Chapter 32

1107 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Hindi ko na binanggit kay Xan ang pagkawala ng malay ko nang dumating siya dito sa mansion kanina para ibigay sa akin ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagpasok sa eskwelahan niya.   Maging ang tungkol sa alaala ni Kei na bigla na lamang pumasok sa isip ko nang inumin ko ang dugo ni Wayne ay hindi ko na din pinag-abalahan pang sabihin sa kanya.   Sinabihan ko din sina Zeri at Wayne na huwag nang banggitin pa ang tungkol doon kahit kay Hei.   Medyo sensitibo kasi ang topic na iyon at ayoko nang makalabas pa sa sinumang hindi naninirahan sa mansion na ito ang tungkol sa bagay na iyon nang sa gayon ay hindi din malagay sa alanganing sitwasyon ang magkapatid na Andrade.   Ang tanging alam ko lamang ay buhay pa si Ara, at dahil tulad din siya ni Kresha na mapaghangad sa kapangyarihan at impluwensiya, nakasisiguro kong hinahanap na din niya ang kapangyarihang hawak ng angkan ng Sierra na hindi napasakanya noong nabubuhay pa si Kei.   Kaya naman hindi imposible na agad niyang sugurin ang magkapatid na ito kapag nalaman niya na nasa dugo ng mga ito ang alaala ni Kei.   At hindi naman sa hindi ako nagtitiwala kina Xan at Hei.   Gusto ko lang makasiguro na walang sinumang malapit sa akin ang magagamit ng babaeng iyon upang makuha ang gusto niya at wala din siyang makukuhang impormasyon sa mga ito nang sa gayon ay hindi na siya mag-isip pa ng pag-aksayahan ng oras kumprontahin pa ang dalawang iyon.   That will put them on a safe side, for now.   “Hindi ko inaasahan na gagamitin ni Xan ang design ng uniform ng squad ko noon,” sabi ko habang nakaharap ngayon sa salamin.   Kasalukuyan ko kasing suot ang school uniform ng First Kei University at ang design na ginamit dito ay iyong mismong design ng uniform ng squad ko.   Iyong design na si Gracie ang gumawa habang si Gray naman ang nag-suggest ng yellow anchor na nasa tagiliran nito that represent hope.   Bumaling ako kay Zeri. “Bakit hindi ko nakita na ito pala ang uniform sa school na iyon noong dinala mo kami doon?”   “Kababalik lang namin galing sa isang field trip kaya allowed pa ang hindi pagsusuot ng uniform ng araw na iyon,” sabi niya. “Pero sa monday, kailangan na uli naming magsuot ng uniform dahil iyon mismo ang rules ng school.”   “Walang ibang araw kung saan pwedeng hindi naka-uniform?”   “You can wear anything you like as long as it is nice and presentable every Friday,” sagot niya. “Hindi din required na mag-uniform kapag may mga event sa school o kapag birthday.”   Kumunot ang noo ko. “Even on your own birthday?”   Tumango siya. “Ang sabi ni Xan, paraan niya iyon para malaman kung kailan ang birthday ng mga estudyante kasi mahilig siyang mamigay ng cake sa mga iyon.”   “Oh.” Tumangu-tango ako. “Malaki na din talaga ang pinagbago ni Xan ngayon. And I actually didn’t expect that.”   “Matagal na panahon na din kasi ang lumipas kaya hindi mo din masisisi ang pagbabagong naganap sa kanya.”   “Naiintindihan ko naman,” sabi ko pa. “Pero minsan talaga, hindi ko maiwasang makaramdam ng panghihinayang kasi hindi ko man lang nasaksihan ang mga iyon.”   Tinaasan niya ako ng kilay. “At kaninong kasalanan iyon?”   “Aba’y kay Graysean at kay Papa Kelliar,”   Kumunot ang noo niya. “At bakit sila ang sinisisi mo? Hindi ba’t ikaw itong nagdesisyon na tuluyan nang mamaalam sa buhay na mayroon ka noon? Kaya bakit ngayon ay sila ang itinuturo mo?”   “Well, hello?” Humarap ako sa kanya nang naka-pamaywang. “I believe in reincarnation. Kaya noong nag-decide akong mamaalam sa dati kong buhay, inaasahan ko na muli akong mabubuhay sa ibang katawan at katauhan kaya akala ko ay masasaksihan ko pa din ang pagbabagong magaganap sa bansang ito. Pero hindi iyon ang nangyari dahil nagdesisyon silang patulugin lang ako.”   “It is still the same.”   Umiling ako. “No, it is not.”   “It is still the same,” pilit niya. “Wala namang kasiguraduhan kung saang panahon ka mare-reincarnate ah. Kung sinunod nila ang kagustuhan mo, hindi pa din imposible na mabuhay ka sa panahong ito.”   And that hit me.   Kaya hindi na ako nakapagsalita dahil tama naman talaga siya. Wala ngang kasiguraduhan kung ano at saang panahon ako muling mabubuhay kaya hindi ko din masisisi sina Graysean at Papa Kellair dahil posibleng iniisip din nila ang factor na iyon.   Hindi ko hawak ang kapalaran ko kaya kung sakaling sinunod nila ang kagustuhan ko, maaaring hindi ko pa din nasaksihan ang pagbabagong naganap sa buong Valier.   Maaaring sa panahong ito din ako nagising at muling nabuhay ngunit sa katawan at katauhan na ng ibang tao.   Ang posibleng kaibahan lang namin noon ay higit akong may advantage sa buhay ngayon dahil sa mga nalalaman ko sa nakaraan kong buhay kumpara sa kung muli lamang akong ipapanganak sa katauhan ng iba at kakailanganin pang muling magsimula sa buhay.   “Though, sa tingin ko naman ay kahit hindi ka nagdesisyon na tapusin ang buhay mo, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana upang masiguro na mangyayari kung ano ang kanyang itinakda,” dagdag niya.   Kumunot ang noo ko. “Sinasabi mo ba na kahit na nanatili ako noon sa buhay ko ay ganito pa din ang kahihinatnan ng hinaharap ng bansang ito?”   Nagkibit balikat siya. “I don’t really know. Pero naniniwala kasi ako na nakatakda na ang lahat ng mangyayari sa buhay natin. May mga side turns man pero hindi natin maiiwasan kung ano ang nakatakdang mangyari.”   “Kahit na pigilan pa natin iyon?”   Tumango siya. “Hindi ba’t ikaw mismo ay nasaksihan mo na kung paano kumilos ang tadhana? Na kahit bumalik na kayo sa nakaraan ay hindi niyo pa din nabago ang hinaharap niyo?”   Now that he said that, naalala ko iyong panahong nagpunta kami ni Graysean sa tower na mayroon sa Hope Island kung nasaan ang isang time travel spell na nilagay ni Mommy Heya upang dalhin kami sa nakaraan.   Noong una ay iniisip naming aksidente lamang ang nangyari ngunit habang nagtatagal kami doon hanggang sa tuluyan nang nakabalik sa aming panahon ay ipinapakita nito na ang lahat ng nangyari sa buhay namin ay talagang nakatadhana.   “Kaya huwag mo ding sisisihin ang sarili mo sa kinahinatnan ng bansang ito at ng lahi ng mga bampira,” sabi pa ni Zeri. “Because everything is happening for a reason.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD