Chapter 100

1206 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “She is just being controlled by Ara!” sigaw ni Hei nang akma ko nang sasaksakin si Yuuna gamit ang matalas kong kuko. “Just like how she controlled me.” Inis kong ginulo ang buhok ko at hindi na pinansin si Hei tsaka itinuloy ang plano ko kay Yuuna. Agad kong isinaksak sa kanyang leeg ang kuko kong may lason na pareho nilang ikinalaki ng mata. Akma pang susugod sa akin si Hei ngunit mabilis siyang hinarangan ni Wayne upang pigilan siyang makalapit sa akin. “Yuuna!” tanging sigaw ni Hei nang magsimulang tumagas ang dugo ni Yuuna palabas sa kanyang leeg. “Mom! Why are you doing this?” “Just shut up!” balik ko sa kanya. Nagsimula na ding magsuka si Yuuna ng dugo. At ilang sandali pa ay ang dugong kanyang isinusuka ay may kasama ng mga solid blood na naging kristal na. At nang makita ko iyon ay agad ko iyong binasag tsaka bahagyang lumayo kay Yuuna na bakas ang matinding panghihina. “A-anong ginawa mo?” tanong niya. “A-ano ang mga blood crystal na pilit mong ipinalabas sa akin?” “The only medium that Ara uses to control you,” walang gana kong sabi. “Though, I am still not sure if I already take it all out of you but that is enough for you to regain control of your own body.” “Y-you helped me?” Binitiwan na ni Wayne si Hei at agad itong tumakbo palapit kay Yuuna. “Are you okay?” Imbes na sagutin ang tanong ni Hei ay nanatiling nasa akin ang kanyang tingin. “P-paano mo nalaman kung paano alisin ang kontrol ni Ara?” “You don’t need to know that,” sabi ko. “Ang mahalaga ngayon ay malaya ka na sa kontrol niya at makakabalik ka na sa pagsisilbi kay Hei.” I actually know Ara’s way of controlling someone because of Kei’s memory that I got when I drank Wayne’s blood last night. Kasama iyon sa mga memorya niyang naipasa sa akin. At nang makita ko si Yuuna kanina ay alam kong mayroon nang mali dito lalo na’t alam kong kahit pa ikamatay niya ay hinding-hindi niya ta-traydurin si Kei. Maliban na lamang kung mayroong inilagay si Ara sa katawan niya na siyang dahilan kung bakit napipilitan siyang sundin ang anumang utos nito kahit pa si Kei naman talaga ang kanyang master. Those blood crystals are known as slave stealer stone. Sa pangalan palang ay inilalarawan na nito ang kakayahan ng bato kung saan kayang-kaya nitong kunin ang isang bampira ang alipin sa sarili nitong master. Isa ang batong ito sa naging dahilan ng pagbagsak ng lahi ng bampira. Dito isa-isang humina ang depensa ng bawat monarch vampire clan kaya naman naging madali para kay Ara na ibagsak ang depensa ng mga ito at tuluyang wasakin ang lahat. Isa-isa niyang kinuha at kinontrol ang bawat tapat na alipin ng mga monarch vampire at kinontrol gamit ang blood crystals pagkuwa’y pasunurin ito sa mga plano niya. Though, hindi tuluyang naging tagumpay ang plano ni Ara na ubusin ang buong lahi ng bampira at kunin ang pamumuno sa buong Valier dahil ginamit ng mga Shiann ang pagkakataong kanyang binuo para sa sarili nilang kapakanan. At tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit ang mga Shiann ngayon ang ginagamit niya laban sa akin. Wala sa plano niya ang pagkamatay ni Kei kahit alam niyang wala na itong proteksyon na bilang emperador ng bansang ito. Kaya alam kong may galit din siya sa mga Shiann. At ang sumpang ipinataw niya sa angkan na ito ay bunga din ng matinding galit niya sa mga ito at parusa dahil sa kasamaang ginawa nito sa kanyang ama. But then, she finally learned the secrets behind the Shiann’s blood ability so she set aside her emotion towards them and started to work with them to get what they want from me and from the Richelle clan. “Mom…” Akmang lalapit sa akin si Hei ngunit mabilis kong iniharang ang kamay ko sa kanyang kamay na agad niyang ikinakunot ng noo. “Pawisan ako ngayon, Hei,” sabi ko. “At hindi lamang ito isang ordinaryong pawis kaya mas makakabuti kung hindi ka muna lalapit sa akin sa buong araw na ito.” “W-why?” “This is…” Napaisip ako kung paano ko nga ba ipapaliwanag ang tungkol sa bagay na ito pero wala akong maisip na mas madaling paraan kaya napabuntong hininga na lang ako. “Every liquid in my body has become poison for the whole day once I activate this ability of mine. At walang sinuman sa inyo ang makakaligtas dito kaya mas mabuting lumayo ka muna.” “But you use that to save Yuuna,” aniya. “That was a different kind of poison,” paliwanag ko. “And I only use a little bit of it so she will throw up all the blood crystals that were placed inside of her stomach. That small amount of poison can counter her auto-regeneration so you don’t have to worry about her.” “And getting close to you with sweats all over your body can kill me even though I am also an elite vampire?” Tumango ako. “Don’t underestimate the power of the half-blood, Hei,” Kinuha ko ang isang jacket sa gilid at agad iyong sinuot. “Kahit kami ng mga kapatid ko ay hindi din alam kung hanggang saan ang kakayahan ng kapangyarihang ito kaya maingat namin itong ginagamit. At sa tuwing ginagamit namin ay sinisiguro namin na hindi agad kami magpapalapit sa kahit na sino upang masiguro na hindi kami makakasakit ng mga mahahalagang tao sa buhay namin.” “You are being hard on yourself, Mom,” aniya. Umiling ako. “I am just being cautious.” Ibinalik ko ang tingin kay Yuuna. “For now, mas makakabuti kung magpapakalayo-layo ka muna. Hindi ko alam kung successful ba ang ginawa ko sa iyo kaya mas makakabuti kung magsisiguro tayo.” Umiling-iling siya. “I… I can’t go.” Kumunot ang noo ko. “At bakit?” “H-hindi lang ako ang elite vampire na nagawang kontrolin ni Ara. Marami pang iba at hindi ko sila maaaring pabayaan nang dahil lang sa nakawala na ako ng tuluyan kay Ara.” “So, you are planning to get back to her?” Umiling siya. “I can’t get back to her without the blood of the half-blood,” sagot niya. “She will kill me if I come back empty handed.” “Then, what are you going to do?” “I will go to the Richelle Clan,” sambit niya na lalong ikinakunot ng noo ko. “I will stay there to make sure that they will not get Graysean.” Nanlaki ang mga mata ko. “What did you say?” “It was Graysean,” aniya. “The Sierra-Ehrenberg that the Richelle clan is taking care of. Your father also put him in a cold sleep and Wain was the one who secured his coffin to make sure that what happened to you will not happen to him.” Oh damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD