Chapter 33

1179 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Just like what Zeri and Wayne said, hindi ko na muna pinagtuunan ng pansin ang tungkol sa dugong nananalaytay sa kanilang ugat. Kung replica lang ba iyon o talagang dugo ni Kei.   At ang pinagtuunan ko na lamang ng pansin ay ang unang araw ko sa First Kei University.   “Are you ready?” tanong sa akin ni Xan habang nasa labas na kami ng room kung saan ako mapapabilang. “I just want to be clear that once you introduce yourself as Ehrenberg, there is no turning back.”   “I know that,” sabi ko. “Introducing myself will be like telling the world of my clan's existence again.”   Well, wala namang problema sa akin iyon.   Nasa mga Shiann na ang pamamahala sa buong kaharian ng Valier at wala akong planong kunin iyon sa kanila.   Aba’y normal na buhay ang gusto ko at hindi isang responsibilidad muli na alam kong wala akong kakayahang gawin. I can lead a small squad but I can’t lead and handle a one whole country.   Wala na din naman akong magagawa pa dahil iyong nag-iisang angkan na kayang pamunuan ang bansang ito, inubos na nila kaya isaksak nalang nila sa baga nila ang palasyo.   Basta siguruhin lang nila na hindi nila ako pakikialaman dahil hindi ako magdadalawang-isip na kalabanin sila kapag iyon ang ginawa nila.   Kahit pa gaano kalaki ang kasalanan nila sa akin at sa lahing pinagmulan ko, wala akong planong gantihan sila.   Just stay their hands inside their own pocket and I will not do anything to destroy the peace that they give to this country.   Huminga na muna ako ng malalim tsaka diretsong tumingin sa pinto na nasa harap namin. “I am ready.”   Ngumiti siya at tumango pagkuwa’y binuksan na niya ang pinto ng silid na iyon. Pumasok siya na agad sinalubong ng pagbati ng mga estudyante habang ako ay nakasunod lang sa kanya.   Nakarinig pa ako ng ilang bulungan nang mapunta sa akin ang atensyon nila kaya naman pinilit ko na hindi magpakita ng kahit anong emosyon.   “Good morning, class,” nakangiting bati ni Xan. “I know that you are aware about the transfer student that we currently have in our school and I am here in front of you to introduce her because she will be attending this class with you.” Bumaling siya sa akin at sinenyasan ako.   Kaya agad kong ibinaling ang tingin ko sa mga magiging kaklase ko. “Heydrich Ehrenberg.”   At tulad ng inaasahan ay agad na nanlaki ang mga mata ng lahat ng taong nasa loob ng silid na ito matapos marinig ang apelyido ko.   “S-Sir?” tawag ng professor na nakatayo sa gilid ni Xan. “She did say Ehrenberg, right?”   “You heard it right,” sabi ni Xan. “She is an Ehrenberg. She and her sister are the last and direct descendants of that clan who owns the whole Ehrenberg Mountain that you will all see at the center of our country.”   “But, sir…” Isang lalaking estudyante ang nagtaas ng kanyang kamay at tumayo. “According to the history that we learned way back in our high school, the Ehrenberg Clan all disappeared one thousand year ago.”   “Yeah,” ani Xan. “That is true and they disappear because they leave the country and decide to migrate to another country far from here.”   “Is it because a lot of people living before wanted them to rule the country instead of the Shiann?” Isa pang babae ang nagtanong noo na hindi na nag-abala pang tumayo.   “According to them, yes,” sagot naman ni Xan. “Masyado na kasing nahahati ang suporta ng mga tao noon sa bansang ito. Ang kalahati ay nananatiling kaalyado ng mga Shiann habang ang kalahati naman ay sinusuportahan ang mga Ehrenberg. They said that history itself showed that the true leader of this country is the Ehrenberg Clan.”   “Matagal na panahon na kasing naninirahan sa bansang ito ang mga Ehrenberg,” singit naman ng isa pang lalaki. “At masyado na silang maraming natulungan mula pa noong unang panahon habang ang mga Shiann ay baguhan lang sa bansang ito. Kaya maiko-consider nga na mayroon silang claim sa trono para pamunuan ang bansang ito.”   “But they choose to leave, right?” tanong ng isang babae sa likod. “Ibig bang sabihin noon ay wala silang pakialam sa bansang ito at sa mga naninirahan dito?”   “Nilisan ng pamilya ko ang bansang pinanggalingan pa ng mga ninuno namin ng ilang libong taon para sa ikatatahimik nito.” Ako na ang sumabat dahil masyado nang humahaba ang usapan nila eh. “Sa tingin nyo ba, basta na lamang papayag ang mga Shiann na ibigay sa pamilya ko ang kanilang pamumuno? No.”   “At paano mo naman iyan nasabi?” tanong muli ng babaeng nasa likod.   “Because they know that my family are not born to lead,” diretsa kong sabi na ikinakunot ng kanilang noo. “My family can help other people with everything we can. We can support whoever is in charge of this country and we can defend the whole Valier against those countries who will try to invade our land. We have heart, influence and power but we don’t have the ability to lead.”   “Hindi ba’t ang tatlong iyon lang din naman ang kailangan ng isang tao para pamunuan ang isang grupo?” balik niya sa akin na inilingan ko.   “Sa tingin mo ba ay sapat na ang tatlong iyon para mapaunlad ang isang bansa?” tanong ko sa kanya. “Sa tingin mo ba ay sapat ang tatlong iyon para hindi maghirap ang bansang ito?”   Hindi siya nakasagot. Nananatili lang siyang nakatitig sa akin.   “The responsibility that the people want to put in my family’s hand are too heavy for them to hold so they choose to leave this country and let the Shiann lead this country,” pagpapatuloy ko. “Because they are the ones who have the ability to lead Valier.”   “Alam kong may ilan sa inyo dito na hindi pabor sa ginagawang mga batas ng mga Shiann para sa bansang ito,” sabi ni Xan. “Pero pinakita ng kanilang buong angkan na wala silang ibang nais para sa kaharian ng Valier kundi ang patuloy nitong pag-unlad kaya kung anuman ang naging papel ng Ehrenberg para sa bansang ito ay matagal nang nagtapos.”   “With that said, hihilingin ko sa inyong lahat na huwag nang ungkatin ang anumang may kinalaman sa bagay na iyon,” sabi ko. “Wala akong ibang nais na gawin sa bansang ito kundi ang asikasuhin ang mga natitirang ari-arian ng aking pamilya at ang makapag-aral ng tahimik.”   Sana lang ay sapat na ang mga sinabi namin upang hindi maisip ng marami na may masamang dala ang muli naming pagbabalik sa bansang ito.   Dahil ayoko nang masira na naman ang pagkakataon ko na magkaroon ng normal at payapang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD