Chapter 81

1174 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Yes, ang mga bampira na nilikha ng mga Shiann ay tulad ng mga bampira na siyang nakaharap namin ni Wayne noong bumalik kami sa nakaraan. Mga bampira na halos lahat ng ngipin ay nakalabas sa kanilang bibig dahil sa talas at haba nito. Matatalas din ang kanilang mga kuko at pulang-pula ang kanilang mga mata. At sa tuwing nagta-transform sila sa ganoong itsura ay walang ibang tumatakbo sa kanilang isip kundi ang paghahanap ng dugo na kanilang maiinom sa kahit na anong paraan. So, I had to kill everyone of those kinds of vampires. Why? Because those kinds of vampires are worse than rogue vampires. Hindi ko alam kung paano sila nalikha ng mga Shiann. O kung anong dugo ang kanilang pinagbasehan upang malikha lamang sila pero isa lang ang nasisiguro ko. Kabilang man sila sa lahi ng mga bampira, alam kong hindi sila nararapat na mag-exist sa panahong ito dahil pawang panganib at gulo lamang ang dadalhin nila sa bansang ito. “Are you okay?” tanong sa akin ni Xian nang makabalik sila matapos ihatid si Greeny sa tinutuluyan nito. “You are too quiet the whole dinner. May napag-usapan ba kayo ni Greeny na hindi mo nagustuhan.” Bumuntong hininga ako at bumaling sa kanya. “It is not about Greeny.” Kumunot ang noo niya. “Then, what is it about?” “It is about the vampires that I killed at the dungeon prison at the palace,” I said. “Greeny said that they are all part of the Shiann Clan.” “What?” Bakas ang matinding pagkagulat sa kanyang mga mata. “I had the same reaction when I heard that,” sabi ko. “So I think, those kinds of vampires are possible like a mutated kind of rogue vampires.” “Para bang sinasabi mong isang virus ang pagiging bampira,” naiiling niyang sabi. “Look, being a vampire is not a disease.” “I know that,” sabi ko. “But that is the best explanation of what just happened to the vampire that I just killed.” “Well…” Napakamot siya ng ulo niya. “I guess you are right.” “And that vampire is only made with the help of the Shiann blood.” “Shiann blood mixed with the rogue’s blood?” tanong niya. Tumango ako. “Noon ko pa iniisip kung bakit nagkaroon ng isang classification ang mga bampira ng tulad ng mga rogue. At sa mga oras na ito ay malinaw na sa akin ang lahat.” Lalong kumunot ang kanyang noo. “What do you mean?” “You remember the time when I told you that I suddenly triggered another time travel spell when you were away, right?”sabi ko na agad niyang tinanguan. “And I also told you that it brought me to the past. When Kreyo Sierra and Hariya Ehrenberg were still not the one who’s leading their clan.” Muli siyang tumango. “Yes, I remember all of them.” “The vampire that we met before, katulad iyon ng mga bampirang nilikha ng mga Shiann,” sabi ko na lalong nagpagulat sa kanya. “And I think, the Shiann Clan is also part of the clan that has been living in this country for thousands of years.” “Pero sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang nagbabago ang itsura ng mga bampira,” sabi niya. “At nakakayanan na din natin na kontrolin ang pagkauhaw natin sa dugo kaya hindi na tayo basta-basta nawawalan ng kontrol sa tuwing makakaamoy nito.” “I think, a rogue vampire can turn into that horrific vampire if they keep feeding themselves a lot of human’s blood,” paliwanag ko. “Sooner or later, magiging tulad sila ng mga ito dahil patuloy nilang maa-absorb ang lahat ng chemicals and negatives emotions na nasa mga dugong kanilang iniinom mula sa mga taong inaatake nila.” “Pero napapabilis ang ganoong proseso kapag naghalo ang dugo ng isang rogue vampire at isang mortal na may dugo ng mga Shiann?” Tumango ako. “Iyon ang pinaka posibleng paliwanag sa mga iyon.” Well, noon ay hindi naman masyadong na-tolerate sa mga rogue vampire ang patuloy na pag-inom ng dugo ng tao. Sa tulong ng spell ni Papa Kelliar, ang gechi, nagawa niyang makontrol ang mga rogue at mapigilan ito sa paghahanap ng dugo ng tao. Kaya hindi na nakakapagtaka na walang kahit sinong rogue vampire sa panahong iyon ang nag-transform sa isang mala-halimaw na bampira na maaari nating tawagin ngayon na isang Strigoi, ang unang uri ng mga bampira ngunit sa panahong ito, sila ang may pinakamaliit na bilang. “Tingin mo, puno ng negativity ang dugo ng mga Shiann kaya ganoon na lang kabilis na mag-transform ang mga miyembro ng kanilang angkan na tinurukan nila ng rogue vampire’s blood?” Nagkibit balikat ako. “I don’t really know but I was actually thinking of experimenting with it. But I don’t have any subjects to use.” Tinaasan niya ako ng kilay nang makita niya ang pagpungay ng mga mata ko. “What are you thinking, Heyd.” I smiled. “You know what I am thinking, Xan.” Umiling siya. “No, I don’t.” “Then, I will tell you one word,” sabi ko. “Greeny.” Nanlaki ang kanyang mata. “You want to use Greeny as your subject?” “Oy,” alma ko. “Ang OA ng iniisip mo. I am not using her as my subject but I need her blood because she was still part of that cursed clan. And you will be the only one who can get that for me.” “Oh.” Tumangu-tango siya. “Okay. I think I can manage to do that. But what about the rogue vampire’s blood? May mapagkukunan ka na ba?” “I was thinking of visiting Cory Mountain to check those vampires living there,” sabi ko. “Baka sakali na makakuha ako ng sapat na dugo ng mga bampira doon na maaari kong gamitin sa experiment ko.” “Then, should I prepare anything for your visit?” Umiling ako. “Kami na ni Wayne ang bahala doon. Just focus on getting Greeny’s blood.” “Gaano ba karami ang kailangan mo?” Nagkibit balikat ako. “Kung gaano lang kadami ang kakayanin niyang ibigay,” sagot ko. “But to be honest, I would prefer if you could also get the blood of the other two.” “You mean, the current emperor of Valier and the youngest princess?” Tumango ako. “At kung may balita ka sa pinaka panganay nila na ayon kay Hei ay nakatakas sa mga kamay ni Ara.” Hindi siya agad sumagot ngunit ilang sandali ay bumuntong hininga siya pagkuwa’y tumango. “I will try but I am not making any promises, okay? Ang maipapangako ko lang ay ang dugo ni Greeny.” Ngumiti ako. “Okay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD