Chapter 65

1391 Words
Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov   Tingin ko ay wala na akong ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang kapalaran ko. Dahil tulad ng sinabi ni Hariya ay kailangan ko munang magsakripisyo para lamang makamit ko kung ano ang pinakainaasam ko.   At naisip ko.   Kahit naman kasi payapa na ang buong Valier, hanggang nakikita at nararamdaman ng mga Shiann ang presensya ko ay hindi sila titigil para guluhin ang buhay ko.   Lagi silang gagawa ng mga bagay na alam nilang ikalalayo ko dito kaya hindi ko din talaga makakamit ang buhay na gusto ko.   Pero bago ko pagtuunan ng pansin ang lahat ng iyon ay kailangan ko munang alamin ang paraan kung paano kami makakabalik ni Wayne sa sarili naming panahon.   Halos isang linggo na din kasi ang nakakaraan mula nang dumating kami sa panahong ito at isang linggo na din kaming nananatili sa loob ng kweba kasama sina Kreyo at Hariya.   Ang plano namin ay hintayin ang pagdating dito ni Orlean dahil siya lang ang makakapagsabi kung nasa maayos na kalagayan na ang kanilang baryo. Gustuhin man naming pumuslit doon ay hindi maaari dahil ang huling bilin sa akin ni Orlean ay huwag na huwag babalik sa baryo at iiwan ang kanyang anak kahit na anong mangyari.   Sinabi niyang siya mismo ang pupunta sa amin kapag maayos na ang lagay ng baryo pero nagsisimula na akong kabahan.   Nakabawi na ng lakas si Hariya mula sa kanyang panganganak kaya naman nagagawa na niyang tumayo sa kanyang higaan.   Kaya nagtutulong na sila ni Kreyo sa pag-aalaga sa kanilang anak.   “Hindi na maganda ang nararamdaman ko ngayon sa sitwasyon,” mahina kong sabi habang nakatitig sa labas ng kweba. “I think we should check the village.”   “You can’t!” mabilis na sabi ni Kreyo na ikinalingon ko sa kanila. “You have a disturbing presence.”   Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “What do you mean?”   “We know that you are not from this era and you have an incredible mana around your body so being you around is easy for a vampire like us to feel it. And we tend to be alert about this.”   “Ibig sabihin ay malalaman ng mga bampira kapag nasa paligid ako?”   Tumango siya. “Actually, this whole cave is concealing your presence so you will be fine as long as you stay inside. But if you try to leave this place, they will immediately feel your presence and will surely come after you. So don’t go out.”   Napakamot ako ng ulo.   Ibig palang sabihin nito ay hindi ako maaaring umalis dito.   “But what about Wayne?”   Bumaling naman siya sa kasama ko. Pinakatitigan ito ngunit ilang sandali ay umiling na siya. “Kakaiba din ang presensya na bumabalot sa kanya. Hindi man kasing lakas ng tulad ng sa iyo pero magiging alerto pa din ang mga bampira kapag naramdaman siya ng mga ito.”   “Mas makakabuti kung pareho kayong mananatili dito,” sabi ni Hariya. “Makakalabas lamang kayo sa kwebang ito kapag tuluyan nang nilisan ng mga bampira ang area na ito.”   “Pero walang mangyayari sa atin kung mananatili lang tayo dito,” sabi ko. “Kailangan nating malaman kung ano na ang sitwasyon sa labas, lalo na sa village. Hindi na kasi talaga ako mapakali dito.”   Natahimik sila at nagkatinginan pagkuwa’y bumuntong hininga.   “Ako na lang ang lalabas,” sabi ni Kreyo pagkuwa’y ibinigay kay Hariya ang kanilang anak tsaka tumayo.   Tinaasan ko siya ng kilay. “Lalabas ka ng mataas pa ang araw?”   Natigilan siya na ikinataka ko.   “Wait…” Tumayo ako at lumapit sa kanya. “You can stand outside even though it is day time, right? You were the first one in your race to have that kind of ability.”   Bumuntong hininga siya. “Yes.”   “H-how?”   Umiling siya. “To be honest, I don’t really know anything about this. Even my parents can't answer this mysterious question. Pareho silang high rank vampire na walang kakayahang damhin ang sikat ng araw.”   I don’t understand. Hindi kaya may kinalaman din ang mga seirei tungkol sa bagay na ito? Sila lang naman ang may kakayahan na magbigay ng kapangyarihan sa mga tulad namin.   “Anyway, mamaya na tayo mag-usap,” aniya. “Aalamin ko muna kung ano ang sitwasyon sa baryo.”   Hindi na niya kami hinintay pang makasagot at agad na siyang tumakbo palabas ng kweba.   “Sorry about that,” sabi ni Hariya. Inilapag niya ang kanyang anak tsaka bumaling sa amin. “Hindi talaga gusto ni Kreyo na pinag-uusapan ang bagay na iyan tungkol sa kanya.”   “Dahil nag-iisa siya sa lahi niya na may ganoong kakayahan?”   Tumango siya. “At alam mo naman kapag ang isang nilalang ay kakaiba, it is either ituring silang espesyal kung saan hinahangaan, sinasamba at pinoprotektahan ng mga nakapaligid sa kanya o kaya naman ay isang weirdo na tinutukso, pinagtutulungan at binu-bully ng mga hindi nakakatanggap ng kanyang pagiging kakaiba.”   “And he was being bullied,” sabi ko.   “Yeah,” sagot niya. “Kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon.”   “If that is the case, can you tell me how the two of you met?” tanong ni Wayne. “I am quite curious about the story about you.”   “Well, I was actually gathering some medicine herbs when I suddenly met him,” aniya. “Dito mismo sa kwebang ito.”   “You know for sure that he is a vampire, right?”   Tumango siya. “Aba’y oo naman.” Bahagya pa siyang natawa. “Kasi naman, noong una kaming magkita ay puno pa ng dugo ang kanyang mga kamay at bibig.”   “At hindi ka man lang natakot?”   “Syempre, natakot ako,” mabilis niyang sagot. “Kinatatakutan naman talaga ang mga tulad nila, lalo na dito sa lugar namin. Kaya akma akong tatakbo palayo pero mabilis niya akong nahawakan.”   “Wait,” pigil ko. “Alam ko na ang kasunod nito.”   Kumunot ang noo niya. “What is it?”   “Lalo kang natakot at pumikit kasi akala mo ay kakagatin ka niya pero hindi iyon ang ginawa niya.” Itinuro ko pa siya. “Right?”   “Oh.” Ngumiti siya at tumangu-tango. “How did you know that?”   “It was a common story,” sabi ko. “Madalas ko iyong mabasa sa mga novel books na nakikita ko sa library namin.”   “Well, I won’t deny that,” aniya. “And you want to know what he actually did back then, instead of biting and sucking my blood?”   “He kissed you,” sagot ni Wayne na ikinalaki ng mga mata ko.   “What?” Bumaling pa ako kay Hariya na tumangu-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Wayne. “He really kissed you? The very first day na nagkita kayo?”   “I read one of the stories about a certain person in the Sierra clan,” sabi ni Wayne. “They can control their thirst from blood if they kiss someone. It is like they are using their lust to overpowered their thirst.”   Napahawak ako sa aking bibig. “Oh my!” Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Hariya. “And it was not an ordinary kiss, right?”   “It was actually a french kiss,” nahihiya pang sabi ni Hariya.   Sa totoo lang ay gusto kong kurutin ang singit ng babaeng ito. May pahiya-hiya pang nalalaman gayong nagpahalik naman pala siya sa isang lalaking kakakilala lang niya.   Though, I can understand that she couldn't control the situation back then. Posibleng iniisip niya noon na mas mabuti na iyon kaysa patayin siya nito.   Pero kung pagbabasehan ko ang reaksyon niya ngayon ay masasabi kong nagustuhan din niya ang halik na iyon.   Kaya imbes na pag-aalala ang ipakita ko sa kanya ay isang walang buhay na tingin na lang ang binigay ko sa kanya kaya napasimangot siya.   “Hey,” sita niya sa akin. “Don’t be like that, okay?”   Napailing nalanga ko at tumango. “Fine.”   Alam kong may pagka-weird talaga ang pamilya ko pero hindi ko naman inaasahan na ganito ang takbo ng utak ng pinagmulan ng angkan namin.   Hay nako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD