Chapter 99

1311 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Mabilis kong inalis ang barrier na nakapalibot sa bahay ni Zedd. Hudyat iyon nang mabilis na pagtakbo nila Zedd kasama ang mga bampira na naninirahan sa village na ito papunta sa kinalalagyan ng bus na inihanda ko para sa kanila. At dahil may mga Shiann vampires pa na natitira na siyang akmang susugod sa kanila ay agad na kumilos sina Wayne at Xan upang pigilan ang mga ito. They started to knock them out first by punching or kicking them hard before injecting the content of the vial that I gave to them earlier. At tulad ng bilin ko sa kanila kagabi ay agad silang lumayo sa mga natuturukan nila dahil wala namang kasiguraduhan kung tatalab ba ang serum na dinevelop ko. Habang abala sila sa mga Shiann vampires na nagtatangkang humabol kina Zedd ay abala naman ako sa pagharap sa elite vampire na siyang naglilingkod kay Ara Sierra. “I didn’t expect to see you,” nakangisi kong sabi habang diretsong nakatingin sa kanya. “I didn’t recognize you last night because of the half mask that you wear when you destroy my first barrier. How are you, Yuuna?” Yes, ang elite vampire na kaharap ko ngayon ay ang dating 13th general na nagtatrabaho kay Kei na si Yuuna Kim. The very same Yuuna Kim na crush na crush noon ng kapatid kong si Graysean. The very same Yuuna Kim na siyang naging dahilan kung bakit pinili kong gisingin ang vampire blood ko kahit na nagdesisyon na ako noon na hindi na lalaban sa sakit ko. “Did you betray K–” “I never betray anyone, Heydrich,” madiin niyang sabi habang diretsong nakatingin sa akin at pilit na pinipigilan na magpakita ng kahit na anong emosyon sa akin. “At higit sa lahat, hinding-hindi ko pagtataksilan si Kei kahit buhay ko pa ang maging kapalit.” “If that is the case, why are you working under Ara right now?” “Hindi ko kailangan na magpaliwanag sa iyo kung ano man ang mga ginagawa ko ngayon dahil hindi naman ikaw ang master ko,” sambit ko. “Pero gusto kong ipaalam sa iyo na kailanman ay hindi nawala ang katapatan ko kay Kei kahit pa lumipas ang ilang libong taon.” Actually, naguguluhan ako sa nangyayari ngayon. Kung pagbabasehan ko ang mga sinasabi niya, hindi nga maikakaila na siya si Yunna, ang elite vampire na siyang naglilingkod kay Kei noon. Pero kakaiba ang dugong naaamoy ko mula sa kanya at maaaring iyon ang dahilan kung bakit nga ba siya naglilingkod ngayon kay Ara. Is she being controlled by that witch? Just like what Ara did to my daughter, Hei? Is she under Ara’s control and that is the reason why she is now facing me as if she wants to kill me? But she can’t say anything because she will face a consequence that will surely be worse than hell? “Then, I won’t ask anything about you and Kei,” sabi ko. “O ang dahilan kung bakit ka nga ba ngayon nagtatrabaho kay Ara. What I will ask now is ``what do you really want for me?” “I need your blood,” walang pagdadalawang-isip niyang sabi. “And you will do anything to get that?” Tumango siya. “Your blood is a very important factor to the experiments that we are conducting right now. So I will really do everything in my power to get it.” Napangisi ako. “At sa tingin mo ay magiging madali iyon?” “I know your capability, Heydrich,” aniya. “And I know that I can’t harm you even though I do everything I can. But…” Kumunot ang noo ko. “But?” “You might not accept it but you really care for that woman,” aniya. At sa pagkakataong ito, siya naman ang ngumisi. “And you will surely do everything you can to make sure of her safety.” “At sino ang tinutukoy mo?” “Huwag mo nang tangkain pang bilugin ang ulo ko, Hope,” sabi niya. “I know that Greeny Shaw is the reincarnation of Tamara Holland, the monarch vampire who became part of your squad and your best friend.” “So?” Nawala ang ngisi niya sa naging tugon ko. “If you really know me, you should know that I am more thinking of my own responsibility rather than the safety of one person,” sabi ko. “At kung alam niyo pala ang tungkol kay Greeny, then you should also know that she is part of Shiann Clan. Ang angkan na siyang dahilan kung bakit namatay si Kei sa sariling kamay ng anak kong si Hei.” Ikinuyom ko ang mga kamao ko. “Kaya sa tingin mo ba makakayanan kong harapin ang babaeng iyon matapos ang lahat ng nangyari sa lalaking mahal ko?” For the first time since I saw her last night, she finally showed a little bit of emotion in her eyes. And it was only sadness. “Yes, I love Tamara and I do really want to be friends with her if every I had a chance to meet her reincarnation,” walang pagdadalawang-isip kong sabi sa kanya. “But I love Kei more than anyone. That’s why I can’t just forgive those people who are involved for all the sufferings that Kei and Hei experienced before while I was not with them.” Mabilis siyang umatras nang magsimula akong maglakad palapit sa kanya. “H-Hope…” “I don’t have any idea why you suddenly start serving Ara and to be honest, I don’t really care.” Malamig akong tumingin sa kanya habang patuloy sa paglalakad palapit sa kanya. “I was actually planning on letting you go because you are Kei’s loyal servant but you threaten the safety of your own kind. I am sorry but I think I need to kill you right now before you endanger more vampires in the future.” Akma siyang tatakas nang makita niyang masyado na akong malapit sa kanya ngunit mabilis kong nahawakan ang kanyang kamay at agad siyang binalibag pabalik sa bahay ni Zedd. At dahil nananatiling bukas ang pintuan nito ay dumeretso siya sa loob nito at tumama ang kanyang likuran sa pader ng sala nito. Mabilis naman akong tumakbo papasok doon bago pa siya makatayo at tinapakan ang kanyang dibdib. “H-Hope…” mahina niyang daing. “P-please…” “Alam mong hindi mo ako makukuha sa pagmamakaawa mo, Yuuna.” Mas lalo kong diniinan ang pagkakatapak sa kanyang tiyan kaya nagsimula na siyang dumaing ng malakas. Ni hindi na nga siya makapagsalita dahil nagsisimula na din siyang mahirapan na huminga. “At dahil isa ka sa mga naging loyal kay Kei, I won’t let you suffer anymore.” Unti-unti kong pinahaba at pinatulis ang aking kuko pagkuwa’y dinilaan ito tsaka itinutok sa kanyang leeg. “You know that I can kill any kind of vampire, right? That is the venom that resides inside my body that nobody can counter. So you better pray because I will now kill you.” Akma ko na siyang sasaksakin sa kanyang leeg gamit ang kuko kong mayroong lason mula sa aking laway ngunit agad akong napatigil nang marinig ang malakas na boses ni Hei. “Mom! Don’t kill her!” sigaw niya habang nakatayo sa pintuan ng bahay ni Zedd. “Please, you don't have to kill her.” “She is threatening another vampire that sided with me, Hei,” sabi ko. “Sa tingin mo ba ay hahayaan kong mabuhay ang tulad niya na posibleng manakit ng kapwa bampira natin?” “But she is doing it out of her own will,” paliwanag niya na ikinakunot ng aking noo. “She was being controlled by Ara!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD