang office ni Xan ay natigilan ako.   Nakita ko kasi si Greeny na kasalukuyan ngayong pinagtutulungan ng ilang kababaihan sa gilid ng building kaya doon ako dumeretso.   “Anong nangyayari dito?”   Natigilan sila sa ginagawa nilang p*******t kay Greeny. At inis pa silang bumaling sa direksyon ko pero agad naging maamo ang kanilang mga mukha nang tuluyan akong makita.   “Ah, wala ito, Miss Ehrenberg,” sabi ng isang babae. Kung tama ang pagkakatanda ko ay kaklase din namina ng mga ito at sila iyong hindi matahimik kakatangong ng kung anu-ano sa akin. Inakbayan pa nito si Greeny. “Nagbibiruan lang kami ni Miss Shaw.”   “Oo nga,” segunda naman ng isa pa. “Di ba, Greeny?” Bahagya pa niyang tinabig si Greeny na nakita kong napangiwi dahil masyado iyong malakas. “Sabihin mo kay Miss Ehrenberg na nagbibiruan tayo.”   Tumingin siya sa akin. Bakas ang paghingi ng tulong sa kanyang mga mata at mukhang hindi niya iyon kayang sabihin ng diretso dahil sa mga nakapaligid sa kanya. “Oo,” aniya. “N-nagbibiruan lang kami.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “If that’s the case, then, hindi naman pala ako kailangan dito.”   Nanlaki ang mga mata niya sa naging sagot ko. Habang ang mga babaeng nanakit sa kanya ay lumawak ang ngiti.   Akala yata nila ay makikialam ako sa kanila. At akala yata ni Greeny ay tutulungan ko siya.   Dahan-dahan akong tumalikod sa kanila at nakita ko ang pagmamakaawa sa mga mata ni Greeny na ikinabuntong hininga ko na lamang.   Sabi ko nga ay ayoko nang ma-involve sa babaeng ito pero hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya at ganito ako kaapektado ngayong nakikita siyang sinasaktan ng mga bruhang ito.   Hahakbang na sana ako paalis ngunit isang marahas na hinga muna ang pinakawalan ko tsaka muling humarap sa kanila.   At sa pagkakataong ito ay nakita ko mismo kung paano umigkas ang kamay ng mga babaeng iyon para saktan si Greeny.   Na agad namang nabitin sa ere dahil sa biglaan kong pagharap.   “Ahm…”   “Don’t mind me,” sabi ko. “Wala akong plano na makialam sa ginagawa nyo pero gusto ko lang kayong i-inform ang tungkol sa bagay na iyon.” Itinuro ko ang bagay na nasa itaas nito.   Agad nilang sinundan ng tingin ang itinuturo ko at nanlaki ang kanilang mga mata nang makita ang cctv camera na naroon.   “H-how…”   Mabilis nilang binitiwan si Greeny at nagtakbuhan papasok ng building kaya naiwan kaming dalawa dito.   Napaupo pa siya sa sahig at nagsimulang umiyak.   Tingin ko ay maging ang babaeng ito ay nakakaranas din talaga ng discrimination sa eskwelahang ito.   Kung tama ang pagkakaalala ko sa profile niya na ipinakita sa akin ni Xan ay isang simpleng bakery owner ang ipinakilala niyang mga magulang. Hindi man siya isang scholar at nagbabayad ng sarili niyang tuition fee ay itinuturing siyang hindi ka-level ng mga babaeng iyon.   Bumuntong hininga ako tsaka lumapit sa kanya at nag-abot sa kanya ng isang panyo. “Alam mong walang mangyayari sa iyo kung hindi ka lalaban. Paulit-ulit ka lang nilang sasaktan at mamaliitin hangga’t nakikita nila na wala kang lakas ng loob na salungatin sila.”   “B-but--”   “Please don’t try to fool me, Miss Shaw.” Inilapag ko sa kanyang hita ang panyo ko. “You are not some damsel in distress that needs to be safe. You know how to protect yourself so please stop pretending. Pinagmumukha mo lang katatawanan ang sarili mo sa mga taong nakakaalam ng tunay mong pagkatao.”   “I am not pretending,” madiin niyang saad at mahigpit na ikinuyom ang kanyang mga kamao. “Yes, I am not a damsel in distress. I have the ability to protect myself from anyone who wants to hurt me but I can’t.”   Kumunot ang noo ko. “You can? Why?”   “I have an agreement with my siblings,” aniya. “Na hindi ako maaaring ma-involved sa kahit na anong gulo sa pagitan ng mga estudyante dito.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Kaya hinahayaan mong sinasaktan ka ng mga iyon?”   “I don’t have any choice!” sigaw niya. “I need to do this to maintain the freedom that I have. Kapag inilabas ko kung ano ang ginagawa nila sa akin, siguradong hindi magdadalawang-isip ang kapatid ko na ibalik ako sa palasyo at sisiguruhin niyang hindi na ako muling makakalabas doon buong buhay ko.”   “So, in exchange for your freedom, you will endure everything that is happening to you?”   Tumango siya. “I can’t do anything that will upset the family where those girls belong. Isa sila sa maimpluwensyang pamilya sa buong Valier at matagal na panahon na din silang nililigawan ng pamilya ko para makuha silang investor sa mga business na itinatayo ng kapatid ko.”   Tinitigan ko siya.   From what I am hearing right now, I realized one thing.   Isang katangahan sa part ko ang pag-iisip na ang babaeng ito ay may pagkakatulad kay Tamara because to be honest, she is nowhere near my bestfriend. Isang malaking katangahan sa part ko na maalala si Tamara sa tuwing nakikita ko siya kasi inaakala ko na ang babaeng ito ang reincarnation ng kaibigan ko.   But it looks like I am totally wrong.   Dahil nakakasiguro ako na sa kahit na anong buhay, hindi kailanman magpapakontrol si Tamara para makuha ang bagay na gusto niya.   Tamara will do everything on her own to get what she wants. Kahit pa magalit ang kanyang pamilya,   She doesn't even care about the emperor and insists on what she believes.   She has that kind of personality.   But this woman in front of me?   I looked at her with so much pity in my eyes. Yes, that is what I am feeling right now for her. Nothing but pity.   Kasi ngayon ko higit na na-realize kung gaanog nakakaawa ang mga Shiann.   They may be the ruler of this country but they don’t have the authority that the Sierra Clan has before. And of course, whatever they do, they will never get that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD