Later that day... Bontoc Mt Province "Sendong, may tao buksan mo gate," saad ni Aling Vinang nang narinig ang busina ng sasakyan sa labas ng gate. "Saglit lang, Vinang---" Kaso hindi na natapos ni Mang Sendong ang pananalita dahil kulang na nga lang ay mabulabog ang mga kapit-bahay sa busina ng nasa labas. Hindi lamang iyon, marahil ay hindi na makapaghintay kaya't sumigaw naman ito. "Lola! Lolo! Paki-buksan naman ang gate. Ako po ito, ang guwapong apo ninyo!" sigaw ni Jameston. Aba'y nais pa yata niyang pagsisihan ang panunurpresa dahil walang nagbubukas ng gate! Sa katunayan ay hindi man nila kadugo ang mga ito. Ngunit dahil sila ang nagpalaki at nag-aruga sa mahal niyang ina ay itinuring na rin nilang tunay na kapamilya. Masuwerte nga silang magkakapatid dahil instantly ay mayroon